webnovel

Chapter 5

Chapter 5:Kuya's death

"HEY, What is the meaning of this?" I curiously asked him. CEO Crimson Del Labiba. 

After our conference meeting ay umalis na ang kakambal niyang architect, then bigla niya akong inaya somewhere in office. 

"Our new engineer must have an office, here in our company. This is gonna be your workplace, Engr. Mikael," he clearly answered. My head knotted. 

"I don't need it, besides madalas naman ako sa site," tanggi ko. He's right, kailangan ko nga ng bagong opisina rito sa company nila. As a new engineer ay required na nandito ako lalo na isa akong head engineer nila. 

But being with this guy? Nah, hindi ko matatagalan. Work with him? Feeling ko ay ma-stress lang ako rito araw-araw. 

"H-hey! Distance!" I shouted him, when he stepped closer towards me. 

Ang dalawang kamay niya ay naka-suksok sa pocket niya at may mapaglaro na naman sa labi niya. Like seriously? 

Napasandal ako sa nakasarang pintuan ng opisina. Hayan na naman ang bilis nang tibok ng puso ko. Hayan na naman ang panginginig ng sistema ko. Hayan na naman ang pagkailang ko sa kanya. Nawawala ako sa sarili sa tuwing nandiyan siya. 

Nanuot na naman sa ilong ko ang pabango niya na ikinapikit ng mga mata ko. Palagi na lang, eh! 

I heard him chuckled before he opened the door behind me. Mabilis na yumakap ang braso niya sa baiwang ko, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. 

"What are you doing?!" sigaw ko sa kanya nang binuhat niya ako bigla sa baiwang ko kaya nakapasok kami sa loob. 

"Nakaharang ka po engineer. Gusto mong sabay tayong mag-work out? Ang gaan-gaan mo lang, seriously? May abs ka ba? Muscles? Biceps?" Ano naman 'yon? Walang hiya ang isang 'to. Kung anu-ano ang itinatanong sa akin. Baka muscle sa dibdib, meron. 

"You are feeling close, Mr. CEO," I commented and he just shrugged his shoulder. 

Lumayo ako nang bahagya sa kanya at lumapit ako sa table. May kalakihan ang opisina, malinis ito at may iilang mga gamit na rin. Grey and white ang structure nito, my favorite colors. 

Sa right side ay may isang pintuan na if I am not mistaken, comfort room ito. Napatingin ako sa left side ng opisina. May glass wall ito at kitang-kita ang kabilang office na hindi ko alam kung kanino. 

"Oh, that's my office!" dinig kong saad niya. I was shocked. 

"Where is my privacy, Mr. CEO? Binigyan mo na nga ako ng workplace ko pero wala naman akong privacy!" nagngingitngit na sabi ko at tumaas na naman ang sulok ng labi niya. 

"That's not my problem. Ang sungit mo naman engineer, may dalaw po ba tayo ngayon?" nanunuyang tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niyang 'dalaw'. 

Nakaka-stress siya sa totoo lang! 

"Leave my office," utos ko pero isa yata siyang makulit na lalaki dahil sa halip na sundin ang utos ko na umalis siya ay umupo pa siya sa visitor's chair. 

Napahilot ako sa sentido ko. Tumaas bigla ang dugo ko sa lalaking ito. Sa conference meeting ay seryoso naman siya. Hindi naman siya ganito kanina. Wala ngang emosyon ang mukha niya at nakatutok talaga siya sa presentation ng kakambal niya pero bakit ngayon? Pakiramdam ko kaharap ko ang isang five years old na bata? 

"This is my company," mayabang na wika niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Suko ako sa kakulitan niya. 

Ilang segundo kaming kinain nang katahimikan ng maputol iyon nang nag-iingay niyang ringtone ng cellphone. I heard him groaned before he answered the call. 

"Yes, babe? Ngayon na? Okay, pupunta na ako," dinig kong sabi niya at bigla siyang tumayo. 

Walang salitang binigkas na iniwan ako sa loob ng bagong office ko. Where's the manner, Mr. CEO? Tsk. 

As of now ay wala pa akong memo, kailangan ko rin namang bisitahin ang location ng project namin. Pero kailan naman kaya? Na isa pa wala na rito ang sasama sa akin. Nakipag-date na sa girlfriend niya. Pero bakit parang sarcastic ang boses ko? 

Nag-ring bigla ang phone ko. Dinukot ko ito sa pocket ng slack ko. Tumatawag si kuya Markus. Bihira lang si kuya Markus na tumatawag sa akin. At kung tumatawag man ay madalas tungkol lang sa trabaho namin. 

"Yes, kuya?" sagot ko from the other line. 

"Wait for me at the exit of your workplace, I'm on the way. Susunduin kita," straight forward na sagot niya. Sa tono ng boses niya ay may bahid na problema, malamig. 

"Bakit po?" tanong ko. Kasi never naman akong sinundo ng kapatid ko at ni hindi ako nakakasakay ng kotse niya. May problema kaya? Pamilya o trabaho? 

"Just wait for me," he said with authority. 

Nagmamadali na akong lumabas mula sa opisina at tinungo ang elevator. Bigla akong kinabahan. May problema, that's what I feel. 

Pero kung nagkakaroon man kami ng problema tungkol sa pamilya o kahit sa trabaho ay si kuya Miko ang tumatawag sa akin. Nakakapagtaka na hindi ako tinawagan ni kuya. 

