Chapter 1772: Nagretiro Matapos Makakuha ng Pagkilala, Marangal Kahit Natalo (43)
"Manahimik ka! Wag na wag mong pagsasalitaan nang ganyan si Qin Chu! Siya ang taong pinakaminahal ako sa mundong 'to. Hindi siya makasarili. Dahil mahal niya ako, lagi niyang sinusubukan ilagay ang sarili niya sa kalagayan ko, at 'yon lang ang tanging dahilan kung bakit mo siya namanipula. Dahil masyado niya akong mahal, mas gugustuhin niyang saluhin ang lahat ng sakit nang mag-isa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, at handa akong ibigay ang buong buhay ko para sa kanya. Kung hindi ko man magawa sa buhay na 'to, maghihintay ako hanggang sa susunod na buhay!"
"Haha, ibig sabihin hindi ka pa rin nahuhulog kay Su Yu?" Tumawa si Huo Siqian at nagtanong.
"Iniligtas ni Su Yu ang buhay ko, habang buhay siyang magiging pinakamahalagang kaibigan sa buhay ko."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com