webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · วัยรุ่น
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 44.0

Chapter 44.0:

Abby's POV:

Bago pa man kami makarating sa aming designated seats ay agad kong hinila si Rigel sa isang sulok, sa tabi ng comfort room to be exact.

"Just what the hell was that Rigel?!" Nangangalaiting tanong ko sa kaniya. Mabuti na lang ay maingay pa ang venue sa ngayon at hindi ako makakaagaw ng eksena kahit sumigaw man ako ngayon.

But Rigel just looked at me blankly.

"A simple thank you will do." Preskong sabi nito na mas nagpakulo ng dugo ko.

Wow! At ako pa talaga ang magpapasalamat dahil gumawa siya ng eksena?

"Edi t@ng*n@ Rigel! Wala kang kwentang kausap!" Padabog kong hinubad ang coat niya at itinapon ito sa pagmumukha niya bago lisanin ang venue.

Sa parking lot ako dumiretso dahil nawalan na ako ng ganang umattend ng event nang makita ko ang pagmumukha ng maeksenang nilalang na'to.

Hindi ko na rin nabati pabalik ang mga nakakasalubong kong mga kakilala dahil sobrang naiinis ko sa pagkakataon na ito.

"Hey Abby! Wait!"

Hmp! Bahala ka diyan!

"Ano ba Rigel, let go of me!" I tried removing his hand off my arm, but his grip is so strong.

"Abby kumalma ka--"

"SHUT UP RIGEL!" Malakas na sigaw ko sa pagmumukha niya. Nagulat ata siya sa sigaw ko kaya lumuwag ang hawak niya sa aking braso dahilan upang makawala ako.

Wala akong pake kung may tumalsik mang laway ko sa pagmumukha niya dahil naiinis talaga ako ngayon at siya ang dahilan.

"Ano ba'ng problema mo Rigel ha? Bakit umeksena ka nanaman kanina? Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo, please lang naman, huwag ako ang guluhin mo. We're done right? Binreach mo na yung kontrata, kaya bakit ka pa umeeksena?"

"Business is business, bakit mo sinasali ang business sa mga personal na bagay?"

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Wow! Wow Rigel wow! Ako pa talaga ngayon ang nagsasali ng personal matters sa business matters? 'Diba ikaw naman ang naunang namersonal? Kaya mo binreach yung contract mo sa company dahil hindi ako naniwala sa sinabi mo--"

"So that's the reason why you're acting this way..." Napahilamos ito ng mukha. "I breached the contract because I have something else to do and that's the truth!"

"Malamang iyon ang iisipin kong dahilan dahil bigla ka na lang unalis sa bahay noong araw na 'yon nang walang paalam at matapos ang dalawang linggong hindi pagpaparamdan ay bigla kang susulpot sa kumpanya at sasabihing busy ka kaya iteterminate mo na ang kontrata mo. Grabe kaimportanteng bagay naman ang gagawin mo to the point na handa kang magbayad ng malaki para lang sa pagpapabreach ng kontrata. Tapos bigla ka nanamang sumulpot dito sa ball bilang escort ko at gumawa ng eksena sa harapan ng maraming tao, ni hindi pa nga nakaclarify  sa publiko ang relasyon niyo ni Steph at ng anak nila ni Nich eh." I sarcastically said.

"Abby..."

"Iyan lang ba ang kaya mong sabihin ngayon ha? Ang lakas pa naman ng loob mong sabihin na babawi ka sa akin. Sabi mo uunti-untiin mo dahil mahal mo pa ako. Pero bakit gan'to? Bakit puro kabaliktaran ang mga ginagawa mo? Bakit sinasaktan mo nanaman ako?" Ramdam ko ang pagpiyok ng boses ko at ang unti-unting pagtulo nanaman ng mga luha ko na siyang agad kong pinunasan gamit ang mga kamay ko.

Ano ba 'yan Abby, iiyak ka nanaman ba?

Ang weak mo naman.

