webnovel

Chapter 10

If You're Real by IamMrIos

Babala: Maaaring naglalaman ng maseselang tema at salita na hindi angkop sa ilang mga bata.

********************************

"TIKTILAOOOOOOKKKKKKK!!!!!!!!!!"

Sigaw ng tandang na alaga ni Don Sicario. Mahilig kasi syang mag-alaga ng tandang at ipangsabong. Buti na lang hindi ganito si Papa. Halos ituring na kasi ng ilang mga mananabong ang kanilang manok na bilang sarili nilang anak. Mas matindi pa nga sa isang anak. Tilaok ang manok ang nakakasawang palaging simula ng isang kwento. Kung hindi tilaok ng manok, alarm o nanay na mahilig mnggising.

"TIKTILAOOOOKKKKKK!!!!!!"

Isa pang tilaok ng mga manok na to, gagawin ko tong tinola! Pakialam ko kung sino ang mga may-ari, nakakabwisit ang mga tilaok nila.

Nandidito ako ngayon sa kusina habang hinahalo ang niluluto kong arrozcaldo o lugaw. Maganda kasing pinaghahandaan ang maysakit ng lugaw bilang pampainit ng tiyan. Pag may sakit kasi ako, ako na mismo ang nagluluto para sa sarili ko. Hindi ko naman maasahan si Mama pagdating dito. Sinearch ko na nga lang sa internet kung paano magluto nito e. Pinagtimpla ko naman sina Don Simon at Mateo ng kape. Humingi naman ako ng gatas mula sa alagang baka ni Mang Obet para kay Melvin.

Gwapo naman si Melvin at matangos ang ilong. Manang-mana kay Don Simon. Pinabatang version sya ni Mateo. Sino kayang maswerteng dalaga ang mapapangasawa ni Melvin? Hindi ko pa kasi alam kung anong characteristics nya dahil ngayon ko palang sya nakasama. Nagpunta ako sa mesa at naabutan kong nagbabasa ng dyaryo si Don Simon. Inabot ko sa kanya ang kapeng ginawa ko at malugod nyang tinanggap. Saktong pagdating ni Melvin ay inabot ko sa kanya ang gatas na ininit ko. Buti naman at nasarapan sya. Hinanap ng mga mata ko si Mateo. Nasaan kaya sya? Baka lumamig na tong kape na ginawa ko. Malamig pa naman at kita ko pa ang mga hamog na bumabalot sa labas kaya madaling lumamig ang tubig. Naalala ko tuloy nung first time kong naligo dito.

"Pabigay na lang po nito kay Ginoong Mateo kung dumating po sya." pakiusap ko kay Don Simon. Tumango naman sya at nagpunta ako sa niluluto ko. Tinanggal ko sa lutuan ang kaldero na pinaglulutuan ko ng lugaw. Nahihirapan lang ako sa lutuan dito dahil tatlong batong malaki na nakapatong sa mukhang deck ng kusina na maliit na version ng Stonehenge. Sa gitna ng talong batong yun nilalagay ang uling o kahoy saka papaliyabin at ipapatong sa tatlong bato ang paglulutuan gaya ng kaldero, kaserola at kawali. Kumuha ako ng lugaw at nilagay sa maliit na mangkok saka pumunta sa kwarto ni Donya Rosario. Naabutan ko syang nakapikit at nakahiga pa rin.

"Tama na!!!!!" bulong nya habang pilit na pinoprotektahan ang sarili. Mukhang binabangongot sya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pilit na ginigising. Baka mamatay sya sa bangungot! Matapos ang ilang beses na panggigising ay nagising naman sya. Niyakap ko sya para naman kumalma sya sabay dahan-dahang hinawakan ang likod nya. "Ayos na po, ligtas na po kayo." bulong ko sa kanya. Napakalma ko naman sya kahit papaano.

