webnovel

4th Rank!

Editor: LiberReverieGroup

Wizard God?

Nasurpresa si Marvin.

Nagulat siya na kinakausa talaga siya ng painting ni Lance.

Sa Feinan, kadalasang mayroong misteryosong abilidad ang mga painting. Mula nang mag-transmigrate si Marvin, marami na siyang nakasalamuhang ganitong item gaya ng mga painting sa Ghost Hallway, at ang sa lolo niya.

Sa madaling salita, enchanted ang mga ito.

Hindi naman siya gaanong nagulat na alam ng Wizard God ang pangalan niya. Lalo pa't kilala si Lance na para bang isang God of Creation.

"Sir Lance?"

Hindi alam ni Marvin kung ito nga ba mismo ang Wizard God o isang natitirang kamalayan nito.

Sinubukan niyang kausapin ito.

Pero hindi niya inasahang biglang mag-iiba ang tono nito.

"Hindi ka dapat nagpunta sa mundong ito!"

"Isa kang sabit!"

"Hindi ka nababagay dito, dapat kang i-exile!"

Napigil ang hiningi ni Marvin.

Biglang naging mapagbanta ang Wizard God na nasa painting.

Naramdaman niyang may mali.

"Balak mo bang labagin ang salita ko?" Seryosong sinabi ng Wizard God, "Hindi ka karapat-dapat na umapak sa Celestial Stairway."

"Nararapat ka sa Void, kasama ng Underworld Plan na iyon!"

Natigilan si Marvin.

Ito ba talaga ang tingin sa kanya ng Wizard God?

Hindi naman talaga siya nabibilang sa mundong ito, pero…. Paano niya nalaman?

Patuloy na lumutang-lutang ang painting malapit kay Marvin, habang patuloy rin ang masamang pagtitig sa kanya ng Wizard na nakaguhit dito.

Nang biglang, may napagtanto si Marvin!

'Pucha muntin na akong maniwala!'

'Nabalitaan kong may mga spirit monster malapit sa Celestial Stairway na sumasalamin at gumugulo sa isipan ng mga tao, pero ngayon lang ako nakakita ng ganito!'

Dumaly ang kalupitan sa puso ni Marvin kasabay ng biglang pag-apak niya sa Celestial Stairway, kinuha niya ang painting.

Biglang nataranta ang "Wizard God" sa painting. "Anong ginagawa mo? Pakalawan mo ako! Dinudungisan mo ang pagkaprestihiyoso ng God Lance…"

"Dinudungisan?" Panunuya ni Marvin, "Hindi mo pa ba ititigil iyan?"

Pagkatapos niya itong sabihin, hindi siya nag-atubili at walang habas niyang pinunit ang painting!

Woosh!" Nagkapira-piraso ang paintin, at ang "Wizard God" sa painting ay naging isang maliit na bagay.

Isang uri ng Imp. Ang tunay na katawan nito ay pareho sa painting, at kaya rin nitong baguhin ang itsura nito para linlangin ang mga tao.

Kung hindi pa io naranasan ni Marvin sa pagsubok ng Eternal Night Kingdom, at biglang naalalang may mga ganitong nilalang, baka naniwala na siya dito.

Lalo pa at, sinasalamin ng bagay na iyon ang isang bahagi ng kanyang puso. Ang mga bagay na nakita niya at nrinig niya ay sumasalamin sa nasa kaibuturan ng kanyang puso.

'Haha… Dapat ba akong matakot?' Tumawa si Marvin.

Isang malaking misteryo ang kanya pag-transmigrate. Kahit pa mabilis siya napakibagayan nag mundong ito dahil sa sistema nito, at ginawa niyang abala ang sarili sa paghahanda para sa paparating na Great Calamity….

Mayroong pa ring alinlangan at pagdududa sa kanyang puso.

Malalim itong nakatago, at sinubukan ni Marvin na wag itong masyadong isipin hangga't maari… pero hindi ibig sabihin nito na wala na ito doon.

Bakit nga ba siya nag-transmigrate? Nagkataon lang ba ito o may nagplano nito?

Sobrang makatotohanan ng mundong ito. Kaya bakit naman ito magiging isang laro?

Gustong malaman ni Marvin ang sagot sa lahat ng tanong na ito, pero wala siyang pwedeng magawa para maipaliwanag ang mga ito.

Gayunpaman, mahahanap rin ni Marvin ang kasagutan!

Pero ngayon.

Kailangan niyang bumalik sa Feinan.

