webnovel

My Native Wife 2:Jason and Lara [Tagalog Completed]

How really important it is to follow even the simplest of instruction? Well, it could mean life and death. Lara Sandoval, a newbie journalist slash meticulous woman was assigned to cover her first ever magazine show in Benguet. The supposed to be work with pleasure turned to be a disaster. Her life became miserable after she disobeyed the simplest of instruction. And the only way to get away from the mess was to marry a marrying age man in the clan. However somewhere middle of it the man fell in love with her but she just wanted to pretend to save her career. ✔This story is a sequel to My Native Wife. ⓓDISCLAIMER: This story is not intended to publicize someone's life. Please be informed that I created this based on my wildest imagination. Again and again, THIS STORY IS MERELY A FICTION. Like this story on Facebook! ⓕ http://www.facebook.com/mynativewife

AZKHA · ย้อนยุค
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 1

Sa mundong ito na puno ng 'di-makatarungan, dalawa lang ang iyong puwedeng pagpipilian. Magiging palaban o magiging talunan. Pero sa kaso ni Lara Sandoval, naranasan niyang maging talunan bago naging palaban. Bata palang siya'y tampulan na ng pangungutya dahil sa mala gadgaran niyang mukha sa dami ng tighiyawat. Lagi siyang umuuwing luhaan sa pambubully ng mga kaklase niya. Umabot pa talaga sa puntong sinumpa na niya ang paaralan. Mabuti nalang at maagap ang mga magulang niya at talagang mahal na mahal siya my mga ito. Ginastusan nila talaga ang pagpapagamot sa mukha niya para mawala ang mala pigsa-sa-laking tighiyawat na nagsisulputan sa kaniyang mukha. Ewan kung acne pa ba ang maitatawag sa laki ng mga iyon. Lumipat din siya ng eskwelahan para makapagsimula uli. Mabuti nalang at naging epektibo ang ginawa nila. Mula noon, nanumpa siyang hindi na kailanman mabubully pa. Sa katunawan naging palaban siya. Ginawa niya lahat para maging nakahihigit sa iba hanggang marating niya ang pangarap na maging TV reporter/journalist.

Big deal para sa kaniya ang event bukas dahil pipili ang NeoTV ng bagong journalist para sa isang tourism campaign documentary, kaya naman maaga siya natulog. Hindi ata siya inatake ng insomnia at kung saan-saang lupalop siya nakarating sa kaniyang panaginip, bagay na nagpaganda ng kaniyang gising.

"Good morning world!" Pagkabangon ay inunat niya ang kaniyang mga kalamnan.

"Today is my day and I'm ready to be their famous journalist!" Hindi naman siya masyadong over confident ah! Sabagay kapag ginusto niya ang isang bagay, aabutin niya ito by hook or by crook. Napakalapad ng ngiti niya habang tinungo ang tokador. Pero nang masilip ang kaniyang hitsura sa salamin,

"AHHHHH!"

Nataranta siya, 'di malaman kung saan siya lulugar; takbo doon, takbo dito. Nagpanic talaga siya ng husto sa makita ang repleksiyon niya salamin.

"No! Bakit ako nagkaroon ng pimples? Ah!" naghysterical siya.

Nang makarecover ay dali-dali siyang nagbihis, isinuot ang mask at sumbrero saka nilisan ang condo. Kailangan niyang makahanap ng private clinic dahil hindi puwedeng malaman ng mga katunggali niya tungkol dito. Pero saan naman kaya siya makakahanap ng clinic ng ganoon ka-aga? Habang nagmamaneho, luminga-linga siya sa paligid nagbabakasaling mayroon. At sadyang kay bait ng pagkakataon at mayroon nga! Wala siyang sinayang na sandali anupat pinarada niya ang kotse at pumasok sa clinic.

Sakabilang banda, kakatapos lang mag-usap ni Jason at Ariya sa cellphone. Pagkalapag niya ng cellphone, may biglang pumasok sa clinic niya na nakamask at naka sumbrero pa. Naging alerto siya baka hold-upper ang pumasok. Dahan-dahang kinapa ni Jason sa ilalim ng desk ang isang uri ng self defense na kapag ito'y inilapat sa balat tao ay magpapakawala ng 500 volts ng kuryente. Ang weird talaga ng pumasok at panay linga-linga pa sa paligid na para bang sinisiyasat ang kabuoan ng silid. Hindi siya nakatiis.

"Good morning, how can I help you?" tanong ni Jason. Dali-dali namang lumapit ito sa kaniya nang marinig siya. Hawak-hawak na niya ang pangself defense at kapag magdedeklara ito ng hold-up ay kukuryentehin niya agad ito.

"Doc, may iba pa bang pasyente dito?" habol-hininga nitong tanong. Hindi inaasahan ni Jason babae na babae pala ang pumasok.

