webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · แอคชั่น
เรตติ้งไม่พอ
45 Chs

( Conversation)

Matapos maghapunan ng dalawa ay agad namang niligpit ang pinagkainan nila.

Pinaalala ng binata ang gamot nang dalaga na ibinigay niya.

Pagkatapos maghugas ng mga plato ay sabay silang pumasok ng kwarto habang mapupunang namumula na ang leeg ng binata na tila sanhi ng alergy niya sa isang pagkain.

" sir, yong leeg niyo ho! " punang turo ng dalaga sa leeg ng sir Carllex niya.

Dali dali namang titingnan niya ito sa salamin na tila gulat na gulat siya.

Kaagad namang tinawagan ang mama niya para tanungin kong anong mainam na gamot rito.

Sermon na lamang ang inabot niya sa mama Jerimy niya ng malaman ang nagyare.

(on call)

" at sinong nagsabi sayo na kumain ka ng street foods? Ikaw na bata ka lagot ka talaga sa akin kapag umuwi ka rito. " wika ng ginang na tila puno ng pag aalala.

" ma, hindi na ako bata saka turn to 21 na ako hindi ko lang alam na alergic pala ako sa street foods. " mahinang katwiran niya sa mama nito.

" ipapadala ko sa private bodyguards mo yong gamot saka umuwi ka na nga dito. Ikaw talagang bata ka isusumbong talaga kita sa papa mo. " tugon niya sa anak.

" ma, dont worry binata na ang baby boy niyo. Saka balak ko na ngang magkaroon mg baby! " padinig niyang sabi sa dalagang nagsusuklay sa harap ng salamin.

" anak, sundin mo yong tradisyon ng pamilya natin kong ayaw mong mapahiya ang papa mo. Saka hindi kita tinuruan para bastusin ang mga babae. " paalala niya sa anak.

" hindi ko ho nakalimutan yon mama saka wag na kayong magalit. Bigyan niyo na kasi ako ng kapated para hindi niyo na ako binibaby. " ani Carllex.

" teka, gusto kong makausap si Ms. Santos baka binubully mo yan gaya ng ginawa ng papa mo sa akin. " aniya ng ginang.

" absolutely ma, pangit naman ho kasi siya saka walang nagkakagusto sa kaniya. " saad pa nitong sabi sa mama niya.

" ibigay mo sa kaniya at nang makausap ko. " ani Jerimy na tila tatanungin ang dalaga kung anong pinanggagawa ng anak niya sa dalagang nagligtas sa buhay nito.

" pangit, gusto ka daw makausap ni mama. " tawag niya sa dalaga.

Sa pag uusap ng dalawa.

" hi Ms. Santos, hindi ka ba inaasar ng anak ko? " usisa nito.

" ma'am, magaling magluto ho itong anak ninyo saka maalaga ho siya. Nahihiya na nga ho ako sa kaniya kasi bigla nalang sumusulpot at pagdating ko dito sa bahay ay pinagluto na niya pala ako. " tugon ng dalaga.

" oh ano ma, mabait kaya ako! " sabat ng binata sa kabilang sofa.

" manahimik ka diyan hindi ikaw ang kinakausap ko. " bara niya sa anak. Napakamot na lamang ang binata at nanahimik.

" bat ho pala gusto niyo akong makausap? " usisa ng dalaga.

" eha, ito tandaan mo kapag may ginawa niyang pilyo kong anak sayo ay agad mong ipaalam sa akin. " sabi niya sa dalaga.

" sige ho ma'am ibibigay ko na sa anak ninyo ang phone. " ani Jen habang iniaabot ang phone sa sir Carllex niyang kanina pa nakikinig.

" ano ma? Bye na po saka ikamusta niyo nalang ako kay papa. Pakisabi kay lolo na maglalaro kami ng billiard pag uwi ko diyan. " paalam ng mga binata rito.

(call ended)

Napatingin na lamang si Carllex sa dalaga at nagtanong.

" ano bang sinabi ni mama sayo? " ask niya rito at lumapit ng sofa kalapit sa dalaga.

" wala ho sir sige matutulog na ako. " paalam ng dalaga at nauna ng natulog.

Maririnig naman ang pagkatok sa pintuan na agad namang binuksan ng binata.

Bumungad ang ginoong naka black suit at may dalang bag.

" good evening sir Carllex, " sabay abot ng pinadalang gamot para sa alergic niya.

" thank you, " tugon nito.

Inilock ng maayos ng binata ang pintuan at uminom muna ng gamot.

Pagkatapos ay naghalf bath ito na tila nasanay nang gumamit ng hindi shower sa paghahalf bath niya.

