Pag-ibig? Pagmamahal?
Totoo pa nga ba?
Maniniwala pa ba?
Susubok pa ba?
Ang daming tanong diba
Kasi nga naman bakit ganun
Sa tuwing susubok tayo kalaban naman natin panahon
"Magmahal ka."
Ang sabi nila
Oo, madaling magmahal
Pero bakit parang walang nagtatagal?
Ganun ba ako kadaling iwan?
Ganun ba akong kadaling pagsawaan?
Ganun ba kong kadaling bitawan?
Ganun ba kong kadaling palitan?
Ang daming tanong diba
Simpleng salita pero kwekwestyunin mo ang yong halaga
Totoo pa nga ba?
Maniniwala ka pa ba?
Kung sa bawat pagsubok mo ay patuloy ka paring madadapa
Kung sa bawat pagpili mo ikaw lagi ang dehado
Na kanino ba kasi talaga ang susi netong puso kong nakakandado?
Oh Diyos ko tulungan mo naman ako.
Mali bang maging mabait
Mali bang maging maunawain
Kung ganun paumanhin
Di ko din kasi kayang baguhin
Siguro nga may mali din ako
Masyado kong binibigay lahat kahit alam kong maling tao
Masyado ko nagtitiis kahit sobrang nasasakatan na ko
Masyado ko nagtyatyaga kahit pinagtatabuyan na ko
Mali ko ba na kumapit sa mga pangako mo
Mali ko ba na nandito lang ako lagi kahit alam ko na iniwan mo na ko
Susubok pa ba?
Lahat naman deserve sumaya diba
Kaya oo susubok pa
Lalaban pa
Magmamahal pa
At sana
Sa susunod na aking makikilala
Sana tama na
Sana eto na
Sana ikaw na
Sana kumapit ka
Sana maniwala ka
Sana pagmagulo na lumaban ka
Kasi ako lahat gagawin ko para sayo
Kahit ikaubos ko
Handa akong masaktan ulit para sayo
Handa akong magtiis para sayo
Handa akong maghintay para sayo
Kasi ganto ko magmahal
Kahit gaano katagal
Kahit gaano kabagal
Basta stay ka lang mahal
Kasi mamahalin kita ng mas matagal
Mas mamahalin kita gaya ng pagmamahal ko sa maykapal
Mas mamahalin kita
Ikaw lang wala ng iba
-Anne Roxas❤
June 23, 2021