webnovel

Ang grandmaster ng mga beast tamers

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng babala ni Sun Bai Cao kay Si Ye Han na mamamatay pagkatapos ng anim ng buwan, pasikretong nag-utos si old madam ng mga taong maghahanap ng mga sikat na doktor para kay Si Ye Han.

May kakaunti pa rin siyang pag-asa kahit na imposible nang makahanap ng mas magaling na doktor kaysa kay Sun Bai Cao.

Sa maliit na hardin, sa lumang residensya ng Si family.

Nagulat si Mo Xuan. "Bakit bigla ka naging seryoso? Hindi ba sabi mo na kayang pahimbingin ng babaeng iyon ang tulog ni 9th master?"

"Hindi sapat na mapapabagal niya ang pagpapalala ng sakit ni master kahit pa mas epektibo ang presenya kaysa sa tulong na binibigay mo! At matagal bago siya gumaling. Kung iisipin mo ang hindi wastong oras ni master at ang iregular niyang pagta-trabaho, tapos magpapahinga siya ng kaunting oras at magta-trabaho na naman siya ay hindi makakatulong sa kanyang sakit, kaya anong matutulong ng babaeng iyon?"

Nag buntong hininga si Xu Yi at patuloy siyang nagsalita, "Wala na ngang tao na kayang hipnotisahin si master - mas kailangan niya ng isang tao na kayang kontrolin ang bawat galaw niya!"

Natawa si Mo Xuan sa sinabi niya. "Kontrolin si 9th master? Malamang ang taong iyon ay ang pinakamaster na nagpapa-amo ng mga halimaw ha?"

Xu Yi: "..." Ano ang sinasabi niyang nagpapa-amo ng mga halimaw?

Habang nag-uusap si Xu Yi at Mo Xuan sa may bakuran, napansin nila na may dalawang taong naglalakad sa pagitan ng mga damuhan.

Nakita nila si Ye Wan Wan na may hawak na puting mga bagay at naglalakad siya sa harap, habang ang mga katulong ay may hawak rin nga mga bagay na iyon. Mukhang mga kumot ang hawak nila at may mga bodyguards rin na may dalang deck chair at stool.

Isang linya ng mga tao ang dakilang naglalakad patungo sa hardin.

Si Si Ye Han ay nakasuot ng kaswal na kulay grey na linen attire. Komporme siyang naglalakad sa likod ng linya.

Dinala ni Ye Wan Wan ang mga tao sa isang makulimlim na lugar at ang unang niyang ginawa ay sabihan si Si Ye Han: "Maghintay ka muna dito."

Pagkatapos 'non, tinuro niya ang damuhan na binabalot ng Adonis flowers at inutusan niya ang mga bodyguards: "Pakilagay doon ang deck chair tapos itabi niyo sa deck chair ang stool."

Nilinyahan niya ang deck chair ng malambot at komportableng mattress. Pagkatapos mailagay iyon ng maayos, nilagay ni Ye Wan Wan ang unan sa kanyang kamay at patuloy niyang inutusan ang dalawang katulong: "Amin na ang mga kumot!"

"Opo, Miss Ye." Sumunod ang munting katulong at dinala niya ng maayos ang kumot.

Pinatong ni Ye Wan Wan ang unan sa taas. Inunat niya ang kanyang kamay at inahos ang kanyang mga unan, lumingon siya at tiningnan niya si Si Ye Han na nakatayo sa arawan. "Anong tinatayo-tayo mo diyan? Halika dito!"

Tumaas ang kilay ni Si Ye Han at naglakad siya papunta kay Ye Wan Wan.

"Umupo ka dito." Hinaplos ni Ye Wan Wan ang upuan.

Umupo si Si Ye Han sa may upuan na hinawakan ni Ye Wan Wan.

Makikitang natutuwa si Ye Wan Wan kaya sinabi niya, "Tama yan, tapos higa ka."

Humiga naman si Si Ye Han.

Malapad at mahaba ang deck chair kaya hindi ito bitin sa mahabang biyas ni Si Ye Han.

Pagkatapos humiga ng maayos ni Si Ye Han, binalot ni Ye Wan Wan ng kumot ang katawan ng lalaki at bigla siyang naglabas ng isang stopwatch. "Makakatulog ka bigla, simula ngayon. Ready, go."

Humarap si Si Ye Han kay Ye Wan Wan at sinabi. "Nakatulog na ako kagabi."

Nandilim ang mukha ni Ye Wan Wan. "Hindi ako tanga; nagkukunwari kang tulog nang halos dalawang oras kagabi at hindi ko alam kung ano bang pinag-iisip mo. Kailangan mong bumawi sa tulog mo ngayon! Ako pa naman ang namili ng pwestong ito para makatulog ka ng mahimbing at maging maayos ang mood mo pagka-gising!"

Walang ipinakitang pag-sang ayon o hindi si Si Ye Han sa sinabi ni Ye Wan Wan pero tiningnan niya ang stool na nasa tabi ng deck chair.

Sinundan ni Ye Wan Wan ang tinitingnan ni Si Ye Han at nakita niyang nakatingin ang lalaki sa stool, bigla niyang tiningnan si Si Ye Han na parang mabagsik na tigre. "Anong tinitingnan mo? Uupo ako diyan para obserbahan ko ang bawat kilos mo!"

Tumalbog ang pwet niya sa at umupo siya sa stool. "Ipikit mo ang mata mo at matulog ka na!"

Ngunit sa oras na iyon, hindi ipinikit ni Si Ye Han ang kanyang mata. Kundi, tinitigan niyang maigi si Ye Wan Wan ng ilang segundo.