webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · วัยรุ่น
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 21: Pain

Kumabog ng napakalakas ang aking dibdib. Namawis rin ang talampakan ko. May bahagyang ingay sa paligid namin pero pakiramdam ko, wala akong marinig na iba kundi ang tibok nang puso kong nagwawala. Kanina pa kami iniwan nina Tito at Ryle subalit simula nang umalis sila, wala pang nangahas na magsalita sa pagitan namin. Napapalunok ako ng mariin dahil di ko alam kung paano sya kakausapin. Kung paano ako babati sa kanya ng normal lang. Damn it! Paano ba to!? Bamby! Help me!

Bago ako iniwan nung dalawa. Wala naman silang ibang binilin kundi maging mahinahon lamang ako. May binulong rin si Ryle sa kapatid nya ngunit di ko iyon nalaman. Masyado iyong mahina para maulinigan ko. Tuloy kahit gustuhin ko mang maging kalmado. Di ko magawa. Tuwing iniisip kong kailangan kong kumalma. Lalo lamang akong kinakabahan.

Teka. Paano ba kasi to? I don't know where to start! Demnit!

"Anong ginagawa mo rito?." noon lang ako natauhan nang marinig ang mahinang tanong nyang iyon. Sa baba kaai ako nakatingin kaya di ko alam kung tumingin ba sya sakin o hinde. Kingina! Ang torpe mo Lance! Bakla!!!

Tumingin ako sa mukha nya at bakas roon ang masamang napagdaanan nya. Nawala ang kinang nang kanyang mga mata. Napalitan iyon ng lungkot at luha na pilit nyang tinatago pero dahil kilala ko sya. Alam kong nagpipigil lang sya't binabalewala ito. Kumirot ang puso ko sa katotohanang naiisip ko. Ang dami nyang pinagdadaanan tapos dinagdagan ko pa! Asshole Lance! You are one of a great ass hole!!

"Anong dahilan para bumalik ka pa rito?.." gumaralgal na ang himig nya. Tanda na nagpipigil lang syang umiyak. Damn! Damn!! Just damn it!!!

"Baby.." pagkatapos kong tawagan sya ng ganito. Tinignan nya ako ng masamang masama bago nag-unahan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Oh what did you do?. Fuck the hell Lance!!

That!?. I didn't to mean to utter those words. I mean. Yun naman ang nakasanayan kong itawag sa kanya. Ang baby. I don't have any intention to make her cry like bullshit! Okay! I'm sorry!

Nataranta ako't napatayo sa tabi nya. Tuloy nakatingin samin ang mga nasa kabilang bed. Yung kaba kong parang pompyang ang tunog. Dumoble pa iyon at magiging triple pa yata dahil sa hagulgol nya.

"Oh Joyce.. damn baby!.. I... didn't... damn! I'm sorry.." halos pabulong ko na itong sinabi sa kanya. Nakayuko ako sa mukha nyang nakatakip ng puting kumot. Yung kamay kong nakahawak sa railings ng bed nya kanina. Napadpad na ito sa mukha ko't wala sa sariling napahilamos. "I'm sorry.. I'm really so sorry.." kahit ilang ulit pa yata akong humingi ng paumanhin ngayon ay di sya titigil sa kakaiyak. Lalo akong nasaktan sa nakikita kong higit pa pala syang nasaktan sa lahat lahat. Hindi ko alam. Tama nga ang mga kuya nya! Wala akong alam! Anong kwenta kong kasintahan?. Fucking shit!! Anong kwenta kong lalaki!?.

Agad na nag-init ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Mabilis akong yumuko saka pumikit upang pigilan ang luhang gustong bumaba. Gustong gumaya sa iyak nya pero di ko magawa dahil masyadong masakit pakinggan ang mga hikbi nya. Nadudurog ang puso ko ng pinong pino.

Inalo ko sya. Wala akong sinabi na salita. Basta hinawakan ko lang ang tuktok ng ulo nya saka tinapik. Subalit di rin nagtagal. Di pa rin sya tumitigil. Lalo pa ngang naging impit ang iyak nya. Duon, di ko na kinaya. Mabilis akong nagpaalam sa kanya saka lumabas ng kwarto nila.

Mabilis nag-unahan ang mainit na likido na galing saking mga mata. Nag-unahan sila na para bang nagsasaya sila dahil sa wakas ay nakawala na sila sa madilim na rehas. Di ko na hinanap pa ang mga taong kasama nya. Dumiretso akong bumaba saka pumasok ng sariling sasakyan at duon, umiyak. Pinagsasapak ko ang manibela dala ng frustration. Ang sabi ko. Kakausapin ko sya. Aaluin. Bibigyan ng pag-asa pero umurong lahat ng iyon nang makita at marinig ang mahina nyang hagulgol. Ngayon ko sasabihin na, hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang makita syang mahina. Hindi ko kayang marinig ang halos walang ingay nyang iyak. Hindi ko na yata kaya pang iwan sya. Papa, anong gagawin ko?

Umiyak ako sa loob ng sasakyan. Doon ibinuhos lahat ng masasamang bagay na pumapasok sa isip ko na pilit hindi binibigyang pansin. Pakiramdam ko tuloy. Nasa tabi ako ng bangin. Isang ihip lang ng malakas na hangin, mahuhulog na talaga ako sa nagbabagang bangin.

