webnovel

Chapter 14

***

Summer noon kaya nagbakasyon kami sa tagaytagay. Nakaugalian na ng buong pamilya na mag-outing, swimming or out of town. Pero mas hilig nila magbakasyon sa mga dagat tulad nito. Sa totoo lang ito lagi ang naiisip nila pag gusto nilang magbakasyon.

This time tagaytay ang napuntahan namin. May bahay naman si tito Zleo dun na kaibigan ni papa. Asawa niya si tita almira.

Pagkakaalam ko meron silang resort dun at kaya nagpatayo sila ng bahay para may matutuluyan sila pag dun nagbakasyon.

Pero pagsumasama kami mas gusto ko sa yung nirerentahan na pool kesa sa dagat.

Meron din naman swimming pool sila tita pero enjoy kasi pag madami kayo tapos hindi mo pa kilala. Malay mo may maganda dun tapos minsan pwede kapang mantrip ng hindi mo kilala.

Pero masaya din naman sa side namin dahil madami talaga kami. At ang isa sa pinupuntahan namin dun yung videoke.

Abalang abala ang lahat dahil malapit ng magtanghalian. Ang dami nilang iniihaw sari-sari na masasarap.

Habang ang mga bata ay nagtatampisan sa pambatang pool.

Kami naman nandito sa tabi ng videokehan nakapuwesto habang nag-iinuman. Hindi naman kami binawalan nila tito dahil sila mismo ang aming kainuman.

Gaya sa ibang inuman kwentuhan at asaran lang ang naganap dito samin minsan kumakanta ako ganun din naman sila.

Pero ibahin ninyo ang mga asawa nila tito daig mopa ang mga nakawala sa lansangan kung magsikantahan.

Paulit-ulit lang naman ang kinakanta nila at si tita almira lagi ang kumakanta.

Nagrereklamo na nga sila tito na nakakaumay na isa lang naman ang paulit ulit nilang kinakanta.

Kabisado kona nga ang lyrics dahil sa paulit ulit nilang pag play sa videoke.

Tawa nalang kami ng tawa dahil daig pa nila kami. Parang sila ang lasing at hindi kami.

Pero ang pinagtuunan ko talaga ng pansin ay peter.

Ang kyut niya kasi habang tumatagal lalo na pansin ko ang pagpula ng muka niya.

Ang sarap tuloy niyang halikan.

Ang pungay na ng mga mata niya.

Lalo na at madalas din siyang tumingin sakin na parang inaakit ako.

Minsan ng mahuli niya akong nakatingin may pakagat labi pa siyang ginawa.

Kaya ng hindi ako nakapag pigil ay tumayo muna ako. Hindi pwede madaming makakakita, kahit sabihin kung mga lasing na sila at di na nila kami mapapansin ay hindi parin ako sigurado.

Nakakaba kaya mas minabuti kong tumayo at pumunta sa likod bahay. Kung san hindi ako mapapansin nila tito at tita.

Nagsindi nalang ako ng yosi dahil nag iinit talaga ako.

Gusto kong malibang.

Pero nawala lahat ng yun ng mapansin kung nakasunod pala sakin si peter.

Ng mapansin niya ko na nagsisindi ng yosi ay inabutan ko din siya.

Hindi pa kami legal na mag yosi nun pero ginagawa na namin to, palihim nga lang.

Naka short nalang siya ngayon kaya nainis ako sa sarili ko dahil mas lalo akong naakit sakanya.

Pilit kong iniwas ang paningin ko sa kanya pero siya itong lapit ng lapit sakin.

Kulang nalang yakapin niya ko, sa sobrang lapit niya sakin.

Bawat layo ko ay siyang lapit niya.

Naiinis man ay hinayaan ko nalang siya.

Hindi naman ako mananalo sa kakulitan niya.

Nabigla ako ng yakapin niya ko kaya ramdam ko ang init ng katawan niya sakin.

"I love you kuya." Mahinang turan niya sakin.

Naiilang na binitawan ko ang mga kamay niya sakin at baka may makakita pa.

"Bakit kuya hindi mona ba ko love? Ayaw mona sakin?"

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko gustong gusto ko ang yakap niya pero natatakot akong mahuli kami dito. Natatakot ako na baka iba ang maging dating nito sa kanila.

Panay ang lingon ko sa likuran namin piling ko kasi may nakasunod samin at minamanmanan lang kaming dalawa ni peter.

Natatakot ako sa sasabihin ng pamilya namin. Pero mas natatakot ako pag hindi nila kami maintindihan.

Sinuntok ko nalang siya sa braso niya sabay tawa. "Gago hindi ganun, malay mo andito pala si tita sa gilid edi nakita nila tayo."

"Ala hindi mona ko love kuya."

Naiinis man sa sarili dahil hindi ko siya kayang hindian ay niyakap ko na din siya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko. Nabibingi ako sa lakas nito parang bomba kong magparamdam sakin.

Parang sinasabi niya na wag na kong bumitaw sa yakap nato.

Na ganito nalang hanggang sa dulo.

Patuloy lang kaming nagyayakapin dito sa likod bahay nila tito. Ng bigla itong tumawa ng maloko.

Pinagtripan nanaman ata ako nito.

Niloloko nanaman ako.