Pagkatapos ko syang pakalmahin ay sinubuan ko naman sya ng lugaw. Buti na lang at hindi sya mapilit kaya madali ding naubos ang lugaw. "Ikaw ba nagluto nito,hija?" tanong nya sa akin. Binigyan ko sya ng ngiti bilang sagot. "Mukhang magiging maswerte sa iyo ang iyong magiging asawa. Kay sarap mong magluto!" puri nya. Kung alam nya lang, aasawahin ko talaga anak nya. Balak ko sanang sabihan sya ng, Tita, yung anak nyo, exchange po tayo. "May napupusuan ka na ba, binibini?" tanong nya sabay ngiti sakin. Nakakaconfuse yung ngiti nya. Natawa na lang ako nang makita ko ang mga ngiti nya.

"Sa palagay ko ay magaling na po kayo." biro ko. Nagagawa na nya kasing magtanong ng ganun. "Ikaw talaga hija, may nagpapatibok na ba ng iyong puso?" tanong nya. Hindi ko alam na uso pala dito ang pang eechos. Napatingin lamang ako sa aking likuran nang marinig kong may bumukas ng pinto at nakita kong sumilip si Mateo.

"¿Cómo estás, Mamá? (How are you, Mother?) "tanong ni Mateo. " Bien, gracias! (I'm fine, thanks)" sagot naman ni Donya Rosario at umalis naman si Mateo. Binalik ko ang tingin ko kay Donya Rosario at tumambad sa akin ang mukhang maissue. Binigyan ko sya ng why-look. "Napansin kong tila may pagtingin ka sa aking hijo." tanong nya sakin.

" Ako po? Wala, naku! Wala po. Ilang araw pa lamang po kaming nakakakilala, may gusto agad? Ambilis naman!" sagot ko. Ayokong makisawsaw sa love story nila dito ni Cecilia. Magmukha pa akong third party. Hindi naman ako biskwit na may pasobra kasi hindi naman espesyal.

"¿Estas soltera? (Are you single?)" tanong pa nya. Manonosebleed yata ako sa kaka-spanish nila dito. Napahindi na lang ako. Aba! Malay ko ba kung anong mga sinasabi niya. "May kasintahan ka na?"gulat na gulat nyang tanong. Agad akong napasabi ng wala. Malay ko bang tinatanong nya ko kung may jowa na ko.

"Binata pa ang aking panganay at nais ng kanyang ama na magsundalo dahil nais ng kanyang ama na may maipagmalaki sya sa kanyang mga kaibigan. Balang araw ay siya na rin ang magpapatuloy ng aming malawak na taniman ng palay. Subalit, tinanong ko ang kanyang ama kung paano nya pagsasabayin ang pagsusundalo at ang pamamahala ng taniman at ang sagot lamang nya ay kung gusto may paraan." nakatingin lang ako sa kanya at matiyaga syang pinakinggan. "Lingid po ba sa kaalaman ninyo na ayaw nyang magsundalo?" tanong ko sa kanya. Nagulat sya nang marinig nya iyon mula sakin. Bakit? Hindi ba nya alam?

"Saan mo naman iyan nalaman? Sinabi nya ba sa iyo iyan?" sunod-sunod nyang tanong sa akin. Oo nga pala, sariling POV ni Mateo ang nabasa ko. Never nya nga palang binanggit sa magulang nya o sa iba ang tungkol doon. "Imposibleng hindi nya gustong magsundalo dahil, tuwang-tuwa nga sya nang sabihin iyon ng kanyang ama." dagdag pa niya.

Habang kinakausap nya ako ay napansin kong pinipilit nyang itago mula sa akin ang mga pasa at sugat nya sa kanyang braso. Napansin ko din ang maliit na sugat sa dulo ng kanyang labi. Binalot nya ito ng pampapula sa labi. Katumbas ito ng lipstick sa modernong panahon at sa tunay na mundo. "Magpapahinga na muna ako,hija."sabi nya sa akin sabay ngiti. Tumayo ako at inilapag ang hawak kong mangkok sa mesa para balutan sya ng kumot.

