Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang pagtatangka sa buhay ni Liane. At ang pagkatuklas sa tunay na pagkatao ng bangkay na natagpuan sa may bukana ng kanilang lugar. Na walang iba kung `di ang nawawalang asawa ni mang Joseph. At dahil halos isang linggo na ang bangkay ay sinunog na lang iyon hanggang sa maging abo at inilagay sa isang jar, pagkatapos ay iniuwi ni mang Joseph.
Isang linggo na rin kaming naghahanap ng sagot tungkol sa dahilan ng paghina ng harang. Pero naubos na naming basahin ang lahat ng librong nasa library ng bahay namin, na maaaring may kinalaman sa harang ay wala pa rin kaming nahanap na sagot. Maging ang ilang libro sa library ng aming lugar, ay wala pa rin kaming nahanap.
At ngayon, kasalukuyan kaming nasa study room sa bahay. Dahil araw naman ng sabado, na siya ring day-off ko at maging ng mga kapatid ko. Upang muling pag-usapan ang tungkol sa harang.
"Bakit ba wala tayong mahanap na sagot! Ilang araw na tayong nahahanap," reklamo ni Chris. "Kung narito lang sana sina mommy at daddy, masasabi agad nila sa atin ang tungkol dito. Kung bakit kasi inilihim pa ni daddy Ian ang tungkol dito, eh!"
"Paano mo naman nasabing inilihim ni daddy ang tungkol sa kahinaan ng harang?" usisa ni Jake.
"S'yempre! kasama siya nang buohin ang harang. At lahat ng bagay ay may kahinaan."
"Baka ginawa niya iyon para hindi tayo mag-alala at mamuhay lang tayo na walang ibang inaalala," katwiran ni Jake.
"Pero nagmukha naman tayong walang alam! Tingnan mo, hindi tayo handa nang bigla na lang may sumulpot na taga-labas. Una si Liane, pagkatapos iyong lalaking ngayon lang nating nakita."
"Tigilan ninyo na nga iyang pagtatalo n'yo. Wala tayong makukuhang sagot sa pagbabangayan n'yong dalawa," saway ni Sam. Agad namang nanahimik ang dalawa pero patuloy pa rin ang pag-irap sa isa't isa habang nakahalukipkip.
"Tsk! Para kayong mga babae," sita ko rito habang pinupukol ng masamang tingin kaya napayuko na lang ang mga ito. "Ang mabuti pa, subukan na lang ulit nating tawagan sila mommy. Ngayong humina na ang harang baka sakaling makontak na natin sila. Dahil kahit gusto natin silang puntahan, hindi naman natin alam kung nasaang lupalop sila."
"Tama," sang-ayon ni Sam na agad inilabas ang cellphone mula sa bulsa ng suot na slacks at idinial ang number ng kanilang mommy. "Nag-ri-ring na," imporma nito sa amin. "Hello? Mom?"
"Hello? Sam?" Narinig naming sagot nang nasa kabilang linya dahil inilagay ni Sam sa speaker ang tawag. Bago inilapag sa ibabaw ng table.
"Mom!" Bulalas ni Chris.
"A-ano'ng nangyayari? Paano kayo nakatawag?" Hindi nakaligtas sa amin ang pagtataka sa tinig nito.
"Mom? Saka na namin ipapaliwanag. May kailangan kaming malaman!" Hindi ka napigilang isigaw.
"Alex!"
"Dad!"
"Paanong —"
"Dad, saka na iyan. Mas mahalaga itong kailangan naming sabihin. Dad, p'wede bang sabihin n'yo sa amin ang totoo. May kahinaan ba ang inilagay na harang?"
"Anong sinasabi mo?"
"Dad, please! Kailangan naming malaman bago pa mawala ang signal. Mayroon ba?"
"Mayroon…" Sagot nito. At halos sabay-sabay kaming napahigit ng marahas na paghinga.
"Dad! Bakit hindi n'yo agad sinabi? Eh, di sana nakapaghanda kami!" Sigaw ni Sam na napatayo pa.
"Ano'ng kahinaan ng harang?"
"…"
"Dad!" Natatarantang sigaw ko dahil sa pananahimik sa kabilang linya.
"Okay, sasabihin ko na. Kaya makinig kayong mabuti."
"Okay, dad."
"Sabihin n'yo, mayroon bang ibang nakapasok sa harang?"
"Meron," sagot ni Chris. "Si Liane."
"Bakit? ano'ng kinalaman niya rito." Hindi ko napigilang sabat. Dahil hindi ko napigilan ang makaramdam ng inis.
