webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
21 Chs

[19] SIGNING OFF

[19] SIGNING OFF

"Officially signing off as your writer."

Ni-click ko ang post pagkatapos kong i-type iyon. Sa sobrang ka boringan na nararamdaman ko dito sa bahay ay nagpasya akong mang prank, sakto at April fool's day ngayon.

Hindi ko mapigilang makagat ang labi ko nung makitang may mga nag sad react, puro sad react. Naisipan kong basahin ang comments nila.

"Halaa whyy?"

"Why?"

"Bakit pooo?"

"Joke ba 'to?"

Napailing ako. Aba, ngayon lang nagsilabasan kung kailan nag sign off na.

"April fool's!| " ni-type ko at ico-comment ko na sana kaso may new comment ang biglang lumitaw at pumukol sa atensyon ko.

New comment galing sa isa sa mga ka close ko dito. S'ya ang may pinaka kakaibang comment. Nahigit ko ang hininga ko at pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko sa nabasa.

"Eh? sml?

Edi mag sign off ka!

Walang may pakialam hindi naman maganda mga works mo.

Napaka lame. Pa sign off sign off ka pa masyadong papansin.

Kahit hindi ka na mag update kahit kailan, walang nakakapansin kasi wala namang nagbabasa ng works mo, duh."

Napakurap ako, naiiyak ako. A-Akala ko.. Akala ko s'ya 'yung taong pinaka sumu suporta sa pagsusulat ko. Mukhang nagkakamali ako. May iba pang sumangayon sa kaniya na s'yang nagpalala sa lungkot na nararamdaman ko.

"May mga tao talagang ipaparamdam sa'yo na sinusuportahan ka n'ya, pero ang totoo ay wala talagang pakialam sa iyo. It's just a prank, 'yung pag sign off ko? I thought I found a true supporter, well nevermind. At least nalaman ko kung sino ang totoo at sino ang hindi, 'diba?|"

I typed using my trembling hands. But why can't I click the post button? How weak can I be?

———

Akane Daltsuki