webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
21 Chs

[20] I GOT YOUR HEART

[20] I GOT YOUR HEART

"Baby, I'll just take a bath.." nakangiting sambit ni ate Mia sa boyfriend n'yang si Tadeo.

Pilyong ngumiti si Tadeo, "P'wede ba akong makisabay?" sabi nito at hinaplos ang buhok ni ate. Namula s'ya at pabirong hinampas ang dibdib ni Tadeo.

Pinilit kong pigilan ang pagsalubong ng kilay ko habang patuloy na pinapanood silang dalawa. Sa harap ko pa talaga naglandian ang dalawang ito? Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinapanood sila. Parang may gustong kumawala sa kaloob looban ko.

Hinila s'ya ni Tadeo kaya napaupo s'ya sa mga hita nito, "Ano ba? Kakaligo mo lang, eh." pinacute pa n'ya ang boses n'ya habang pinaglalaruan ang buhok ng lalaki, niyakap naman nito ang baywang n'ya.

"Edi maliligo ulit ako."

"Haynako. Kumain ka muna d'yan. Saglit lang ako." tumayo si ate at lumabas upang kuhanin ang twalya n'ya.

Sumimsim ako ng juice sa basong kanina ko pa hawak hawak ng mahigpit habang nakatitig kay Tadeo na abala sa pagkalikot sa cellphone n'ya.

My sister doesn't deserve someone like you. I deserve to be yours, and you should be mine.

Ilang sandali ay bumalik si ate dala dala ang towel n'ya. She kissed his lips, "Saglit lang ako, ah?" she said with all of the smiles and make her way to the bathroom.

Tunog ng electric fan at ang nilalaro n'ya sa cellphone lamang ang pumapaibabaw sa paligid. Nandito ako sa bahay namin, dito muna nagbakasyon si Tadeo.

Napaangat ang tingin n'ya at nagtama ang mga paningin namin. Imbis na umiwas ako dahil nahuli n'ya akong nakatitig sa kaniya ay mas lalo ko s'yang pinagmasdan.

Agad s'yang umiwas at ramdam ko ang pagkailang n'ya. Pasulyap sulyap sa sa'kin, inaalam kung nakatitig parin ako.

Tumayos s'ya kaya tumayo din ako, "O-Oh, tapos kana magmeryenda bunso?" tanong n'ya nang makitang tumayo din ako. Tumango lang ako at nananatiling nakatitig sa kaniya. "Oh, sige, akyat lang ako sa taas, ah?" nagsimula na s'yang humakbang papunta sa hagdan kaya agad ko s'yang sinundan hanggang sa makarating s'ya sa kwarto nila ni ate.

Isasara na sana n'ya ang pinto pero pinigilan ko ito, "Bunso?" napataas ang kilay ko. Kanina pa 'to, ah?

"Stop calling me bunso, you're not my brother." I said at humakbang papasok sa kwarto. Agad naman s'yang napaatras at halata sa mukha n'ya ang pagkaalarma sa aksyon ko.

He tried to laugh, "But you're a sister to me." he said and pat my head.

I frowned and hold his wrist. "If I'm a sister to you, then is ate too?" I raised a brow.

Halata sa mukha n'ya ang pagkabahala sa ginagawa't pinagsasabi ko, "Alam mo, Jazmine? Matulog ka na lang. Masarap matulog sa tanghali."

Hindi ko s'ya pinakinggan, instead ay mas lalo akong lumapit sa kaniya, "Bakit ka nagpapanggap?" I said sweetly, "Hmm?"

Napaatras s'ya pero nagpatuloy lang ako sa paglapit sa kaniya, "What are you saying?"

"You know that I love you, Tadeo." I hugged him and tried to rest my face on his chest but he pushed me away.

I blinked and looked at him with no emotions evident in my face, "Bakit ka nagpapanggap?" he said.

"What are you saying?" I asked. "I'm not pretending, I really love you.."

He glared at me, "You know that I love your sister. I don't love you, Jazmine.." halatang galit s'ya, "I can't love you back. I'm not capable of loving you back, because I can't live without her."

Napatulala ako sa sinabi n'ya, alam ko. Alam ko naman, pero masakit parin talaga. Sobra sobrang selos ang nararamdaman ko at alam kong hindi ito normal. Kailangan ko itong iwasan dahil sa maaari kong magawa kapag nagpadala ako dito.

I'm still hoping that I can get his attention, his love.

