webnovel

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

May isang dakilang nilalang ang sumagip sa'kin sa tiyak na kamatayan!.. Marahil utang ko sa kanya ang lahat-lahat!.. Magmula sa paghihirap hanggang sa kaginhawaan na muli n'ya sa'king pinaranas... "HINDI KO ALAM at KUNG PAPAANO!!??", na ang dati ng patay ay muli pang nabuhay. Isang malaking palaisipan o sabihin man nati'y maging isang "MISYON" man na gumugulo sa magulo kong isipan. O, sadyang "MASAMANG DAMO LANG!". ITO ANG AKING KWENTO, LASAPIN N'YO. At tulungan n'yo akong hanapin iyon... [ANG DAKILANG LUMIGTAS SA AKIN SA TIYAK NA KAMATAYAN]

Axl_Carbonell · สมจริง
เรตติ้งไม่พอ
71 Chs

Balik Pilipinas!... Ang pakikipagsapalaran ko sa mundo ng mga halimaw!... Bitbit ang mga aral at karanasan na natutunan ko!

Lumapag ang eroplano sa Clark International Airport ng bandang mga 5:30 na ng hapon. Habang ito'y unti-unting bumababa ay nakadungaw ako sa bintana. Ang ganda ng view sa baba at wala itong katulad. Ang mga bundok, mga puno, mga bukirin. Ang mga kabahayan, mga inspraktaktura, mga kalsada, mga sasakyan na umaandar ay maaaninag mo din. Ang ganda ng aerial view, lahat ay may mga guhit na iba't ibang mga kulay na parang mga abstract painting lang. Ang mga ulap ay sintulad ng mga bulak.

Nakalapag na sa lupa ang malaking ibon, lumakad na'ku paloob ng airport. Pumila ako sa window ng immigration kung saan lalaki ang nakapwesto doon. Tinanong n'ya ako kung sa'kin ba lahat ng bitbit ko. Sumagot ako ng opo! Tinatakan n'ya ang passport ko ng arrival at nagpasalamat ako,ngumiti noon si Sir sa'kin. Naghanap muna ako ng c.r sa loob bago ako lumabas.

Sa paglabas ko, tinulungan ako ng isang barter ng airport na dalhin ang mga gamit ko sa napakaradang bus na byaheng Cubao.Abot tanaw lang ang bus, malapit lang ito. Binigyan ko s'ya noon ng isang kahang sigarilyo. Sumakay na din ako ng bus, nakausap ko ang driver at konduktor. Nakiusap ako sa kanila na kung pwede 'don mismo ako ibaba sa terminal ng byaheng Batangas sa parteng Kamuning. At sinabi sa'kin ng dalawa na susubukan namin ha dahil iba ang ruta namin, mismo kasi sa garahihan namin ng bus kayo lahat ibababa. Binigyan ko sila noon ng tig-isang kahang sigarilyo at ako'y umupo na. Medyo matagal din bago napuno ang bus. Naghahalo na ang dilim at liwanag ng umalis na ang bus. May ilang oras din ang binyahe namin bago ito nakarating ng Cubao. Hindi nila ako noon naihatid sa terminal.

Pumara nalang ako ng trycle at nagpahatid nalang ako sa Edsa Farmers, doon ay naghintay nalang ako ng dadaang bus galing sa mga terminal. Gabi na din noon, ang tagal kong naghintay ngunit walang dumaan na mga bus. Pagod na din ako noon sa byahe. Hindi na din ako noon nakakain ng hapuan dahil mas ginusto ko ng makauwi na. Lumipat ako ng pwesto, doon ako tumungo sa kanto ng P. Tuazon para magabang ulit ng bus na galing terminal sa Ali mall ngunit wala pa din dumadaan. Inabot na'ku ng ilang oras doon sa paghihintay hanggang sa makapagdesisyon na'ku ng pumunta na sa terminal sa Ali mall. Hindi ko na kayang maglakad noon dahil napatid na rin ang hilaan ng maleta ko dahil na rin sa sobrang bigat ng nito at pagod na rin. Eto yata ang kamalasan ng friday the 13th, hehehe.