"Sinasaktan mo nanaman ako Rigel." Itinuro ko ang puso ko. "Alam mo ba kung bakit imbis na matuwa ako sa ginawa mo kanina ay kabaliktaran ang naramdaman ko. Alam mo ba kung bakit ha? Kasi ganyan ka naman parati eh. Matapos mo akong pasayahin, matapos mo akong pakiligin ay iiwan mo ako. Kada napapasaya mo ako ay automatic na naiisip ko sa kung paanong paraan mo nanaman ako iiwan, kung magpapaalam ka ba gamit ang mga hindi kapani-paniwalang dahilan o basta mo na lang ulit akong iiwan nang hindi ko alam ang dahilan. Tapos kapag okay na ako, saka ka nanaman ulit babalik. Itutulak kita palayo, but at the end of the day hindi ko 'yon mapapanagutan at tatanggapin ulit kita. Handa ulit kitang tanggapin dahil ang rupok ko pagdating sa'yo Rigel, which is so frustrating. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi na kita dapat pagkatiwalaan dahil sasaktan mo lang din ako, but I would still find myself ready to take the risk again for you. Naiintindihan mo ba 'yon Rigel? Iyon ang dahilan kung bakit ako umaakto ng ganito at hindi dahil sa mababaw na dahilan lamang." Halos kapusin ang hiningang sabi ko.

"Tinutulak kitang palayo Rigel but the more the tinutulak kita, the more din na hinahanap ko ang presensya mo. For so many years Rigel, pinaniwala ko ang sarili kong wala na, na ekis ka na sa buhay ko. The walls that I built for five years ay bigla na lang natibag noong nakita ko ulit ang pagmumukha mo sa personal. Tapos kung kailan medyo okay na tayo sa isa't-isa, saka naman magkakanda-letse-letse ang lahat. Aalis ka nang walang dahilan tapos babalik ka kapag kailan mo gusto, ang duga mo naman kung gano'n. Ang duga mo Rigel." Idinuro ko ang dibdib niya.

"Ang sakit-sakit na Rigel. Gusto kong kiligin kanina dahil sa ginawa mo pero hindi ko nagawa dahil nasasaktan ako. Dahil baka parte lang 'yon ng pagiging online boyfriend mo sa akin. Ang hirap maging online girlfriend mo--"

Pakiramdam ko ay milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko sa sumunod na ginawa ni Rigel!

Oh my freaking gosh! 

Is he literally kissing me right now?

Oh my gosh Abby! Bakit ka natuod diyan?

Galaw galaw din self!

Hindi niya iginagalaw ang mga labi niya, nakapatong lang ang mga ito sa aking mga labi habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Samantalang ako naman ay parang hihimatayin anumang oras dahil sa pagpipigil ko ng aking hininga! Pati rin ang tibok ng puso ko ay dinaig pa ang kabayo sa bilis!

Oh my gosh, mamamatay na ba ako?

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa gano'ng posisyon. Pero isa lang ang alam ko, hindi ko siya magawang maitulak man lang!

Nang maramdaman kong aalisin na niya ang mga labi niya ay hindi ko alam kung ano'ng nag-udyok sa akin at bigla ko na lang isinukbit ang aking mga braso sa kaniyang batok na mas nagpadiin ng mga labi niya sa akin.

Ako na rin ang kusang unang gumalaw ng aking mga labi na siyang sinabayan naman ni Rigel.

Shete! Ang sarap naman ng labi niya. Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa lasa na 'to, pero basta masarap siya! 'Yon bang hahanap-hanapin mo dahil nakakaadik.

Naramdaman ko ang paghapit ni Rigel sa aking baywang na mas nagpalalim ng aming halik. In fairness, ang galing din niyang humalik. Nakakataas ng balahibo!

Oh my gosh! Ano 'tong ginagawa mo Abby?

Nahihibang ka na ba?

Nang maramdaman kong bumababa na ang kaniyang halik sa aking leeg, that's when I came back to my senses.

I quickly pushed him away with all my strength ang power to the point na pati ako ay napaatras dahil sa ginawa kong pagtulak sa kaniya.

Muntikan na 'yooon!

Nakakahiyaaa ka Abby!

Dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. Halos matumba ako dahil sa suot kong five inches stiletto, but I don't care! Ni hindi ko na nilingon si Rigel dahil ang gusto ko na lang ay makalayo sa lugar na 'to ora mismo 

Nasa'n na ba kasi yung kotse ko, bakit hindi ko mahanap?

Mga ilang beses ko pang inikot ang buong parking lot nang maalala kong hinatid pala ako ni papa dito kaya wala akong dalang sasakyan ngayon!

Oh shoot! Ang shunga mo abby!

Susunduin pala ako ni papa mamayang 11 pm dahil 'yon ang sinabi ko.

Aaargh! 

Nakakainis naman oh.

Ang bobo mo Abby, ang bobo mo...

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts