Silang tatlo na lang ang nagset-up ng mga gamit. Hindi nila puwedeng iasa nalang sa cameraman ang lahat at baka hindi nila kayang tapusin ang huling taping ng buong araw. Kailangan makauwi sila ng Friday at madaanan ang nakaconfine na director.
"Okay na ba?" Tanong ni Lara sa cameraman.
"Ready na, Ms. Lara." Sagot naman nito.
"Good day! Welcome back again! In this last segment, we are honored to show you guys the most historic and memorable house of Apo Endo. Let's go take a look!'' Masayang wika ni Lara bilang panimula.
Giliw-giliw talaga si Lara sa paglilibot ng buong bahay. Nakakamangha naman talaga ang pagkakadisenyo nito. Pati hardin nito'y hindi niya rin pinalampas. Sari-sari mga halaman ang nakatanim pati mga iba't-ibang uri ng rosas. Sabagay, may rose farm nga naman ang pamilya kaya dapat lang na maging palamuti ang mga ito sa bakuran nila. At huling dinakuan nila ay ang antiques place ng pamilya.
"So, this is it! One of the most interesting things here is their antiques place. For the very first, they open it to public and we are very honored to feature those antiques exclusively. Come on, let's go in!"
Nang mapasok nila ang naturang lugar, mas lalo silang napahanga. Sobrang luma na talaga ng mga nakadisplay doon na mga collections. Siguro nga sa tantiya niya mga lampas isang daang taon na ang mga ito. Ang husay talaga ang pagkakamantene ng mga ito at napanatili pa rin nito ang taglay na kagandahan. Habang abala si Lara sa pagsasalita, may nakatawag sa kaniyang pansin. Nakasandal ito sa sulok na bahagi pero sadyang may kung anong magnetong kumakabig sa kaniya para lapitan ito. Kakaiba talaga ang disenyo nito anupa't waring nanghahalina itong hawakan. Hindi niya natiis at kaniya itong hinawakan at inilapit pa sa camera.
"This is awesome! I think their ancestors used this during their ruling hundred years ago. How amazing it is to see that they preserved the original color! I wonder how their ancestors look like during their time..." Biglang napatigil ng bahagya si Lara sa kaniyang pagsasalita nang makitang papasok si Ariya at sumisenyas itong bitawan ang hawak-hawak niyang tungkod. Siyempre hindi naman puwedeng basta niya lang itigil ang eksena at recorded ito. Pero napansin niyang parang nalulungkot at natatakot ang reaksiyon ni Ariya, kaya minabuti niyang tapusin nalang ito sa pamamagitan ng spiel.
"So, after three days of exploring here, I could say we have something to be proud of. The well preserved historic heritage and the lifestyle of our very own native fellow men here, tell us more about the lives of our ancestors. It's a certain look in the past that can help us, who are living in the modern times to show appreciation and gratitude. I hope you enjoy the show. I'm Lara Sandoval and this is 'Our Heritage'."
Sumenyas ng 'ok' ang cameraman na nagpapahiwatig na naging matagumpay ang kanilang taping. Kaya nang mapansin ni Ariya na natapos na ang taping ay agad-agad ito lumapit kay Lara.
"I told you not to touch anything, bakit mo hinawakan ang tungkod ni apo?" Napakaseryoso nitong wika na para bang naka-amoy ng paparating na malaking problema.
"Huh? Ah, iyon ba? Nakapaganda niya kasi. Kailangang makita ng malapitan sa camera kaya dinampot ko na. Iyon lang naman ang hinawakan ko. Sorry ha?" dispensa ni Lara.
"Naku! Bakit ba naman kasi 'yon pa ang dinampot mo?" Napalakas ang kamot si Ariya sa kaniyang ulo dahil sa disappointment.
"Bakit? Ano bang mayroon kung hahawakan iyon, Mrs. Ramos?" Hindi na nakatiis ang cameraman at sumabad na ito.
"Oo nga po. May sumpa po ba iyon?" Segunda naman ng P.A.
"Naku! Malala pa sa sumpa. Napakalaking problema ng ginawa mo. Sana hindi ito malalaman ni apo..." Naputol ang mga sasabihin ni Ariya nang may sumabad sa kaniya.
"Ano 'yong hindi ko puwedeng malaman, apok?" Nagtatakang bungad ni Apo Endo na kararating lang.
Napapikit si Ariya nang matunugang nasa likuran niya ang lolo niya. Tiyak na malaking gulo ito kapag malaman ng lolo niya ang totoo. Kailangang makakapag-isip siya ng magandang dahilan.
''Anong sasabihin ko? Oh my goodness!" Usal niya sa sarili.
"Apok?"
Napaigtag nang bahagya si Ariya nang nagtanong uli ang lolo niya. Nanatili namang walang kibo ang tatlong kasama niya.
"Ho? Ah ~ Eh... Nakabasag po kasi si Ms. Lara ng vase niyo kaya ayaw naming ipalam sa inyo.''
Wala siyang ibang mahagilap na dahilan kaya ganoon nalang ang dalangin niya na hindi siya mabuking. Gayunpama'y hindi niya kailanman maitatago ang kabang nadarama niya. Sa kaba ay napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib anupat maging ang kuwelyo ng kaniyang damit ay gumagalaw sa lakas ng pintig.