Nagabang ako noon ng trycle na masasakyan papuntang terminal, may nakuha naman ako pero ang singil sa'kin ay 150 pesos. Sa ibang ruta daw s'ya dadaan dahil bawal silang tumawid ng Edsa sa P. Tuazon kaya pumayag na din ako. Sa kanto lang ng Ali mall ako binaba ng trycle, sinabi ko sa kanya noon na doon mo na ako ibaba sa terminal dahil marami lang akong dalang mabigat. Siraulo din ang nasakyan ko, malapit na nga sa terminal hindi pa ako ihatid doon. Pumayag na din s'ya noon ng may tao na nakatayo sa harap namin at nagsabing ihatid mo na 'yan kita mo naman na maraming dala ang tao. Inihatid n'ya rin ako.

Nang makarating ako sa Terminal, wala ng byaheng pa Batangas. Ang last trip umalis na daw. Naghanap ako noon ng bus na pwede kong sakyan at sa wakas nakakita ako ng byaheng Lucena Quezon. Sinabi ko nalang sa konduktor na ibaba nalang ako sa Turbina at doon na ako magaantay ng byaheng pa Batangas. Sa wakas nakasakay na din ako, hindi ko na din inintindi ang gutom ko.

Nakausap ko si Edna na susunduin daw nila ako ni pareng Alex gamit ang kanyang trycle. Sinabi ko noon na nasa Cubao palang ako at sa Turbina pa ang baba ko kaya baka hating gabi na o madaling araw pa ako makauwi. Sinabi ko din na kapag malapit na ako saka pa lang kayo pumunta.

Nakarating na ang bus sa Turbina, bumaba na ako 'non at sumakay pa ng isang bus na byaheng Batangas. Sakto naman na may mga bus pa na dumadaan 'don kaya hindi ako nahirapan sa pagsakay. Sila pala ay nasa Star Toll Way na para sunduin ako.Sinabi ko noon sa kanila na medyo matagal pa ang hihintayin n'yo. Nakarating ako sa babaan ng toll way ng mga bandang ala una o

lagpas pa. Nakita ko noon ang trycle ni pareng Alex na nakaparada sa tabi. Nakita ko na din sila ni Edna. Lumapit na'ku noon sa kanila, nakangiti silang dalawa ng makita ako. Niyakap ako noon ni Edna at si pareng Alex ay kinamayan ko at nangamusta sa kanya. Siguro halos alas dos na ng madaling araw kami nakauwi 'non. Sinabi ko kay pareng Alex na bukas nalang pare, puntahan n'yo ako sa'min.

Kinabukasan, nagkaroon kami ng munting salo-salo sa bahay. Binigay ko ang mga dala kong pasalubong sa kanilang lahat. Pinagbibigyan ko din sila pareng Alex, Barci, Ate Dona ng mga dala kong sigarilyo. May dala din ako noong dalawang bote ng wine na binigay ko sa papa Ave. Naginuman kami noon nila pareng Alex at ang mga tropa, kasama na din si ate Dona at tita Magot. Nanibago ako noon sa brandy, sa Macau kasi puro kami mga beer, at sa 'di inaasahang pagkakataon, nalasing agad ako. Nakapagkwento pa ako noon sa kanila ng mga nangyari sa'kin sa Macau at mga naging trabaho ko doon. Namiss daw nila akong kainuman at naging masaya ang gabing iyon. Ngunit hindi ako tumagal sa inuman, iniwan ko na sila noon ng maramdaman kong lasing na ako at hilo na. Nakakapanibago talaga sa isip-isip ko, parang humina ako noon sa paginom. Napansin din nila na malaki ang pinayat ko. Sinabi ko nalang sa kanila na puro lakad kasi doon at lagi akong kulang sa tulog kaya nangayayat talaga ako. Nagpaalam ako sa kanila na sandali lang pero dumeretso na akong kwarto. Naririnig ko pa noon ang mga kwentuhan nila hanggang sa makatulog nalang ako sa kama.

