webnovel

Kaarawan

Editor: LiberReverieGroup

"Wala, nalipat kasi ako sa ibang department at binigyan ako ng ospital ng tatlong araw na pahinga."

Masiglang tinanong ng kanilang kapitbahay na si Auntie Wu, "Ohh, nalipat ka? Saan?"

"Sa laboratory ng ospital, ang ginagawa ko lang buong araw ay kumuha at mag test ng dugo." Nakangiting sagot ni Huo Mian.

"Mabuti, mas madali yan. Sinabi ko nga sa nanay mo na sabihin sayo na huwag ka na magtrabaho sa OB/GYN department dahil masyadong may malaking responsibilidad ito. Maseselan ang mga buntis. Pag hindi mo sila naalagaan sa paraang gusto nila ay pwede ka nilang pag-initan. Mabuti at nailipat kana.

"Opo, mas madali nga ito at hindi ko narin kailangan mag trabaho sa gabi."

"Uy Mian, bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?"

Mahilig talaga maki-usisa ang mga kapitbahay nila at ilan sa mga kaibigan ng kanyang ina ay hindi mapigilan ang magtanong.

"Hiwalay na kami."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com