webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 5

INJURED

"So, everything's clear now?" I asked my juniors. They nodded enthusiastically and gathered their things to pack up

"Thanks Pres! You're the best!"they beamed at me and left hurriedly.

Nasa library kaming magkakaibigan nang lapitan kami ng mga grade 7 para magpaturo. Kinuha na rin nila akong magtutor sa kanila kaya baka sa susunod na mga araw ay busy na naman ako..

Tinignan ko ang bawat aisle ng book shelves para masiguradong wala nang tao. Nang makarating ako sa dulo kung saan may bean bags ay may nakita akong nakapatong ang ulo sa braso at natutulog.

Napakunot ang noo ko nang makilala ang lalaki na may nakatakip ng libro sa mukha niya.

Sa unang linggo nang klase ay kung saan saan ko siya nakikitang natutulog. Parang puyat na puyat.

Wala naman akong masabi sa performance niya sa klase dahil matalino rin talaga. Medyo tatamad tamad nga lang at antukin.

Napabuntong hininga ako at lumapit para gisingin siya. Tinapik ko siya sa braso. Nang hindi magising ay sinipa ko na siya sa binti nang malakas.

Dapat talaga dito sinasaktan muna bago magising eh!

He suddenly got up. His book fell on the floor.

"What?"he looked at me. His eyes screaming murder.

I rolled my eyes on him and pointed the wall clock.

"Pasara na ang school. Umuwi kana."maikli kong sagot. Kung hindi lang ako nakokonsensyang masaraduhan siya ay nungkang lalapitan ko siya.

Naaalala ko pa rin iyong muntik niya akong halikan.

Napabalik ako aa tabi niya ng hilain niya ako sa braso. He then stood up and crouched down to level our faces. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Not so fast Miss President." His minty breath fanned on my face.

Napaatras ako pero hinila ulit niya ako palapit sa kanya.

"I just wake you up. What's your problem?" I snapped trying to conceal my nervousness.

"You're very nasty to me Miss President. Maybe I can complain to the Principal about your aggression towards me?"he said then went closer to me.

"N-Ni hindi na nga kita pinapansin eh! Anong aggression ang pinagsasabi mo dyan?!" Matapos mangyari ang engkwentro namin last week ay nagpasa siya ng medical certificate kaya wala akong nagawa.

Ang mga mayayaman nga naman.. at gaya ng sinabi ko, hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya. As long as hindi siya nakakaistorbo sa iba.

"Well.. you just kicked me.. wasn't that aggressive behaviour? When it comes to me, you don't have patience.. you're the President here.. should I remind you that you should be friends with everyone?"

Natahimik ako at napalunok. He pulled me more and his lips touched my cheek. Napaiwas ako ng mukha.

"Or maybe.. you just wanted my attention? That's why you treat me differently? Hmm?"sabi niya at idinikit ulit ang mga labi sa pisngi ko.

Nanginginig sa inis na naitulak ko siya. Anong akala niya? Gusto ko siya at nagpapapansin lang ako?

"Excuse me Mr Wright! Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng ganyan." I shot back annoyed.

He just pocketed his hands and looked at me with his bored expression.

"Okay.. so you don't like me then? Too bad.. I'm starting to be curious with you. How about we make a deal? I'll do what you want. Give you allowance and shit like that. But in one condition, I want you to be my sex partner until I get tired of you."

Nanlaki ang mga mata ko sa pang iinsulto niya. Biglang kumilos ang kamay ko at sinampal siya. Napabaling ang mukha niya sa gilid.

"Ni minsan ay hindi ko inisip na ibaba ang sarili ko sa ganyan level Mr Wright. Mahirap lang ako inaamin ko at hindi kagaya nyo na nabibili lahat ng gusto nyo pero nirerespeto ko lahat ng mga students dito. Kaya respetuhin mo rin ako."malamig kong sabi.

At umalis na sa harapan niya. Napapunas ako nang mga luha ko. Anong akala niya sa akin pakawalang babae? Dahil mahirap kaya papatol sa kung sino para lang makakuha nang pera?

