webnovel

Chapter Thirteen: Xean Blaze and Xean Blue

[SETH'S POV]

The day turns to months. And months turns to year. When I say year, it's been 1 year and 5 months since I last saw Sebastian. Ako na ngayon ang nagpapalakad sa E.M.PIRE. Isang buwan pagkatapos ng training ko kay Sebastian ay nawala na lang siya bigla na parang bula. Wala akong contact sa kanya. hindi ko na din siya macontact sa ginagamit niyang numero noon kaya hindi ko na siya sinubukang kontakin dun. Naghihintay din ako ng tawag o kaya text mula sa kanya pero wala din.

But 3 months after niyang mawala na lang nang parang bula ay may ipinaabot sa akin si manang Pilar na isang sulat. Ibinigay sa akin ito ng guard ng penthouse. Ang sabi galing daw kay manang Pilar. Kahit kasi si manang Pilar ay nawala din pagkatapos mawala ni Sebastian. Ang tanging sabi lang sa akin ng guard ay ibibigay niya lang sa akin ang sulat pagkatapos ng 3 buwan kaya yun ang ginawa ng guard.

Sinabi naman sa sulat na may ipinagagawang trabaho si Sebastian kay manang Pilar kaya hindi na niya ako masasamahan. Hindi naman problema sa akin yun dahil kaya ko naman ang sarili ko. Sinabi niya din doon na matatagalan siyang mawawala pero hindi ko naisip na aabutin siya ng taon. Sinabi din niya na wag na wag akong magtitiwala kahit kanino at tanging sarili ko lang ang pagkatiwalaan ko. Nasabi din niya na ang pagkawala ni Sebastian ay may kinalaman sa aksidente ni Gee na iniimbestigahan niya. Kaya sinabi niyang wag akong magtitiwala sa iba dahil baka maaaring isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay ang kalaban.

Alam ko yun. Wala akong pinagkakatiwalaang iba. Malaki na din ang pinagbago ko. Naging tahimik ako, cold at nagsusungit. Hindi niyo ako masisisi dahil simula ng hawakan ko ang empire sunod-sunod na ang problemang dumadating. Pero lahat ginagawa ko para malutasan lahat ng problema. Kilala ko na din kung sino ang gustong mang-agaw sa empire. Obvious naman ei. Sa kanilang lahat may isang taong nangingibabaw ang saya kapag nakikita niyang naghihirap ako sa pagresolba ng problema.

Naging sunod-sunod na din ang nangyayaring aksidente sa akin. Ilang beses akong naospital dahil sa car accident. Ilang beses ding may nagtangka sa buhay ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil magagaling ang mga bodyguards ko na kinuha ng asawa ko para sa akin.

*kriinng kriiinngg*

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko para sagutin ang tumatawag. Hindi ako sumagot dahil hinihintay kong sumagot ang nasa kabilang linya. Ito pa ang isang nagbago sa akin. Nawala na ang dating childish na Seth at napalitan ng seryosong Hunter. Hindi na ako nagpapatawag pa ng Seth maliban na lang kung siya ang tatawag sa akin. May mabigat akong dinadala kaya hindi ako pwedeng papetiks petiks lang.

"Umuwi ka na. As in now na. May naghihintay sayo dito sa bahay."- Seryosong sabi ni Steven. Hindi na ako sa penthouse ni Gee nakatira ngayon.

Lumipat na ako sa isa sa mga masyon niya. Dito ako sa mansion ni Gee sa E.M.PIRE village dinala ni Steven. Mas malapit na ito sa empire. At si Steven sya na ang bagong head butler sa bahay dahil nga sa biglaang magkawala ni Sebastian. Ngayong naalala ko, kung tama ang pagkakaalala ko sinabi noon ni Sebastian na kapatid niya si Steven nung gabi ng concert namin sa Dubai last year. Kung magkapatid si Sebastian, Steven at Marga ibig sabahin kapatid din ni Steven at Marga si Gee. Pero nilinaw sa akin ni Steven na hindi nila totoong kapatid si Sebastian. Steven's family is a loyal servant ng pamilya nina Sebastian na simula palang nung kaapo-apuhan nila ay naglilikingkod na sila sa pamilya nina Sebastian. Napunta lang si Sebastian sa kanila ng mangyari ang aksidente na naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang nina Sebastian. Kinuha at itinago nila si Sebastian para maprotektahan sa mga taong gustong pumatay sa pamilya nila.

"Who?"- Malamig kong tanong sa kanya. Kasama din niya sa mansyon si Marga.

"Basta. Umuwi ka na. Siguradong matutuwa ka sa makikita mo."- Mababanaag sa boses niya ang saya. Kaya nagtaka ako. Walang sabi-sabi ay ibinaba ko ang tawag at tsaka inayos ang mga gamit ko bago ako tuluyang umalis.

"Anne. Cancel all my appointment for the rest of the day."- Malamig na sabi ko sa kanya bago tuluyang umalis.

