webnovel

Chapter 17

***

9:30 am na pala, ayun sa oras na naka rehistro sa phone ko.

Nakatulog pala ko kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya.

Ansarap ng tulog ko, wala naman akong nararamdamang hang over. Sakto lang kasi ang nainom ko kagabi pero nalasing parin ako.

Naalala ko bigla na hindi nga pala ako sa kwarto ko nakatulog, ng iikot ko ang paningin ko ay napadako ang tingin ko kay kuya ash na mahigbing na natutulog.

'Magkatabi kaming natulog'-tanong ko sa sarili ko.

Parang nabuhayan ang loob ko dahil sa naiisip hindi ako nilipat ni kuya bagkos hinayaan niya lang ako dito sa kwarto niya. Habang magkatabi kami.

Sobrang saya ko sa nararamdaman ko ngayon. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng hindi niya ko pinansin at sinungitan lang niya ko kagabi.

Gusto ko siyang lapitan at halikan habang natutulog. Pero natatakot akong magising kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na pagsawaan ang muka niya.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Kahit na umaga ay ang gwapo parin niya. Lalo na at umagang umaga pero naakit na ako sakanya.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil ramdam ko nanaman ang pag angat ng dugo ko sa muka ko.

Naghuling sulyap muna ako sa kanya bago pumasok sa banyo para maghilamos.

Gusto ko sanang gamitin ang tothbrush niya kaso..wag nalang pala.

Nagmumog nalang ako pagka hilamos ko.

Ng nakalabas nako ay tulog parin siya. Ang himbing talaga nito matulog. Pero alam ko naman na maya maya lang ay magigising na siya. Kaya nag isip nalang ako ng pwede kong gawin.

'Magluto kaya ako ng agahan' sambit ko sa sarili.

Tama bumaba na ako at naghanap ng pwedeng lutuin.

Tumingin tingin muna ako sa ref kung anong pwede.

Nagluto nalang ako ng bacon, itlog at gumawa din ako ng sinangag dahil marami namang kanin ay sinangag ko na lahat. Umagahan lang naman to. Nag timpla din ako ng gatas para sa aming dalawa.

Wala pa naman tao, siguro ay tulog parin sila tita or diman ay nasa labas na sila.

Inayos ko na ang lulutuin ko.

Ng nasa kalagitnaan palang ako ng pagluluto ay nakarinig ako ng taong pababa sa hagdan.

Sure ako na isa sa mga pinsan ko lang yun.

"Morning." Nakatalikod na turan ko dito dahil alam ko naman na pinsan ko lang ito.

Ng wala akong narinig na tugon ay bumaling ako saglit sakanya na siyang biglang kilabot ko, dahil si kuya ashton pala ito.

"Good morning kuya." Masiglang pang uulit ko sa kanya. Ang gwapo talaga niya, mas lalo tuloy gumanda ang umaga ko.

Dumirecho lang si kuya sa banyo.

Nagtataka ako kung bakit hindi nalang sa banyo niya siya pumunta.

Nagkibit balikat nalang ako at hinintay siyang makalabas.

Inaayos kona ang mga plato at kakainin namin ng lumabas si kuya.

Napapalunok nalang ako sakanya. Parang hindi ko na kelangan kumain dahil nabubusog nako sa itsura niya.

"Kuya, nagluto ako para sa ating dalawa." Nakangiti lang ako sa kanya. "Sila tita, hindi ko alam kung asan e, baka nasa labas na."

"Kuya, kain na tayo." Tawag ko sa kanya dahil nakatayo lang siya malapit sa mesa.

Tumango lang siya na siyang kinangiti ko. Lumapit na siya dito sa pwesto ko.

Umupo na siya sa tabi ko at nagsimula ng kumain.

Tumitingin lang ako sa kanya dahil sarap na sarap siya, sa bawat subo niya sa kanin.

Nabigla ako ng magsalita siya. "Sorry kagabi."

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot. "Sorry din kuya."

"Ok." Sagot niyang hindi lumilingon sa akin.

Katahimikan.

"Kuya." Tawag ko dito.

"Pwede ba kitang makabonding ulit. Yung tulad ng dati." Nag-aalangan kung turan sa kanya.

Pansin ko na namula siya at nagsalin bigla ng tubig sa baso pagkatapos nilagok ito.

Gustong gusto ko talagang makita na namumula siya.

Tinignan lang niya ako saka nagtanong. "Bakit."

"K-kasi namimiss kita." Nakayukong sambit ko dito. Gusto ko siyang tignan sa mata pero napapangunahan ako ng hiya. Nahihiya ako sa sinasabi ko sakanya.

"Aalis ako ngayon eh. Punta kami sa kabilang bayan." Balewalang turan niya sakin.

Tinitigan ko lang siya habang maganang kumakain dahil sa mga sinabi niya ay nawalan nako ng gana na ituloy ang kinakain ko.

Naawa ako sa sarili ko dahil humihingi ako ng atensyon sa taong hindi naman ako kayang pahalagahan na sa taong walang may pake sakin.

Masakit lalo na at ang taong mahal mo ang nagbabalewala sayo.

"H-hanggang kelan tayo ganito kuya." Naiiyak na tanong ko sakanya.

