webnovel

Of The Rainbow's Will

Sea_Kween · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
9 Chs

Chapter 7. Bugso ng damdamin

November 2018

"Anong ginawa mo sa kapatid ko!? Leooo! Wala kang awa!" Galit na sabi ni Ray at sinuntok niya si Leo sa mukha.

"Hhhiiindddiii ko sinasadya Ray! Patawarin mo ako please!" Nanginginig na sabi ni Leo.

Eto ang mga narinig ko habang dinadala ako patungong ICU. Di ako makapagsalita sa sakit. Di ko malaman kung anong nangyari sa akin. Nahihirapan akong huminga na para bang tatlong hinga nalang ay lilisan na. Dito ba magtatapos ang buhay ko?

At unti-unting dumidilim ang aking paningin.

3 months earlier.

Reine

"Hoy bruha di ka paba babangon dyan? Anong oras na! Porke ay doctor ka na pwede ka ng malate." Sabi ni Ray.

"Ang ingay mo, di naman maganda!" Sagot ko na kakagising lamang

"Ahhhh wait lang asan na yung pamalo ko!" Sabi ni Ray.

At hinampas talaga ako ng unan sa ulo. Jusko tong kapatid ko nag aamok na naman umagang umaga.

Ang pangalan ko ay Reine Cullera at isa akong proud na transpinay. Yung asungot kong kambal na si Ray ang nakakabata kong kapatid at isang effem.

May nagtataka talaga if kambal nga kami kasi unang-una di kami parehas ng apilyedo. Namayapa na kasi yung tatay namin at nag-iisang anak ng lolo't lola ko kaya nung nag asawa ulit si Mama di ko pinalitan yung apilyedo ko para lang makilala pa rin ako as Cullera.

Kami lang dalawa ni Ray sa apartment namin sa Pasay. Yung office namin nasa Makati lang so di masyadong malayo.

"Aray anuba!? Eto na! Maliligo na!" Sabi ko pagkatapos akong hampasin ng unan.

"Dalian mo! Maghahanda ako ng agahan natin" Sabi ni Ray

"Ay shuta, wag mokong sigawan baka nakalimutan mong ako panganay dito hayup ka!" Sabi ko.

"Okay ate. Ligo ka na ate." Sabi niya.

Naku napakamaldita talaga tong kapatid ko. Kinuha ko mga gamit pangligo at nagsimula akong magshower. Ano kaya ang mga nagaabang sa akin doon sa opisina? Balita ko raw gwapo daw yung mga nurse nila dun. Shet naeexcite ako!

"Ate, ligo lang hindi magbabayiz. Napakatagaaaal!" Inip na sabi ni Ray.

"Isa pang pagmamadali sa akin talagang hahampasin kita ng basahan kong panty!" Sigaw ko.

Tumahimik. Natakot ata sa panty. Finally at peace.

Leonard

"Arrgh! Sakit sa ulo!" Sabi ko.

Gumising ako ng lasing. What a miserable life kumbaga. Ako pala si Leonardo De Dios at isang registered nurse. Sabi nila gwapo daw ako kaya yung clinic namin halos di na kami makahinga dahil palaging puno. Kung alam lang nila talaga na parehas kami ni Dara na mahilig sa longganisa baka mawalan ng suki yung clinic.

Matagal na akong ganito yung feeling ko may kulang sa buhay ko. I am already independent sa parents ko and may kita naman ako. Ewan ko ba kung anong kulang.

Nang bumangon ako ay nahulog yung lumang wallet ko.

"Tagal na neto ahhh." Sabi ko habang binuksan ang wallet. Nakita ko ang lumang picture namin ng aking kababata at biglang tumulo yung mga luha ko.

"Luh, para kang sira self. Saan na kaya siya? Magkikita pa kaya kami? Miss ko na siya." Biglang naalala ko yung nakaraan namin.

Kinuha ko yung personal hygiene kit at tuwalya habang papasok sa cr. Dun ako naging tulala sa harap ng shower.

"Ay may papasok pala na doctor ngayon. Dapat akong magmadali. Gwapo kaya?" Sabi ko.

Nang umalarm yung orasan ko ay nagmamadali akong umalis para makasakay sa van. Buti nalang umuwi na si Christian sa Cebu kundi malalate kaming pareho.

Reine

"Ang lakiiiii!" Sabi ko habang papasok sa building na pinapasukan ni Ray.

"Oo te, bawal nga nga. Isusubo mo? Malaki talaga building namin." Sabi ni Ray.

"Edi sorry, Alam mo ikaw kung di Lang talaga kita kapatid pinasagasa na kita sa tren!" Sabi ko.

"Edi gawin mo! Di mo kaya haha" Sabi niya.

"O pagpasok natin sa building dapat heavy transformation tayu from nutring lovers to honorables" Sabi ni Ray.

"Gow! Yan lang pala? E.Z" Sabi ko.

At tumugtug yung Asia Next Top Model Cycle 5 intro song habang kami naglalakad sa hallway. Feel na feel ko yung modelling skills at catwalk namin ng kapatid ko. Lahat ng tao nakakatitig sa amin nagtatanong kung sino daw ako. Sige Lang, mafall kayo sa kamandag ko.

