webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · วัยรุ่น
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 47.0

Chapter 47.0:

Abby's POV:

The restaurant's atmosphere is very calm and relaxing. Matagal ko ng alam ang tungkol dito, pero ngayon pa lang ako nakapunta dito dahil duh, ang mahal ng pagkain. Ang presyo ng isang meal nila dito at katumbas na ng isang family meal sa Mcdo na good for 3-4 persons.

But I heard na maraming nag-dadine-in dito dahil masarap nga daw ang mga pagkain at 'yon nga, maganda ang ambiance. Perfect for date and other special ocassions. Kung kaya'y hindi na ako magtataka maski ang mga personalidad sa showbiz ay nanaisin ring kumain dito.

Nang maka-order kami ng pagkain ay agad inumpisahan ni Nich ang usapan.

"So Abby, how have you been these past few days?" Nich asked bago sumubo ng pagkain.

"Hmm, ayos naman. Busy-busyhan nanaman sa buhay, alam mo na kailangan kong kumayod."

He slightly laughed.

"Sus, kung makapag-salita ka ay parang naghihirap ka na sa buhay ah. Well, businesswoman ka nga pala. But atleast, hindi mo naman siguro pinapabaayan ang sarili mo 'diba?" Aww, yung sincerity sa boses ni Nich ay damang-dama ko pa rin hanggang ngayon kahit hindi na kami.

"Of course, hindi ako makakapagtrabaho kung hindi ko aalagaan ang sarili ko. Eh ikaw? Kayo ni Steph, kamusta kayo?"

"Ayos naman so far. Like you, mas kailangan kong kumayod ngayon dahil hindi na lang sarili ko ang kailangan kong sustentuhan, I already have Steph and Philip as my inspirations in my everyday life. Gusto kong bumawi sa kanila sa ilang taon na hindi ko sila nakasama." He smiled and then held Steph's left hand. Matamis na ngumiti si Steph kay Nich at sa amin. "Nagpaplano na nga kaming sa Texas na tumira at doon magpatayo ng business pagkatapos naming magpakasal sa susunod na buwan."

Magpapakasal na sila?

"Really? Wow, congratulations to the both of you! I am happy for you." I sincerely said. Masaya ako para sa kanila dahil sa wakas, matapos ang ilang taon ay natagpuan ulit nila ang isa't-isa.

"Yes, the exact date will be on the 25th next month. That's why we invited you na mag-dinner para pormal kayong imbitahan ni Rigel. Also, Steph has something to tell you." Napatingin ako kay Steph na nakatingin na pala sa akin.

She cleared her throat first before speaking.

"Yes, Nich is right Abby. But before I invite you to our wedding, I want to say sorry first for all what I have done in the past, especially to you and Rigel. I've been such a b*tch and made so many mistakes that I truly regret. That day, I was so furious because you're the only person that has the courage to slap me with the truth, and I can't accept that. But the time I saw you lying on the floor made me wake up to my senses, especially when your family decided not to sue me. Realization really hits me so hard. And with that, I owe it to you and your family that I am now here in front of you speaking--"

Hindi ko na siya pinatapos at ako na mismo ang humawak ng mga kamay niyang medyo nangiginig.

"Shh... It's okay Steph. Tapos na ang lahat at mas mabuti kung ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay ang present. Matagal na kitang napatawad kahit hindi ka pa humihingi ng tawad. Pero salamat pa rin sa paghingi mo ng tawad, naappreciate ko ito. Mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon." I smiled at her. "Oh my gosh, bakit ka umiiyak Steph?" Tarantang tanong ko nang mahina siyang humikbi.

"I-I'm just so happy. I feel like my heart is going to explode anytime right now. Thank you Abby, thank you so much." Nagulat na lang ako nang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at tumungo sa akin para yakapin ako.

Niyakap ko siya pabalik at napatingin kay Nich at Rigel na nakangiting nakatingin sa aming dalawa.

