webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · สมัยใหม่
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Fifty-Seven

"Ano? Ano'ng ginawa ni Sam sa klase nyo?!" tanong ni China kay Audrey habang inilalapag sa lamesa ang tray ng pagkain na hawak nya. Umupo sya sa tapat nito.

"Don't ask. Sumasakit ang ulo ko sa stress. Ang dami nyang ginawa na sobrang..." Natigil si Audrey sa pagsasalita nang makita si Omi na papalapit.

"Honey! Nandito na yung order mo," sabi ni Omi habang dala ang dalawang tray ng pagkain. Nakabalanse sa magkabilang kamay nito ang dalawang tray. Mukhang sanay itong waiter sa isang restaurant.

"Ang sweet," puna Michie.

"Panget, ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko hindi ka papasok ngayon?" tanong ni Audrey sa binata.

Ngumiti naman si Omi nang sobrang lapad. "Biglang umurong yung sakit ko nung nabasa ko ang text mo. Ang sweet mo talaga Honey~!"

Nakaramdam bigla ng hiya si Audrey. "Ano'ng sweet pinagsasabi mo? Kumain ka na nga," masungit na utos niya sa lalaki.

"Si Sammy nandito! Sammy! Dito!" Tinaas ni Michie ang kamay nya para mapansin ng kaibigan.

Tumingin sa direksyon nila si Samantha at lumapit. "Omi, have you seen Kyo?" ang unang tanong nito.

"Si Kyo? Teka.. Asan nga ba sya? Uhh.. Sa mga ganitong oras nasa Chem Lab sya ngayon. Bakit?"

"Nothing," she said then walked away.

Kumunot ang noo nilang lahat.

"Bakit hindi tayo pinansin ni Sam?" tanong ni Maggie.

"Hindi ba nya tayo nakita?" hindi siguradong sagot ni China.

"Hindi ako kinausap ni Sammy!" Yumuko naman si Michie at kumain nalang.

"Bakit si Kyo ang hanap nya? Wait, Omi where's TOP?" tanong ni Audrey.

"Hindi ko alam eh," sagot ni Omi.

Nahampas ni Audrey ang lamesa. "Nasaan ba si TOP?! Pati si kuya nawawala!" tanong ni Audrey at tumayo.

"Honey~! Saan ka pupunta?" tanong ni Omi.

"Hahanapin ko silang dalawa! Dapat nilang malaman kung ano ang nangyayari kay Samantha ngayon!"

"Wow concerned," amused na sabi ni China.

"I'm not! Nababawasan ang fans ko dahil kay Samantha! Halos kalahati ang nabawas sa'kin at lumipat sa kanya!" reklamo ni Audrey sabay walk-out.

"Honey, yung pagkain mo!" tawag ni Omi na kumuha ng dalawang burger at hinabol si Audrey. "Honey!"

Naiwan sa lamesa ang tatlo.

"Bakit tayo palagi ang naiiwan?" tanong ni China.

"Kasi maganda tayo," sagot ni Maggie.

"Babalik pa kaya si Audrey? Kakainin ko nalang 'tong french fries nya, sayang naman eh," hindi inaalis ang tingin sa fries na sabi ni Michie.

"Ako rin!" sabay na sabi ng magkapatid. "Pahingi!"

***

Kakatapos lang ng klase ni Kyo at huli syang lumabas sa Lab. Pagkatapos ng lahat ng klase nya may dapat pa syang asikasuhin sa family business nila. Sagad na naman ang schedule nya. Ni hindi man lang nya magawang makasama sa mga lakad ng gang.

"Hello," may malamig na boses na bumati sa kanya.

Nagulat sya nang lingunin nya ito. "Samantha? Ano'ng ginagawa mo dito?" tumingin sya sa paligid. Halos wala nang tao sa hallway. Lahat nasa canteen na.

"I'm here to say thank you for saving my life," she smiled.

Nakita na naman ni Kyo ang ngiti na 'yon. Walang emosyon na sumasalamin dito. Tinitigan nya ito sa mata, blanko. Katulad ng dalhin nya ito sa bahay nya. Walang emosyon. Patay. Walang ipinagkaiba sa mga manikang de baterya na ngumingiti kapag pinindot ang button. Isang ngiti na walang saya. Mas malala pa ito noong una nya itong nakita sa kalsada.

Ang tanging pagkakaiba lang ngayon. Kahit wala syang nakikitang emosyon ng saya o lungkot mula sa dalaga, nararamdaman naman nya ang sobrang lungkot at pighati sa kaloob-looban nito. Nagtatago. Nakakulong. Hindi makalabas.

"Why are you staring at me like that? Do you like me?" diretsong tanong ni Samantha sa kanya na may ngiti sa labi.

Sobra nya itong ikinagulat at agad syang napaatras. "H-Ha?!"

"What? Mali ba ako?" Lumapit ito sa kanya.

Napalunok sya at agad na ipinilig ang ulo. Patuloy ito sa paglapit sa kanya. "Samantha." Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat para hindi makalapit sa kanya "Alam kong nasasaktan ka deep inside pero sana bumalik ka na sa totoong ikaw! Hindi ikaw 'to!"

"Ano ba'ng sinasabi mo Kyo?" Binigyan sya nito ng isang ngiti na nakapag-pataas ng mga balahibo nya sa katawan. "Sino ba'ng sinasabi mong nasasaktan? Ako ba?"

Halos magwala na ang puso ni Kyo sa kaba. Hindi na nya alam kung ano ang gagawin. Ganito ba kalalim ang sugat na nakuha nito kung kaya't ganito rin kalala ang naging pagbabago ng dalaga? Inalis ni Samantha ang mga kamay ni Kyo na nakahawak sa kanya.

"I can't feel any pain and honestly, I don't care."

Matagal natahimik si Kyo. Nakatitig lang sya kay Samantha. Nailigtas nya nga ito mula sa tiyak na kapahamakan pero kung titignan itong mabuti ngayon, mukhang namatay na ito bago pa nya nasagip. Napaiwas sya ng tingin sa mga mata ni Samantha nang maramdaman ang presensya ng isa pang tao. Hindi nga sya nagkamali nang hula kung sino ito. Nag-iisang tao lang naman ang may ganitong aura.

"TOP," bati nya sa kaibigan.

Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanila. Diretso itong nakatingin sa dalaga. Tamang-tama lang ang dating nito. Baka may magawa pa itong paraan para maibalik sa dati ang nobya nito. Tumingin si Kyo kay Samantha at naghintay ng kahit ano'ng pagbabago. Kahit na isang maliit na sign na may pag-asa pa itong mapabalik sa dati.

"Timothy," nakangiting bati ni Samantha. "Long time no see."