webnovel

Chapter 15

***

"KUYA!" Hiyaw niya sakin ng minsang magsalubong kami palabas ng mansyon.

Sa gulat ko ay napalingon ako sakanya habang tinataasan siya ng kamao na may pagbabanta.

Gago talaga pwede naman akong tawagin ng hindi humihiyaw.

Ng tignan ko siya ay nakangiti lang ang kupal habang ako naman ay patingin-tingin sa mga taong nakapaligid lalo na kila tito at tita.

Tumakbo siya papalapit sakin pagkatapos ay yumakap ng mahigpit.

"Ang tagal mong umuwi kuya, san kaba galing."

Ang gwapo niya ngayon sa suot niya. Ang lakas makaakit.

Ginulo ko muna ang buhok niya bago sumagot. "Nagpaalam naman ako sayo ah."

Nag-pout pa siya sakin. "Dapat kasi sinama mo nako kuya, ayan tuloy namiss kita."

Kinilig naman ako sa sinabi niya sakin. Kahit kelan talaga alam na alam niya paano ako pakiligin.

Inaya ko muna siya sa labas na mag-lakad lakad. "Hayaan mona andito naman nako."

Ngiting ngiti nanaman si gago.

Ito kasi ang paboritong lugar ni peter. Ang ganda kasi pagmasdan, lalo na makikita mo dito ang payapang dagat na may mapuputing buhangin at napakasarap langhapin ng hangin na nagmumula dito. Nagtatayuan na mga puno ng niyog na sumasayaw sa ihip ng hangin.

Madalas din kaming maligo sa falls dito, dahil isa din sa pinupuntahan ng turista yun. Matatagpuan yun sa gilid ng bundok, dalawang oras na lakarin bago marating. Minsan kahit kaming dalawa lang pumupunta kami dun. Kadalasan kasi may kasama kaming guide hindi kasi maiiwasan na maligaw kami, dahil paikot-ikot ang daan.

Hindi nga lang namin enjoy dahil hindi kami nilulubayan ng tingin pag may kasama kami masyado kasi kaming bulgar magyakapan. Pag naliligo kami dun brief lang ang suot namin. Madalas kasi walang pumupunta sobrang layo kasi malapit na sa mismong bundok, pero work it naman puntahan lalo na sa mga mahihilig mag selfie.

Minsan naman ay nangangaso kami kasama ang mga taong dito na nakatira, ang dami na kasi naming kakilala dito dahil minsan buwan kami kung umuwi. Pinapayagan naman kami nila mama at ng iba dahil kakilala din nila ang kasama namin.

Ang tanging bitbit lang namin ni peter ay kahoy panghampas sa mga ahas sa paligid. Samantalang ang kasama namin airgun ang dala, pinapahiram din kami pag may nakikita na kaming ibon sa gubat. Wala man lang kaming natatamaan kahit ibon man lang dahil wala naman kaming alam sa ganoong gawain kaya siguro wala kaming mahuli.

Buti nalang mabait ang kasama namin dahil tuwing nakakahuli siya ay binibigyan niya kami, minsan tinuturuan din niya kaming dalawa ni peter kung paano ang tamang pag-asinta sa ibon.

Ilang beses din kaming nakapag hiking dito sa tagaytay sulit talaga ang pagod namin sa pag-akyat dahil nakakarelaks ang ganda ng view sa taas para kang nililipad sa sarap.

Ang madalas talaga naming gawin ni peter ay sumama tuwing alas tres ng madaling araw sa mga mangingisda sakay ng malaking bangka. Isa ito sa paboritong gawin namin ni peter work it ang gising namin kahit sobrang lamig ng hangin tuwing madaling araw ay enjoy namin.

Tuwang tuwa kami tuwing nakakahuli kami ng isda dahil pinapahiram kami minsan ng panghuli ng isda. Pero mas na-aamaze kami sa mga kasama namin dahil timba ang mga nahuhuli nila di tulad namin paisa isa ang nahuhuli.

Lagi akong tumatalon sa laot pero si peter ay hanggang tingin lang sa akin. Hindi kasi marunong lumangon sabi ko naman sakanya hindi ko siya babayaan kung sakaling malunod siya ayaw din niyang turuan ko siya dito dahil mas enjoy niyang tignan kung pano manghuli ng isda.

Pag malapit na sumikat ang araw ay naglalayag na sila pabalik sa pangpang dahil madami ng taong naghihintay sa mga huli nila. Samin naman ay binibigyan din nila kami ng iba ibang isda dahil natutuwa daw sila samin.

Pag uwi palang namin ay iniihaw na namin ang mga nahuli naming isda sulit ang pagod at puyat pag natikman mo mismo ang huli mo. Ang sarap sa piling ng ganito. Yung kasama mo siya sa lahat ng bagay mahirap man o madaling gawain.

Madalas pag walang alon ay pumupunta kami sa batuhan upang manguha ng shells na minsan ginagawa naming laruan.

Madalas din ay umiikot lang kami sa buong bayan kahit kaninong bahay ay nakikikain kami dahil kilala naman daw nila kami. Natatawa nalang kami sa sarili namin dahil sinusulit talaga namin.

Spot talaga namin ay videoke kahit abutin kami ng madaling araw dun ayos lang hindi din naman ata natutulog ang mga tao dito dahil pag may nakita silang gising ay gising din sila. Yun lang ang masarap dito walang pakialamanan dahil kami kami mismo ang pasimuno sa lahat.

Minsan tumatambay kami sa tabing dagat para maligo at hintayin ang paglubog ng araw ang ganda kasi ng sunset dito hindi nakakasawang tignan tuwing hapon.

