webnovel

Prologue

"Ayaw n'yo madaan sa matinong usapan kaya narito ako para sapilitang kunin ang anak 'ko." seryosong saad ni Mr.Grandioso.

"Wala kang anak dito, wala kang makukuha sa amin." nakangising ani ni Dad.

"Tinago n'yo sa akin ang anak ko, hanggang kailan ha?" diretsong nakatingin si Mr. Grandioso kay Dad.

"Ano pong nangyayare?" inosenteng tanong ko.

Nakita kong bumuntong-hininga si Mr. Grandioso. Si Daddy naman ay nakahinga ng maluwag.

"Wala kang alam?" tanong bigla ni Mr. Grandioso.

"Tungkol saan po?" pabalik na tanong ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy nito.

Napabaling ito sa pwesto nila Mom and Dad. "Hindi n'yo pa sinasabi?" tanong nito.

Naguguluhan na ako, anong sasabihin ba? Bakit hindi na lang ako sabihin sa akin ng diretso.

"N-nahanap kami ng maganda tyempo, Timothy." sabat ni Mom.

"May dapat kang malaman, hija." ani ni Mr. Grandioso.

"Ano po 'yon?" tanong 'ko.

"Walang magsasabi sa kan'ya!" sigaw ni Dad.

Mabilis na hinawakan ni Dad si Mr. Grandioso sa kwelyo. Lumapit naman ang mga pulis at bodyguard na kasama ni Mr. Grandioso para ilayo si Dad sa amo nila.

"Tarantado ka! Ang tagal ng tahimik ng buhay namin bakit ka biglang manggugulo?" galit na sigaw ni Dad.

"Hindi ako nanggugulo, alam mo 'yan Theodore." sagot ni Mr. Grandioso.

"Baka po nagkakamali lang po kayo." saad ko dahil sobra na akong naguguluhan at natatakot para kay Dad.

"Hindi ako p'wedeng magkamali. Nandito ang anak ko." anito na deretcho ang tingin sa akin.

"Walang hiya ka! Umalis ka na dito ngayon din, Timothy." muling sigaw ni Daddy.

"Hindi ako aalis dito Theodore na hindi ko kasama ang anak ko." giit ni Mr. Grandioso.

Mabilis naman itong naglakad papunta sa gawi ko pero dahil hinaharangan ako ni kuya ay hindi n'ya magawa.

"Hindi mo makukuha ang kapatid ko." si kuya Tyler. May diin ang bawat salita lalo na ang 'kapatid ko'.

"K-kuya, ano ba talagang nangyayare?" tanong 'ko.

"Anak, sumama ka na kay Daddy." ani ni Mr. Grandioso sa akin. Diretsong nakatingin sa akin kaya alam kong ako ang kinakausap nito.

"P-po?" naguguluhang ani ko.

Nilingon ko sila Dad at Mom pero wala silang imik. Nakita ko ang mga lungkot at awa sa mata ng mga kapatid ko.

Parang natigil ang mundo ko sa sinabi nito. Hindi maiproseso ng utak ko ang sinabi nito kahit tagalog naman.

"A-ako po?" tanong ko. "N-nagkakamali po kayo. Anak ako nila Mom and Dad." may bumagsak na luha sa mga mata ko.

Tunay na anak ako ni Mom and Dad. Anak nila ako. Monteverde ako. H-hindi totoo yung sinabi ni Mr. Grandioso.

"Monteverde ako, hindi ba?"

💜💜💜