DALAWANG ARAW na hindi nag pa kita kay andrea ang kanyang boss. Pinapa cancel nito ang lahat ng naka schedule niyang meeting sa loob ng dalawang araw. Nag sabi naman ito sa kanya na may importante lang itong inaasikaso. Matapos ang dalawang araw ay muli naman na itong pumasok ng opisina.
at nang araw na iyon pagka pasok palang ni nicko sa kanyang opisina ay maya maya bigla itong lumabas ng opisina nito at nag-lakad palapit sa kanyang secretary na noo'y abala sa pag titipa sa kanyang computer.
"we need to talk andrea.. I have something to discuss..." saad nito kay andrea pagka lapit palang nito.
Seryoso ang mukha nito habang naka tingin kay andrea. Pagka sabi niyon ay muli na itong bumalik ng Kanyang opisina. Si andrea naman ay agad na sumunod dito papasok ng opisina ni nicko.
Pagka pasok ni andrea ay nakita niyang naka tayo si nicko sa likuran ng office table nito.
"sir.." tawag niya sa kanyang boss.
Hindi humarap sa kanya ang kanyang boss. Ngunit narinig niya itong nag salita.
"andrea.. Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula.. Pero sa tingin ko ay kailangan ko nang sabihin to sayo.."
Pagka sabi niyon ay marahang humarap kay andrea si nicko.
"diba nasabi ko na sayo ang tungkol kay mr. Hamilton.. Kung anong pagka tao niya.. Kaya sinabi ko sa kanya dati na girlfriend kita dahil ayaw kung mapahamak ka sa kanya.. Sa tingin ko ay malaki ang pagka gusto niya sayo.. At hindi siya naniniwala na girlfriend kita.. Nagkaroon kami ng emergency meeting kaya nawala ako ng dalawang araw.. At sinabi niya sa akin na may nakapag sabi daw sa kanya na hindi kita totoong girlfriend.. Hindi ko pa alam kung sino ang taong iyon.. At palagay ko ang taong iyon ay may kinalaman din sa pagkawala ng malaking pera ng kumpanya. Now, andrea—"
Nakita niyang nag buntong hininga muna ito bago nag salita ulit.
"andrea.. Alam kong magiging kumplikado itong sasabihin ko para sayo.. Dahil may hinala si mr. Hamilton na hindi talaga kita girlfriend. Ayun sa pagkaka kilala ko sa kanya ay tiyak na magha hire yun ng secret agent para pa imbestigahan tayo.. Kapag nalaman niya ang totoo na nag sinungaling ako sa kanya, ay malaki ang posibilidad na bawiin niya ang share niya sa kumpanya. Para maka bangon ang kumpanya ay kailangan natin ang pera niya. Kaya hindi niya dapat malaman na hindi talaga tayo magka relasyon.."
" a-ano pong gusto niyong mangyari sir?.. " Tanong ni andrea na seryoso ang tingin kay Nicko.
"kailangan nating mag panggap na magka relasyon talaga tayo.. Huwag kang mag alala dadag dagan ko pa ang magiging sweldo mo.."
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng kuwarto na iyon. Nag iisip si andrea kung papayag ba siya sa gustong mangyari ni nicko. Nang makapag desisyon na siya ay tumingin siya kay Nicko ng tuwid.
"okay sige.. Pumapayag ako..
pero ayos lang po kahit walang dag-dag na sahod.. Atlis makaka tulong ako sa inyo..." tugon ni andrea.
Animo'y nabunutan ng alalahanin si nicko sa kanyang dib-dib ng marinig ang sagot sa kanya ni andrea.
" salamat andrea.. Pero may isa pa sana akong ipa pakiusap sayo.."
"ano po yun?.."
"huwag mo na sanang ipa alam ang gagawin nating pag papanggap kay Lucas.. Hanggat hindi ko pa alam kung sino ang taong nasa likod ng pagka wala ng malaking pera ng kumpanya.. Ilihim mo muna sa kanya.. "
"bakit, pinag hihinalaan niyo ba si Lucas?.."