"Muntik mo na akong mapaniwala doon ah. Pero kahit kailan, hindi ka magaling magsinungaling. Kaya naman sabihin mo nalang ang totoo nang 'di maabala ang mga bisita natin." Nakapamakahulugan ng sinabi ni Apo Endo at natitiyak ni Ariya na talagang wala siyang maitatago dito. Kaysa magkagulo, mas maiging magtapat nalang siya ng maaga.
"I'm sorry, apo. Ayaw ko pong magkagulo kaya ilihim ko nalang sana sa'yo na hiwakan ni Ms. Lara ang tungkod niyo. Sana mapatawad niyo ako.'' Dispensa ni Ariya.
"ANO!!!" Sa lakas ng pagkakasabi, napaigtad uli sila. Sabagay, sinong hindi magugulat sa natuklasang iyon?
"Sorry po, lo. Hindi ko intensiyong hawakan 'yon. Parang may nagtulak sa'kin na gawin 'yon. Nakakapanghalina po talaga siyang hawakan. Sorry po talaga." Sa wakas nagsalita na rin si Lara.
"Hindi ba binalaan ka ni Ariya? Napakalaking magkakamali ang ginawa ko. Alam mo bang sa simpleng tagubilin lang mag-iiba bigla ang buhay mo?" Wika ni Apo Endo.
"I'm very very sorry.'' Nakatungong wika ni Lara.
"Alam mo bang mahigpit naming sinusunod ang aming tradisyon dito? Ang sinumang hahawak sa tungkod ng pamilya ay kailangang maging miyembro ng aming pamilya? Kailangan niyang maikasal sa isa sa mga miyembro ng pamilya.'' Diretsahang paliwanag ng may-edad.
Sa pagkasabi niyang iyon, naguluntang ang kanilang mga bisita at tila 'di nila inaasahan ang gayong sentimento.
"HO!!!"...''PO!!!'' Halos sabay pa silang tatlong nagsalita. Sabagay, sino namang 'di magugulat kung ganoon ang maririnig? Malaking kalokohan iyon!
"No! No! No! Hindi po ako papayag. Hindi ako kailanman magpapakasal sa taong 'di ko mahal." Maagap na tanggi ni Lara.
"Eh bakit mo nga pinapakialaman ang gamit ko? 'Di ba binilinan kayong 'wag niyong pakialam ang mga bagay dito?" Medyo galit na ang tono ng boses ni Apo Endo. Sa pagkakataong ito, 'di puwedeng makaialam si Ariya kaya hindi na siya sumabad sa dalawang nag-aargumento.
"Lolo, sana maintindihan niyo po na mahirap po mag-cover ng eksena na maging kaakit-akit sa mga manood. Sayang po kung 'di nila makita ng malapitan ang nakapagandang obrang iyon. Hindi po talaga maiiwasan ang ganoong tendensiya. Saka, sandaling-sandali lang po iyon.'' Depensa ni Lara.
"Apok, sandali man o matagal, ang pinag-uusapan natin ay tradisyon at pagkamasunurin. Isa kang professional na tao at nirerespeto pero simpleng tagubilin lang hindi mo pa nasunod."
Medyo prangka na ang pagkakasabi ng may-edad, bagay na nagdulot takot sa kanila. Hindi na talaga ito biro.
"Lo, kasalanan ko po at 'di ako nakapagpigil, pero ang 'kasal' ibang usapin na iyan. Hindi ko kayang sirain ang buhay ko." Sagot ni Lara.
"But you already did. Ang pagsuway mo ang magpapahamak sa'yo. Apok, katotohang sinasabi ko sa'yo, walang sinumang makakahadlang sa tradisyon ng pamilya. Kahit si Gab ay hindi umobra."
Pagkarinig niyaon ay lalong napanga-nga ang mga bisita. Ngayon, nauunawaan na ni Lara kung bakit sekreto ang love story ng dalawa. Akma namang pumasok si Jason sa silid at medyo nahatang ang tensiyong nagaganap.
"Whoah! What happened here? Nandito ka lang pala cuz, may itatanong lang sana ako." Nagtatakang tanong nito. Kanina pa niya hinahanap ang pinsan niya, nasa antiques place lang pala. Sa puntong iyon, nabaling sa kaniya ang atensiyon ng may-edad at nakapako ang tingin nito sa kaniya.
"Uh oh. This is not good. Lalabas nalang muna ako." Akmang lalabas si Jason nang magsalita ang lolo niya.
"Dito ka lang. Siguro panahon na para ikaw naman ang mag-aasawa."
"What!''..."Siya?" Magkasabay namang nagsalita si Jason at Lara.
''I don't get it. Oh...oh no! Don't tell me,..." Napasapo si Jason sa noo nang mapagtanto ang nangyari. Tiyak na may humawak sa tungkod at ang isang iyon ay ang sumabay sa kaniyang pagbulalas. Hindi ito maari. Hindi puwedeng si Lara!
"Lo, salamat po sa talaga kabaitan niyo sa amin. Naappreciate po namin 'yon. Pero ito? Isang 'tong kalokohan. Uuwi na po kami ngayon din."
Hindi na kinaya ni Lara ang eksena at tuluyang nilisan ang lugar. Nagwalked out siya sa harap ng may-edad. Bastos mang tawagin pero wala siyang ibang dahilan para magtagal sa kalokohang iyon. Ikakasal siya at kay Jason pa? Isang malaking kalokohan! Mas naisin pa niyang maglakad papuntang Baguio kaysa maikasal sa lalaking iyon.