"My heart is just for Mia. Your sister got it. I can't love anybody else. I'm sorry." parang tinutusok ang puso ko dahil sa mga salitang lumalabas sa labi n'ya, nahigit ko din ang hininga ko habang pinapakinggan s'ya, "Nasa kaniya ang puso ko at alam kong nasa akin ang puso n'ya."

"I.. I'll get you from her, Tadeo. I'll steal your heart from her."

He shook his head, "Don't try. Masasaktan ka lang," he paused, "Because I'll never love you like how I felt for your sister. You'll never get my heart away from her. She has it, she possess it, it's hers, and will never be yours."

Sapilitan n'ya akong inilabas sa kwarto, "I'll prove you wrong! You'll see!" I shouted before he slammed the door in front of me.

Ilang minuto akong tulala doon. Ramdam ko ang sakit, inis, matinding selos at galit.

I'll prove you wrong

You'll see..

too bad

it's me.

"Oh, sis? Okay ka lang." naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

Binaling ko ang nanlilisik ko mga mata kay ate at saka iniwaksi ang kamay n'ya. Agad akong nagmartsa papalayo. Iniwan s'yang nagtataka.

————

"Bakit wala pa ang ate mo, Jazmine? Tawagin mo nga, baka tulog pa pati narin si Tadeo." utos ni mama pagkatapos n'yang ayusin ang hapag kainan.

Ngumiti ako, "Okay po." saka tumayo, pero pagkatalikod na pagkatalikod ko ay hindi ko mapigilang ngumisi.

Aakyat na sana ako pero nakasalubong ko si Tadeo na pababa ng hagdan, "Oh. Kuya.." I faked a smile, "Where's ate po?"

Nanlaki ang mata n'ya at ngumiti. He pat my head, "Sabi na nga ba't nagbibiro ka lang sa pinagsasabi mo," he shakes his head and chuckles later on. Ngumuso ako. Tsh. "Ate mo? Wala paba sa ibaba?" takhang tanong n'ya. Umiling ako at sabay kaming pumunta sa kusina.

"Nasaan na si Mia? Kakain na." nagtatakhang tanong ni mama nang pagkababa namin na hindi kasama si ate.

"Eh? Wala na po s'ya sa itaas."

"Ano? Baka naman naliligo. Oh s'ya, magsikain na tayo."

Umupo ako sa inuupuan ko kanina at nagsimulang magsandok, habang si Tadeo ay nananatiling nakatayo, "Mauna na ho kayo. Hintayin ko nalang po si Mia, sabay na kami."

Hindi sinasadyang mabitawan ko ang kutsara at naglikha ito ng malakas na ingay nung tumama ito sa plato. Napayuko ako at agad na nagpaumanhin bago nagpatuloy. Nagkibit balikat lang si mama at tumango.

Magsisimula na sana kaming kumain pero biglang tumunog ang telepono namin. Tatayo na sana ako upang sagutin ito pero naunahan ako ni Tadeo.

Pinanood lang namin s'ya ni mama habang kausap n'ya ang nasa kabilang linya.

"Hello.." there's a paused, "Yes. Dito nga.." he blinked, "Si Mia po? Hindi ko pa s'ya nakikita ngayong umaga.." biglang bumakas ang pagkabahala sa kaniyang mukha, "P-Po? Teka.. Baka nagkakamali kayo. Siguradong nandito lang s'ya sa bahay.." napaawang ang labi n'ya at parang hindi s'ya makapaniwala sa naririnig, tumayo si mama at lumapit sa kinaroroon ni Tadeo.

Nangingnig na ipinasa nito ang telepono kay mama na mukhang kinakabahan na din. Pagka abot ng telepono ay tumakbo siya papunta sa banyo. Agad akong tumayo at sinundan s'ya.

Nakita ko s'yang napasabunot sa buhok n'ya nung makitang walang tao sa banyo, "Kuya? Bakit po? Anong nangyari?" Lumapit ako sa kaniya at napatingin s'ya sa'kin. Biglang may tumulong luha mula sa mata n'ya.

"S-Si Mia---" hindi na n'ya atapos ang sasabihin n'ya nang may narinig kaming sumigaw.

Agad kaming pumunta papunta sa kusina, "Mama? Ano pong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko nung makita si mama na takip ang bibig n'ya at umiiyak. Ang telepono naman ay nasa lapag na tila ba nabitawan.

————

Nandito kami ngayon sa isang abandonadong maliit na bahay. Madaming tao sa paligid at lahat sila'y nagbubulungan, ang iba nama'y hawak hawak ang kanilang mga gadgets at may kinukuhanan ng litrato.

Agad na tumakbo sila mama at Tadeo sa pinagkakaguluhan. Sumunod naman ako sa kanila. May nakaharang na police line pero pinadaan kami nung sabihin ni mama ang pangalan n'ya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang doon sa loob ay pumaibabaw ang iyak ni mama.

May nakita kaming isang bangkay sa gitna. Walang kabuhay buhay, namumutla, naliligo sa sariling dugo, sugatan at wakwak ang dibdib. May mga pulis na kinukuhanan ito ng litrato, may tinitignan sa bangkay at may isinusulat.

Tinangka ni mama na tumakbo papalapit sa bangkay pero agad s'yang pinigilan ng pulis. "Hindi ho maaari dahil malalagay ang finger print n'yo sa katawan ng biktima."

"Anak ko 'yan! Anak ko 'yan!" Patuloy na pagsigaw ni mama habang umiiyak at patuloy s'yang pinipigilan.

Napaluhod naman si Tadeo at hindi nakapaniwala sa nakikita. Tuloy tuloy ang pagkawala ng likido mula sa mata n'ya habang nakatitig sa bangkay.

"Malaki ang galit ng gumawa nito sa kaniya." paguusap ng ibang pulis na s'yang nagche check sa bangkay.

"Mga hayop kayo! Hayop ka! Kung sino ka mang pumatay sa anak ko! Magpakita ka! Pagbabayarin kita! Anak ko! Anak ko!" patuloy na sigaw ni mama. Nakahiga na s'ya sa sahig, naka inat ang mga kamay at pilit na hinahawakan ang bangkay, pero maagap ang pulis na pumupigil sa kaniya.

"Looks like her heart is missing.." mungkahi ng isang pulis.

"Bakit naman kaya?"

"Maybe the culprit will sell it to the black market?"

"There's a possibility but, bakit puso lang? Hindi sa kinukunsinti ko kung sino man ang gumawa nito pero kung ibe benta n'ya, edi sana pati ang ibang parte ng katawan ay kinuha."

Tumango ang iba, "You got a point.." nagpatuloy sila sa pagkilatis sa bangkay.

Napatingin ako kay Tadeo. Tulala lamang itong nakatitig sa bangkay, ilang sandali ay inusal n'ya pangalan nito, "Mia.."

————

Nandito ako sa kuwarto ko, malalim ang iniisip habang hawak hawak ang puso ni ate. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba na kay ate ang puso n'ya? Ito na, nakuha ko na. Pero puso n'ya ba talaga ito? Kung ganoon ay bakit si ate ang namatay? Kapag ba ibinalik ni Tadeo ang puso ni ate na nasa kaniya ay mabubuhay s'ya?

Hindi.. Hindi ko na dapat pang iniisip iyon. Pero sigurado akong hindi puso ni Tadeo ang hawak ko dahil kay ate ito.

Akala ko natapos ko na. Pero hindi pa pala. Kailangan ko pang makuha ang puso n'ya, kailangan na mapasa akin iyon.

'Pero ang tanong, paano?' pagkausap ko sa sarili ko. Itinagilid ko ang ulo ko at kinagat ang pangibabang labi habang nagiisip.

Patuloy kong pinaglalaruan ang pusong kinuha ko kay ate, pinipisil na tila stress ball at slime. Biglang may pumasok ba ideya sa isip ko.

Kung nakuha ko ang puso ni ate, magagawa ko din iyon kay Tadeo.

————

"Kuya?" kumatok ako sa kwarto nila ni ate. Walang sumagot. Ang alam ko ay nandito s'ya. Walang burol ang nagaganap dahil nasa mga pulis ang katawan ni ate, kinukuhanan ng otopsiya.

Pinihit ko ang doorknob at itinulak. Agad namang bumukas ang pintuan. Nakita ko si Tadeo na nakaupo sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama habang nakayuko. Umuuga ang balikat n'ya, umiiyak s'ya.

"Kuya?" muli kong tawag sa kaniya. Pero tila wala s'yang naririnig, patuloy sa pagmumukmok walang balak na mag-angat ng tingin.

Lumuhod ako sa harap n'ya, dala dala ang puso ni ate.

"Kuya--"

"Bakit nangyari 'to?" humihikbing sinabi n'ya, "A-Anong nagawa n'yang mali? Bakit siya pa?" patuloy s'ya sa pagiyak, "Napaka buti n'yang tao.. Pero ano? Wala.. Wala na.. Wala na s'ya! Iniwan na n'ya ako! Mahal na mahal ko s'ya.. Mahal na mahal.. Pero--" sa wakas ay iniangat na n'ya ang tingin sa'kin. Bigla s'yang natigilan habang nakatingin sa hawak hawak ko. "J-Jaz? Ano 'yan?!" nanlaki ang mata n'ya at palipat lipat ang tingin sa akin at sa puso ni ate.

