webnovel

Chapter 8

***

Naging maganda ang daloy ng umaga ko.

Dahil siguro nailabas ko lahat kay kuya ang iyak ko?

Minsan kasi kelangan natin ng isang tao na dadamay satin. Dahil kahit anong gawin natin pag iyak hindi natin mailalabas lahat ng hinanakit natin pag walang nakikinig o dumadamay sa atin.

Dahil kung mag isa kalang iiyak kulang paren dahil hindi mo mailalabas lahat. Kelangan mo paren ng karamay.

Parang kaliti lang kasi yan try mong kalitiin ang sarili mo. Diba? Hindi ka man lang nakiliti? Kaya kahit baliktarin man ang mundo kelangan natin ng isang tao na siyang gagawa ng hindi natin kaya.

Naging maayos na kami ni kuya.

Matapos kong himingi ng tawad ay ganun din ang ginawa niya sakin.

"Sorry kuya, sorry talaga." Hagulgol na iyak ko.

"Shhh, ok lang yan. Sorry din sa lahat." Pagpapatahan niya sakin.

Ng mahimasmasan ay kinausap ko siya, kelangan ko siyang kausapan sa lahat.

"K-kuya..natatakot po ako."

Tinawanan lang niya ko.

Kaya sa inis ko ay hinanap ko ang utong niya at kinurot ito.

"Fuck, what the?" Hiyaw niya sakin habang hinihimas ang kinurot ko.

Ako naman ngayon ang tumawa. Hindi niya magawang tumayo dahil nakayakap ako sakanya. Ang bango bango kasi niya ang sarap amoy amoyin.

"Iba na yan ah!." Mahinang turan niya sakin.

Hindi ko siya pinansin dahil sinusulit ko na to! Malay mo last kona palang gagawin sakanya to? Edi mas mainam na.. kahit isang beses..magawa ko sakanya to.

"Kuya."

"Bakit?"

"Bakit ka pumayag nung una na?" Alam kona medjo out of topic yung tanong ko. Kaya nagtaka siya, gusto ko lang naman malaman.

"Pumayag san?" Naguguluhang tanong niya.

"Na....na...na mahalikan ka?" Medjo nailang ako sa tanong ko.

Kita ko sa gilid ko na lumingon muna siya sa akin saka muling tumingala. Nakayakap paren kasi ko.

"Noong una akala ko out of curiousity lang..." Tumikhim muna siya saka nagpatuloy. "Pero hinanap-hanap ko yung... halik mo." Pinutol niya. Para kasing nailang siya.

Tatayo na sana siya pero mas humigpit ang yakap ko.

"Nito lang naman kita hinalikan?" Pagtatanong ko.

Umiling lang siya sakin. Kaya nagtaka nanaman ako.

"Hmmm? E, kelan kuya?" Ginulo lang niya ang buhok ko.

"Nung ilang buwan ka palang dito sa amin. Hindi mona ba natatandaan?" Tugon niya habang namumula.

***

"Huy iyakin." Tawag ko sakanya.

"Kuya." Patakbo siyang lumapit sakin pagkatapos ay yumakap.

"Anong nangyare, bat umiiyak ka?"

Umiling-iling lang siya sakin. Kaya tinanggal ko ang yakap niya at hinarap siya.

"Sasabihin mo sakin o sasabihin mo?" Tanong kopa sakanya.

"Kasi kuya...sabi ng kapitbahay natin, bakla daw po ako." Umiiyak na saad niya.

"Ano bang kasing ginawa mo?"

"Ano po kuya, nagpapaturo ako kung pano yung kiss. Pero pinagtabuyan niya ko kuya...bakla daw pala ako," pagkukuwento pa niya.

"Tanga mo kasi, dapat kasi mag girlfriend kana. Para dun mo pagpraktisan pano humalik."

"Paano ba humalik kuya?" Interesadong tanong niya.

"Wag mong sabihin ako pa ang magtuturo sa iyo."

