NAKANGUSO siya ng abutan siya ni manang Gina mula sa veranda ng kanyang silid. Matapos siyang magising kanina wala na satabi niya si Keron laking dismaya niya ng maunahan siya nitong magising.
"Manang, matanong ko lang po ano po bang klaseng tao si sir Keron anong pag uugali ang pinapakita niya sa inyo? " Wala sa loob na tanong niya.
Napatigil naman ito sa ginagawa nito bago siya tiningnan bumuntong hininga muna ito saka nito hininto ang ginagawa bago na upo sa tapat niya.
"Bago lang ako rito iha, kaya wala pa akong masyadong alam tungkol kay Señorito pero na papansin ko naman sa kanya na masyado siyang mahigpit sa mga tauhan niya lalo na sayo. At nakikita ko naman kay Señorito na mabait naman siya kahit papaano. "
Mahaba nito sabi bago napakunot noo dahil sa bigla niyang tanong.
"Mabait po? Paano pong mabait? "
"Nako kang bata ka. Sempre mabait, laluna kapag may kailangan ka sabi ng ibang katulong rito ay tutulungan ka maaasahan daw talaga ang Señorito kapag nahingi sila ng tulong. " Tumango tango siya.
Mabait? napansin niya rin iyon lalunat hindi naman din siya nito sinasaktan, pero ang pagsamantalahan siya paminsanminsan ay yon ang kinaaayawan niya.
Nakitaan rin naman niya ito ng kabutihan laluna lahat binibigay nito sa kanya kahit wala siyang hilingin ay kusa nitong binibigay.
Kung minsan ipinapasyal rin siya nito sa Villa at sa resort. ito mismo ang sumasama sa kanya kahit bibihira lamang itong magsalita kapag kasama siya, dahil alam naman nito na ayaw niyang kausapin ito dahil sa ginagawa nito tuwing magkatabi sila sa gabi.
May bahagi sa puso niya na bigyan ito ng pagkakataon upang masmakilala niya ito ng lubos. At may bahagi naman ng pagkatao niya na huwag magtiwala at mahulog sa mga ipinapakita nito.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Aminin man niya kasi kahit bata pa siya alam niya sasarili niya kung ano ba ang nararamdam niya para sa binata, kahit noon paman unang kita palang niya rito at unang masilayan niya ang mga ngiti nito na bihag agad nito ang bata niyang puso noon at magpahanggang ngayon parin naman.
Laluna alam na niya na si Keron ang lalaking naka subaybay sa bawat kilos niya.
_________________________________________________
ABALA SIYA sa pag tingin ng mga libro sa library kung saan siya pinayagan ni Juro ang isa sa mga tauhan ni Keron. na naatasan upang siya'y bantayan habang wala ang binata.
Subalit hindi parin siya maaaring lumabas ng mansyon hanggat walang pahintulot mula sa binata.
" Sheen. Ito kaya basahin mo mukhang maganda itong kwentong ito. " Tinanggap niya ang inaabot nito.
Naupo siya sa silyang naroon. Kahit libangin niya ang sarili hindi parin niya maiwasan na hindi mabagot kung minsan iginugugol niya ang buong oras sa pag babasa at pag dilig ng mga halaman sa labas habang may mga bantay.
Bibihira lang din niya kasi makita ang anino ni Kendie nitong mga nakaraang araw kaya't malaya siyang na kakalabas ng kanyang silid.
"Nabasa ko na ito. Wala na po bang iba? "
Tanong niya napakamot naman ito sa ulo saka ngumiwi na sinagot ang kanyang tanong.
"Pasensya kana Sheen. wala na atang iba eh, halos lahat ay nabasa mo na rin gusto mo mag pabili tayo ng bago kay boss---"
"Wagna po. "
"Sure ka? "
"Opo."
"Osige, teka tawagan ko lang si Nico d'yan ka lang huh wag kang lalabas hanggat hindi pa ako na kakabalik. " Tumango siya bago ito nag lakad palabas at iniwan siyang mag-isa sa Library.
Inilapag niya ang libro na binigay sa kanya ni Juro saka niya nilibot ang buong library maliit lamang iyon pero kumpleto naman lahat ng librong kailangan at gusto niyang basahin.
Napahinto siya sa study table na may mga nakalagay at may mga nakapatong na lumang libro hinalungkat niya iyon at hindi sinasadyang nakita niya ang isang picture album nanaroon.
Naupo siya sa apag bago niya iyon binuklat. Nag ningning ang mga mata niya sa mga nakitang mga larawan na mula kay Kendie.
"Kaloka ang cute mo pala nong bata ka. " Naka ngiti niyang sabi sa larawan pinalis niya pa ang iba mas lalong lumawak ang mga ngiti niya dahil sa iilang larawan ng binata.
Mayroon rin naka upo ito habang nakasimangot ang mukha pero makikitaan parin ng pagiging magandang lalaki sa kabilang larawan naman ay may kuha rin ito hababg may kasamang batang lalaki at tulad rin sa kabilang larawan wala rin itong ka ngiti ngiti.
"Tch. Pero mas magandang lalaki kapa rin kapag naka ngiti ka. "
Kausap niya sa larawan bago ang huling larawan ng binata kung saan nakasuot ito ng itim na T-shirt habang nakapamulsa ang dalawang mga kamay tantiya niya ang edad nito noon ay nasa disiotso anyos mas matangkad pa ito sa katabi nito kaya hindi ma ipagkakailang ang lahi talaga nito ay lahing matatangkad.
Napanguso siya. Wala sa loob na nasambit niya ang mga katanggang hindi niya dapat masabi.
"I missed you.. " Mahina niyang bulong bago niya hinaplos ang larawan nito.
"Talaga na miss mo ako? " Wala sa loob na nabitawan niya ang hawakan na album picture. Bago siya dahan dahang humarap mula sa likuran niya.
Kagat labing nasambit niya ang pangalan ng binata na hindi mawala wala ang mapaglarong mga ngiti nito sa mga labi.
"K-keron... "
©Rayven_26