"Kung tungkol ito sa sinabi mo sakin kagabi." Tiningnan ko siya na nakatingin na din sa akin. "Wala naman akong matandaang reason para iwasan kita diba? Sabi mo naman na wala naman kayong ginawa ni marvin kahit na nagpalit kayo ng damit. Saka kinakausap naman kita diba?" Pagpapatuloy niya. "Hindi ba ikaw nga ang hindi nagpaparamdam. Lagi mo din akong iniiwasan dahil lagi mong kasama si marvin."

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Sa lahat ng nangyare ay yun lang pala ang dahilan.

Kitang kita ko na nanaman ang matatalim niya titig sa akin.

Napayuko nanaman ako dahil sa mga sinabi niya sakin at sa mga tingin niyang masasakit.

Bakit niya ko binabaliktad.

Hindi ko naman siya iiwasan sadyang ayaw niya lang akong kausapin, dahil lagi silang magkasama ni jane samantalang si kuya marvin dinadamayan lang ako at isa pa magkaibigan kami ng tao.

E, sila. Hindi malabong may relasyon na silang dalawa naghalikan na nga sila e. O, baka hindi lang yun dahil lalaki siya at babae ang kasama niya.

"Hindi naman ako iiwas kung hindi mo ko iniiwasan." Laban ko sakanya.

"Umiiwas ba ako." Pabalang na tanong niya sakin.

"Oo kuya, sabi mo ako lang pero bakit kuya, bakit si jane. Tapos sasabihin mo sakin na iniiwasan kita hindi ako nagpaparamdam sayo. Pano kitang kakausapin kung hindi ka naman makausap."

Gusto kong sabihin sa kanya na nakita ko sila...nakita ko silang dalawa sa tabing dagat habang naghahalikan. Gustong gusto kong ihiyaw sakanya yun. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka aminin niya. Na totoo lahat ng yun. Natatakot akong sakanya mismo manggaling yun.

"Yun ba ang dahilan kaya moko iniiwasan ha kuya, dahil sa sinasabi mo na laging si kuya marvin ang kasama ko. Na ano kuya? Na nagpalit kami ng damit. Oo, nagpalit kami ng damit dahil...hindi ako sanay na maligo ng hindi nakadamit, kaya sinabi niya na ako nalang ang magsuot ng damit niya at siya sa damit kung basa." Dugtong kopa sakanya habang naluluha dahil hindi ko masabi sakanya ang gusto ko ng sabihin.

Natatakot ako sa sagot niya. Ayukong subukan dahil baka ako lang ang masaktan.

Ang sakit malaman na ako papala ang may kasalanan ng lahat ng ito. Dahil lang sa inakala niya na may ginawa kami ni kuya marvin, e sila nga yun. Na...naghalikan sila. At alam ko na nag-enjoy siya dun.

"Pasensya na kung makulit ako, pasensya na dahil ako pala ang may kasalanan. Sorry kuya ah, gusto lang naman kitang makasama e, dahil miss na miss na kita kuya."

Umiiyak lang ako habang nasa harapan ko si kuya.

Katahimikan.

"Sorry.." sambit niya.

Hindi ako sumagot.

"Sorry kung sa tingin mo umiiwas ako."

"Iiwasan mo paba ako." Pagtatanong ko.

"H-hindi na...baka hindi na talaga, sorry ulit."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

Kahit na ganun alam kung sincere siya sa sinasabi niya.

Ngumiti din siya sa akin pagkatapos tumuloy na sa pagkain ganun din ang ginawa ko.

"Kuya, alam mo bang madami nakong sasabihin sayo." Excited na turan ko sakanya.

Wala na...ang rupok ko talaga pagdating sa kanya.

"Thank you kuya."

Tumango nalang siya sakin. Ng matapos kaming kumain ay nagpaalam na siya. Kahit na aalis siya ay hindi ko mapigilang maging masaya. Sa wakas ayos na kami ni kuya.

Kahit na alam kong meron paring jane.

Tinuruan ko kasi ang puso ko na wag magselos. Wala naman kasi akong karapatan magselos. Unang-una, mali ito dahil parehas kaming lalaki. Pangalawa hindi naman niya ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Mahal nga niya ako pero bilang kapatid. Tsaka sabi niya gusto lang naman daw niya akong kasama.

May magagawa paba ako.

Pero sa ngayon ang mahalaga ay bati na kami.

Bumalik nalang ako sa kwarto at naligo.

Ang dami kung gustong gawin kasama si kuya.

Gusto kong maghiking na kasama siya.

Gusto kong mangisda na kasama siya.

Gusto kong maligo sa dagat na kasama siya.

Gusto kong manood ng sunset na kasama siya.

Gusto kong tumambay sa tabing dagat na kasama siya.

Gusto kong katabi siya sa kwarto buong araw.

Ang dami kong gusto na sana magawa naming dalawa na magkasama.

Dahil sisiguraduhin ko na ngayong maayos na kami ni kuya. Susulitin ko na ang bawat araw na ito. Hindi nako papayag na magkatampuhan kami ng matagal.

Dahil pagkatapos naming gawin ang lahat ng yan. Aamin nako, sasabihin kona ang nararamdaman ko.

Pero this time gusto ko munang sulitin na kasama siya.

Dahil pagkatapos ng lahat ng gusto kong gawin namin ay sasabihin ko na ang nararamdaman ko.

-----