"Oo kuya! Paano ba yun? Sige na turuan mo na ako." Pangungulit niya.

"Sige na nga. Tanga mo talaga! Ganto yun, ididikit mo lang mga labi ninyo sa isa't isa. Tapos sipsipin mo mga labi niya, kagat kagatin mo at kung gusto mo ng intense, paglaruan mo ng dila mo ang loob ng bibig niya. Namnamin mo yung moment nayun."

"Hindi ko parin alam. Parang ang hirap kuya."

"Malalaman mo din yun kapag may kahalikan kana. Praktisin mo lang. Gayahin mo lang yung nasa porn."

Napangit siya at napaisip. Nabigla ako sa sunod na ginawa niya.

"Parang ganito?" Bigla niya akong hinalikan at ginawa sa akin ang mga tinuro ko sakanya. Sa pagkagulat ko hindi ako nakapalag, parang may iba akong nararamdaman. May gumising sa pagkatao ko. Iba yung sarap, parang ayukong matapos. Hindi ko makakalimutan ang halik nato.

"Gago! Magaling ka na pala, may paturo turo kapang nalalaman." Sabay tulak sa dibdib niya palayo sa akin. Ayukong mapansin niya ang kabog ng dibdib ko. Kaya sinuntok ko siya ng mahina habang tumatawa. "Siraulo kang tangina mo! Ako pa talaga ang pinagpraktisan mo."

Ngumiti lang sakin ang gago.

"Ano kuya? Pwede naba? Masarap pala kuya. Isa pa nga kahit isa nalang...sige na kuya!"

"Siraulo! Tumigil ka nga, sapok gusto mo? Tara na nga lang sa loob. At baka hinahanap na tayo ni mama." Galit-galitan ko siyang hinila papasok sa bahay. Ayukong makita niya sa mata ko ang hindi mapaliwanag na nararamdaman ko. Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kanino man na naging girlfriend ko. Taging sakanya lang.

"Kuya kahit isa nalang.." sabi niya habang hinihila ko siya papasok sa bahay.

Nagdaan ang mga araw ay hindi ko malimot limutan ang pangyayareng iyun. Parang.. gusto kong maulit iyon. Para na kong naadik sa mga halik niya. Hinahanap hanap kona. Binabaliw ako ng mga halik nayun.

Ang kaso wala siya dito sa bahay sinama sila nila mama nag out of town sila. Matagal na yun nito lang natuloy. Kaya mabuti nadin siguro yun. Ang kaso maya't maya kong naaalala ang nangyare na parang kahapon lang.

Gusto ko ulit, maulit yun. Gusto ko na siyang makita at makasama. Lumalalim na ang nararamdaman ko. Nangungulila ako sa kanya. Hindi pwede to! Pare...parehas kaming lalaki! Hindi! Hindi pwedeng mangyare to! Ayuko! Hindi ako bakla...

Lumipas pa ang bawat araw ay ngayon na nga ang dating nila mama.

Nanonood lang ako ng movie dito sa sala ng nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses na sumigaw sa likuran ko.

"KUYA!!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si peter na parang ang laki ng binagbago? Pagkaka alam ko isang buwan lang naman sila mama sa ibang bansa? Sinama lang nila si peter para makagala to. Hindi naman na ko sumama dahil ayuko namang ipagdamot ang kaligayahan niya gusto ko sakanya lang yun sakanya lang ang araw na yun.

Dahil siguro sa buwan na lumipas ay peling ko ay gumanda ang katawan niya. Gumuwapo lalo at pakiramdam ko nalamangan nako ng gago!

Napatulala akong nakatingin sa kanya. Ibang iba na ang itsura niya, o dahil din siguro lumalim na ang nararamdaman ko sakanya kaya mas lalong gumuwapo ang tingin ko sakanya.