Kinuha ko ang mga gamit ko sa table na ginamit ko at lumabas na sa library.

Narinig ko ang mga yabag niya sa likuran ko kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Do you want me to offer you more? It's not enough then? I know poor girls like you. You're just asking for more so you're showing me your tears." he said that angered me more.

"Bakit hindi ka na lang kumuha ng ibang mahirap na babae at alukin sila? Tarantado ka!" Sigaw ko at pinaghahampas siya. He just smirked then pulled my hands away.

"Feisty.. i dont want anyone else..not until I got you.."halos bugahan ko na siya ng apoy sa mga pinagsasasabi niya.

"Pwes mamamatay ka ng dilat dahil hinding hindi mo ako makukuha!"singhal ko at tinulak siya. Napaatras niya sa may flower pot at naisama ako.

Sa pagkabigla ay naitungkod ko ang kamay ko sa semento nang matumba kami. Biglang gumihit ang sakit mula sa kaliwa kong kamay.

Napangiwi akong humiwalay sa kanya at naupo habang hawak ang kamay kong nasaktan.

Naramdaman ko siyang tahimik na bumangon at hinila ako patayo. Mabilis akong pumiglas.

"Kasalanan mo to! Paano na ako makakakilos sa bahay nito!" Sabi ko at tinignan siya ng masama. Nakatingin siya sa kamay kong namumula na at bahagyang namamaga.

Napilay pa ata ako!

Nang hilain niya ako nang marahas ay halos mapatakbo ako sa pagsunod sa kanya.

Bigla akong kinabahan dahil wala ng katao tao. At baka totohanin niya ang sinasabi niyanv kalaswaan!

"T-teka lang! Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko.

Napapikit ako nang huminto siya sa isang pinto tumingin sa akin at animong sasaktan ako .

Pero dahan dahan lang niyang kinuha ang kaliwa kong braso kaya napatingala na ako sa kanya.

His eyes were so expressive.. he was sorry..

Napalunok ako at lumingon lingon para makahingi ng tulong kung sakaling may gawin siyang kabulastugan.

Binuksan niya ang pinto sa tapat namin at hinila ako nang marahan.

"T-teka! A-ayoko nga sabi! H-hindi ako cheap na babae Mr Wright!"protesta ko at sinubukang hilain ang kaliwa kong braso at agad kong pinagsisihan.

Naiyak iyak akong napaupo habang siya naman ay lumakad papunta sa fridge..

Para akong natauhan at napatingin sa buong kwarto. Nasa infirmary kami.. akala ko re-rape -in niya na ako!

Tumingin siya sa bawat drawer at napakamot sa kilay.

"Anong maipaglilingkod ko mga bata?"Tanong ng nurse na kakapasok lang.

Napalingon kaming dalawa.

"She needs cold compress."tipid na sagot ni Travis at nagpatuloy sa pagkakalkal.

"Sa dulong drawer. Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ng nurse at tinulungan na si Travis. Nang hindi ito sumagot ay nangingiting naupo nalang ang nurse at pinanood ito sa paglagay ng yelo sa bag.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Namumula ang pisngi niya at bahagya din may pawis sa noo at ilong. Mukhang inosente at akala mo walang alam sa mundo.

Gusto kong mapaismid nang kunin niya ang kamay ko ng dahan dahan at ilapat ang bag sa injury ko.

I hissed in pain. But he didn't even look at me. Nagpatuloy lang siya at ipinatong ang kamay ko sa malaki niyang kamay habang ang isa ay hawak ang cold compress.

Nang tumagal ay nakaramdam na ako ng ginhawa.

"I'm sorry.." bulong ni Travis na ikinatingala ko.

Then I smiled..

Nagmamadali akong lakad takbo para hindi malate sa una naming subject. Late na kasi akong nagising, tapos ang bagal ko pang kumilos dahil sa injury ko.

Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na wala nang pamamaga. Bukas pwede ko na siguro itong ikilos-

Naputol ang pag iisip ko ng may makabangga ako sa pagpasok ko sa classroom. Agad akong napakapit sa nabangga ko kaya nagumpugan ang mga ulo namin at dumiretso kami sa sahig.

Napangiwi ako sa sakit ng balakang ko samantalang si Laila naman ay nagmumura na nakaluhod.

Mabilis siyang tumayo at dinuro ako nang galit na galit. Napalunok ako at humingi agad ng tawad.

"You know what? You just made my day worse!"she sneered at me.

Napalingon ako sa mga classmates namin na nakatingin. Ang tatlo kong besties ay napatayo na nang hilain ako sa kwelyo ni Laila at sampalin.

"Hey! Hindi niya sinasadya! You don't need to resort into violence Laila!"Arana said angrily and pulled me away from her.

Nakatulala lang ako sa bilis ng pangyayari.. hindi ko inaasahan na sa simpleng pagkabangga ko sa kanya ay sasampalin na niya ako ng malakas..

"Hindi sinasadya? Ang sabihin niya, nagpapapansin lang siya! Ano? Napansin kana. Naawa na sila sayo. Anong susunod mong gagawin?"sigaw ni Laila na pilit akong inaabot. Hawak hawak siya ng mga kaklase naming lalaki.

"Hindi ko talaga maintindihan kong bakit galit na galit ka sa akin.."naiiyak kong tanong.

"Paepal ka. Sipsip. You know what? You don't deserve to be the President here. You're so cheap!"

Tumayo lang ako at pinagmasdan siyang magwala.

"Ikaw ang paepal. Para nabangga ka lang nanampal kana!" Fiona defended me. Then went in the middle with her friend Amy.

"Wow.. so ako ang may kasalanan?"

"Oo! She already said sorry."

"So what? Matapos niyang magtanga tangahan, she'll expect that I'll let her go just because she said sorry?"sarcastic na sagot ni Laila.

"Then what do you want magmakaawa siya para lang mapatawad mo?"natatawang sagot ni Fiona.

Tinaas ni Laila ang kilay niya at ngumisi.

"Well that's better than petitioning her to get expelled here."

"Baliw ka pala eh. Ang babaw ng dahilan mo para ipa expel siya! Ikaw ang tanga!"

"Say that again bitch!" Sigaw ni Laila at sumugod kay Fiona.

Napapikit ako ng magkagulo at nakitulong na rin si Amy sa sabunutan.

Sinenyasan ko ang mga boys namin na paghiwalayin ang tatlo.

Marami na rin ang mga students sa labas na nakikinood sa kaguluhan.

Nang mapaghiwalay sila ay panay pa rin ang bangayan nila.

"Enough!"sigaw ko nang malakas.

Tumigil sina Fiona at Amy at yumuko. Magugulo ang mga buhok at nagkatanggalan ang butones sa long sleeves nila.

Ang mga boys ay agad nagtanggal ng coat at isinuot ito sa tatlo pero hinagis lang pabalik ni Laila ang inoffer sa kanya.

"Bilib din ako sa mga alagad mo. Talagang ipagtatanggol ka nila." Laila sneered and struggled for them to let her go.

Napabuntong hininga ako at napatango para hayaan na siya. Sina Arana naman ay tahimik na nasa tabi ko at alerto sa gagawin ni Laila sa akin.

"I'm really sorry-"

"I can't accept your apology! I want you to beg for my forgiveness!"she said stubbornly.

Binulungan ko si Megan at Shanelle na paalisin na ang mga students sa labasan.

Nang mawala sila ay siya namang pasok ni Travis at tahimik na tumayo para manood.

"Ang OA mo!"Sigaw ni Amy.

"Please we have to settle this. If that's what you want me to do, I'll do it then."tahimik kong sinabi. Si Arana ay halata ang pagtutol.

"Kneel in front of me and beg for my forgiveness."she smirked.

"No!" Protesta ng iba kong classmates.