"hindi naman sa ganun.. Hindi kasi natin alam kung sino ang kalaban sa paligid.. Mas maganda nang maka sigurado tayo.. Kaya aasahan ko ang tulong mo.."
"sige po.."
"aasahan ko yan andrea.."
Matapos na sabihin iyon ni nicko ay napansin ni andrea na biglang lumamlam ang mga mata ni nicko.
Yumuko si nicko at tsaka ito muling nag salita.
"ito lang ang tanging kumpanya na minana ko sa aking ama.. At alam ko na pinag hirapan niya ito ng husto na maitayo.. Ito ang ipinam buhay ng Daddy ko sa amin ng mommy ko.. Kaya, hindi pwedeng mawala ito ng basta ganun na lang.."
"huwag po kayo mag alala.. Tutulong po ako, kung ano ang kaya kung itulong sa inyo sir.."
"salamat andrea..."
Habang nag uusap ang dalawa ay may kumatok sa pintuan. Sabay silang napa tingin sa gawi ng pintuan.
"come in" saad ni nicko.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng opisina ni nicko at iniluwa nito si Lucas.
"o andrea nandito ka pala.. Hi kuya!"
"may inuutos lang ako sa secretary ko Lucas.."
"okay.. Kaya pala mukhang seryoso kayo diyan.."
Pagka sabi niyon ni Lucas ay tuluyan na itong pumasok sa loob at nag lakad palapit kay Nicko. May hawak itong folder sa kamay.
"anong kailangan mo Lucas? Why are you here?.." Tanong ni nicko.
Bago pa sumagot si Lucas kay Nicko ay nag paalam na si andrea sa mga ito na lalabas na.
MAKALIPAS ang isang linggo ay dumating na ang araw na kailangan na nilang mag simulang mag panggap. Nag patawag ng general meeting si mr. Hamilton at dahil secretary ni nicko si andrea ay kailangan niya din itong isama.
Kasalukuyan silang nag lalakad na dalawa habang papunta sila ng meeting place. Gaganapin ang pag pupulong sa isang sikat na hotel sa pasay.
Magkasabay silang nag lalakad. Nakakaramdam ng kaba si andrea ng araw na iyon. Napansin ito ni nicko. Huminto si nicko sa pag hakbang at ng maramdaman iyon ni andrea ay huminto rin ito sa pag hakbang. Tumingin si nicko kay andrea.
"are you okay?.." Tanong nito kay andrea.
"y-yes po.."
"alam kung kinakabahan ka andrea.. Pilitin mong hindi kabahan.. Huwag ka nalang mag salita.. Maki ramdam ka nalang sa paligid.." saad pa ni nicko kay andrea habang naka tingin parin ito sa mukha ni andrea.
"sige po.."
"okay let's go.." yaya ni nicko.
At muli na silang nagpa tuloy sa pag hakbang palapit sa elevator. Sa ika labing pitong palapag kasi ng hotel idadaos ang kanilang meeting. Pag pasok nila ng elevator ay may naka sabayan pa silang ilang stock holders din.
Ilang dipa nalang at mararating na nila andrea ang meeting room. Nag buntong hininga siya ng malalim upang mabawasan ang kaba sa kanyang dib-dib. Kahit kinakabahan man ay iniisip niya nalang na makakatulong naman siya sa kanyang boss. Naisip niya na wala naman kasi itong ibang aasahan kundi siya lang.
Nang marating nila ang sinasabing meeting room ay magka sabay din silang humakbang ni nicko papasok dito. Kusang bumukas ang pintuan dahil may guard na naka asign dito upang mag bukas at mag sara ng pintuan. Binati silang pareho ng guard na naka uniporme ng kulay puting barong at kulay abong pantalon.
Pag pasok nila sa loob ay halos naroroon na ang lahat bukod kay mr. Hamilton. Magka tabi silang Umupo ni nicko sa unahan. Nang maka upo na silang dalawa ay siya na rin dating ni mr. Hamilton at kasunod nito na pumasok ay ang step dad ni nicko. Nagka tinginan kaming dalawa ni nicko dahil parang may hinala na kami kung sino ang nag sabi kay mr. Hamilton na hindi talaga kami magka sintahan ni sir.
Binati ni nicko si mr. Hamilton at nakipag kamay siya dito.
Tumagal ang meeting ng halos tatlong oras. Marami kasi silang pinag usapan tungkol sa mga lugar na pag tatayuan nila ng kanilang negosyo. Si andrea naman ay panay lang ang pag titipa nito sa dala niyang laptop. Doon niya na kasi isinusulat ang mga pinag uusapan sa loob ng meeting room na iyon. Isi-send niya rin kasi sa email ni Nicko ang mga naisulat niya doon, katwiran ng kanyang amo ay upang ma review nito ang kanilang mga pinag usapan sa buong pag pupulong na iyon.
Nang matapos na ang meeting ay muling naiwan sa kuwarto na iyon sina andrea, nicko at si mr. Hamilton kasama ang step dad ni nicko at ang dalawa pang kasama sa pag pupulong na iyon. Ang sampu namang iba ay umalis na ang mga ito. Gaya ng inaasahan ay nag karoon sila ng kaunting kainan.
Habang kumakain ay nag salita si mr. Hamilton.
"Do you really have a relationship andrea and nicko?.." Tanong nito sa kanilang dalawa na kay andrea ito naka tingin.
"As I said to you earlier mr. Hamilton. Andrea and i are in a relationship.."
"oh really? When did you ever have a relationship with andrea nicko?.." sabat ng step father ni nicko.
Mukhang alam na ng dalawa kung sino talaga ang nag sabi kay mr. Hamilton.
"oh come on tito, Do I really need to let you know, when andrea and I became boyfriend and girlfriend?.. It's my personal life tito.." pagkasabi niyon ni nicko sa kanyang step dad ay tumawa ito ng pagak.
Ngumiti naman ng nakakaloko ang kanyang step dad.
"It's not that iho.. I was just amazed. You told me at first, that she was only your secretary. Then you're telling now, that girl is your girlfriend.. Sabagay, mukhang nag mana ka sa iyong ama na mabilis sa babae.." muling tumawa ang step father ni nicko matapos na sabihin iyon.
" Yah, you're right uncle.. Don't forget that you are also like that.. That's why you've got mommy that fast.." tugon ni nicko dito.
Matapos marinig ng step father ni nicko ang sinabi ng binata ay tumawa naman ito ng mas malakas.
" All right.. I already believe in you.. You're both quick When it comes to the woman! " saad naman ni mr. Hamilton.
" let's drink!" Saad naman ni mr. Hamilton at siya mismo ang nag salin ng alak sa mga baso na nasa kanyang harapan.
Matapos malagyan lahat ay isa-isa nitong inabot sa lahat ng mga naroroon ang basong may lamang alak. Maging si andrea ay hindi rin nito pina lagpas na bigyan ng basong may lamang alak. Hindi naman nag atubili si eloisa na abutin ang ibinibigay nitong baso sa kanya.
Marahan niya itong tinungga. Gumuhit ang init ng alak sa kanyang lalamunan. Kamuntik pa siyang maubo dahil hindi niya akalain na ganun pala ito ka tapang. Mas matapang ito kasya sa unang alak niyang natikman. Nung una niyang tangkain na inumin ang alak na para sana kay Nicko. Habang naririnig niyang nagku kwentohan ang mga lalaki ay nag iisip naman siya kung paano makaka isip ng paraan para sila maka sibat ni nicko ng hindi ito nalalasing. Nakikita niya kasing balak na lasingin sila ng mga ito, dahil matapang na alak ang ipina inom sa kanila ngayon.