Dumaan kami sa canteen at parang may nakita akong pamilyar na mukha pero sinawalang kibo ko muna. Feel ko ang pagrampa kaya mamaya ka na.

Itinuro ni Ray yung clinic at yung office ko. Talagang pinaghandaan nila kasi paboritong kulay yung wallpaper at theme ng opisina ko.

"Dito ka muna, chika muna kami ng mga fwendships ko." Tugon ni Ray

"Oh cge, okay maglibot dito diba?" Sabi ko.

"Okay lang Naman basta bawal mag bring home has, kilala kita" Biro ni Ray.

"Ay wizzz, pero bet ko iuwi yung aparador" Biro ko rin.

Tumawa lang sya at saka umalis. Ako naman ay naglibot sa opisina. May nakita akong picture ng dalawang nurse. Bet ko yung mataas at kayumanggi pero yung isa na maputi parang namumukhaan ko to. Di ko lang matandaan eh.

"Good morning doc!" Sabi ng isang nurse.

"Ay punyeta!" Gulat na sabi ko habang lumingon sa kinaroroonan ng nagsasalita.

"Maputi lang ako pero di po ako multo." Sabi Ng nurse.

"Sorry, magugulatin lang talaga ako." Sabi ko.

"Okay Lang, ako pala si Algean" Pakilala ng Nurse.

Nang makita ko sa personal si Algean, ang gwapoooo parang si Tom Cruz. Jusko papasira ko matres sa kanya pagnagkaroon ako.

"Sino yang kausap mo bhie?" Tanong ng isang babae na bigla lang sumulpot.

"Bakit ka nagtatanong? Jowa ba kita?" Sagot ni Algean.

"Hi po, ako si Dara jowa ni Algean. Distansya lang please." Derechong sabi ng babaeng higad.

"Ay sorry, di pa pala napapatay mga insekto dito?" Sabi ko.

"Pinaparinggan mo ko?" Angas na sabi ni Dara.

"Ay nagsasalitang higad, jusko end of the world naba?" Talak ko.

"Ay nyeta to oh! Kabago bago mo palang angas mo na ah!" Galit na sabi ni Dara.

"Hoy! Doctor natin yan ulul! Bakit mo inaaway!?" Sabi ni Algean.

"Yes po, ako po si Dra. Reine Cullera at wala pa akong malpractice, baka magkaroon na po dahil sa yo, gusto mong tanggalan kita ng sikmura? Nagdidilim paningin ko sayo!" Galit na sabi ni Algean.

"Hoy! Bakit kayo nag aaway?" Tanong ng isang nurse.

Pagkakita ko sa kanya, medyo nasilawan ako sa kaputian niya. Taong bombilya ba to?

Leonard

Kailangan kong makita yung magandang dilag na nakita ko kanina sa labas ng canteen. Parang pamilyar siya sa akin. Nagmamadali akong pumunta sa office ng HR pero wala sya dun.

"Uioe, balita ko raw may bago na daw tayung doktor" Sabi ni chismosa 1

"Salamat naman para mas reliable yung mga findings." Sabi ni chismosa 2

Aray haaaa, nurse lang po kami. Pero alam ko na kung saan sya makikita at nagmamadali akong pumunta sa clinic. Habang papalapit na ako, naririnig ko parang may nag aaway.

"Hoy! Bakit kayo nag aaway?" Tanong ko.

At lumingon sa akin yung magandang dilag. Namumukhaan ko talaga siya.

"Reyn.aa.ldo?! Ikaw ba yan?" Tanong ko pero di ako sure.

Napalingon sya sa likod tapos sabay sabi

"Baliw ka ba? Sinung Reynaldo? Alam niyo hilong hilo na ako sa inyu! Makaalis na nga!" Sabi niya tapos umalis.

"Ayan! lumabas yung doktor natin. Ilugar mo yang pagseselos Dara nakakairita na!" Galit na sabi ni Algean.

"Sorry, di ko naman kasi alam eh." Sabi ni Dara.

"Nyeta ka pala, naka doctor's uniform at stethoscope di pa ba sapat yan or sadyang tanga ka lang?" Galit na sabi ni Algean.

"Sorry na, Bebe" Sabi ni Dara pero umalis na si Algean. Ako naman ay natulala na naman sa pangyayari. Alam kong si Reynaldo yun, yung kababata ko!

Natapos na ang araw pero hindi ko pa rin nakikita sya pero ng pauwi na ako, nakita ko si Ray na kasama sya. Pupuntahan ko sana sila kaso baka magalit si madam Ray, alam mo na pag nagalit buong barangay madadamay kaya minabuti ko nalang na hindi gawin.

Umuwi ako sa dorm na hindi makapaniwala na nagkita kaming muli ng childhood friend ko. Napatawad na kaya niya ako sa mga karantaduhang ginawa ko sa kanya noon? Nang mawalay kami di ko man lang nasabi mga nararamdaman ko para sa kanya.

"Hays! Makatulog na nga". Sabi ko.

