webnovel

Chapter 11

***

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga habang nag iisip sa sinabi sakin ni marvin, anong ibig niyang sabihin dun? Matapos niyang sabihin yun ay tinawag siya ng magulang niya kaya nagtuloy tuloy nakong umakyat.

Nang bigla kung maalala na bakasyon pala ang pinunta namin dito. Kaya dapat mag-enjoy.

Maglakad lakad nalang muna siguro ako sa labas.

Naligo muna ako bago napagdesisyong lumabas.

Pagkatapos maligo ay nagsuot nalang ako ng plain na tshirt na kulay white tapos maong na short.

Nakalabas naman ako ng mansyon na matiwasay. Siguro Pagkatapos nilang kumain nag-si-pasukan muna sila sa mga kwarto nila para magpahinga.

Sa kabila resort ko naisipan maglakad lakad dahil kami kami lang naman ang tao dito.

Pansin ko agad ang mga nagtatayuan mga hotel sa tabi ng mansyon nila tita. Di tulad sa gawi samin, dito ay madaming tao.

Lakad lang ako ng lakad ini-enjoy ko lang ang bawat minutong lumilipas dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang lakas ng hampas ng alon sa lupa.

Nakakaginhawa sa katawan, nakakarelaks.

Nang may makita akong nagtitinda ng ice cream ay bumili ako bago nagpatuloy maglakad pero may pamilyar akong napansin, si marvin.

Lumilingon lingon ito na parang may hinahanap. Ng magtama ang mata namin ay ngumiti nanaman ito pagkatapos tumakbo papalapit sa akin.

"Wala kang kasama?" Pagtatanong niya. "Kanina kapaba naglalakad?" Dugtong pa niya. Umiling lang ako.

"Kanina pako umiikot dito, may hinahanap lang, buti nalang nahanap ko." Kwento pa niya.

Lakad lang ako ng lakad, nakasunod naman siya sakin, hindi ko alam kung pansin niya pero ayuko ng may kasama ngayon. Naiinis ako ng hindi ko alam.

Isama mo pa yang si kuya ash, kanina kopa gustong kausapin pero hindi ko mahanap.

"Ayos kalang ba? Gusto mo tambay nalang tayo. May alam ako kung san pwede." Sabay hila niya sakin ng hindi ako tumugon.

Hinayaan ko nalang siya na hilahin ako.

Huminto lang kami papalabas ng resort.

"San tayo pupunta?" Tanong ko dito.

"Basta, sakay kana." Turan niya sakin habang hinihila ang motor? Bat may motor siya dito? "Isuot mo muna yan."

Inabot ko nalang ang helmet ng matapos nato.

"Sakay na." Saad pa niya ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Pagsakay ko ay hindi ko alam kung sa likod pa ako hahawak o sa kanya?

"Nahiya kapa, sige na dito kana kumapit sakin." Pagkatapos niyang sabihin ay kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay sa tiyan niya.

Ilang minuto na ang lumipas bago kami umalis ay hindi parin kami tumitigil.

"San naba tayo." Tanong ko nanaman sa kanya.

"Pang ilan mo na yan."

Pang ilan na tanong kona nga ba yun? Pano tuwing nagtatanong ako hindi naman niya sasagutin tapos minsan iibahin pa niya ang usapan. Kaya sinong hindi maiinis?

"Ikaw din naman ah, pang ilang tanong ko na yan pero pang ilan na hindi mo din sinasagot?" Balik tanong ko sakanya. Kung pwede ko lang siya kurutin sa utong ginawa kona baka kasi mapano pa kami tapos kasalanan ko pa.

"Malapit na kasi tayo. Enjoyin mo nalang yan hawak mo." Sabay lingon sakin habang nakangiti. Enjoy mo muka mo, anong akala niya sakin katulad niya?

Hindi ko alam na may tinatagong kapal ng muka tong lalaki nato.