"So saan gaganapin ang kasal?" I asked. "Kahit ano'ng pwede kong maitulong ay gogora ako."

"Ops, bawal tumanggi." Sabat ko nang maramdamang may balak pa silang tumanggi sa inaalok ko. "At dahil diyan, sagot ko na ang cake niyo, kahit gaano pa kalaki 'yan ay go lang. Also, pati na rin ang lahat ng sweets para sa mga guests ay ako rin." Excited na sabi ko. Habang sila naman ay napanganga sa sinabi ko.

Well, as I have said, kuripot akong tao. I mean hindi ako palagastos sa mga hindi naman masyadong importanteng bagay. Pero kung mga gan'tong bagay na ang pag-uusapan ay handa akong magbigay ng kahit ano basta ba ay kaya kong ibigay.

"Wow Abby, thank you so much!" Masayang sabi ni Steph.

"Sus, wala 'yon. So 'yon nga, saan magaganap ang kasal?"

"The ceremony and the reception will be held on Amethyst Five Star Hotel. Also, the wedding will not be publicised even though alam na ng publiko ang buong katotohanan. 

"Ahh I see, then that's great!" The day before yesterday lang kasi nila sinabi sa publiko kung ano ba talaga ang real issue between the four of us. Inimbitahan kasi sila sa isang reality show and doon nila sinabi sa interview ang lahat, pero hindi naman as in lahat. Yung mga talagang important points lang ang sinabi nila. Yes, alam ko ang lahat ng sinabi nila dahil pinanuod ko ito sa tv habang gumagawa ng paperworks.

Nag-trending din sa iba't-ibang social platform ang naganap na interview. Siyempre, hindi mawawala ang negative comments dahil sa isiniwalat nila.  But despite that, mas marami pa rin ang nakaintindi sa sitwasyon namin. Some are shocked, and some are not. Well, hindi ko sila masisisi dahil maraming paparazzi sa tabi-tabi, at kahit maispottan man kami ay hindi na masyadong big deal ito para sa amin since kami naman yung tipo ng mga taong walang masyadong pakialam sa social media specially ngayong may kaniya-kaniya na kaming responsibilidad sa buhay na kailangang mas pagtuunan ng pansin. Kumbaga ay hindi na kami yung taong mas gugustuhing huwag isiwalat sa social media ang lahat ng ganap sa buhay namin. Gano'n talaga siguro kapag matured na.

Wait, matured na ba ako?

Palihim akong natawa dahil sa naisip.

Yung pakiramdam na matured ka pero isip bata or isip teenager ka pa rin. Iyon ang pakiramdam ko sa ngayon. Ewan ko ba.

"And here's your invitation." Iniabot sa akin ni Nich ang isang cd?

Tinignan ko si silang dalawa bago buksan ang cd.

"Woah!" Iyon na lang ang pagkamangha ko nang mabuksan ito ng tuluyan.

Isa itong pop up electronic invitation. Once na mabuksan mo ang cd-inspired na invitation ay may mag-popop up na mini screen at may lalabas doon na animated figures.

At sa nakikita ko ngayon ang pinapalabas sa mini pop up screen ay ang one-minute prenuptial video ni Nich at Steph na sinundan ng iba pang details in text form. Nakalagay kung saan ang venues at date, as well as the traditional roles in wedding; kung sino ang gaganap sa ganito ganiyan. Ang lupet naman, nakapagplano agad sila ng gan'tong kagandang kasal in just a short period of time.

"The concept of the invitation was Rigel's Idea." Nich said before he bumped his fist with Rigel's.

Wow, hindi ko alam na close na pala sila.

"This is nice!" Patangu-tangong sabi ko habang nakatingin kay Rigel. Dang, ang galing niya talaga lalo na sa mga gan'tong bagay.

Medyo nagulat ako nang mabasa ang pangalan ko na nakalagay sa tapat  ng made of honor role at lalo na noong makita ko kung kaninong pangalan ang nasa bestman role.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts