She was a devoted partner to me. Marami kaming pangarap na dalawa, inakala namin noon na kami na hanggang sa huli. Nangako siya. Naniwala ako.
She told me na iba siya sa lahat. Kapag sinasabi ko sa kanya na baka dumating ang araw na maghanap siya ng iba dahil nagsawa na siya sa akin ay lagi niyang sinasabi na; "Hindi 'yan mangyayari."
And I believed her.
Going strong ang relasyon namin kahit na right from the start alam kong ayaw sa akin ng Parents niya. Only girl kasi siya sa kanilang magkakapatid, bunso pa kaya pangarap ng Parents niya na magkaroon siya ng asawa at anak. Pangarap nila na makita siyang ikakasal sa lalaki, pero pinaglaban namin ang relasyon naming dalawa.
We're doing okay, masaya kami, oo may mga issues, hindi naman 'yun mawawala eh pero at the end of the day, na se-settle namin lahat at mas pinipili pa din namin ang isa't-isa.
Hanggang sa kailangan niyang bumalik sa Province nila dahil sa work niya at dahil mahina na ang Daddy niya ay siya na lamang ang maaasahan na mag manage ng Family Business nila dahil may asawa na ang mga Kuya niya.
Okay naman kami nung una. Lagi kaming magkausap, once a week, lumuluwas siya at nagkikita kami. Hindi kasi ako p'wedeng pumunta sa kanila dahil sa hindi pa din kami tanggap ng Parents niya.
Hanggang sa ang araw araw na pag-uusap ay naging madalang na, ang mahahabang text conversation ay napalitan na ng one liner, ang once a week na pagluwas niya'y naging once a month hanggang sa hindi na siya makaluwas dahil sabi niya'y masyado siyang busy at marami siyang inaasikaso. Nag start siyang maging cold sa akin, minsan na nga lang kami makapag-usap lagi pa niyang pinuputol ng; "Sige na bukas na lang ulit inaantok na ako." o kaya ng; "Sorry, pagod ako."
Iba na ang pakiramdam ko, and yet, I still believed her.
Hanggang sa bigla siyang nawala sa Social Media. I don't know kung blinock ba niya ako o nag deactivate siya. Hindi ko na din matawagan ang phone niya, bigla siyang naglaho sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, I was like a running chicken without a head, hindi ko alam saan ako pupunta, saan ako magsisimula. Sinubukan kong i-message ang mga kaibigan niya sa province pero once na naseen na nila ang chat ko'y bigla na lang You can't reply to this conversation na ang makikita ko sa ilalim ng message.
Alam ko may mali. Maling mali.
Naaalala ko n'un, I told her na kung ayaw na niya at may iba na siya sabihin niya sa akin, huwag 'yung bigla niya akong iiwan ng walang pasabi, walang paliwanag. Naaalala ko pa ang sinagot niya sa akin noon.
"Kung mangyari man 'yun, isa lang ibig sabihin n'un, napagod na akong ilaban ang sa atin."
Nasa point na ba siya ng buhay niya na na pagod na siyang ilaban ang relasyon namin? Bumigay na ba siya? Sumuko? I need to know, I deserve to know the truth.
Nagpunta ako sa Province nila. Pinagtanong ko ang bahay nila, hinanap ko siya at natagpuan ko siya.
May nakapagsabi sa akin kung saan ko siya makikita, ang akala nila'y isa ako sa mga bisitang naligaw.
Nandoon ako sa labas ng Simbahan. Hindi ako pumasok sa loob, hinintay ko lang ang paglabas nila.
Sumuko na pala siya, napagod na pala siya at wala akong alam.
Literal na nakita ko ang pagguho ng mundo ko habang pinagmamasdan ko sila palabas ng simbahan. Ang saya saya ng mukha niya, magkahawak ang kamay nila at doon ko napansin na malaki ang umbok sa tiyan niya. Buntis na siya.
Bago sila tuluyang makasakay ng kotse'y napasulyap siya sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako. Tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at tsaka marahang tumango na parang sinasabi ko sa kanya na naiintindihan ko siya, na kahit hindi siya magpaliwanag ay nauunawaan ko kung bakit.
Tumalikod na ako at mag-isang umalis sa lugar na iyon.
She loved me then but now, she is now someone else's wife. Hindi na siya sa akin. It is not me anymore, there's no more us.
At the end of the fight, hindi na ako ang pinili niya.
Once there was a love...
And I believed in that love, I still do until now but that love will never come again,
and that love was so long ago.
.
.
.
.
.
+oneshotstory.scribileyr.+
#oneshotstory
#lesbianstory