Nang akto akong luluhod na ay mahigpit akong hinawakan ni Travis sa braso.

"That's enough Laila." Travis said with his cold voice and pulled me up to stand.

Napalunok si Laila at napatingin sa akin nang matalim.

"What's happening here?" Mrs Marasigan said. Our class adviser.

"Miss Ranoco, explain this." She demanded.

"It was all Miss President's fault Missus." Laila answered.

"Really? She's been my student here and for all I know, she never cause any trouble here Miss Sigua."

Laila's face suddenly became dark with anger.

"So you're telling me I'm lying?"she asked with heavy breath. Eyes like a dagger.

"Miss Ranoco, is she correct?" Binalingan ako ni Mrs Marasigan para pabulaanan ang bintang ni Laila.

Nang hindi ako nakaimik ay sabay sabay nagsalita ang mga classmates ko para ipagtanggol ako.

"Tumigil kayo! Okay! All of you! Go to the office now! Miss Ranoco, I want to talk to you."seryosong utos ng teacher namin.

Everyone groaned and looked at Laila angrily.

Isa isa silang umalis. Hawak hawak pa rin ako ni Travis sa mga braso nang lapitan ako ni Laila.

"So you even got his attention now? What a whore.."she sneered then left the room.

He just tightened his hold on me then let me go.

"Leave and I want to talk to her alone." Utos ulit ni Mrs Marasigan kaya lumabas na nang napipilitan ang mga kaibigan ko at si Travis.

Gaya ng dating gawi, I roamed around the school ground to check if everyone was in their classes.

Nang masigurong malinis ang hallway ay naglakad na ako pabalik sa homeroom namin. Ikinuyom kuyom ko ang kaliwa kong kamay. Mukha nang okay..

Pagpasok ko sa room namin ay natigil ang lahat at ngumiti sa akin. Grabe akong natouch dahil sobra nila akong pinagtanggol kanina. At kahit nakakuha sila ng dalawang linggong community service ay hindi sila umangal.. Ngumiti rin ako at nagpasalamat sa suporta nilang lahat.

Napatingin ako sa bakanteng upuan nina Laila at Fiona. Nasa clinic silang tatlo para gamitin ang mga kalmot na natamo nila.

Nang makaupo na ako ay may nag-land na kusot na papel sa mesa ko. Napatingin ako sa likuran at wala akong nakitang nakatingin sa akin kaya ibinulsa ko nalang ang papel at kinausap si Megan na katabi ko.

Pagkatapos ng last subject sa umaga ay dumiretso kami sa cafeteria para sa lunch. Nakita kong pumasok sina Fiona at Amy pero wala si Laila kaya nang matapos ako sa pagkain ay napagpasyahan kong dalawin siya at kausapin ng masinsinan.

Pagkarating ko sa infirmary ay wala siya at sinabi ng nurse na magkasabay lang daw umalis ang tatlo kaya nagmadali akong pumunta sa classroom namin. Pero wala din siya.

Napabuntong hininga nalang ako at sinubukan ang parking lot. Hindi ako nagkamali dahil nasa may stone bench siya dala ang bag niya at may kasigawan sa phone niya.

Parang mali ang timing ko..

Galit na pinatay niya ang tawag at napalingon sa akin.

Bigla akong napaatras sa talim ng tingin niya. May bakas ng mga luha sa pisngi niya at may mga kalmot din.

"What are you looking at?"she spat. I shook my head.

"Are you happy now Miss President? Enjoy it while it last!"she sneered and ran towards the car that just arrived.

Napahabol lang ako ng tingin sa kanya nang makasakay siya sa sasakyan. Nakita ko pa ang boyfriend nyang nakangisi na tinignan ako mula ulo hanggang sa paa bago pinaandar ng mabilis ang kotse.

Hindi ko maintindihan bakit galit na galit siya sa akin samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya..

Gusto ko lang namang maging kaibigan niya. Nanghihinang bumalik na ako sa building namin.

Then the bell rang.