Iniwan ko muna sya saglit para kumain, nagugutom na kasi ako. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko sila Don Simon, Mateo at Melvin na nakaupo sa mesa. "Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila. "Hindi pa, binibini." sagot naman ni Mateo. Anong silbi ng mga kasambahay? Tsaka bakit hindi nila utusan ang mga kasambahay o di kaya, sila na lang maghanda para sa sarili nila. Tingnan lang nila ako at parang nagmamakaawa. Hayp! Sige na nga!

Nagpunta ako sa lutuan at nakita kong may toyo at suka naman. Tiningnan ko ang palayok at may laman yung manok. Alam ko na ang lulutuin ko! Kainis kasing mag-aama to! Sinimulan ko nang maghiwa ng sibuyas at bawang habang nagpapainit ng kawali. Pinakiramdaman ko ang kawali kung mainit na sa pamamagitan ng paghawi ng kamay ko sa ibabaw ng kawali. Ramdam ko kasi kung nag-iinit na ang kawali sa through this way. Bigla namang dumating ang main character nito. Mang-aabala na naman yata ito. Lumapit siya sa akin at tumingin lang sa aking ginagawa.

"Binibining Catalina, paano ba magluto ng adobong manok?" tanong niya sa akin. Buti na lang at easy-ing easy lang sakin ng pagluluto ng adobo. Marunong ako kasi nanood ako ng tutorial sa YouTube. Lahat naman ng sinesearch at pinapanood ko, mahahalaga. Pero palaging sinasabi ni Mama na puro daw landi ang ginagawa ko. Hayysss... "Ganito, una, ihanda mo ang toyo, suka, manok, tubig, paminta, dahon ng laurel, sibuyas at bawang, o di ba ang dami? Sing dami ng pinalit niya s iyo. " pagpaparinig ko sa kanya. Hindi pa naman uso sa mundong ito ang term na hugot. Natawa naman siya n ikinainis ko. Buti na lang at nakakapagtimpi ako. Ayoko kasi ng mga ngiti niya, baka magrequest ako kay Mr. Ios na dito na lang.

Agad kong kinuha ang bawang. "Pagkatapos ay durugin mo ang bawang gaya nito." at pinitpit ko ng bonggang bongga. "Gaya ng pagdurog niya sa puso mo. " wala pa ring pinagbago sa reaksyon nya. Nakangiti pa rin. Parang tanga.

Kinuha ko naman ang ibang sangkap. Ginisa ko ang bawang at sibuyas. Sinunod ko naman ang manok tsaka ko tinimplahan. "Tapos, haluhaluin mo ito, nang sabay-sabay. Oo sabay-sabay, gaya ng ginagawa niya syo. Pinagsabay niya kayong dalawa. "

"Sino ba ang iyong tinutukoy, binibining Catalina?" natatawa niyang tanong sa akin. Tss. Tanga ba siya o nagpapanggap lang na hindi alam? Siyempre ang partner niya dito. Sino pa ba? Ang bruhang si Cecilia. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya bagkus,

"Sunod naman ay Ilagay mo na ang tuyo at suka. Pagtatansiya lamang ang susi para malamang tama lang ang timpla. Pagkuluan mo para uminit. Oo, pakukuluan mo nga. Baka kasi nanlalamig na siya sayo o dumating ang pagkakataon na manlalamog na siya sayo." hugot ko pa. Tablan naman sana siya pero bigo na naman ako. Hindi ba siya tinatamaan? Ang manhid niya naman. Tss.

"At syempre, bantayan mo ang niluluto mong adobo. Kasi baka magsawa yan sayo at iiwan kang mag-isa." pasimple akong tumingin s kanya pero imbis na itsurang natamaan ay hitsura ng isang main character na natatawa sa babaeng kasama niya sa kusina. Hindi porket guwapo siya at asawa ko siya sa real world pwede na siyang maging ganyan sakin. Nasa fiction kami kung saan ginawa siya para lang sa babaeng ginawa ng author. Ano nga bang laban ko dun? Ako nasa real world tapos siya nasa fiction at anumang oras, makakabalik din ako sa aking mundo at iiwan ko siya.