Tulad ngayon andito kami hinihintay ang paglubog ng araw.

"Sunset. Kuya, ang ganda." Ngiting ngiti siya sa nakikita niya, parang nawala lahat ng pagod ko sa nakikita ko sa kanya.

"Yeah, kapag titignan mo na papalubog ang araw, parang nagpapahiwatig ito ng pagpapaalam."

Ngumiti ako na lagi kung ginagawa tuwing kasama ko siya. "Pero kahit na ganun may dahilan ang pag-alis niya."

Tinitigan niya lang ako bago nagtanong. "Dahil walang nagtatagal sa mundo, kuya."

"Siguro, dahil Ang paglubog ng araw ay siyang paalala satin na may katapusan at sempre pag may katapusan meron at merong papalit sa kanya na siyang sisikat kinabukasan, na siyang mag papaalala satin na kahit may katapusan laging tatandaan na merong magpaparamdam na hindi lahat ng nagpapaalam ay puro kalungkutan."

Nalungkot siya sa sinabi ko, kita ko yun dahil nag-iba agad ang kilos niya at kita sa mata niya ang kalungkutan.

"Kuya." Tawag niyang naluluha.

Nagtaka ako sa kinikilos niya.

Bumaling nalang ako sa dagat bago sumagot. "Bakit."

"Pano kung ikaw ang araw at ako naman ang buwan." Umiiyak na tanong niya.

Nabibigla ako sa sinasabi niya. Pero napapaisip din. Pano nga kaya.

Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil hindi ko din alam ang isasagot.

Katahimikan.

"Kahit gaano pa kaganda ang goodbye na yan, hindi ko tatanggapin kapag ikaw ang umalis. Mas madilim pa sa dilim ng buwan ang mararanasan ko kapag ikaw ang nawala." Hirap na sambit niya sakin.

Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang sinasabi niya, tumatagos sa dibdib ko ang mga tinuran niya sakin. Na pano nga kung mangyari yun.

Hindi ko din kayang mawala siya sa tabi ko. Ayuko. Hindi ko kakayanin.

Pinaharap ko siya sakin bago sinagot ang tanong niya. "Lagi mong tatandaan pagkatapos maghari ang kadiliman merong araw na siyang magpapailaw sa madilim na kapaligiran. Ang pagsikat ng araw ay siyang nagpapaalala sa atin na kelangan nating tumayo at magsimula sa lahat.

Tumingin lang siya sakin na parang hindi niya tanggap ang katotohanan.

Lumapit siya sa gawi ko pagkatapos yumakap. "Kuya, natatakot ako, natatakot ako na baka magkahiwalay tayo."

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Wag kang matakot na magkahiwalay tayo, matakot ka pag pinaghiwalay tayo." Sagot ko sakanya.

Tumingala muna siya sakin. "Sino naman ang maghihiwalay satin kuya."

Nagkibit balikat lang ako sa kanya. "Malay mo meron."

Sumimangot lang siya sakin. "Baka naman ikaw kuya, na pagdating ng araw ay iiwan mo din ako, na baka ayaw mona kung kasama."

Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "Magandang idea, pwede ko ngang gawin."

Tumawa lang ako sakanya dahil umiyak nanaman siya.

Nabigla nalang ako ng bigla niyang kurutin ang utong ko.

"Aray..shit, kahit kelan ka talaga peter."

Tatayo na sana ako kaso niyakap niya ko ng mahigpit. "Kuya, kung dadating man ang panahon na paghihiwalayin tayo. Wag kang papayag ah, mangako ka. Ako lang hanggang sa dulo."

Napapalunok nalang ako habang nakatingin sa kanya.

Sa mura naming edad ang lawak na agad ng nalalaman namin pagdating sa ganito kahit hindi pa namin alam kung ano nga bang meron samin, basta magkasama lang kami, masaya na kaming dalawa.

Pero kung dadating nga ang panahon na paghihiwalayin kami. Kahit anong mangyari gagawa ako ng paraan para hanggang sa huli magkasama parin kami.

Ginulo ko nalang ang buhok niya, masyado kasing seryoso.

"Kung dadating tayo sa puntong yun, gagawin ko ang makakaya ko."

'Kahit na alam ko ang limitation natin, na wala talagang nagkakatuluyan na tulad ng sa atin'

Pilitin man natin, kung ang mga taong nasa paligid na mismo ang siyang unang pipigil satin. Paano ba nga tayo lalaban.

"Ganun din ako kuya, gagawin ko ang makakaya ko dahil ayukong mawala ka sakin."

Sabay nalang kaming napatingin ni peter sa araw na unti unting kinakain ng kadiliman.

Kahit na anong mangyari, gagawin ko ang makakaya ko para sa ating dalawa.

Kung may magagawa ako gagawin ko para saming dalawa.

Pero pano kung walang maka-intindi samin, pano kung dumating sa point na paghiwalayin nila kami. May magagawa ba kami.

Kung dadating man sa puntong yun, lagi mong tatandaan na andito kalang sa puso ko, hinding hindi ka mawawala dito.

Tulad ng araw at buwan kung hindi man maaring magsama. Sa kadahilanang ang araw ay sumisikat sa umaga at ang buwan naman ay tuwing gabi.

Lagi nating tatandaan lahat ay may paraan dahil dadating ang panahon na magpapakita ang tinatawag na eclipse na siyang pupuna sa pagmamahalan ng dalawang pinagkaitan ng tadhana.

Ito ang magpapatunay na kahit ipagkait man satin ang pagmamahal na siyang hinahanap natin laging tatandaan walang imposible lalo na kung ikaw ay nagmamahal.

-----