webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
282 Chs

Chapter 28: Back home

The next morning. Masaya ang lahat. Kumakanta si Daddy sa labas habang inihahanda ang sasakyan. Si mama naman, panay ang paghuni ng kanta na walang liriko kasabay ng pagprito ng itlog sa kusina. Sinilip ko sya't kinalabit nang malapitan ko sya. "Good morning beautiful mama.." hirit ko sabay halik sa sentido nya. She just nodded at me atsaka nagpatuloy na sa ginagawa. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya subalit parang wala pa ito sa mood na magsalita. She's on humming vibe! O well! Hayaan nalang natin. Pagkalabas ko ng kusina. Nadatnan ko si Bamby sa sala na kinukulikot na naman yung Bluetooth speaker. Paniguradong magpapatugtog na naman ito.

"Good morning.." bati ko kahit nakatalikod sya.

"Yeah! Morning handsome.." tugon nya lang nang di man lang lumingon. Nakanguso kong tinitigan ang likod nyang lalo yatang pumayat. Tsk! Paano ba naman kasi, wala pa yata sa limang kutsara ang kinakain nya kaya sya ganyan. Sana lang. Wag dumating sa puntong magkasakit sya dahil sa ginagawa nya.

Sa kawalan ng kausap. Abala rin silang lahat sa kanya kanyang mundo. Bumalik nalang ako sa taas at naligo na. Gaya ng ginagawa rin ng mga kasama ko sa bahay. Sumipol ako ng isang kanta base sa nararamdaman ko ngayon.

Even if you want to go alone.

I will be waiting when you're coming home.

And if you need someone to ease the pain.

You can lean on me, my love will still remain.

That's the lyrics na nasa isip ko lang. While humming this, hindi ko maiwasan ang isipin sya. Actually, di naman na sya nawala sa isip ko. Kahit ngayong malayo pa rin kami sa isa't isa. She's always been with me, wherever I go.

"Kuya Lance. Breakfast na raw.." tawag ng bunso namin. Nagmadali kong inayos ang sarili bago bumaba.

"Pa naman.. pwede namang di na umatend dun.." dinig ko ang boses ni Bamby sa may dining. Ako nalang yata inaantay nila.

"You should attend that ball hija.. sayang naman pag di ka pumunta.. once in a lifetime yun.."

"But Pa.. gusto kong sumama kila mama.." humaba ang nguso nito eksaktong pagpasok ko. Naupo ako sa tabing upuan nya at naglagay na nang pagkain sa plato ko.

"Susunod din naman tayo.. mauuna lang sila.."

"Papa please.." nagmakaawa na sya pero di pa rin sya pinayagan.

"No is a no Bamblebie.. that's final.." napayuko nalang ito sa kawalan ng pag-asang payagan sya.

Kinaumagahan ng madaling araw, hinatid na rin kami nila papa sa airport. Gustuhin ko mang hilahin ang kamay ni Bamby ay di ko pa rin ginawa. Pinili ko nalang na hayaan sya sa tabi ni papa dahil kapag sinunod ko ang nasa isip ko. Baka pati ako di na payagan. Kasama ko si kuya at mama. Si ate Cindy maiiwan pa dahil may kailangan pa raw gawin.

Sa ilang oras na aming byahe. Nauna na yata ang isip ko sa bahay. O tumawid pa yata hanggang Norte. I wonder kung kamusta na sya ngayon. Kung nasa maayos na ba syang lagay o kung naghilom na ba sya ng tuluyan. Alinman sa nabanggit ko o wala pa doon ay sana, masaya sya kahit wala ako. Ayos na sakin ang nakangiti sya kahit hindi na ako ang dahilan nya.

Really Lance?! Makakaya mo nga bang makita syang nakangiti kahit di na ikaw ang dahilan?.

Engkk!! Dude! What the fuck! Magpakatotoo ka nga! Sya pa rin naman kahit di mo aminin. Diba?. Diba?.

Wala naman akong sinabi na hindi na sya. Na mayroon na akong iba. Sadyang di ko lang maiwasang isipin na ilagay sya sa sitwasyong malayo na sa nakaraan nya. Ayoko nang maulit yun at sana wag nang maulit pa!