Maraming bagay ang hindi ko alam ng dumating ako sa Macau. Akala ko noong una ang pag-aabroad ay madali lang o madali kang magkakapera. Hindi lahat pala ng nag-aabroad ay sinuswerte at halos karamihan pa nga ay minamalas pa. Maraming bagay ang napulot ko doon, siguro naging hilaw pa ako noon o naging padalos-dalos lang ako. Pero hindi ko na iniisip 'yon, ang mahalaga, nabuksan ang kaalaman ko. Masuwerte ang iba doon na may mga blue card o mga working visa, at may mga magagandang trabaho at pagkita. Pati na din sa mga pinoy na naging residente na doon. Sa mga naging sawi naman o sinawing palad ay try and try lang until you succeed. Basta 'wag lang susuko at banda-banda d'yan kayo naman ang nasa ibabaw ng gulong ng buhay.

Ang pag-aabroad ay patibayan ng loob. Pagiging desidido at pursegido sa mga mithiin para sa pamilya at sa sarili. Pagiging masipag at pagiging madiskarte na din dahil wala ka doon aasahan na ibang tao kundi sarili mo lang. At lalong lalo na ang pagiging totoo sa sarili ay importanting importante. Lahat ng bagay sa abroad ay iba sa Pilipinas. Ang mga tao 'don o kapwa pinoy mo ay nagbabago ng isipan. May mga taong pwedeng tumulong sayo at meron din naman na pwedeng magpahamak sa'yo at iyong iba ay walang pakialam sa'yo, kaya tibayan mo lang. Higit sa lahat ang Diyos, lumapit ka sa kanya at humingi ng tulong, magdasal ka para sa sarili mo at sa mga ibang taong nakakasalamuha mo doon. Ang biyaya at mga tulong ng langit ay parang bagyo, bumubulusok kung saan-saan.

Nakita ko ang saya at lungkot sa lugar na iyon. Ang mga taong nakilala ko doon na may mga magagandang trabaho. At sa mga taong wala doon naging trabaho o karamihan sa kanila ay umaasa nalang sa mga mapagkakaperahan sa mga casino na kakarampot lang. At pati na din sa mga tago ng tago o T.N.T na laging may mga kaba sa dibdib, marami din akong nalaman sa inyo.

Kumusta na kayo ngayon? buhay pa ba kayo? 😊Marahil ang iba sa inyo ay naging succesful na sa buhay. Ang mga nakasama ko sa Plani Service Company. Sa mga nakasama ko sa pagga-gwardya. Sa mga nakasama ko sa pilahan ng Wynn. Sa mga nakasama ko sa bahay, kila pareng Randy, Marimar,Kuya Biong, Kuya Joseph, Ate Roda at sa anak n'yang si Jay-r at kay kuya Robert. Pati na din sa mga pansamantalang nakasama din namin sa bahay.Kay ate Taba, sino ng naghahatid ngayon sa mga tapao mo? O nand'yan ka pa rin ba sa Macau?.. O kayong lahat? Kay Friend kumusta ka na ngayon? Naibigay mo na ba dati ang manika na pasalubong mo para sa anak mo? Kay Ate na nakasama ko sa paglilipat ng bahay, marahil nahuli ka din at napauwi na, pati na din kay pareng tnt na pumipila dati sa Wynn. Kumusta na kayo ngayon? Kay Bigboy, kay Tatay, kay Garcia, kay Bay.. inuman na tayo. Sa mga nakasama ko sa mga born again. Kila ate Malou at sa pamilya n'ya at sa pamilya ng kanyang anak doon. Sa mga ibang nakilala ko pa diyan, pati na din sa mga ibang lahi na naging kakilala ko din at naging kaibigan. Kay Mam sa agency at Sir. Kay Portuguese dancer, malamang may asawa kana at pamilya ngayon. Nananatili pa din ang kagandahan mo sa isip ko.

Halos labing isang taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa din sa'kin ang lahat. Nga pala maraming-maraming salamat sa inyong lahat at nakilala ko kayo sa Macau. Sana isang araw o kung saan man, magkita-kita tayo.

Hinding hindi ko makakalimutan ang isa sa huling pagsasama namin ni Garcia sa pilahan. Sinabi ko sa kanya noon na, pare nga pala paguwi ko ng Pilipinas gagawa ako ng nobela o magsusulat ako ng mga kwento tungkol dito sa Macau. Sumagot s'ya noon na, "Isasama mo ako sa mga susulatin mo ha,'wag mong kalimutan ako!"... Oo pare makakaasa ka... At sana ngayon mabasa mo ito.