Secretary ng asawa ko si Anne noon pa man. Maayos naman siyang magtrabaho kaya wala akong problema sa kanya. May asawa na din siya at kakakasal lang nila 8 buwan na ang nakakalipas. And buntis na din siya 5 months na. Pinaglileave ko na nga siya pero ayaw pa daw niya. Tsaka na lang daw kapag 8 months na. Ako kaya? Kailan ko kaya makikita ang asawa ko? Yung hindi na lang sa litrato ako tumitingin kapag gusto ko siyang makita.

Nalaman ko na ding isa palang model, singer, composer, artsist at dancer ang asawa ko. Sikat din siya around the globe as JULIE GRIMMORE. She is also known as the asia's pop princess. Naidownload ko na nga yata ang lahat ng kanta niya ei kahit ang mga kantang ikinober niya ay naidownload ko na. What? Masisisi niyo ba ako? I instantly fell in love at her singing voice unang dinig ko palang. Punong-puno na nga ang phone ko ng mga litrato niyang kinakaw ko lang kay google ei. May folder din sa phone ko na tanging kanta niya lang ang nandun. Palagi ko yung pinapakinggan everytime na may oras ako o gusto ko ng break sa trabaho. Pinapakinggan ko kapag gusto kong magrelax, lullaby ko sa pagtulog at kahit na nagtratrabaho ako sa opisina ay pinapakinggan ko ito. Pinapatay ko lang kapag may iba akong kasama.

Punong- puno na din ng mga movies, tv shows at kahit commercial niya ang laptop ko. Oo kahit commercial niya naidownload ko na. Ganun ako kaadik at kasabik sa kanya. pati mga tv guesting niya ay pinagkainteresan kong idownload. Obsess na nga yata ako sa kanya ei.

Okay!. Tama na kwento. I pulled my car at the garage. Lumabas ako ng sasakyan dala-dala ang suit case ko at saka pumasok ng bahay. Pero pagbukas ko palang ng front door ay iyak na ng isang bata ang sumalubong sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Bata? Paano nagkaroon ng bata sa bahay ko?

"Kasalanan mo yan! Pinaiyak mo kaya patahanin mo!."- Dinig kong sigaw ni Marga.

"Eh hindi ako marunong ei. Please naman oh? Tulungan mo akong patahanin ito."- Problemadong sabi ni Steven.

"Kasi naman ei. Sino bang nagsabing diinan mo ang pagkakasundot sa pisngi? Alam mo namang natutulog. Patahanin mo yan! Lumayo ka muna at baka magising yung isa dahil sa iyak niyan malilintikan ka talaga sa akin."- Pasinghal na sabi ni Marga. Si Marga lang nakakasinghal dyan dahil magkapatid sila at mas matanda siya ng 5minuto kaya ang lakas ng loob na pagalitan at saktan si Steven.

"Kainis naman!. Ba't ba kasi ang tagal umuwi ng tatay nyo. Shhhh!! Baby Blue naman! Tahan na. masakit na tenga ko sa iyak mo. Utang na loob. Kung hindi ka lang anak ng amo ko nungkang papansinin kita sa kakaiyak mo."

Sa sinabing iyon ni Steven ay nakatanggap agad siya ng malakas na batok kay Marga. At tama ba ang dinig ko? Anak ng? amo niya?

"f***!—"- naputol ang pagmumura ni Steven dahil muli na naman siyang binatukan ni Marga.

"Bunganga mo!. May bata kang hawak nagmumura ka dyan!"- Singhal ni Marga.

"As if namang alam na niyang magsalita nuh!"

"Kahit na. Naririnig ka pa din nyan. Akin na nga! Patatahanin ko.wala ka talagang kwenta."- Inis na sabi ni Marga saka niya marahang inagaw ang batang umiiyak pa din kay Steven. Napanguso naman ang huli. At napaismid na lang ang isa at inumpisahan nang patahanin ang bata. At dahil hindi na ako makatiis pa ay nagsalita na ako.

"Anong nangyayari dito?"- Tanong ko halos mapatalon naman sila sa gulat. Kung ako pa din yung childish na Seth noon baka tinawanan ko na sila. Ang epic kasi ng mukha nila. Pero hindi yan ang topic ngayon.

"What? Sino ang mga batang yan?"- Muli kong tanong ng hindi sila magsalita dahil sa gulat. Nakita ko din kasi ang isa pang bata na natutulog naman sa isang stroller.

"Thank God. Buti naman at umuwi ka na."- Sabi ni Marga at nagmadaling lumapit sa akin.

"Ayan!. Patahanin mo yang anak mo."- Dagdag niya pa at saka ibinigay sa akin ang bata na lumuluha at napapahikbi na. Wala akong nagawa kaya hinawakan ko na lang. hindi din nakaligtas sa aking pandinig ang sinabi niya kanina.

"What? Anak? Anak nino?"- Nagtatakang tanong ko.

"Anak mo malamang. Alangan namang akin? Tsk. Patahanin mo na yan baka mamatay na yan kakasinok. Ayaw mo naman sigurong sakalin ka ng asawa mo kapag nalaman niyang may nangyari sa anak niyo."- Masungit niyang sabi. Kung hindi ko lang ito itinuturing na kaibigan baka nasisante ko na. tsk.