Ibinato na niya ang Imp, at saka siya tuluyang umakyat ng Celestial Stariway!

Ang Celestial Stairway ay mahaba at paikot na hagdanan sa loob ng World Tree.

Ang bawat pinto ay kumakatawan sa isang plane.

At sa mga plane na ito, tanging ang Feinan lang ang Prime Material Plane. Habang ang iba naman ay mga Secondary Material Plane.

Maraming mga Secondary Material Plane na mayroon ding mga kontinente, dagat, at iba't ibang nilalang.

Nang itatag ni Lance ang Universe Magic Pool, Feinan lang ang pinalubutan niya. Ang mga Secondary Material Plane ay hindi nakatanggap ng proteksyon at benepisyon mula sa Universe Magic Pool.

Ang mga god na umusbong noong ikatlong Era ay maaari lang bumuo ng sarili nilang relihiyon sa mga Secondary Plane.

Dahil mayroong ding depekto ang mga Secondary Plane na ito. Ang kapangyarihan ng Faith na inaalk noya at malayo sa naibibigay ng Prime Plane. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi kuntento ang mga god.

Kung titingnan sa ibang perspektibo, hindi tulad sa Feinan, ang mga nilalang sa Secondary Plane ay may limitasyon ang kapangyarihang pwede nilang maabot,

Sa madaling salita, napakaraming Plane ang nasa ilalim ng Feinan. Bago mag-transmigrate si Marvin, naglabas ng trailer ang kumpanya ng laro para sa susunod nitong laro, ang [Planar Wars].

Feinan ang nasa gitna ng multiverse, pero mayroong ding sariling entablado.

Nagmula ang Planar Wars sa mga pagtatalo ng mga paniniwala, mula sa paghahangad ng mga tao ng kalayan, at mula sa lahat ng uri ng ambisyon at kagustuhan.

Ang Great Calamity lang ang simula sa isang magulong panahon. Nagkaroon ng pangitain si Marvin: sa hinaharap, matapos mawala ang proteksyon ng Universe Magic Pool, siguradong madadamay sila sa gyera ng Planar Wars.

Kaya wala siyang magagawa kundi maghanda araw-araw.

'0420...'

'0420...'

Pinigilan ni Marvin ang sarili na magbukas ng ibang pinto para tingnan ang mga ito, mahinahon naman niyang hinanap ang numero ng Feinan.

Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa Celestial Stairway, nadaanan niya ang isang dosenang Secondary Plane bago tuluyang nahanp ang Feinan.

Isa itong ginintuang pinto, at kapag binuksan niya ito, makakabalik na siya sa Feinan. Pero kung gusto niyang makabalik sa World Tree Domain, kailangan niyang maghanap ng isa pang token mula sa Ancient Nature God.

Walang alinlangan niyang binuksan ang pinto.

Nasilaw siya sa iyang maliwanag na putting ilaw.

'Feinan, nakabalik na ako.'

Napapaligiran siya ng mga mayabong na puno. Mukhang hindi naman nagkamali si Marvin nang pinasukan.

Ang lugar na ito ay nasal abas ng White Deer Cave sa Deathly Silent Hills, ang lugar kung saan naunang naglagay si Marvin ng plane mark.

Naghanda siya bago siya pumasok sa Underworld plane.

Kung hindi niya ginawa ang plane mark, walang nakaka-alam kung saan siya dadalhin ng Teleportation Portal ng Celestial Stairway, marahil sa Dead Area, o di kaya sa karagatan.

Pero nagulat si Marvin nang makitang walang tao sa White Deer Cave.

Sa katunayan, tila wala siyang matawagan.

Ang token ni Hathaway ay isang beses lang maaaring gamitin, habang ang Thousand Paper Crane naman ni Owl ay mukhang nasira. Mabuti na lang at maaari pa rin itong gamitin bilang lalagyan ng mga kagamitan, at nasa loob pa rin nito ang bangkay ng Red Dragon. Hindi alam ni Marvin kung paano tatawagan ang iba pa sa mga kasamahan niya.

Noong mga oras na iyon, hindi pa rin niya alam na nakita ng buong Feinan ang eksena ng kanyang pagkamatay sa Decaying Plateau, na dahilan para isipin ng mga tao na patay na siya.

Kaya naman hindi siya gaanong nag-aalala, at mahinahon lang na naglakad-lakad sa Deathly Silent Hills.

Walang inagbago ang lugar na ito, pero hindi siya sigurado kung gaano katagal na panahon na ang lumipas.

