webnovel

One of the Trials II

"O, gusto mong ako ang magbihis sa'yo?"

Inayos niya ang hawak sa tali ng roba at masamang tinitigan si Malik. Bawat hakbang niya papalayo rito ay pinaniningkitan niya ito ng mata.

"Hurry up." Malik chuckled.

She mischievously teased him by showing the skin of her shoulder before she closed the door. Wagas ang bungisngis niya habang nagbibihis.

Umangal si Cinder nang mapaling ang eyeliner nito nang mahawa sa kasiglahan niya. "Naku, Ma'am. Ang guwapo ng boyfriend mo. Sabi nang isa sa crew natin, siya raw iyong sikat na engineer sa Asia. Take note, ang pinakabata. Tapos may project sa Dubai, at sa North Gate. Bigatin!"

"Thank you. Pero hindi ko siya boyfriend." Aniya habang hinihila ang laylayan ng suot na dress.

Huminto si Cinder sa ginagawa para harapin siya. "Hindi nga? Impossible, Ma'am. Kung paano siya tumingin sa inyo. Jesus, Mary, and Joseph. Parang hindi kami nag-exist sa mundo niya. Ikaw lang ang nakikita niya."

Napakagat siya ng labi dahil doon.

Tumayo si Cinder upang ituro ang ngiti sa kanyang labi. "Tingnan mo. Hindi kaya ay manliligaw? Ay naku, Ma'am. Kung ganyan lang din ako kaganda, hindi ko na papaabutin ng oras. Oo tayo na ngayon din. Ganoon." Turo sa kanya nito sabay halakhak habang kinukuha ang lipstick sa drawer.

"You and your silly thoughts, Cinder. Fix yourself, and I'm leaving. See you when I see you." Lumapit siya rito para makipagbeso-beso. Baon niya sa labi ang ngiting kanina pa pinipigilan. The way Cinder reacts about her and Malik makes her happy. Hindi naman pala siya pangit tingnan kapag kasama ito. Hindi niya kasi maiwasang ikumparang pilit ang sarili kay Cielo o kay Winona.

Natagpuan niya si Malik na kausap ng isa sa head ng Candella at si Mr. Ross. The way they talked makes her wonder how Malik communicates with different people. How he handles circumstances? And how he deals with big persons he doesn't know?

Maybe, his good personality and being polite makes the people around him gave respect to him.

Mr. Ross say something the reason why Malik laughed heartily. Lumingon ito sa gawi niya. Nawala ang ngiti sa labi nito at agad nagpaalam sa kausap. Tumingin din sa kanya ang dalawang matanda. Pinapanood nila si Malik na papalapit sa kanya.

"What do you want to eat?" Tanong nito nang makalapit sa kanya.

Huminga siya nang malalim noong muling humaplos sa kanyang balakang ang kamay nito. "Actually, I wanted to see your office," she lied. Kanina sa biyahe niya, nakapagpasya na siyang bisitahin si Mrs. White at kung hahayaan niyang sumama si Malik doon ay tiyak hindi magiging maganda ang kakalabasan. She better go alone.

Malik nodded his head. "Okay, doon nalang tayo kumain."

On their way, Malik opened to her that Cho wants to speak with Frank. Unfortunately, her brothers' schedule for this month fully booked. Kasagsagan pa namang sale sa Japan, at dalawang buwan iyon. Elegance never goes with the flow of sale trends but this time, Frank made a strategic plan for innovation through giving privilege to the loyal customer. They even apply an installment with 0% in any credit card holder. A freebies earing for every single transaction with a minimum 500 dollar.

"Frank is doing good. I like his strategy and marketing plan," Malik murmured when he stopped the car in his private spot.

Nauna itong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. She curled her hand on his arm and they headed on the elevator.

"I agree. He's a fast learner and gaining more experience. I'm very proud of him." Minasdan niya ang kanilang reflection sa salamin habang nakangiti. Nahuli niya roong nakatingin si Malik sa kanya.

He took her hand when the door opened. The receptionist and some of the employee's greeted them. And she got amazed when Malik curtly response on each.