"Relax ka lang, Alexander." Matigas ang tinig na sabi ni daddy Ian. "Alam naman natin na ang maaari lamang maglabas-pasok sa sa harang ay ang mga nakatira sa lugar natin. At walang sinumang taga-labas ang magagawang makapasok. Pero ang hindi namin nasabi sa inyo ay ang nag-iisang nilalang na may kakayahang makapasok sa harang."
"Sino?"
"Ang nilalang na itinakda para sa inyo."
"What?" Naguguluhang tanong ni Jake. "Ibig mong sabihin si Laine ang naging kahinaan ng harang?" `Di makapaniwalang tanong nito.
"Gano'n na nga. At sa oras na humina ang harang ay magagawa ng makapasok ng mga kauri natin na may mababang antas ng kapangyarihan."
"Bakit n'yo itinatanong ang tungkol dito?"
"Dad, sinabi na namin. May nakapasok na sa harang. At si Liane iyon. At mayroon ding nakapasok na tagalabas na pumatay ng isang taga-rito." Narinig namin ang pagsinghap mula sa kabilang linya. Na nasisiguro kong galing kay mommy. "Mom, dad, nasaan ba kayo? P'wede bang bumalik na muna kayo? Marami pa kaming kailangang itanong at malaman."
"Patawarin n'yo ako..."
"Dad?"
"May isang bagay pa akong inilihim sa inyo."
"Ano `yon, dad?"
"Isang araw, hindi ko na maalala ang eksaktong araw. May natagpuang sulat na nakasabit sa arko. At kahit walang pangalang nakalagay, alam na alam ko kung sino ang nagpadala niyon."
"Ano'ng sinasabi mo, dad? Ano'ng nakalagay sa sulat?"
"Nakalahad doon na magbabalik siya sa takdang panahon upang kunin ang isang napakahalagang bagay para sa inyong magkakapatid. At gagamitin niya raw iyon para sa kanyang paghihiganti."
"Bagay?"
"O tao." Napatingin ako kay Sam ng sabihin iyon. "Si Liane..."
"Kaya ba pinagtangkaan siya dahil paghihiganting iyon? Ano naman ang kinalaman ni Liane sa lahat ng ito? Maliban sa siya ang itinakda para sa amin."
"Dahil sa isang propesiya."
"Propesiya?"
"Sabihin n'yo, nakumpleto n'yo na ba ang bond?"
"Hindi pa," sagot ni Jake. "Hindi natuloy dahil biglang nagkaroon ng... ng dalaw si Liane."
"Dalaw?" Nagtatakang tanong ni daddy.
"Huwag mo ng usisain!" Saway ni mommy na ikinatawa namin.
"Pero kailangan n'yo ng makumpleto ang bond dahil naniniwala siya sa propesiya. Na mabibigyan siya ng isang napakalakas at walang hanggang kapangyarihan sa oras na angkinin niya ang babae habang birhen pa ito. Sa ilalim ng sinag ng bilog na buwan."
"What? Ano `yon? Parang alay?"
"Oo."
"Paano n'yo nalaman ang tungkol diyan? Halos naubos na namin ang lahat ng libro, wala naman kaming nabasang tungkol sa propesiya!"
"Sa tingin ko ay matagal na niyang pinaghandaan ang lahat. At isa sa paghahandang ginawa niya ay ang pag-alis ng mga libro o impormasyong may kinalaman doon."
"Dad, umuwi na kayo..." singit ni Chris ng akmang muli akong magsasalita.
"Huwag kayong mag-alala uuwi na kami." narinig naming sabi ni mommy. Matapos magsalita ni mommy ay nakarinig kami ng mga kaluskos at static mula sa kabilang linya.
"Mom? Dad?"
"Ian! S---o —o"
"Mom!"
"Al—der!"
"Mom! Dad!" Sigaw ni Chris na napatayo na at halos isubsob na ang mukha sa phone. "Mukhang may hindi magandang nangyari sa kanila!"
"Bwisit! Ni hindi natin alam kung nasaan sila!" `Di ko napigilang sigaw ng tuluyan ng maputol ang tawag.
"Si Liane! Baka kung ano'ng mangyari sa kanya. Kailangan natin siyang puntahan," nag-aalalang sabi ni Jake na nauna ng tumayo at lumabas ng study room.
"Ang tigas kasi ng ulo. Sinabi na kasing huwag na pumasok."
"Ano ka ba, Alex. Hindi natin siya p'wedeng ikulong dito sa bahay. Lalo na at maiiwan din siyang mag-isa. Atleast doon sa trabaho marami siyang kasama at naroon ka rin."
"Oo na." Nasabi ko na lang habang nagmamadali kami palabas ng kwartong iyon. "Gamitin na natin iyong kotse ko. Sigurado namang nakarating na si Jake doon." Tahimik na napatango na lang sina Chris at Sam na nauna na sa aking lumabas ng bahay.