Ang mga tao sa puting van ay tumalon papalabas habang si Huo Mian ay patuloy na papunta sa kanila ng mabilis.
Tumakbo sila papunta sa gilid at pinanoood ang halos slow-mo na pagbangga ni Huo Mian sa van. Ang van ay kaagad na hindi nakilala.
Napabuntong hininga si Huo Mian. buti nalang at ang van ay nanggaling sa mas hindi kilala at mababang brand at gawa rin ito sa China; kaya naman ang kalidad nito ay hindi ganoon kaganda habang ang Volkswagen CC ni Huo Mian, sa kabilang banda, ay gawa sa Germany at dahil sa taon ng karanasan nito sa paggawa at pagsigurado ng kalidad, ang kotse niya ay hindi gaano nasira katulad nung sa van.
"Boss, nakakatakas na siya!" sigaw ng isa sa mga lalaki sa Honda business van.
"Huwag kang mag-alala, hindi siya makakatakas."
Ngumiti ang boss sa Honda, mukhang may nakahanda na itong plano…
Patuloy na nagmaneho si Huo Mian, nakalagpas siya sa puting van at napunta sa entrance ng isang village.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com