Chapter 1691: Makita Kang Maligaya (12)
"Gusto mo bang manganak nang normal o C-section?"
"Ahem… bakit mo naman biglang natanong?" Nagulat si Huo Mian nang marinig ang tanong na ito; isa itong bagay na hindi itatanong ng isang taong gaya ni Su Yu.
"May narinig akong nagbanggit nito… Kapag nakapili ka na, hahanapan kita ng obstetrics doctor."
"Kung nasa tama posisyon ang mga fetus, kung hindi nakabuhol ang mga umbilical cord nila sa leeg nila, kung kakayanin ng katawan ko, at hindi sila lagpas sa tamang timbang, gusto kong sa normal na pamamaraan manganak. Mas natural kasi 'yon."
"Pero nabalitaan ko na masakit daw 'yon… sigurado k aba?" Bahagyang nababahalang tanong ni Su Yu.
"Hindi ako natatakot, handa kong gawin ang lahat para sa mga anak ko," sagot ni Huo Mian habang kagat-kagat ang kanyang mga labi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com