"Kapal mo." Busangot na turan ko dito.

"Malapit na kasi sandali nalang."

"Paulit ulit na malapit na pero wala parin naman."

"Ayun na natatanaw kona. Atat mo naman kasi."

Umirap nalang ako kahit hindi naman niya nakikita. Nakakairita tong lalaki nato.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya hininto ang sinasakyan namin.

"Anong gagawin natin sa masukal na gubat nato?" Inis na turan ko sakanya.

"Basta kasi, halika na." Sabay hila sakin papasok sa masukal na daan.

"Pag tayo napano dito."

"Basta kasi, tara na kasi."

Ilang hila pa ang nangyare ng bigla niyang binitawan ang kamay ko.

Inikot-ikot ko ang paningin ko sa kinatatayuan namin. Tanging paghanga lang ang masasabi mo habang tinitignan ang batis na talaga namang maganda.

"Maganda ba."

Tumango lang ako habang malawak na nakangiti.

"Ang ganda. Malinaw ang tubig, sure ako masarap maligo dito." Tuwang tuwa na saad ko.

Tinitigan lang niya ko na parang na-amaze siya sa akin.

Kaibahan siya sa harap, kung san papunta dito. Hindi mo aakalain na sa likod ng magubat na harapan ay may tinatagong laki at lawak na kagandahan. Ang linis ng tubig wala kang duming makikita sa paligid, meron mang dahon hindi naman karamihan, alagang alaga talaga.

Nakakatuwa na meron pang ganitong lugar.

Nakatago man at masukal work it naman puntahan.

"Maliligo pa tayo dito kuya."

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Muka naba kung kuya sayo?"

"Opo, kuya." Asar ko pa sakanya ang kyut niya. Lalo na yung way ng pagkunot ng noo niya. Yung mata niya na may pagkasingkit, bumagay din yung kulay gray na buhok niya sa muka niyang makinis. Malaking tao naman si marvin tingin ko nasa 5'11 siya. Maganda din ang katawan halatang batak sa gym.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil piling ko namumula ako habang tinitignan siya. Ramdam na ramdam ko ang pag angat ng dugo sa muka ko. Na-pre-pressure ako parang naiinitan ako ng hindi ko alam.

Ilang beses akong lumunok habang iniiwas ko ang paningin ko sa kanya na busy sa pagtingin tingin kung san.

"Maligo kaya tayo, tingin mo?" Tawag pansin niya sakin.

Mas lalo akong namula ng bigla nalang siyang naghubad at tinapon kung san ang damit na suot niya kanina. Kinakabahan na pinanonood ko siya ng bigla pa nitong hinubad ang short at sinama pati boxer.

Inaakit ba niya ko? Kung ganun nagtagumpay siya, naakit ako lalo na sa nipples niya. Shit ito ang kahinaan ko.

Hindi ako sanay na makakita ng actual na paghuhubad lalo na kung talaga namang kaakit-akit sa mata ang kagandahan.

Isama mo pang sa ngayon naka brief lang siya na halata ang bukol sa harapan.

Naghihina ako lalo na at kaharap ko lang siya. Oo, lalaki kami pareho pero bakit ganun, bat iba ang nararamdaman ko habang tinitignan ko siyang hubo't hubad.

"M-malamig baka magkasakit ka." Utal na saad ko dito habang pinagpapawisan.

Natutuyan ako ng laway sa kanya.

"Hindi yan, ano tara." Ngiting ngiti talaga si gago. Bat kinikilig ako? Ang gwapo niya ngumiti.

Hindi ba niya nakikita pinagpapawisan na ko dahil sa kanya.

"Sige."

Lulusong na dapat ako ng pinigilan niya ko.

"Ganyan kalang? Hindi ka maghuhubad?" Pagtatanong niya pa.

Tumango lang ako sakanya.

"Sigurado ka? Wala tayong pamalit dito."

