Chapter 1953: Ang Tunong ng Masamang Kapalaran na Nakatok sa Iyong Pinto (4)
"Tara at hanapin natin sila, pero hindi natin dapat hayaang malaman ito ng iba," ang nag-aalalang sinabi ng tatay ni Qin Ning.
Alam ni Qin Ning na kapag nalaman ng mga kriminal na nawawala ang mga anak ng presidente ng GK, susubukan nila itong dukutin para sa kanilang pakinabang.
Samakatuwid, wala silang mapagpipilian kundi patagong hanapin, nang hindi alam kung saan nagpunta ang mga bata. Walang bakas, saan kaya sila magsisimula?
- Sa labas ng mamahaling tindahan -
Ang kambal na may parehas na suot ay nakatayo sa labas.
"Sis, bakit kailangan nating tumakas? Bibili lang tayo ng regalo para kay Gwapong Su! Dapat sinama natin si tita," ang reklamo ni Little Bean.
"Kung sasama siya sa atin, hindi tayo ang makakapili ng regalo."
"Ngunit hindi ba siya mag-aalala? Bakit hindi natin dinala ang mga telepono natin?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com