"Welcome home!." sa isang iglap. Nasa bahay na pala kami. Pumutok ang confetti galing sa kusina habang hawak ito ng asawa ni Aling Seny. Agad yumakap si mama sa kanya maging si kuya. Sinundo rin kami ng barkada. Nga lang. Yung isang taong kinapanabikan ng bunso namin. Wala. Ewan ko bakit wala.

"Lalong gumwapo ah?.." bati sakin ni Manang pagkatapos yakapin si kuya.

"Inborn po eh. hehehe.." biro ko. Hinampas nito ang braso ko saka ako niyakap.

"Kamusta ka na?.."

"Ayos na ayos Manang.. eto gumwapo nga eh. haha.."

"Maganda yan.. masaya akong makita kang masaya ka ngayon.."

After nagkumustahan. Natulog rin ako magdamag. Binalewala ko ang double meaning na hirit kanina ni Manang. Pagod ang puso't isip ko kaya kailangan ko ng pahinga, kahit naupo lang naman ako sa loob ng eroplano.

Kinabukasan rin. Tinanong ako ni kuya kung anong magandang gawin ngayon. Ang sabi ko naman. Why not invite our barakas para naman we could catch up things. Gusto kong makibalita sa apat na taong wala ako sa paligid nila. Not my usual me na nakikiusosyo sa buhay ng iba but there this gut na I have to do this. I don't know. I don't even know any idea bat ito ang naisip ko at gusto nalang magparty bigla.

"Good idea nga bro. Actually, iyon rin naman nasa isip ko pagkalapag palang ng eroplano sa airport.."

"So go ka?.."

Tinanguan nya ako. "Go!. I really miss them.. bitin yung kahapon e. Painggitin natin si Bamblebie.. hahahaha."

Hapon ding iyon. Tinawagan ko si Aron at ibinalitang may salo salo magaganap bukas. Kung ngayon ay baka kulangan kami sa oras sa dami ng nangyari sa apat na taon. Masyadong hapon na rin kasi at makulimlim pa.

"How about the girls bro?. Sasabihan ko rin ba?.." si Aron ang una kong pinagsabihan sa mangyayari bukas kaya ganyan rin ang tanong nya

"Oo naman bro.. kung gusto mo magsama ka pa ng babae mo. " Sutil ko. dahil dinig kong papalit palit raw ito ngayon ng gf. Tsk! Kailan kaya sya magtitino?.

"Eh?. Wala akong babae bro.. ikaw ba?. siguro meron noh?."

"ASA KA!.."

"Ay! Iba to! Alam ko na. Hahaha.."

"Ang alin?.."

"Sya pa rin ba?. Naku bro! Baka pumuti na yang buhok mo, di ka pa nakamove on. hahaha.."

"Ulol! Di kaya ganun kadaling mag move on.. wag mo kasing itulad ang sarili mo sa taong tulad ko.."

"Bakit ano bang tulad mo?. Taong iniiwan.. ay wag nalang!!.. hahaha."

Tumaas ang tainga ko't bigla nag-init ang pisngi ko. Naikuyom ko ang kamao ko't biglang gustong manapak ng mukha!

"Biro lang bro... Hahahaha.."

"Ulol! Kahit wag ka ng pumunta bukas.. ulul! Pakyu!."

"Ahahahahhaha!. bawal pikon bro.. susumbong kita kay ano.. hahaha. "

"Bahala ka sa buhay mo.. matigang ka sana.." natawa ako sa sariling sinabi. Makapanlait ako. Baka ako pa tong matigang. Tsk! Wag naman sana!

"Ayos lang.. atleast nauna ka.. tigang na tigang na.. bwahahahahaha.."

Fuck!

Paano ko kaya ito naging kaibigan?. Magkalayo ang ugali naming dalawa. Sya maingay ako hinde. Sya chickboy ako stick to one. Sya minamahal ako iniiwan.

Hayst! Matulog ka na nga lang Lance! Baka bukas mahalin ka na ulit! Heck!!