webnovel

Chapter 1

***

"Sigurado kana ba anak.?" Madamdaming sambit ni tita.

"Tita liza, diko din po alam. Nakakahiya napo kasi sainyo." Nakayukong sambit ko. Dahil hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

"May nangyari ba anak?" Nagtatakang tanong ni tito Mico.

"Naku..wala po tito, sobra napo kasi itong ginagawa ninyo sakin." Nahihiyang sambit ko pa kay tito habang namumula.

"Peter, anak wala pa nga kaming nabibigay sayo. Tapos iiwan mo na agad kami." Naluluhang turan ni tita. Dahil sa pursigido nakong umalis sa pamamahay nila.

Simula ng mawala ang mga magulang ko. Sila na ang kumupkop sakin, nagpalaki at nagpaaral. Sa katunayan nga hindi ko nakita na tunuring nila kong iba. Anak na marahil ang turing nila sa akin.

Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanila. Dahil kung hindi nila ko inalagaan. Baka sa lansangan ako nakatira ngayon o diman wala na din ako sa mundong ito.

Napaka swerte ko paren siguro. Dahil nakilala ko sila tito mico at tita liza. Dahil sa kanila naranasan ko ang hindi ko nararanasan nuon paman.

Binigay nila ang mga kailangan ko. Pinaaral sa magandang paaralan at tinuring na isa sa kanilang anak.

Tatlo lang ang anak nila tita. Dalawang lalaki at isang babae. Bunso ang babae nila na si lovely, elementarya na sa tingin ko. Nasa siyam na taong gulam na ang bunsong anak nila tita.

Pangalawa sa panganay ang pinaka kasunduko. Na si kobe dahil marahil parehas kami ng gusto sa lahat ng bagay. Kaibahan sa kuya nila na si ashton na laging masama ang timpla pagdating sakin. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin pero ang utak pang elementarya.

"Peter, anak pano ang pag-aaral mo?" Seryosong tanong nila. Umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko din alam. "Diba wala ka ng ka mag-anak?" Tanong pa nila ulit. Tumango nalang ako at naglakad sa veranda ng kwarto nila tito.

"Diko po alam tito" Buntong hiningang turan ko. Sa totoo lang hindi ko talaga alam.

Ilang ulit kona bang natanong yan kila tito pero hindi ko naman sila magawang iwan. Dahil nadin siguro takot akong mag isa. Simula ng mamatay ang mga magulang ko.

Flashback

"Mama, totoo po bang sa mansyon ako titira sa manila?." Masayang tanong ng anim na taong gulang na batang lalaki.

"Yes baby, pakabait ka habang wala kami ng papa mo." Sabay halik sa noo sa batang tuwang tuwa habang tumatalon.

"Hon, tara na baka gabihin pa tayo." Sambit ng lalaking edad trenta sa babaeng may hawak sa batang si peter.

Tumatakbong sumunod agad si peter sa ama niya na agad siyang pinasan sa likuran.

Kalaunay humabol na din ang babaeng ina ni peter.

Habang binabalagtas ang daan papunta sa mansyon ng mag asawa medellín. Natatanaw na nila ang gate sa subdivision. Nang biglang magising ang natutulog na si peter.

"Baby, nandito na tayo." Masayang sambit ng ina ni peter na si angelica

Pagkahinto palang ng sasakyang ginamit nila. Ay bumaba na ang batang si peter habang tumatakbong pumasok sa gate ng mag asawang Medellín.

Bumaba na din ang mag asawa para salubungin ang ngiting ngiti na mag asawa habang kinakausap ang tumatalong bata na sobrang kyut sa harapan nila.

"Angelica, ito na ba si peter?." Tanong ng babaeng kaedaran din niya. "Oo, liza siya na nga yan." Tumatawang bulong ni angelica matapos makipag beso beso.

"Mang berto tulungan mo na si jonathan sa dala niya." Sabay kurot sa pisngi ni peter. sabay baling sa pintuan na parang pinapapasok sila. "Nakahanda na ang pagkain..pasok na at kumain muna tayo." Masayang anyaya ni liza habang pinanggigilan ang pisnge ng namumulang si peter.

Habang papasok sa mansyon na bahay ay hindi nakaliktas sa paningin ni ash ang batang namumula ang pisnge habang iniikot ang paningin sa buong kabahayan.

"Damn it. Who are you?." Gulat at padabog na tumayo ang batang lalakeng nakaupo kanina lang habang masamang nakatingin sa nabiglang si peter.

"H-hi.. ako po si peter." Natatakot na usal ng batang si peter habang masamang nakatingin sa kanya ang lalakeng nangangalang ash.

"Fuck. I don't care, why are you here?" Tiim bagang turan ng batang si ash habang pamatay na nakatingin sa nanginginig na si peter.

Dala ng takot ay patakbong bumalik ang batang si peter habang umiiyak sa pintuang kanyang pinasukan.

Habang tinatanaw ang pag alis ng batang kanyang nakitang pumasok sa kanilang bahay. Nakapaskil paren sa kaniyang muka ang kunot noo at galit sa nangyare habang inaalala ang ignoranteng batang si peter.

Habang nag uusap ang matatanda ay patakbong umiiyak ang batang si peter."What happen baby" naguguluhang tanong ni liza sa batang si peter habang umiiyak.

"I-inaway..po ako nung bad guy sa loob, tita." Sumbong na turan ng batang si peter na tumigil na sa pag iyak.

