webnovel

BFF for life!

Sila Rosalie at Elizabeth matalik na magkaibigan kahit na magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Iisa ang kumpanya na kanilang pinagtatrabahuan. Supervisor ni Rosalie si Elizabeth, at galing sa may kayang pamilya. Samantalang si Rosalie ay anak ng guro at magsasaka.

Lumipas ang ilang taon, sila ay nagkaroon ng sariling mga pamilya. Si Rosalie ay nakapangasawa ng isang Engineer, samantalang isang Dayuhan naman ang napangasawa ni Elizabeth. Magkalayo man ang magkaibigan, nagkakaroon pa rin sila ng pagkakataon na magkita, lalo na sa mga espesyal na okasyon ng kanilang mga buhay.

Si Rosalie ay nagkaroon ng 3 anak (2 lalaki at isang babae). Si Elizabeth naman ay mayroong nag iisang anak na lalaki.

Halos magkasabay lumaki ang kanilang mga anak, na sina Jason(unico hijo ni Elizabeth) at ang panganay na anak ni Rosalie, na si Roy.

Gayon din ang 2 pang anak ni Rosalie na si RoseMae at ang bunso na si Ron.