Ngumiti ako at inilahad ito sa kaniya, "Palit tayo? Sa iyo na 'tong puso ni ate, akin na ang puso mo.."

Bigla s'yang napatayo papaatras sa'kin, "What have you done?" walang emosyong tanong n'ya.

Kumunot ang noo ko at tumayo, "Ayaw mo? Your heart in exchange of my ate's."

"Have you gone mad?!" sigaw n'ya. Mahigpit n'yang hinawakan ang pulso ko, muntikan ko na mabitawan ang hawak hawak ko.

"Be careful!" sigaw ko pabalik at saka binawi ang wrist ko.

"Bakit mo nagawa 'yan?!" bakas sa mukha n'ya ang matinding galit at hindi nakapaniwala sa nalaman.

"H-Hey. I told you. Kukunin ko ang puso mo. I did this to prove you wrong, Tadeo." pilit kalmang sagot ko, "Kung hindi ko din naman makukuha ang puso mo sa ganitong paraan, edi gagawa at gagawa parin ako ng paraan, makuha ko lang 'yan at masabing mali ka ng inaakala dahil kaya ko!" hinugot ko ang kutsilyong nakatago sa gilid na bulsa ko, "Kaya ko!"

Itinutok ko ito sa kaniya gamit ang kanang kamay habang nasa kaliwa ang puso ni ate.

Hindi s'ya gumalaw kaya napakunot ang noo ko. Walang emosyon lang s'yang nakatingin sa'kin, "Sige lang. Patayin mo ako. Isunod mo na ako sa kaniya, gusto ko na s'yang makita."

"Ha!" napasinghal ako. Sinasabi ko na nga ba. Mas gugustuhin n'ya pang mamatay para makasama na si ate. "Kung iyan ang gusto mo, oh edi sige!" hiyaw ko at isinaksak ang kutsilyo sa dibdib n'ya, sa tapat ng puso n'ya, pero sinisigurado kong hindi magagalusan ang puso n'ya.

Napadaing s'ya pero hindi n'ya ako tinangkang pigilan. Lumabas ang dugo n'ya mula sa sugat na ginawa ko.

"Magsama kayo!" hinugot ko ang kutsilyo.

Napahiga s'ya sa sahig kaya umupo ako sa tiyan n'ya, nahihirapan na huminga at magsalita ay ibinuka pa rin n'ya ang bibig n'ya at sinaktan ako sa huling pagkakataon, "K-kahit.. Literal m-mong.. Makuha ang p-puso ko.. hinding hindi mo.. m-makukuha ang pag mamahal ko.." nandilim ang paningin ko at hindi ko namalayang paulit ulit ko ng sinasaksak ang dibdib n'ya. Sumirit at bumulwak ang dugo n'ya. Naramdaman ko ang pagtalsik nito sa mukha ko, pati na rin sa labi ko kaya nalalasahan ko ito.

Ilang minuto ko iyong ginagawa hanggang sa mamalayan ko na lamang na tumigil ako, wala na s'yang buhay at wakwak ang dibdib n'ya. Nanghihina akong umalis sa pagkakaupo sa tiyan n'ya. Napatingin ako sa puso ni ate na nalaglag sa sahig. Muli akong tumingin sa walang buhay na si Tadeo.

Lumapit ako sa kaniya, unti unting ipinasok ang kamay sa loob ng dibdib n'ya, dinadama ang laman nito. Hanggang sa mahawakan ko ang isang bagay. Napangiti ako at inilabas ito.

Napahalakhak ako nang tuluyan ko na itong nasilayan, "See this?!" tuwang tuwang tanong ko at turo turo ang pusong hawak hawak ko, "Finally.. Napasaakin din ang puso mo.." tumingin ako sa kaniya, "I've prove you wrong. I got your heart, Tadeo." sabi ko habang nakatitig sa walang buhay na si Tadeo. Bigla akong may naalala.

'K-kahit.. Literal m-mong.. Makuha ang p-puso ko.. hinding hindi mo.. m-makukuha ang pag mamahal ko..'

Naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng mainit likido mula sa mata ko.

Nagawa mo parin akong saktan sa huling pagkakataon at sa iyong huling sandali.

———

Akane Daltsuki