Dahil curious ako sa mga nanagyayari at ang pagsundo sa akin ng kuya ko, I dialed my kuya's number but sad to say, walang sumasagot mula sa kabilang linya.

Panay ang ring nito. I tried to call him, several times pero wala talaga. 

'Sakto na nasa exit na ako ng company nang mag-park ang sasakyan ng kapatid ko. Hindi na siya bumaba, basta na lamang niya binuksan ang pintuan ng kotse niya mula sa loob. 

"Hop in."

Hindi na ako kumibo. Nakakatakot ang aura niya ngayon. Parang may itim ang nakabalot sa kanya at panay pa ang pag-igting ng panga niya. Mahigpit din ang pagkakapit niya sa strengweel, na halos lumabas na ang ugat niya sa braso. Sunud-sunod din ang pagbuntong-hininga niya. 

Curiosity is killing me, but I am afraid to ask him kung ano ba ang nangyayari o kung mayroon bang problema. 

I don't have any idea kung saan kami pupunta. Tahimik lang ang buong biyahe namin until we reached the hospital. 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang kamay ko na bahagyang nanginig na rin. May sinugod ba sa hospital ang isa naming kapamilya? Si dad? Si mom or grandpa? Pinsan? Oh, d*mn it! Wala akong idea! Mas kinakabahan ako lalo! Para akong maiiyak. 

Alam kong hindi maganda ang trato sa akin ng pamilya ko pero mahalaga sila sa akin. Napamahal na sila sa akin. Pamilya ko sila, eh. 

Dahil siguro sa gulat ko ay si kuya Markus na ang nagtanggal ng seat belt ko at hindi ko namalayang nasa labas na pala siya. Inalalayan pa ako ni kuya na makababa at malamig din ang kamay niya. 

Hindi binitawan ni kuya ang nanlalamig kong kamay nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng hospital at tinungo ang morgue. 

Morgue? M-may namatay. 

"S-sino po ang nasa loob niyan, k-kuya?" nauutal na tanong ko at maski ang labi ko ay nanginig dahil sa takot at kaba.

Wala akong natanggap na sagot from him, basta pumasok na lamang kami at naabutan ko ang daddy ko na nakasalampak sa sahig na inaalalayan nina kuya Markin at kuya Michael. 

Napakapit ako sa coat ng kapatid ko nang may katawan ang nakahiga roon at may puting kumot, puno ng dugo. 

Bumigat ang bawat hakbang namin ni kuya at nagsimula ng manubig ang gilid ng mata ko. S-sana hindi... Sana mali ang naisip ko. S-sana nagkamali lang ako. 

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagkirot nito kasabay na nakita ko ang lalaking nakahiga. 

Wala ng buhay... 

Kung hindi lang nakaalalay sa akin si kuya Markus ay baka mawawalan na ako nang balanse pero hindi ang mga luha ko. Nagsimula itong bumagsak na tila naging ulan. Nagsipatakan sa pisngi ko kasabay nang pagkadurog sa puso ko. 

Nawalan ako ng kakampi sa buhay. N-nawalan ako ng karamay. N-nawalan ako ng isa pang kapatid. Nawalan ako ng isang taong pinakamahalaga sa buhay ko. 

Ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal, ang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Ang taong nagparamdam sa akin na makulay ang mundo, na hindi lahat ng buhay ay nakabalot ng itim.

Ang isang tao na hindi ko alam...kung makakabangon pa ba ako. 

"K-kuya M-Miko..." bigkas ko sa pangalan ng kapatid ko na hindi ko alam kung lumabas ba talaga 'yon mula sa bibig ko. Dahil sa sobrang hina nito.

Binitawan ako ni kuya Markus nang humakbang ako palapit kay kuya Miko na ngayon ay...mahimbing na natutulog. 

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay at parang hindi rumihestro sa utak ko ang nakikita ko ngayon.

"K-kuya... Kuya M-Miko..." Napaluhod ako sa sahig na sa gilid lang nang kinahihigaan ng kuya ko. 

Punong-puno ng dugo ang mukha ng kuya ko, maski sa katawan niya. Halos hindi na mamukhaan ang hitsura niya dahil sa dami ng sugat at pasa.

"B-bakit k-kuya? B-bakit m-mo nagawa sa akin 'to?" nabasag ang boses ko nang sabihin ko iyon. 

Hindi ko na napigilan ang lakas nang hikbi ko at umiyak sa kamay ng kuya ko. Kanina lang... K-kanina lang kami magkasama. K-kanina lang ay kasama ko pa si kuya Miko. S-sabay pa kaming kumain ng breakfast. H-hinatid p-pa niya ako. 

N-nakita k-ko pa si kuya ngumiti sa akin... K-kasama ko pa siya kanina, eh. Ang saya namin kanina... 

"Kuya!"

K-kanina lang...sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Na nandiyan lang siya bilang kuya ko. B-bilang kakampi ko sa buhay.

Pero ngayon...

"Panaginip...isa l-lang 'tong panaginip. I-isang bangungot," mahinang sabi ko at nagawa ko pang ipukpok ang ulo ko para magising na ako sa isang bangungot na ito.

"P-please! Gusto ko nang magising! G-gisingin niyo na ako...pakiusap... Wake me up!" paulit-ulit na sigaw ko pero walang gumising sa akin kahit isa.

Walang nagsabi sa akin na isa lang itong bangungot. Sa halip...narinig ko ang boses ng stepmother ko. T-tinatawag ang pangalan ng kuya ko.

Tila pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. 

"My s-son... Miko..."

Sana panaginip na lang ito...