Sa sobrang pikon ko sakanya ay diniinan ko ang yakap ko kaya alam kong medjo nasaktan siya.

"Aray kuya."

Tinawanan ko lang siya.

"Akala ko hindi mo na ko love kuya? E, bakit niyakap moko?" Pilyong ngiti niya sakin.

"Iiyak kana e, kaya niyakap na kita. Baka ano pa sabihin nila sakin na inaway kita." Ngumiti ako dito na nang-iinsulto.

"Ahh, ganun pala ba." Nagulat ako ng bigla niyang dinakma ang utong ko sabay lapirot dito.

"Aray..puta, tama na." Hinanakit ko dito.

Animal lagi niyang ginagawa sakin yan pag hindi niya nakukuha ang gusto niya sakin kung di man pag natatalo ko siya sa laro namin.

Di ko alam kung trip ba niya ang utong ko o hilig lang niyang kurutin ito.

Sa inis ko ay tumayo nalang ako at iniwan siya dun.

Ang sakit kaya puta lagi nalang niyang ginagawa yun. Pwede naman na halikan nalang niya ko.

Yun baka matuwa pako pero yung kurutin ang utong ko? Maling mali.

Bumalik nalang ako kila tito na kumakain na ngayon.

Tanghali palang kasi inuman na agad ang inatupag namin.

Wala pa nga palang laman ang tiyan namin ng kanin.

Nakisabay nakong kumain ng mapansin kung kumukuha nadin ng pagkain si peter.

Masayang masaya ang lahat. Pero parang hindi pa ako maka get over sa nangyare naiinis ako sa sarili ko kung bakit ko biglang iniwan si peter dun. Tinopak nanaman siguro ako kaya pinagtuunan ko nalang ang alak. Inom lang ng inom ang ginawa ko habang palihim akong sumusulyap kay peter. Nakikiramdam kami sa isa't isa kung sino ang unang kakausap.

Inabot na kami ng hapon at patuloy lang ang inuman. Pa minsan minsan nalang din ako uminom ramdam ko na kasi ang hilo kaya ayukong bumigay ng hindi kami ayos ni peter.

May times na na-aatempt ako na kausapin siya pero napapangunahan ako ng takot.

Takot na baka bigla ko nalang siyang halikan.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko gustong gusto kong tikman ang labi niya. Gustong gusto ko siyang lapitang at halik halikan.

Sobra na ang init na nararamdaman ko sa sarili ko, kaya nagtungo na muna ako sa pool para maligo.

Nag-dive na muna ako bago lumapit sa mga pinsan ko at kila tita na nagbabasaan.

Sumunod pala si peter at lumapit pa talaga sa akin.

Medjo lumayo ako ay lumangoy malayo sa kanila.

"Kuya ayan ka nanaman e!" Sigaw niya na may halong inis.

"Bakit?" Kunwari hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Galit ka nanaman."

"Bakit naman ako magagalit?" Painosente ko ulit na tanong.

"Dahil kanina." Aniya.

"Ahh, dun ba? Wala yun. Hindi naman ako galit." Lumangoy nanaman ako papalayo sa kanya.

Nakasunod parin siya sakin. Sumisid ako para makaiwas sa mga tanong niya. Sa ilalim ng tubig na aninag ko si peter na sumisid at sobrang bilis na lumapit sa akin bigla nalang niya akong hinalikan sa ilalim ng tubig. Ilang segundo lang yun pero parang ang bagal ng segundo na yun parang hindi segundo na dumikit sakin ang labi niya.

Bakit ba laging ganun ang pakiramdam ko tuwing hinahalikan ako ni peter.

Tuwing ginagawa niya sakin yun ay napapatulala parin ako. Hindi ako makapalag sa kanya. Parang alipin niya ko sa bawat pag halik niya.

Umahon ako pagkatapos ng halik nayun.

Bakit ginawa ni peter yun, bakit tuwing ginagawa niya wala akong laban?

Tapos pag titignan ko siya tatawanan lang ako.

Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ba talaga ito.

Dali dali akong umahon at dumiretso kila tita na nakaupo nalang ngayon.

Hindi ko na alam nababaliw nako sa ginagawa sakin ni peter.

Ang alam ko lang ay sa tuwing ginagawa niya yun ay nababaliw ako. Gusto ko pag hinalikan niya ko wala ng katapusan.

Di ko alam kong sinasadya ba ni peter na mabaliw ako sa kanya. Kasi kung oo panalo siya.

Dahil nadadala niya ko sa bawat halik niya. Sa bawat pag akit niya sakin. Sa lahat ng gawin niya sakin. Malaya siyang gawin.

Ang alam ko lang sa sarili ko ay sobrang lalim na ng pagmamahal ko sa kanya. Lalim na hindi ko na kayang umahon. Nastock nako sa kanya. Kung sakali na aahon siguro ko mas pipiliin ko nalang na hindi huminga.

At sa pagkakataon na ito. Hahayaan ko lang ang sarili ko na lumigaya sa piling niya.

Alam ko na hindi pa kami nagkaka aminan sa isa't isa pero naniniwala ako sa nararamdaman ko at sa pinapakita niya sakin ay totoo.

Kaya pang hahawakan ko ang naiisip ko.

Na baka mahal din niya ko tulad ng pagmamahal ko sakanya.

-----