Gusto ko siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit na parang wala ng bukas na...gusto ko wala ng bitawan. Pero mas pinili kong magmatigas na gaya ng pagkakakilala niya sa akin. Ayukong may mapansin siya na araw-gabi siyang nasa isip at panaginip ko.

Ngayong muli na nakita ko na siya.. kumpirmado ko na sa sarili kong mahal ko na siya.. mahal ko na si peter.

"Gago ka talaga kahit kelan, kita mo ng nanonood ako tapos bigla ka nalang hihiyaw bigla." Sinadya kong may inis sa tono ko. "O, ano? Kamusta? Buhay ka pa pala! Akala ko hindi kana magpapakita sakin."

Ngumiti siya ng sobrang tamis at kinainis ko iyon dahil lalo lamang niya akong pinapahirapan. "Namiss kita! Di mo ba ako namiss?" Hindi ko alam pero ramdam ko na sincere siya sa sinabi niyang yun na siyang kinatuwa ng puso ko.

'Taena mo namiss din kita, kung alam mo lang kung gaano ako nabaliw ng hindi kita nakikita' -sinabi ko sa isip ko.

Pinaupo ko nalang siya sa tabi ko at nanood lang kami ng movie.

Pero dahil sa ingay niya ay siya nalang ang pinakinggan ko, kuwento siya ng kuwento sa mga pinuntahan nila. Tuwang tuwa siya habang nagkukuwento. Kaya tango lang ako ng tango sa sinasabi niya.

"Mamaya na yan, tapusin mona natin to!"

Tumigil naman siya. Natapos na ang palabas pero wala akong naintindihan. Occupied ang isip ko. Sinusulyapan ko siya ng palihim, nag iiba na ang paningin ko sakanya. Gustong gusto ko siyang halikan..

"Kuya namiss talaga kita! Puwede ba kita halikan ulit? Gaya ng dati, gusto ko ulit magpraktis." Napatingin lang ako sakanya.

Di kona napigilan ng muli niyang nilapit ang labi niya sakin.

Naging mapusok ang halikan namin. Nilaro ko ang dila niya, pinagsawaan ko hanggang sa bumaba ang halik ko sa leeg niya. Mas ginanahan ako ng marinig kong umungol siya. Kaya mas pinalalim kopa ang halikan namin.

Nang natapos kami ay parehas kaming naghahabol ng hininga.

"Kuya! Wala paren binagbago ang sarap padin, sana maulit ulit to kuya!"

Hindi na ako umimik, umiwas ako ng tingin sakanya hindi ko siya magawang tignan ng derecho sa mata. May guilt kasi akong nararamdaman. Hindi dapat mangyare to. Dahil parehas kaming lalaki. Pero bakit nagpadala ako sa nararamdaman ko?

Tumayo nako at lumabas sa sala. Dumiretso ako sa labas sa garden. Sumunod naman siya. Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap niya. Nagpumiglas ako at umiwas sakanya.

Pinapahirapan niya lalo ang kalooban ko. Mali nga to, mali, hindi dapat nangyayare to!

"Bakit kuya?" Malungkot na tanong niya.

Hindi ako tumugon. "Hindi mo ba nagustuhan?"

'Gustong gusto ko, sabi ko sa isip ko.

Mababaliw nako pag pinagpatuloy namin to, kung hahayaan ko pa siya, kung mauulit pa ulit to. Hindi kona kakayanin.

"Sinasabi mo? Diba nga praktis lang yun." Naglakad lakad nalang ako. "Hindi na mauulit to dahil mali to."

"Bahala ka nga jan kuya. Ang gulo mo, hindi kita maintindihan. Parang kanina lang gustong gusto mo." Nagkalad na siya patalikod. "Pero uulitin paren natin to!"

Nakapasok na siya sa loob. Samantalang ako ito naiwan, tulala at confused sa nangyare at madaming naiisip.

Bakit? Bakit nararamdaman ko ito? Hindi nga pwede diba? Dahil parehas kaming lalaki! Nahihirapan na ako...

-----