"It's too early kaya ikaw pa lang po ang unang dumating dito," sagot niya.

Tinanggal nito ang mask at sumbrero. Bumulaga sa kaniya ang maamong mukha ng kaharap. Nakakagoosebumps! Ngayon lang siya nakakakita ng ganito kaamong mukha. Napaawang ng konti ang mga labi niya sa pagkabigla.

"Doc, utang na loob gamutin niyo pimples ko!" Niyugyog nito ang balikat ni Jason bagay na nagpapanauli ng kaniyang katinuan.

"Ah~eh relax lang. Pimples lang yan." Tumigil ito sa ginagawa niyang pagyugyog sa balikat at biglang nagalit.

"Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko kaya huwag mong masabi-sabing pimples lang 'yan!" Nakapamewang pa itong nakaharap sa kaniya.

Iniisip ni Jason marami talagang desperadang maging flawless ngayon. Siguro insecure sa sarili. Kahit maganda naman na eh gusto pang makipagkompetensiya sa mannequin. Baka gustong talunin ang mannequin sa kakinisan.

"Miss, calm down. Kaya ka siguro nagkapimples dahil sa stress. Learn to balance your lifestyle. Avoid fatty foods and always think positive." He managed to cool down himself.

"Ang kailangan ko ay riseta, hindi puna!" galit parin ito.

"Those are helpful advices para hindi ka magkakapimples. Please fill out this form for our records." Inabot ni Jason ang form.

Sumunod naman ang babae sa pinapagawa nito. Pagkatapos, tiningnan ni Jason ang pimples ng pasiyente kaya naman naging malapit ang distansiya ng kanilang mga mukha sa pagkakataong iyon. Hindi sinasadyang nagmagneto ang kanilang paningin. Pero binawi agad ni Jason ang kaniyang mga mata sabay sulat nito ng prescription at inabot sa kaniya.

"3 times a day ang antibacterial na ito. Bumili ka ng sabon na ito at huwag kang gumamit ng sobrang tapang na sabon para 'di magreact ang mga pimples mo at magseswell. At 'yong advice ko sa'yo kanina, please try consider those. Helpful iyon, okay?"

"Magkano ba ang babayaran ko at nagmamadali ako. Baka may makakakita pa sa akin dito," sabay linga-linga nito sa paligid.

"500 pesos lang ang consultation fee."

"Here. By the way if anyone come and ask if I, gorgeous Lara Sandoval ay pumunta dito para nagpacheck up, sabihin mong hindi, okay?" Pinagmamasdan ni Jason ang babae habang ibinabalik ang mask at sumbrero. Iniisip niya maganda sana, kaya lang saksakan naman ng yabang. Insecure pa man din sa sarili. Napailing nalang si Jason. Akmang aalis ang babae nang nagsalita uli siya.

"Oh I forgot, you must also avoid self insecurity kasi maiistress ka lalo at for sure mag-uunahan sa pagtubo ang mga pimples mo."

Hindi pinalampas ni Jason ang iginawi ng babaeng ito. Iniisip niya dapat lang magising ito sa katotohan. Hindi maipinta ang mukha ng babae sa sobrang galit.

"JERK!" tanging nasambit nito at tuluyang nilisan ang clinic ni Jason. Napangiti si Jason sa naging reaksyon ng babae.

Mabilis lumipas ang oras at kailangan na niya magsara, malayo pa ang biyahe niya pauwing Benguet. Kailangan niyang makadalo sa wedding anniversary ng pinsan niya at ng bestfriend niya.

Ala-sais na ng umaga nang siya'y nakarating. Una niyang tinungo ang lolo niya pagkatapos ay hinanap niya ang mag-asawa. Sa wakas, natagpuan niya ang mga ito sa rose farm na sobrang sweet sa isa't-isa. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi niya akalaing magiging maganda ang kahihinatnan ng dalawang ito.

"Eherm," pinutol niya ang lambingan ng dalawa. Napalingon pareho ang mga ito sa kinaroroonan niya.

"Hey bro"...''Kuya'' Sabay pa silang nagsalita.

"Nakakainggit naman kayo," wika niya habang papalapit sa mag-asawa.

"Humanap ka na kasi ng magiging asawa mo para di ka mainggit," wika ni Gab na may kasamang panunukso.

"May pasiyente ako kahapon pero...ah! Masyadong maarte, hindi iyon makakatagal dito."

"Uy si kuya, may napupusuan na," kinikilig naman si Ariya.

"Naku! Maganda kung maganda pero antipatika, insecure sa sarili, mayabang at sobrang arte..."

"Pero type mo," sabad ni Gab.

"Ay ewan!"

Ang sarap ng kwentuhan ng tatlo na para bang matagal silang di nagkita.