"Wait. Wait! Hindi kita maintindihan. Ano bang—"- napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong may lumapat na maliit at malambot na kamay sa pisngi ko. Napatingin ako sa batang hawak ko. Tumigil na ito sa pag-iyak at mataman na siyang nakatingin sa akin na parang kinikilala ako.

At that moment para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang mukhang ito. Kilalang kilala ko. Paanong hindi ko makikilala kung ito lang naman ang mukha ko nung bata pa ako? Kamukhang- kamukha ko siya maliban na lang sa kulay ng mata at buhok. Parehong chocolate brown ang kulay ng mata at buhok niya. Walang dudang anak ko siya. kamukhang-kamukha ko siya kaya ano pang saysay kong idedeny ko? Nasa harap ko na ang ebidensya. Hawak-hawak ko na. ang ipinagtataka ko lang naman ay papaano kami magkakaanak ng asawa ko? Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita ang asawa ko. At sa pagkakatanda ko sinabi ni Sebastian sa akin bago siya mawala ay comatose ang asawa ko kaya papaano siya magbubuntis? Masyado akong loyal sa asawa ko para magkaroon ng affair sa ibang babae.

I also feel this urge to hug this little guy and so I did. Niyakap ko ito ng mahigpit sapat lang para makahinga pa siya. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa bata. Ito ba yung sinasabi nilang lukso ng dugo? Tumingin ako kay Marga na sinasabing ipaliwanag niya. Pero umiling lang siya at nagtaas ng kamay at sinabing.

"Wala akong alam dyan ah?. Kay manang Pilar ka magtanong. Siya ang kasama nilang dumating dito. Di ba?"- Sabi niya sabay baling kay Steven na sunod-sunod na tumango ng bumaling ako sa kanya.

"Nasan si manang Pilar?"- Tanong ko na lang ramdam ko naman ang pagyakap ng "anak ko" at ang pagsubsob niya ng mukha sa leeg ko. Lihim akong napangiti at saka naglakad palapit sa isa ko pang anak. Ang sarap pala sa pakiramdam ang maging isang ama.

"May pinuntahan lang siya saglit kaya sa amin muna niya iniwan yang kambal."- Si Steven na ang sumagot. Pero hindi ko siya pinansin at pinagmasdan ko ang isa ko pang anak na mahimbing na natutulog sa stroller niya. Kamukha ko din siya. Lahat ng feature nilang dalawa ay nakuha nila sa akin maliban sa kulay ng buhok at mata.

"Anong pangalan nila?"- Malumanay na tanong ko saka ko hinawakan ang maliit na kamay ng natutulog kong anak. At napalundag ang puso ko ng hawakan ng maliliit niyang daliri ang hintuturo ko. I feel so bliss. Ang saya ng pakiramdam ko.

"Xean Blaze M. Cross ang pangalan ng nasa stroller. Yang hawak- hawak mo naman ay si Xean Blue M. Cross. A 5 months identical twins. Maliban na lang sa nunal ni Blaze sa ilalim ng panga niya sa kanang bahagi ng leeg. Obviously nakuha niya sayo. Ang nunal naman niyang si Blue nasa ibaba ng left collar bone niya."- Paliwanag ni Marga.

Marahan ko namang inilayo sa katawan ko si Blue at saka inihiga sa isa pang stroller na karugtong ng stroller ni Blaze. Twin stroller kasi. Pagkalagay ko kay Blue sa stroller niya ay marahan kong hinanap ang kung nasaan ang nunal niya pati na din ang kay Blaze. Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga ito. Lumitaw lang naman sila sa "sexy part" ng mga katawan nila. What a sexy mole they have. Mukhang magiging habulin ng mga babae ang mga anak ko paglaki nila. Aba! Dapat lang, mana sa daddy ei. :P quiet lang kayo at baka pag nalaman ito ni Gee ei kalbuhin ako nun. Speaking of Gee.

"Wala ba si Gee? Hindi ba nila siya kasama kanina?"- Tanong ko habang nakatingin pa din sa kambal ko.

"Wala siya. Tanging si manang Pilar lang ang kasama nilang dumating kanina at ilang mga tauhan."- Rinig kong sagot ni Steven.

"Wala ba siyang sinabi tungkol sa asawa ko?"

"Wala din siyang nabanggit. Alam naman naming gusto mong ikaw ang unang makaalam sa lagay ng asawa mo kaya hindi pa kami nagtatanong sa kanya. . . . Speaking of manang Pilar. Ayan na pala siya ei."

As if on cue ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. Ilang sandali pa ay pumasok sa front door ang babaeng may hawak sa lahat ng katanungan ko. Si manang Pilar. May mga bitbit siyang supot na sa tingin ko ay naglalaman ng mga diapers, baby milk at kung anu-ano pang para sa mga baby.

Here's the last chapter for now. I don't know when will I comeback again. But please keep on supporting my work. Thank you so much.. .

Angel_Zabalacreators' thoughts