webnovel

Pababantay sa Mourning Halll

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 83: Pababantay sa Mourning Hall

"Huo Mian? Sinong Huo Mian? Iyong bastardang anak ng tatay ko sa ibang babae?" akamandag na mga salita ni Huo Yanyan, ito ang babaeng anak ng kabit. Lumaki siyang sobrang spoiled at walang pakialam sa ibang tao.

"Bastarda? Kung ganun pala yun, paano yan, kabit din ang nanay mo, ibig sabihin ba nito bastarda ka rin?" nakangiting sabi ni Huo Siqian na para bang nagbibiro.

Nagbago ang expression ng mukha ni Shen Jiani nang marinig ang mga sinabi ni Huo Siqian…

Hindi rin natuwa si Huo Yanyan. "Kuya, paano mo ako nagawang ikumpara sa kanya? Lumaki ako sa Huo Family at may title ang aking ina. Habang ang nanay niya ay isang walang kwenta, isa siyang malanding babae na sumama sa driver ni Dad."

Malamig na tiningnan ni Huo Mian si Huo Yanyan at sinabi, "Ang mga taong may pinag-aralan ay kailanman hindi magsasalita ng ganyan kabastos. Mukhang ang ugali ng isang marangal na anak ng Huo Family ay pangkaraniwan lamang."

"Sinasabi mo bang bastos ako?" sa sobrang galit ni Huo Yanyan, halos mapatayo na siya.

Ngunit pinigilan siya ni Shen Jiani, "Yanyan, huwag ka nang gumawa ng gulo, tandaan mo kung nasaan ka ngayon."

"Dahil nandito ka naman, bantayan natin ang mourning hall nang magkasama. Quan, bigyan mo siya ng isang piraso ng fililal cloth," sa wakas, nagsalita na si Huo Zhenghai.

"Opo, Elder Master."

Pagkatapos, iniabot ng kasambahay ang mahaba at puting filial cloth. Kinuha ni Huo Mian ang tela at itinali ito sa kanyang ulo.

Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumuhod sa gilid ng mourning hall.

Nasa gitna ng kwarto ang litrato ng kanyang lola. Mukha siyang masaya at mabait.

Nalungkot si Huo Mian, ngunit hindi sa puntong iiyak na siya. Masyado itong mapagpanggap.

Ang mga miyembro ng Huo Family ay lumuhod ng ilang sandali bago magpahinga. Sandali lang din lumuhod si Huo Yanyan dahil nahihilo raw siya, kaya sinamahan ito pabalik sa mansyon.

Tumakas si Huo Siyi sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan. Sa huli, tanging sina Huo Mian at Huo Siqian na lamang ang natira sa mourning hall.

"Mian, magpahinga ka muna kung pagod ka na. Hindi mo kailangan manatiling nakaluhod dito."

"Hindi ako pagod," sabi ni Huo Mian habang sinusunog ang papel na joss sa palanggana.

"Halos oras na rin para maghapunan. Maghilamos ka muna."

"Hindi ako gutom," pagtanggi ulit si Huo Mian.

Tahimik siyang tiningnan ni Huo Siqian.

Makalipas ang ilang sandali, nagsalita ito, "Kung hindi namatay si Lola, hindi ka na ulit papasok sa bahay na ito, tama?"

"Oo."

"Prangka ka talaga," nakangising sagot ni Huo Siqian.

Hindi na nagsalita si Huo Mian; nagpatuloy nalang siya sa pagbulong ng mga salita ng pagpapala.

- Makalipas ang 30 minutes, sa lamesa habang naghahapunan –

Tumingin sa paligid si Huo Zhenghai ngunit hindi niya nakita si Huo Mian kaya siya ay nagtanong, "Nasaan siya?"

"Nagbabantay pa rin siya sa mourning hall. Inutusan ko na si Siqian na imbitahan siya kumain ng hapunan pero hindi raw siya gutom," sabi ni Jiang Hong, asawa ni Huo Zhenghai.

"Hindi gutom? Sa tingin ko hindi iyon totoo, gusto niya lang mag-iwan ng magandang impresyon kay Dad. Napakapekeng babae," singit ni Huo Yanyan.

"Yanyan, tigilan mo na ang pagsasabi ng mga hindi makabuluhang bagay."

"Mom, nagsasabi lang ako ng totoo. Sabi kasi ng kaklase ko, ang mga taong may pangkaraniwang buhay ay mga mukha lang inosente pero sila ay mga manloloko. Nakatira kasi sila sa mababang-antas ng lungsod kaya madami na silang nakitang mga pangit na bagay. Dad, hindi mo dapat siya pinaniniwalaan…"

Nilingon lamang ni Huo Zhenghai si Huo Yanyan ngunit hindi ito nagsalita…

"Sa tingin ko hindi nagpapanggap si Huo Mian. Hindi niya kailangan sumipsip kay Dad. Pagkatapos ng lahat, wala namang nagawa si Dad para sa kanya nitong mga nagdaang taon. Mukhang sanay naman siya."

Nagbago ang expression ni Huo Zhenghai nang marinig ang mga sinabi ni Huo Siqian.

Totoo, nakalimutan niya na may anak siya. Kung hindi siya sinabihan ng kanyang ina na imbitihan si Huo Mian sa kanyang lamay, hindi niya maiisipang tawagan si Yang Meirong…

"Kumain na tayo, " sabi ni Huo Zhenghai pagkatapos ng sandaling katahimikan.

Pagkatapos ng 20 minutes, bumalik na ang lahat sa mourning hall.

Mabagal na sinabi ni Jiang Hong, "Zhenghai, sabi ni feng shui master, kailangan may isang taong magbantay ng mourning hall ngayong buong gabi, at mas mainam kung ito ay isang babae dahil ang aura ng isang lalaki ay makakagulo lamang. Gusto ni Mama si Yanyan ang magsagawa nito bago siya mamatay, kaya kung pwede, si Yanyan sana ang magbantay sa mourning hall ngayong gabi?"

Biglang nagbago ang expression ni Huo Yanyan at sinabi, "Mom, hindi ako pwede. Mababa ang blood sugar ko kaya palagi akong nahihilo. Tumawag na rin ng doktor si Mom para lagyan ako ng suwero mamaya. Bakit hindi mo nalang utusan ang aking mga kapatid na lalaki para magbantay sa mourning hall?"

Bantayan ang mourning hall nang mag-isa? Paano niya magagawa ang kakila-kilabot na bagay na iyon? Siya ang prinsesa ng Huo Family!

Dali-daling sinabi ni Shen Jiani, "Tama siya, Ate, hindi maganda ang pakiramdam ni Yanyan. Bakit hindi na lang ako ang magbantay ng mourning hall para sa kanya?"

"Hindi, myembro dapat ito ng mga batang henerasyon."

"Mom, hayaan mong si Huo Mian ang gumawa nito," sabi ni Huo Siqian.

Ang lahat ay napatingin kay Huo Mian. Nakikinig lamang siya sa mga pinag-uusapan nila. Hindi naman isang malaking bagay para sa kanya ang gawin ito dahil gusto din niyang makasama ang kanyang lola sa huling pagkakataon.

"Ayos lang ba sayo na gawin ito mag-isa?" tanong ni Jiang Hong.