Napaisip ako sa sinasabi niya.

Hindi kasi ako sanay na naghuhubad. Kahit sa mansyon nila tita pag naliligo kami sa pool nakadamit parin ako.

Nakakailang kasi na makita nila na nakahubad ka.

"Sige hindi nalang ako maliligo." Naghihinayang na saad ko dito.

Nagtataka lang siyang nakatingin sakin.

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Ano kasi, hindi ako sanay mag hubad habang naliligo sa ganito." Sabay baling sa batis habang namumula. Sakit ko na ata ito kulang nalang magdugo ang ilong ko tuwing namumula ako.

Hindi siya tumugon sa sagot ko ng tignan ko siya ay bigla nalang itong tumawa.

Anong nakakatawa?

Sa sobrang pikon ko ay nilapitan ko siya sabay dakma sa utong niya at nilapirot ito ng madiin.

"A-aray...aww, tama na masakit." Talon talon na turan niya habang hinihimas ang ulong niya na napagbalingan ko ng inis.

Inirapan ko nalang siya at pumunta sa isang gilid habang nakasawsaw ang paa sa batis.

Habang naglalaro sa tubig ay naramdaman kung umupo din siya sa gilid ko.

Hindi ko nalang pinansin.

"Galit ka?" Hindi ako kumibo.

"Galit ka nga." Hindi parin ako sumagot.

"Sorry na sige para makabawi ikaw nalang magsuot ng damit ko pauwi tapos ako jan sa damit mong gagamitin." Nakangiti niyang turan sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Kasi kung oo payag ako.

"Ayuko." Kelangan pakipot muna.

"Sige na, gusto kasi kitang makasabay maligo." Pamimilit niya.

Nasabi kobang marupok ako? Kung hindi osige ngayon alam ninyo na. Marupok po ako, yes po opo.

"Bahala ka nga jan, ayuko ika e!" Last na pag ito nangulit, payag na peter.

"Sure ka? Sayang masarap ba naman maligo. Sige-sige basta jan ka lang ah, maligo lang ako." Nakanganga ako habang nakatingin sa kanya.

Ganun lang siya kadali naniwala? Hindi man lang marunong makiramdam? Manhid lang? Pakipot lang ako gago!

Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinawakan.

"Oo na, sige maliligo na din ako. Basta yung sinabi mo na palit tayo ng damit ah." Mahinang turan ko dito.

Ng tignan ko ang loko! Nakangiti nanaman na parang nanalo ng loto. Ang gwapo talaga niya. Pasalamat siya medjo may agwat pagitan namin kung hindi nakurot ko nanaman utong niya.

"Oo ba, tara?"

"Sige."

Lumusong agad siya sa tubig at binasa ako. Hindi pa man din ako nakakalangoy basang basa nako.

Tawa lang kami ng tawa sa pinag-gagawa namin sa isa't isa.

Mas lalo ako natatawa kasi piling ko ako lagi ang panalo. Tuwing dinadaya kasi niya ko sa laro naming paunahan lumangon ay lalapitan ko siya at bubulungan na parang inaakit.

Pero sempre joke lang yun way ko lang yun para makurot yung utong niya. Sa ngayon nakakailan na kurot nako sakanya.

Ng matapos ay umahon na kami at umuwi. Gaya ng usapan nagpalit kami ng damit ni marvin hindi naman nagkakalayo ang katawan namin kaya sakto lang din sakin ang damit niya.

Bandang gate palang kami ay tanaw ko na si kuya ash na parang hindi mapakali?

Ng napansin niya kami ay nagpalipat lipat lang siya ng tingin samin habang nanlilisik ang mga mata na parang may ginawa kaming masama?

Hindi pa man tuluyang nakakababa ay hinila na niya si marvin sabay suntok dito.

Tumingin siya sakin ng matalim sabay sabing "Akala ko ako lang, pero anong ibig sabihin nito?"

-----