webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · สมัยใหม่
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Seventy-Two

Agad akong napatingin sa itim na baboy. Kung isa siguro siyang tao malamang may malaking evil smirk na sya ngayon at tumatawa ng pang kontrabida. Dahan-dahan siyang lumapit. Mahigpit kong hinawakan ang flashlight ko, ibinato ko 'yon sa kanya.

Natamaan ko siya sa nguso kaya naman napaiyak sya. Tatakbo na sana ako pero bigla siyang nag-ingay. Hindi ako nakagalaw. Nakakatakot sya! Hindi ko siya masyadong makita dahil nawala na ang flashlight ko pero alam ko na nagalit na siya ngayon dahil sa pagbato ko sa kanya kanina.

Narinig ko ang mga bakas ng pagtakbo niya palapit sa akin. Nang malapit na siya ay may biglang lumundag na itim na bagay sa harapan ko. Isang malaking itim na bagay ang biglang lumundag sa harap ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa sobrang gulat.

SAAN 'TO GALING?! Dalawa na ba silang kakain sa akin ngayon?! Wag naman please! Marami pa akong pangarap sa buhay!

"GRRRR!" Kung ano man ang itim na bagay na 'yon, bigla ko syang narinig na nag-growl.

Oh my god. Pinag-aagawan ako ng isang baboy at isang aso?! Hindi kaya isang syang werewolf? ANO?! Napalunok ako sa tinatakbo ng isip ko. Habang tumatakbo ba ako, napasok ba ako sa isang magical world kung saan may mga mythical creatures?!

Pilit kong inaaninag kung ano ang nasa harapan ko, kung ano ang malaking bagay na ito na humarang sa akin at sa itim na baboy ramo.

Malaki siya. Masyadong malaki para maging isang aso. Nakatalikod sya sa akin. Tinitigan ko sya nang mabuti, mukha siyang isang tao. Pero itim na itim siya.

Isang piguro ng tao na nakaupo patalikod sa akin. Para syang naka-crouch position paharap sa baboy ramo. Nanlaki ang mga mata ko. TAO nga sya!

Bigla akong napatayo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Kinakabahan ako. Tama bang tumakbo ako at iiwan ko sya?! Hindi. Syempre hindi. Pero hindi ko naman kilala 'to. Baka... Baka rapist? Tumayo siya nang dahan-dahan. Tama ako. Tao nga siya, ang tangkad niya. Tinignan ko siya nang buo. Naka-itim pala sya.

In a flash, mabilis niyang nahablot ang kamay ko at hinila nya ako patakbo. WAAAAAAAAHHH!! Ang bilis nyang tumakbo!

Hawak lang niya nang mahigpit ang kamay ko habang nauuna siya sa pagtakbo. Nakasunod lang ako. Nagtataka ako dahil mukhang alam niya ang daan kahit na hindi naman namin nakikita.

O baka ako lang ang hindi nakakakita sa dilim dahil siya ay isang... isang bampira?!

Dapat ko na talagang tigilan ang pag-iisip na nahulog ako sa isang portal at napunta sa isang magical world. Isang magical world kung saan may mga gwapong bampira at puro nakahubad at ma-abs na werewolf.

Napansin ko na habang hawak nya ang kamay ko, may tingling sensation akong nararamdaman. Parang... biglang bumilis ang tibok ng puso ko at walang kinalaman ang pagtakbo namin doon.

Parang ang gaan ng pakiramdam ko, parang gusto kong lumipad. HAAA? Hindi ko na maintidihan ang nararamdaman ko. May pinakain kaya ang Crazy Trios sa akin na gamot? Ang weird kong mag-isip ngayon.

"Oomph!" Bigla siyang tumigil sa pagtakbo at tumama ako bigla sa kanya.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay niya na yumakap sa bewang ko. Inipit niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng puno na sinasandalan ng likod ko. Parang gusto niya akong itago. Ang higpit.

Nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Kasing bilis rin ng sa akin. Pakiramdam ko... ligtas ako. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Ang init ng katawan niya. Napapikit ako habang pinapakinggan ang tibok ng kanyang puso. Hindi ko alam kung sino siya pero ang yakap niya katulad ng kay...

Iminulat ko na ang mga mata ko. Itinaas ko ang tingin ko para maaninag ang mukha nya. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil sa dilim. Pero hindi ko na siguro kailangan pa ng liwanag para malaman kung sino siya.

Ang mahigpit na yakap niya. Ang pamilyar na amoy niya. Ang pakiramdam na 'to, kilalang kilala ko.

"It's gone," buntong hininga niya bago tumingin sa akin.

Naramdaman ko ang tingin niya sa akin. Inangat niya ang isa niyang kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Hindi ko alam kung nakikita niya ako sa kabila ng dilim, pero sa tingin ko oo. Ang boses nya. Hindi nga ako nagkamali.

Akala ko hihiwalay na siya sa akin ngayon pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya sa akin. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko.

"It's a good thing I followed you here," bulong ng pamilyar niyang boses na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. "Miracle."

Noong una, natakot ako nang bigkasin niya ang pangalan ko. Natakot ako sa naramdaman ko, mahal na mahal ko parin siya. Pero naalala ko na hindi siya ikakasal. Kaya walang dahilan para iwasan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Pinili ko nalang na sulitin ang sandali. Gusto ko siyang maramdaman, gusto kong mapatunayan na totoo ang nangyayari ngayon.

Ginawa ko ang unang bagay na naisip ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.

"Timothy..." sambit ko sa pangalan niya habang pinipilit na maaninag ang kanyang mukha.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ako sa palad.

"Yes Miracle, it's me."

Nang sabihin niya 'yon, hindi na ako nagdalawang isip pa. Wala na akong pakialam sa iba pang bagay. Ang mahalaga ngayon, nandito sya. Hinila ko sya palapit sa akin at agad ko syang hinalikan na mabilis din naman niyang tinugon.