••••

Inilatag ko sa mesa ang niluto ko. Inamoy nila ang mga pagkain bawat latag ko. Inihain ko ng niluto kong itlog, sangag at adobo.

"Hhhmmmmm.... sinangag!"sigaw ni Melvin pagkalatag ko ng sinangag.

"Hhhmmmmm....... binating itlog!" Sabi nya nang isunod ko naman ang piniritong ito.

" Hmmmmm... pritong manok!" pang-aasar nya at binigyan ko sya ng tumahimik-ka-dyan-look. Naubusan na kasi ng sabaw yung niluluto kong adobo. Parang inihaw na sya pero niluto sa kawali. Kainis! Kumuha si Don Simon ng kapirasong manok at tinikman. Habang kinakagat nya ay napayuko lang ako. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin nya. Kainis kasi e!

"Hmmm... masarap!"puri nya na parang nang-uuyam (sarcastic). "Masarap nga kahit na sunog!"asar ni Melvin. Kung makapang-asar tong si Melvin. Tss... Kung katayin kaya kita! Kainis to! "Ano bang nangyari?"tanong ni Don Simon. Nataranta naman ako sa kung anong isasagot ko. Napansin kong parang nataranta din si Mateo na noo'y nasa harap ko nakapwesto. "Magsimula na po tayong kumain." pagputol ni Mateo at sinimulang magsign of the cross. Gumaya na din kami sa kanya. Siya na rin ang naglead.

"Ama na Maylikha ng lahat, maramibg salamat po sa lahat....." nakatitig lamang ako sa kanya habang sya'y nagdarasal. Napasign of the cross na lang ako nang di ko namalayang tapos na pala syang magdasal. Nagpapahinga na si Donya Rosario sa kanyang kwarto kaya hindi na namin sya inabala pa. Itinuon ko ang sarili ko sa pagkain sa niluto ko. Masarap pala pag naubusan ng sabaw ang adobo. Wag nyo nang itanong kung anong nangyari. Naiinis lang ako kapag naaalala ko.

••••

Natapos na kaming kumain at umalis na si Melvin. May lakad pa kasi sya kaya kailangan na nyang umalis. Natutulog pa rin si Donya Rosario habang inasikaso naman ni Don Simon ang kanyang negosyo. Naupo lang ako dito sa salas at nakatunganga. Maaga pa naman pero hindi ko magawang lumabas dahil hindi ko naman alam ang buong lupalop ng San Jose. Hindi ko saulo ang mga daan dito. As usual, nakipagtitigan na naman ako sa kisame. Umuwi na kaya ako? Kaso wala naman akong ibang gagawin dun. Wala naman si Mr and Mrs Bleuniue. Anong gagawin ko? Kung nandito lang si Med, nagparescue na ako.

Nakatitig pa rin ako nyagon sa kisame at kaunti na lang at pwede na akong ituring na Tunganga GhOrl o Ate Mong Palaging Lutang. Nakita ko ang isang gitara na halatang hindi nagagamit. Puno ng alikabok ito kaya nilinisan ko muna sabay pinatugtog. Inayos ko muna ang tunog at saka pinatugtog. Hinipan ko muna ang gitara at talagang magabok. Sayang namn nitong gitara. Hindi man lang ginagamit. Ilang oras ang lumipas ay nagpahatid na ako kay Armando, isa sa mga kutsero ng mga Monteveros pauwi ng bahay.

••••

Naabutan kong may hawak na mga papeles si Mr Blythe na mukhang napakahalaga. Pinipirmahan nya kasi at binasa ng maigi. Dinaanan ko na lang sya at ayaw ko nang makaistorbo pa. "How long?"tanong ni Mr. Blythe na saktong nasa hagdan na ako para umakyat. "Ano pong ibig nyong sabihin?"tanong ko. Wala naman kasi akong kaide-ideya kung anong pinagsasabi nya. " Is it 5 inches? 6 inches? 7?8? Or 9 inches?" sagot nya na lalo pang nagpakunot ng noo ko. Ano bang pinagsasabi nito?