Reine

Nanatili ako sa opisina ni Ray buong araw kasi ayokong mapatay yung babaeng higad na yun.

"Inaano ka ba ni Dara?" Tanong ni Ray.

"Bigla lang sya sumulpot at inaway ako. Kausap ko lang si ano ba Yun yung morenong nurse?" Sabi ko.

"Ahhhhh kaya pala. Bhie threatened si Dara sa ganda mo, bet nya kasi yung kausap mo na si Algean." Sabi ni Ray.

"Ay bhieee wala akong paki kung mag milagro sila sa harapan ko ako pa magvovolunteer sa scoring." Sabi ko.

"Ako nalang kakausap kay Dara, mabait yun na aso ae este tao." Sabi ni Ray.

"Yung isa pang nurse na kasing puti ng fluorescent lamp, tinawag akong Reynaldo! Apakagago, tayu lang nakakaalam ng palayaw natin diba? At saka parang namumukhaan ko sya" Sabi ko.

"Ay ang dali naman kasi hulaan, Reine tsaka palayaw mo Reynaldo HAHAHAAH. Lalaking lalaki ka Mars." Biro ni Ray.

"Ah ganun? Gusto mo ireveal ko yung palayaw mo? Ano haaa? Baka nakalimutan mong Raymark ka noon?" Sabi ko.

"Ay walang laglagan ate, ikaw naman oh di mabiro." Takot na sabi ni Ray.

"O siya uwi na tayu, gutum na ako gusto pumapak ng kojic" Sabi ko.

Habang naglalakad kami patungong labasan ay nakita ko na naman yung maputing nurse. Naweweirdohan na ako sa kanya pero Ang gwapo pala niya sa personal.

Nakauwi na kami sa apartment namin pero di ko pa rin maalis sa isip yung mga titig niya sa akin. Para syang may nagawa sa akin noon at gusto niyang pag usapan ito.

"Di kaya siya yung nurse? Hindi! Hindi na iyon magpapakita sa akin simula na lumipat kami dito sa Pasay." Sabi ko.

Meron kasi akong kababata noon na crush na crush ko. Naglalaro kami Ng bahay bahayan. Ako yung palagi yung prinsesa na palaging sinasagip niya. Alam niyang bakla na ako noong bata pa at short haired pa ako noon.

Nang tumungtung kami ng High School di na kami masyadong nag uusap. Nainsulto din ako sa ginawa niya sa akin noon.

"Hoy, tuliro ka nanaman. Ano ba iniisip mo?" Tanong ni Ray.

"Di maalis sa isip ko yung titig ng maputing nurse kanina eh." Sabi ko.

"Ah si Leo ba? Oo nga pansin ko rin." Sabi ni Ray.

Leo? Leonard De Dios? Jusko baka siya to?

"Leo? Like Leonard De Dios? Yung ex kababata kong ininsulto yung pagkatao ko?" Sabi ko.

"Kalma, I'm sure di siya yun. Chineck ko kaya yung resume niya at tsaka pangit ng kababata mo malayo kay Leo." Sabi ni Ray.

"Baka kapangalan lang pero pag iisa lang sila nakooooo di ko alam kung anong gagawin!" Sabi ko.

"Alam mo ang rami mong anek sa buhay, matulog ka na nga." Sabi ni Ray.

Ito talagang kapatid kong to di marunong umintindi kaya walang lovelife to eh.

"Hays! Makatulog na nga" Sabi ko.

Leonard

"Patay! Late naku!" Sigaw ko habang nakatingin sa 23 missed calls ng driver namin.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis tapos nagcommute papuntang clinic.

"Hay sa wakas! Nakaabot pa rin!" Sabi ko.

"You're late Mr. De Dios." Sabi ng pamilyar na tinig.

"Sorry po kasi...." Sabi ko habang lumingon sa kinaroroonan ng tinig. Napahinto ako kasi siya bumungad sa akin.

"Okay, since nandito naman rin kayong dalawa, set tayu ng house rules. Number 1...." Patuloy na sabi ni doc.

Habang siya ay nagsasalita, kinilatis ko muna yung mukha niya. Babaeng babae ang wangis ni doc tapos may pagkachinita din kagaya ni Reynaldo kasi chinito yun at marunong umayos sa sarili. Malakas ang kutub ko na siya talaga ang kababata ko.

"That's it! Any questions? Ayoko ng paulit ulit na tanong and one more thing, Don't ruin my morning! Capiche?" Sabi ni Doc.

"Ano po ba ang pangalan mo doc?" Tanong ni Algean.

"Bakit? Hindi ko ba nasabi kanina?" Sabi ni doc.

"Hindi po, so ano nga?" Tanong ni Algean.

"I'm Reine Cullera, a licensed medical doctor. There! You know my name." Sabi ni Doc Reine.

Nyeta! Siya nga yung kababata ko! Sure ako na sya!

-------- End of Chapter 7 ----------

Finally! Natapos na din. So ito yung storya ni Reine at Leo. Ano pa kaya ang mangyayari sa dalawang ito.

See you on Chapter 8 😘