Kailanman. Di pumasok sa isip ko ang pangyayaring ito. I never thought na darating ang oras na ito. Kaligayahan lang ang tanging nais ko. Ang maramdaman at maranasan ang sinasabi nilang pagmamahal. Pero bakit?. Bakit di rin nila sinabi na kaakibat pala ng pagmamahal ay ang sakit. Sakit na mahirap ipaliwanag at alisin.

"Bro, nasaan ka?. Anong nangyari?.." sa pagdaan ng minuto. Tinawagan ako ni Ryle. Mukha akong batang nasapak ng kaaway sa pagpupunas ng luha saking pisngi gamit ang mga braso. Ngumuso ako para pigilan ang paggaralgal ng boses ngunit wala na akong nagawa nang marinig na nya ito. "Wa-la bro.." kahit itago ko pang wala ngang nangyari. Tiyak. Malalaman rin nya dahil sa tinig ko.

"Nadatnan namin si Joyce na umiiyak.. hinanap ka namin sa kanya pero mas lalo syang umiyak.. bro, what happened?."

Hindi na naman ako makapagsalita. O sabihin ko nalang na wala akong maisip na sabihin sa ngayon. Masyadong malabo ang isip ko. Pinanlalabo ng kaba at takot sa dibdib ko.

"Where exactly are you?. pupuntahan kita.."

"No.. I'm fine bro.. dyan ka nalang.. bantayan mo sya.."

"Papa is with her.. nasa labas na ako.." anya. Natanaw ko nga sya sa may entrance ng ospital. Lihim kong pinawi ang huling luha na pumatak bago sinabi ang lugar ko. Ilang minuto lang ang lumipas. Nasa tapat ko na sya.

Pinagbuksan ko sya at hinayaan lang na tumayo sa gilid ko. "Pasensya na. Di ko sinabing, wag munang babanggitin ang tungkol sa baby nyo.." mabilis akong umiling.

"No.." pigil ko dito. "Ako dapat ang humingi ng pasensya sa inyo, hindi sana nangyayari ito kung nag-isip lang ako noon." natahimik sya. Pinakawalan ko ang init at lamig na pakiramdam sa dibdib ko bago nagpatuloy. "Kung sana pinairal ko ang katinuan ko ng mga oras na iyon.. wala sana sya sa lugar na ganito.."

Wala pa rin syang imik. "Wala sa plano ko ang saktan sya pero kingina bro! Bakit nasasaktan ko pa rin sya?." nasabunot ko ang buhok saka nahilamos ang mukha.

"Walang may kasalanan dito bro. Sa pagkakaalam ko. Pareho lang kayong nagmahal. At kadikit na talaga ng pagmamahal ang mga pagsubok na ganito. Wag mo sanang sisihin ang sarili mo o kahit na sino sa inyong dalawa. This is also part of any relationships. This will make you stronger and braver. Nangyayari to para pareho kayong turuan at ituwid sa pagkakamaling nagawa nyo noon. Don't make this tragedy break you. Instead, gawin mo itong daan upang maging mas mabuti ka pang tao.. not saying that you're not.. mabuti ka, dahil isa ka sa mga taong naniwala at nagmahal sa aming kapatid nang mga oras na madilim para sa amin. You opened our eyes how worthy she is. That we should treasure her like a gem. Your relationship with her made us believe that we should protect and love the one who's around us. Galit man ako noong una sa'yo pero napawi na iyon nang sumama ka sakin nang walang pag-alinlangan.. At tuluyan nang nabura nang makita ko kung paano mo naapektuhan ang buhay ng kapatid ko.."

"Huh?.." sa haba ng sinabi nya. Iyon lang ang nasabi ko.

Ngumiti sya't nilapitan ako. Inilahad bigla ang kanang kamay. Makikipagkamay ata? I don't know. Nalilito ako.. Noong una. Nagdalawang isip pa ako. Pero kalaunan. Tinanggap ko na rin dahil gusto ko.

Kinuha ko ang kamay nya saka kami nagshake hands. "After nyang umiyak kanina. Kumain na sya.."

"What?.." pinagtawanan nya lang ako sa naging tanong ko.

"Kung di ko pa nababanggit.. di normal ang pagkagusto nyang kumain this few weeks, but, not until you came and made her cry.. Haha.."

Nalilito pa rin ako sa taong kaharap ko ngayon. "Gusto mo pa bang umakyat muli?." dumaan muna ang segundo bago ko sya tinanguan. Namaywang sya saka ako sinipat. "Tsk.. pareho nyo lang pinahihirapan sarili nyo eh.. mahal mo sya diba?.." tumango na naman ako. "E ganun din naman sya sa'yo.. tsk.. mga torpe.." halakhak nya. "Ginagawang kumplikado ang bagay na madali..tsk. tsk.." bulong pa nya na nadinig ko. Sa kabila ng di maipaliwanag na emosyon. Nagawa ko pa ring ngumiti sa likod ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Happy holidays y'all! Love you all!

Chixemocreators' thoughts