"Naku si ash siguro yun. Pasensya kana baby sa kuya mo na yun." Hinihimas na turan ni liza sabay halik sa ulo ng batang si peter. "Hayaan mo at pagsasabihan ko ng hindi ka na awayin." Nakangiting turan ni liza sabay pisil ulit sa batang si peter na kalaunay tumatawa na.

"Hindi na po tita, baka po nabigla lang si ash sakin." Nakangiting pahayag ni peter habang sinasabi ang katagang 'ash'.

Tumatawang tumayo si liza habang nasalikod naman niya ang mga magulang ng batang si peter na nakangiti din. Dahil sa nasaksihang pangyayare.

"Tayo na nga't pumasok na." Anyaya naman ni mico sa mag asawang nakatayo lang malapit sa pinto. Tumango nalang ang mag asawa at sabay ng pumasok.

Habang kumakain sa habang kainan ay hindi mapakali ang batang si peter dahil masama paren na nakatingin sa kanya si ash habang ngumunguya.

"Humanda ka sakin..iyakin." mahinang sambit ni ash sapat na para marinig ng katabi niyang si peter.

"Sigurado ba kayong aalis kayo ng tulog ang bata." Pagtatanong ni liza sa mag asawa dahil kinabukasan din ng madaling araw ay lilipad na ang mag asawa para mag trabaho sa naiwan nilang gawain.

"Oo ate, baka umiyak ba't kawawa." Naluluhang tingin niya sa batang mahimbing ng natutulog. "Ihahatid na kayo ni mang berto sa airport ng mabilis kayong makarating." Mahinang turan ng paiyak na din si liza.

"Salamt ate. Kayo ng bahala sa anak namin." Umiiyak na tumayo ang mag asawa. "Mag ingat kayo. Itext ninyo ko pag nakarating na kayo sa america." Huling habilin ni liza bago pumasok ang mag asawa.

Tumango tango si angelica habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Nang maka alis na ang sinasakyang ban ay bumalik na din sa pagkaka tulog ang mag asawang medellín.

Kinabukasan habang nagkakape at nagkukulitan ang mga bata. Ay natatarantang lumapit si grace sa kanyang amo"Ma'am, liza may tumatawag po si mang berto po." Pahayag ni grace habang inaabot ang telepono. "Hello po Ma'am, may nangyari po..sa mag asawa nasa ospital po ako ngayon." Pahayag ni berto sa telepono.

"Sang ospital yan berto." Nagugulat na tanong ko pa. "Papunta nako jan. Hintayin moko." Umiiyak na pahayag ko. Nang malaman ko. kung san ospital nakaratay ang mag asawa.

"Ma'am, sorry po. Pero..wala na po ang mag asawang constello." Tugon ni berto na naghihina. Sabay baling sa kalalabas na doctor.

"Doc, ano pong nangyare?" Ang siyang tanging lumabas sa bibig ko

"I'm sorry. Masyadong naapektuhan ang mga organs ng mag asawa dahil sa nangyare sakanila." Sambit ng doctor sabay paalam na aalis.

-----

Ilang taon na din ang lumipas. Pero hanggang ngayon tanda ko paren ang mga sinabi sakin ni tita. Kung paano walang awang pinagsasaksak ang mga magulang ko. Kung paano hinila paalis sa ban at walang awang pinaglaruan at pinahirapan.

Hindi ko alam kung mga kaaway nila mama yun. Dahil hindi naman nila ginalaw si mang berto. Wala akong alam...ang hina hina ko. Wala akong kwenta. Wala na ang mga magulang ko.

Nakakawala ng gana. Lalo na hindi mo maiaalis yung inggit sa mga taong kumpleto ang mga magulang. Masasaya, walang problema. Higit padun magkakasama.

Minsan pag mag isa ka. At tahimik ang lugar. At nasa kalagitnaan ng gabi. Tapos babalik sayo yung mga ala alang malulungkot. Mapapatanong ka? Parang may kulang? Parang hindi buo ang pagkatao mo? Hindi mo kilala sarili mo? Ang gusto molang umiyak ng walang dahilan.

Bakit may kalungkutan? Kung pwede naman maging masaya nalang? Ang hirap mabuhay mag isa lalo na kung hindi mopa kaya. Oo may nag alaga sakin. Pero may kulang e! May hinahanap ako! Na wala na. Na hindi kona makikita! Na nasa kabilang mundo na.

Bat ang daya ng tadhana?

Ganun nga talaga. Expect to Unexpected. Dahil hindi ko aakalain na mangyayare ang mga nangyare.

Ganito talaga ang buhay ng tao. May hangganan walang imortal dahil mga mortal lang tayo. Ginawa lang din tayo at babalik din tayo kung ano talaga tayo. Sa paglipas ng panahon.

Maayos naman ang buhay ko kila tita eh. Pero nagugulo lang pag nakikita ko ang isa sa pinaka inaayawan ko si 'ashton medellín'.

Magmula ng tumira ako dito hanggang ngayon walang pinagbago. Mainit paren ang ulo pagdating sakin. Ang daming reklamo tungkol sakin. Laging sakin ang baling pag nakikita ko.

Lalo na ngayon dahil hawak na niya ko sa leeg. Tanga ko kasi! ewan ko ba bat sinabi ko yun sakanya? hindi ko alam.

That time lasing ako dahil pumunta ko sa birthday party ng kaibigan ko. Alam naman nila tita dahil nagpaalam ako. Kahit na nasa out of town sila. At kaming dalawa lang ni ash dito sa bahay pati pala katulong nila.

Hanggang sa nagkasagutan kami. Dahil nadin siguro lasing ako. At siya ay gago!.