"Good morning, Mr. Hetch—"Malik's male assistant approached them in the middle of the hallway. His eyes drifted to her and gave a smile, "Miss, have a pleasant morning."

Hindi pa man siya nakakapagsalita ay bumaling na ito sa kasama. "Sir, you have a visitor. She's in the waiting area."

Curious man ay pinili niya nalang ang manahimik. She, ha?

Malik just nodded his head and didn't bother to say anything. His hand curled around her waist before he pushed the glass door. Tahimik silang pumasok at nananatiling nakasunod ang lalaki. Napaayos din ito ng kurbata noong mahuling nakatingin siya rito.

"Miss Ledesma, demanded an urgent meeting Mr. Hetch," pahabol nito mababakasan nang kaba at takot ang kilos.

"It is fine, Malik—"

"No, Baby." Malik locked her in his arms before he threw a smart nod on the man.

That eases the tension on the man's forehead. Napapunas ito ng pawis sa patikya bago nagbigay galang at umalis.

Malik heaves a long sighed. "Kumain muna tayo."

"Baka client 'yon. You cannot make her wait. Go, Malik. I can wait. Promise."

Malik stared at her as if he was trying to read her mind. He looks not believing and annoyed. Muli itong bumuntong hininga. "I'll be right back." He kissed her knuckles before he turned his back to her.

Ginawa niyang pagkakataon iyon para tawagan si Roena. Sinabihan niya itong dadaan sa office saglit, at ipinahanda ang mga dapat asikasuhin. She even asked her schedule for tomorrow.

"Alright. Tell to Frank's secretary to give us the copy of the plan. Gusto ko rin makita ang progress sa Dubai at ang current value ng gold at diamonds." Napalingon siya sa pinto noong may kumatok doon.

Iyong kaparehas na lalaki ang pumasok, tulak nito ang pagkaing marahil ay ang pagkain nila ni Malik.

"Okay. Thanks, Roena." She immediately ended the call and called the man's attention. "Thank you, Sir."

"Red nalang po, Ma'am. Kung may iba pa po kayong kailangan nasa labas lang po ako." Nahihiya itong tumalikod sa kanya at agad lumabas.

"Weird!" Umiiling niyang itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

They were in the 15th floor. Kanina bago sila pumasok sa underground parking ay napansin niya ang katapat na building. Twin tower? Her eyes lingered on Malik's table. Mayroon doong figurine na kaparehas ng tower kung saan siya naroroon. Lumapit siya roon at kinuha iyon. It was made of crystal. Simple and disenyo ng building pero kapuna-puna ang pagiging environmentalist ng gumawa. Sa roof deck ay may garden at ang tinatayuan ng dalawang gusali ay napapaligiran ng berdeng halaman at magagandang bulaklak.

Dumako ang paningin niya sa picture frame. It was her, Alice and Malik. Bata pa siya sa picture at halatang inosente. Umiwas siya nang tingin nang maalala ang maruming alaala ng kahapon. Sa tuwing titingnan niya ang kanyang mga mukha noong bata pa'y, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkadismaya.

A warm and strong arm snaked around her waist.

Napapikit siya at hinayaan ang sariling sumandal sa mga bisig nito. He was sniffing her hair while his hugged becomes tighter.

Umikot siya para harapin ito. "Tapos na?"

Hindi siya sinagot nito, bagkus ay hinila siya sa sofa para maupo. Inayos din nito ang pagkain nila. "Natatakot kasi akong baka umalis ka na naman." Biglang sabi nito kaya napahinto siya sa pagsalansan ng kutsara at tinidor.

What he fears was really drawn all over his face. Nakaramdam tuloy siya nang pagka-guilty dahil matapos lang kumain ay plano niya na sanang umalis.

Umupo ito sa tabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Hindi ba't nanga—"

Naputol ang sasabihin niya nang hapitin siya nito. He cupped her both face and lean their forehead against each other. "Just—" He didn't continue his phrases instead he heaved a long sigh. Dumistansiya rin ito upang pisilin ang baba niya. "Don't mind me. Let's eat."