'Bahala na, babalik na lang ako ng White River Valley para mangamusta. Kailangan kong malaman kung anong nagyari habang wala ako.'

Nakapagdesisyon na si Marvin kaya nagsimula na siyang maglakbay pabalik.

Naging abala naman siya habang naglalakbay siya.

Mula nang bumalik siya sa Feinan, nawala na ang misteryosong kapangyarihan ng World Tree. Pwede na niyang magamit ang mga experience niya para mag-advance.

Tiningnan niyang mabuti ang kanyang battle experience na umabot na sa 110,770 na puntos!

Kasama na dito ang exp na nakuha niya sa pagsira ng Moss Prison, pagpatay sa Brain Eating Monster, at iba pa.

Pero ang battle experience na ito ay sapat na para umabit si Marvin sa 4th rank!

Isa pa, mayroon din siyang 20,000 general exp, na ang 10,000 libo ay nagmula sa Path od Darkness, at ang natitirang 10,000 naman ay nanggaling sa Assassin Alliance quest na pinakita tapos na niya. Malinaw na pagkatapos niyang gamiti nang Night Crow para ipaalam sa Bai High Priest na ang Brain Eating Monster ang pumapatay sa mga White Deer, natapos na ang kanyang quest.

Kaya naman, ang kabuoan ng kanyang experience ay umabot na sa higit 130,000 na puntos!

Sabat na ito para umabot siya sa 4th rank!

Nag-isip nang mabuti si Marvin, at mabilis na ginamit ang kanyang experience.

Syempre, inuna niya ang pagpalevel-up ng kanyang Night Walker class. Pagkatapos niyang gumamit ng 35000 exp, matagumpay nang umabot sa level 5 ang class niyang ito!

Dahil dito, hindi lang siyang nakakuha ng 36 skill point at 100 HP, naakuha rin siya ng Night Walker Specialty!

[Night Boundary]: Tuwing gabi, malaya kang makakapaglakad sa partikular na lugar, at ang mga hakbang mo ay kayang bumali ng space. Bilang ng paggamit tuwing gabi: 3.

Ito ang ability na ginamit ni Sean para takutin si Marvin sa Thousand Leaves Forest!

May kakayahang bumali ng space tuwing gabi ang mga level 5 Night Walker. Kahit pa hindi ito nakakamatay, maikukumpara ito sa Shadow Shift ng isang Ace Assassin!

Habang ng Shadow Shift ay kailangan pang buhayin. Ang Night Boundary ay isang natural na ability. Basta gabi, maaaring baluktutin ni Marvin ang isang maliit na space at daanan ito.

Isa itong magandang ability pang assassinate!

Kasunod ang Ranger level up.

Nag-isip nang mabuti si Marvin. Kung ang balak niya ay maging Ruler of the Night, kailangan maganda ang pundasyon ng kanyang Ranger class.

.

Isa pa, naalala niyang may bali-balita noon sa laro na maaari siyang makakuha ng tatlong karagdagang specialty kung mpapaabot niya ang kanyang base class sa full level nito. Hindi kumpirmado ito pero katiwa-tiwala naman ang pinanggalingan ng balitang ito.

Kaya naman gumamit siya ng limampu hanggang animnapung libong exp para dalawang beses na i-level up ang kanyang Ranger class!

Agad na umabot ang kanyang Ranger class sa level 9 mula sa level 7!

Tumaas ng 156 na puntos ang kanyang HP at nakakuha pa siya ng 48 na skill point. Kasabay nito, nakakuha pa siya ng isang attribute point!

Nakakuha rin siya ng basic Specialty at karagdagang specialty!

Ang [Ruler of the Wilderness] at ang [Tree Companion].

Ang Ruler of the Wilderness ay patataasin ang epekto ng kanyang mga skill sa kasukalan habang ang Tree Companion naman ay magbibigay sa kanya ng kakayahang makipag-usap sa mga puno.

Kapaki-pakinabang na specialty ang dalawa.

Pero ang pinakamahalaga, nag-advance na si Marvin sa 4th rank pagkatapos niyang pataasin ang level ng kanyang Ranger class!

Umabot na ang kabuoang level niya sa 16!

(Ranger lvl 9 + Night Walker lvl 5 + [Kalahati] Shapeshift Sorcerer lvl 4/2 =16)

Kasabay nito, mas napalakas ang kanyang katawan dahil sa Fatal Injuries Immunity!

Ito ang pribilehiyo ng mga 4th rank!