"Hindi ko po maintindihan ang inyong nais sabihin, Ginoong Blythe."

" Natulog ka daw sa bahay ng mga Monteveros. At kasama mo doon si Mateo kaya....."umakyat na agad ako at hindi ko na binalak pang tapusin ang pinagsasabi nya. Masarap pa naman sanang gumala ngayon. Napahiga lang ako at nakipagtungangaan sa kisame. Inisip ko ang mga bagay-bagay. Sana malaman ko kung bakit ba ako nandito. Para ba sa isang misyon gaya ng nasa mga nababasa ko? Anong misyon yun kung ganun nga?

Buti pa si Juliet may Romeo. Buti pa si Candice may Jeydon. Buti pa si Agatha may Cooper. Buti pa si Carmela may Juanito. Buti pa si Aemie may Ezekiel. Buti pa si Maxpein may Deib. Buti pa si Cecilia may Mateo, e ako? Para kanino naman kaya ako? Sana naman may kapares naman ako dito. Hindi naman pwede si Mr Blythe kasi pinsan ko siya. Issue na nga sa real world ang pagjojowa ng magpinsan, sa dito pa kaya.

••••

Nagising ako sa biglang pagtunog ng kampana ng simbahan. Kakaiba at parang ngayon ko lang narinig yun. Agad akong napabangon at hinanap ko ang mga kasambahay. Nakita ko ang ilang mga kasambahay na lumabas at parang natataranta. Anong nangyayari? Bakit ganun na lamang sila kung magpanic?

"Anong nangyayari?" tanong ko sa mga nagpapanic na mga kasambahay. Natanaw ko ang simbahan at sumabay ang kalangitan sa kung anong meron. Masyadong madilim ang kalangitan at nagsiliparan ang mga uwak. Magtatakip-silim (sunset) na at mukhang nagbabadya ang malakas na ulan.

Tumunog muli ang kampana at nagsimula na akong kutuban sa mga nangyayari. "Anong ibig sabihin ng ganyang tunog?"tanong ko sa mga kasambahay na noo'y napapahawak na sa kani-kanilang dibdib. Lumabas naman bigla si Mr. Blythe at kapwa kami nagtataka. "What's going on?"tanong nya. "Ang ibig kong sabihin ay anong nangyayari?"

Hindi ko mapigilang mabalisa at mataranta sa nangyayari. Napahawak na lang ako sa aking dibdib at ramdam ko kung gaano kabilis na tumitibok ang puso ko kasabay ng pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. Napansin kong may maliit na itim na petal ang dahan-dahang nagpapalutang sa kawalan. Itinaas ko ang kamay ko at hinayaan kong lumapag ito sa aking palad. "B-binibini..." Napalingon ako sa mga kasambahay habang patuloy parin sa pagtunog ang kampana ng simbahan ng San Jose. "Bakit?"

"A-anggg... I-ibig sabihin po n-niyan ay..." Hindi na nga ako mapalagay, may pabitin pa itong kasambahay. Ayaw pang sabihin ng diretso. Gusto palagi may pathrill. "It means death."napalingon naman ako kay Mr. Blythe nang sabihin nya iyon. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko at lahat yata ng balahibo ko ay nagsitayuan.

D-death?

Kamatayan?

P-pero bakit???

Tsaka.....

S-sino???

—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•

Dear Diary,

May kakaibang tunog ang bilang nagbigay sa akin ng kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sino yung namatay? Bakit sya namatay?

Labis na natataranta,

Catalina

**********************************

—•••—

"Everything we hear is an opinion, not a fact. Everything we see is a perspective, not the truth. "

—Mr. Ios

—•••—

Note: Ang mga magpartner na nabanggit ay mula sa iba't-ibang sikat na kwento sa Wattpad. Credits to the rightful owner o sa mga author na may likha sa kanila. Wala akong ibang intensyon at anumang balak tungkol dito. Huwag bigyan ng ibang kahulugan at pagsimulan ng gulo. Maraming salamat!

themrioscreators' thoughts