Madali naman siyang natutu sa mga bagay na tanging natutunan lang niya sa mundo ng dalaga.

Nakangiti pa itong nagpupunas ng tuwalya sa katawan niyang matitigas.

Halatang aware siya sa kaniyang katawan at laging goal nito ang pagiging physically fit.

" Jen, gising ka pa? " pasok niya sa mosquito net na nasa kamang pangdalawahan lamang.

" oo, hindi ako makatulog. " tugon ng dalaga na napabaling ang mga titig niya sa kabilang dako sa binatang walang damit pantaas kung matulog.

" alam mo, nakaka amaze ka Jen kasi nakakatulog ka ng maayos sa kamang ito. " ani Carllex na tila hindi mapakali sa kinahihigaan nito.

" sir ganun talaga kasi mahirap ako. Madaling maka adjust dahil ganun talaga ang buhay. " ani Jen na nakayakap sa unan.

" sa kwarto ko kasi malawak ang kama ko at kasya roon ang lima kaya malaya akong nakakagalaw roon. Malambot ang kama ko saka relax na relax ka. " kwento niya sa dalaga.

" sana all talaga, " sambit ng dalaga.

" hayyst, one day nalang ako dito Jen kaya maglaro tayo ngayon ng online game. Ano deal? Kapag natalo, lalagyan ng drawing ang mukha. " yaya niya sa dalaga.

" ay, pwede bang pool nalang ang laruin natin. " pakiusap ng dalaga na tila yon lang ang alam niyang laruin.

" sige ba, sandali kukunin ko yong Wi-Fi para maka connect ka. " labas niya sa mosquito net.

Sabay silang nag log in at pinili ang laro para sa dalawahan.

" ano pangit ready kana? " usisa niya sa dalaga.

" oo naman sir kanina pa, " tugon nito habang nakapokus na sa board.

" mauna kana pangit! " ani Carllex na tila nagparaya muna.

Humahanap na ng magandang pwesto ang dalaga at gamit ang daliri niya ay hinatak niya ang tako nito at pinakawalan ng malakas para tumama sa white ball patungo naman sa nag uumpukan na mga bola. " woah, mukhang talo ka agad, pangit! " puna ng binata namg hindi pumasok ang bola nito.

" ang daya! " sambit ng dalaga na tila nagpaparinig sa sir Carllex niyang tila bihasa sa paglaro ng pool.

" ops, " sambit nito ng pumasok ang bola.

" ayoko na, " takas nito ng bigla siyang hinila ng binata at dinaganan.

" saan ka pupunta pangit? This is your punishment! " sabay kuha ng black marker at nagdrawing sa mukha ng dalaga.

" grabi, maawa ka naman! Wala na ngang magandang view yan tapos guguhitan mo pa. " reklamo niya sa binata.

" ang cute pangit saka bagay sayo. " tawa nito sa dalaga habang tinititigan ang mukha nito.

" sir naman, " tingin niya sa salamin.

Nabigla na lamang ang dalaga mg makita ang hugis pusong nakadrawing sa mukha niya.

Hindi niya maisip kung bakit hugis puso pa ang ginuhit nito kaysa sa ibang hugis na lamang.

" sir bat heart ang drinuwing niyo? " usisa ng dalaga.

" wala lang gusto ko lang tara tulog na tayo! " hikab ng binata na tila inaantok na.

Mahihiga na lamang ito na walang damit pantaas.

" magkumot kayo sir, " bigay niya sa binata at humiga na rin.

" good night Ms. Santos, " sabi pa nito at ipinikit na ang mga mata niya.

Jen Pov's

Hala, tulog na agad si sir Carllex.

Himala ata at ngayon lang siya nakatulog ng maaga.

Hindi na rin namumula ang leeg niya.

Hindi naman niya sinabi na alergic pala siya sa street foods pero nilihim niya pa rin.

Nakaka amaze si sir at nagawa niyang makihalubilo sa mga tao rito.

Wala siyang reklamo sa paligid niya.

Wala na akong masabi pa sa kaniya.

Ang bait niya at maalaga saka napaka responsible.

Kaya pala hinahabol siya ng mga babae.

Napapaisip tuloy ako kung bakit wala siyang jowa?

Siguro mapili siya sa babae kaya ganiyan siya.

Sana sir makahanap ka ng babaeng tatapat sa pagmamahal mo.

Wishing you all the best at sana wag ka nang tumakas sa mga bodyguards mo.

Naalala ko yong sinabi ng mama niya kanina.

Hay Jen, wag mo nang isipin yon saka ang importante ay makapagtapos ka.

Iyon lang ang tanging hiling mo sa buhay mo.

@YhunaSibuyana