Chapter 1250: Isang Pag-amin na Hindi Talaga Pag-amin (1)
"Hinihingi ni Young Master Huo pangalan mo…"
"Ang pangalan ko ay… Wang Shasha." Hindi inakala ng babae na siya ang magiging center of attention.
"Wang Shasha… ang pangit naman ng pangalan mo." Hindi nakaimik si Huo Siqian.
Bakit siya interesado sa kanya? Kasi medyo kahawig niya si Huo Mian, kaunti lang.
Hindi sila magkamukha, pero magkatulad sila ng itsura pag nakatingin siya sa sahig, kaya nakuha niya agad ang atensyon ni Huo Siqian, kahit maraming babaeng nandoon.
"Halika… upo ka dito." Tinapik ni Huo Siqian ang upuan sa tabi niya.
Nagtataka si Wang Shasha, habang tinutulak siya ng ibang models na puno ng inggit at galit. "Shasha, tiantawag ka ni Young Master Huo. Sige na!"
"Young Master Huo, bago pa siya at medyo mabagal. Please 'wag kayong magalit kung 'di niya magawa ang gusto niyo."
Walang sinabi si Huo Siqian habang inaakbayan niya si Wang Shasha.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com