webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · วัยรุ่น
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 2.5

Ahh, pinost pala ni Jherwin yung video namin sa fan meeting niya. I clicked the play button and I'm impressed, he's a dancer. Pero ang nakapukaw ng pansin ko ay ang mabilis na paggalaw ng mga numero sa ibaba ng video.

500k views - 379k hearts - 256k shares

Dang. The video was posted just an hour ago, and these numbers show how famous he really is.

"Ang galing! Bagay din pala itong si @JherwinRichards at @AbbyDizon."

"Halaaaaa kailan itoooo? At saan? Sayang hindi ko napanuod huhuhu."

"I didn't expect na pupunta si Abby sa fan meeting ni Jherwin at naka VIP seat pa! Nagulat na lang kaming lahat nang bumaba sa stage si Jherwin at inaya sa stage si Abby! "

"OMG hindi ko ito kinakayaaaaaaaa! Pero kahit na may chemistry kayong dalawa ay #RigBy pa rin ako."

"Halaaa pano na si baby @RigelPetterson. Paano na ang #RigBy? :("

Napangisi ako sa latest comment na nabasa ko. Iba din ang alindog ng isang 'yon, pero nakakapagtaka lang dahil ilang araw na kaming hindi nakakagawa ng duet video, kung kaya'y hindi ko maiwasang mag-alala. Nakailang post na ako ng video nitong mga nakaraang araw, pero siya ni isa ay wala pang nadadagdag. Well, I don't really care naman kasi baka busy lang yung tao. 

Chineck ko rin ang dm's ko, but no signs of him. Last week pa ang last convo namin, which is noong pinag-usapan namin kung ano'ng video ang gagawin namin para sa duet. Pati sa instagram account niya ay wala pa rin siyang kahit story man lang. 

Teka, ba't ba masyado akong nag-aalala? Aish! Nahihibang na ata ako. Epekto siguro 'to ng Covid 19, kaya masyado akong nagwoworry sa mga bagay bagay these past few days. Pa'no ba naman kasi, mayroon ng 20 positive cases dito sa bansa. I know kakaunti pa lamang 'yan kung ikukumpara sa ibang bansa, pero alam ko hindi lang 20 ang positibo, marami pang iba sa paligid. Pero ang mas nakakabahala ay yung tinatawag nilang Super Spreader na kayang manghawa ng virus sa maraming tao in just a short period of time. 

Bago pa man ako mapraning ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagrereview dahil nalalapit na ang finals. I need to work hard this time dahil gradwaiting na ako next month. After graduation ay magreready na ako sa pagtitatake over ang posisyon bilang COO sa family business namin. 

~

The next days went good as planned. Tapos na ang lahat ng requirements as well as the final exam. Bale pagpapapirma na lang ng clearance at graduation pictorial ang mga kailangang tapusin para makaakyat ng stage next month. Dang, I can't wait to post a picture of me wearing toga while holding my diploma. Naiisip ko pa lang ay kinikilig na ako. Okay lang grumaduate nang walang jowa, basta ang mahalaga'y makapag-martsa at makatanggap ng diploma!

*Ting*

Agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang mabasa ang notification sa aking cellphone.

@RigelPetterson messaged you! Tap to check.

Oh, finally. Nag-message na ang boyfriend ko.

Shet, kinilig naman ako sa naiisip ko. 

Ako?

Si Abeyea Elle?

Jowa si Rigel Nicholas?

Oh my gosh, isang napaka-imposibleng mangyari sa totoong buhay. Hays. Agad ring napawi ang ngiti sa aking mga labi dahil sa naisip.

Baka may bago na siyang video at gusto niyang magduet kami. Agad kong pinindot ang kaniyang pangalan sa aking screen.

@RigelPetterson: (Are you at home?)

Huh? Ba't naman niya natanong? Hindi ito ang ineexpect kong sasabihin niya after niyang mawala nang ilang araw. Kahit na nalilito, ay nireplyan ko pa rin ito.

@AbbyDizon: (Well, yes.  As always haha.)

@RigelPetterson: (Then good.)

@AbbyDizon: (Huh? Wdym?)

@RigelPetterson: (Open your door.)

Huh? Nantitrip nanaman ata ang loko. Baka isa nanamang prank 'to para sa ginagawa niyang vlog. Dang vloggers, kung anu-ano'ng naiisip na pakulo.

@AbbyDizon: (Why?)

@RigelPetterson: (Just open it then you'll see.)

@AbbyDizon: (Done.)

Syempre hindi ko binuksan ang pinto. Ano ako? Uto-uto? Utot niya!

@RigelDizon: (You didn't. Oh c'mon, there's a lot of mosquito here.)

Biglang napataas ang kilay ko dahil sa nabasa, pero agad ding bumaba at halos madapa na ako sa hagdan dahil sa panginginig ng paa ko. Dang, this can't be true. Ngunit bago ko buksan ang pintuan ay huminga muna ako ng malalim at saka sumilip sa may peephole ng pinto. O'diba may pa-peephole ang lola niyo.

Kumunot ang noo ko nang wala naman akong ibang nakita kundi ang mga bulaklak lang sa bakuran. Wala ni anino ng kung sino man.

Kainis! Naisahan nanaman ako ng mokong. Argh!

@RigelPetterson: (Hey, u there?)

Bago ko pa man siya murahin sa chat ay may narinig akong katok sa pinto. Kung kaya'y sumilip ulit ako sa peephole, pero wala pa ring nagbago sa nakita ko kanina. 

"Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto, ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula dito.

Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin. Ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to.

Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak, but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh. 

Pagkatapos kong iset-up ang phone ay agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto. Huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob ng dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti. 

At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala naman akong kakaibang nararamdaman sa paligi----

"SURPISE!" 

"T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko.

Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig dahil hindi ko ito maigalaw.

Isang pawisang lalaki na may hawak na camera sa kaniyang kanang kamay at isang paperbag naman sa kaliwa ang nakatingin sa akin ngayon.

My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts