CHAPTER 31
-=Atilla's POV=-
"It's over." sa loob loob ko kasabay nang malayang pagtulo nang mga luha sa magkabila kong mga mata.
Mahirap tanggapin ngunit alam kong kailangan ko nang harapin ang buhay na wala si Ram, oo mahirap pero kailangan kong gawin, hindi lang para sa sarili ko kung hindi pati na din sa ikakatahimik nang taong mahal ko, ang tanging panalangin ko lang ay mabalik ang buhay nito bago ako pumasok sa buhay nang binata.
Gulong gulo ang isip ko hindi ko alam kung saan pupunta hanggang matagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat nang pinto nang condo unit nang bestfriend ko na si Nicole.
"It's over Nicole." umiiyak ako habang sinasabi ko iyon sa bestfriend ko pagkabukas na pagkabukas pa lang nito nang pinto, agad naman ako nitong niyakap nang mahigpit kaya mas lalong lumakas ang pag-agos nang luha sa magkabilang mata ko, kung puwede nga lang ibuhos ko na lahat para wala nang matira, para kapag bumalik na ako sa bahay ni Henry wala na akong maiiyak ngunit alam ko naman na imposible iyon, hindi ko nga alam kung magagawa kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Ram dahil kung madali lang kalimutan ang damdadam ko para dito ay sapat na ang maraming taon na hindi kami nagkita nito.
Finally nahimasmasan na din ako matapos ang halos isang oras na pag-iyak, nahihiya tuloy akong nagsorry dito, na kinailing nang ulo nito, these are times na ang sarap talagang magkaroon nang bestfriend na masasabihan mo nang lahat nang sama ng loob mo.
"So anong plano mo na niyan?" tanong nito sa akin matapos abutan ako nito nang tubig, sa totoo lang hindi ko sigurado kung babalik ba ako sa bahay nila Henry o kung maari kong mapakiusapan ito na bumalik na lang ako sa US, I was about to answer nang bigla akong matigilan nang marinig ko ang pangalan ni Ram sa loob ng kuwarto nito.
Biglang binalot nang kakaibang takot ang dibdib ko habang dahan dahan na naglalakad sa kuwarto ni Nicole, samantalang ang bestfriend ko ay tahimik na nakasunod sa pagtataka nito.
Agad akong napatingin sa naka-on na tv at agad tumambad sa akin ang balita tungkol sa isang truck at isang kotse.at parang sasabog ang dibdib ko nang muling magsalita ang reporter na nagcocover nang balita.
"Kumpirmado ang mayaman na businessman na si Romano Santiago ang sakay nang naturang kotse." bigla akong nawalan nang lakas nang makumpirma ko ang hinalang pumasok sa isip ko.
"Oh God! Nicole hindi puwedeng mamatay si Ram." naluluha kong sinabi dito, handa na akong pakawalan ang binata pero hindi sa ganitong paraan, gusto kong makahanap ito nang taong mamahalin nito nang totoo at mamahalin din siya gaya nang pagmamahal na nararamdaman ko.
Inalalayan ako nito para makatayo dahil pakiramdam ko wala akong lakas para sa kahit anong simpleng mga kilos katulad nang pagtayo.
Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang mga masasamang bagay na maaring mangyari, natatakot akong baka mahuli na para maabutan kong buhay si Ram.
"Lakasan mo ang loob mo Atilla may awa ang Diyos." narinig kong sinabi ni Nicole ngunit sa dami nang tumatakbo sa isip ko ay ni hindi man lang iyon nagregister sa isip ko.
Parang pakiramdam ko iyon na ang pinakamatagal na biyahe na naranasan ko pakiramdam ko bawat minutong lumilipas ay nawawala ang pagkakataon kong maabutan si Ram nang buhay.
"Snap out of it Atilla, hindi mamamatay si Ram, hindi siya puwedeng mamatay." sa loob loob ko kasabay nang panibagong bugso nang damdamin.
Finally nakarating na din kami sa ospital kung saan sinugod si Ram, dali dali kaming dumiretso sa information desk.
"Miss nasan si Romano Santiago, iyong sinugod dahil nabangga nang truck?" si Nicole na mismo ang nagtanong dahil kahit magsalita ay hindi ko magawa.
"Kaano ano po kayo nang pasyente?" tanong naman nito at sa wakas mukhang nahanap ko na ang kakayanan na magsalita.
"Ako po ang..... fiancee ng pasyente." bigla akong natigilan ngunit alam kong kailangan kong sabihin iyon kung hindi ay baka hindi nila ako hayaan na makita ang binata.
Naabutan ko si Tito Rodney na nag-aantay sa labas nang operating room at nang makita ako nito ay dali dali itong lumapit sa akin.
"Kamusta na po siya?" hindi ko mapigilan ang paggaralgal nang boses ko sa takot sa malalaman mula dito.
"Kakapasok lang niya sa operating room." nanghihinang sinabi nang matandang Santiago, agad ko naman siyang hinawakan sa balikat para iparamdam dito ang suportang alam kong kailangan na kailangan nito ngayon, hindi ko nga alam kung saan nanggaling iyon pero alam kong mas kailangan ni Tito Rodney ang taong masasandalan.
Tahimik kaming tatlo nila TIto Rodney, at Nicole habang hinihintay na matapos ang operasyon nang binata nang humahangos naman na dumating si Miranda na kitang kita ang pag-aalala sa mukha para sa matalik na kaibigan.
"Anong nangyari kay Ram Atilla?" naguguluhan nitong tanong sa akin kaya naman pinaupo ko na muna ito at saka kinuwento dito ang nangyari.
Ayon kasi sa imbestigasyon ay mukhang nakainom ang driver nang truck na nakabangga sa kotse ni Ram.
"Lakasan lang natin ang loob natin, malakas si Ram hindi siya papayag na matalo nang dahil lang sa aksidenteng yan." narinig kong sinabi ni Miranda na sinuklian ko nang matipid na ngiti.
Bigla akong napapikit sa pagkakaupo ko at umusal nang taimtim na panalangin para sa ikaliligtas ni Ram.
"Please God, huwag niyo pong hayaan na mawala si Ram, hindi pa niya time para magpaalam, pinapangako ko kapag nakaligtas si Ram, pipilitin kong kalimutan ang kahit na anong damdamin na meron ako at tuluyan ko na siyang lalayuan." pagsusumamo ko at sakto naman nang pagdilat ko ay lumabas ang doctor na nag-opera kay Ram matapos ang mahigit na dalawang oras sa operating room.
Sabay sabay kami sa paglapit sa doctor, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog nang dibdib ko sa malalaman mula dito.
"Successful ang operation natanggal namin ang namuong dugo sa ulo nang pasyente but the next seventy two hours will be very crucial, kailangan niyang magising or...." pambibitin nito.
"Ano pong mangyayari kung hindi magising si Ram?" si Miranda na ang nagtanong dahil mukhang pareho kami ni Tito Rodney na hindi kayang malaman ang mangyayari kung sakaling hindi ito magising sa loob nang tatlong araw.
"Or mauuwi sa coma ang kalagayan nang pasyente." malungkot nitong sinabi at matapos magbilin ay agad na din itong umalis.
Nang gabing iyon din ay pinasok na ang binata sa ICU habang hinihintay namin na magising si Ram, nasa tabi nito ang ama na patuloy na kinakausap ang walang malay na anak, pilit kong nilalabanan ang luhang nagbabanta tumulo habang nakikinig sa naging pag-uusap nang mag-ama.
"Ram, I'm sorry kung nagalit ako sayo, pero alam mo naman na kahit ganon ay mahal na mahal ka ni Daddy." kahit anong pilit nitong magpakatatag ay kapansin pansin pa din ang pagkabasag nang boses nito nang dahil sa nararamdaman nito.
Dali dali akong lumabas dahil hindi ko na kinaya ang nakikita kong paghihirap nang loob ni Tito Rodney habang kinakausap ang anak.
Para akong nanghihinang napasandal sa pader sa labas nang kuwarto at hinayaan malayang tumulo ang mga luha sa magkabila kong mga mata, sa totoo lang gusto ko siyang lapitan, hawakan at kausapin ngunit alam ko naman na hindi magugustuhan ni Ram na gawin ko iyon kaya naduwag akong lapitan ito.
Minabuti ko na lang na maglakad lakad para makapag-isip na din nang maayos hanggang mapadpad ako non sa chapel sa naturang ospital.
"Panginoon, simula pa noon ay hindi ako humingi sa Inyo kahit na nga ba noong mawala si Nanay pero sana ngayon pakinggan Niyo po ako, iligtas po Ninyo si Ram sa kapahamakan, kahit hindi na para sa akin, para na din sa Daddy niya." panalangin ko at sandali pa akong nagdasal bago magdecide na bumalik at bigla akong kinabahan nang may makita akong ilang nurse na nagmamadaling pumasok sa ICU.
"Ram..." bulong ko sa hangin at dahli dali akong pumasok at kita ko ang nagkakagulong mga nurse at doctor sa loob.
Sinalubong naman ako ni Miranda na halata ang pag-aalala sa mukha.
"Miranda anong nangyari? May nangyari bang masama kay Ram?" dali dali kong tanong dito.
"Walang masamang nangyari kay Ram, si Tito Rodney kasi biglang tinaasan nang blood pressure marahil sa pag-aalala kaya kailangan naming ilipat nang kuwarto, kaya kung maaring bantayan mo na muna si Ram habang babantayan ko si Tito Rodney." pakiusap nito na hindi na ako hinintay na makasagot.
Naiwan ako kasama nang walang malay na si Ram, parang sinasaksak ang puso ko sa nakikita kongmga tubo na nakakonekta sa iba't ibang bahagi nang katawan nito, kung maari nga lang makipagpalit ay mas gugustuhin ko pa kaysa makita ang ganitong kalagayan nang binata.
"Ram please lumaban ka para sa Daddy mo at sa mga kaibigan mong naghihintay na gumising ka, at pangako kapag nakaligtas ka hindi na ako magpapakita pa sayo sa ikakatahimik mo." maemosyon kong sinabi dito kasabay nang paghawak sa malamig nitong kamaym ngunit biglang nanglaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghigpit nang hawak nito sa kamay ko at nang mapatingin ako sa mukha nito ay nakita ko ang nakamulat na mga mata ni Ram na nakatingin sa akin ngunit sandali lang iyon at agad itong bumalik sa pagkakatulog.
Agad ko namang pinindot ang buzzer na nasa ulunan nang kama ni Ram, at ilang minuto lang ay dumating na ang humahangos na nurse.
"Nurse dumilat siya." hindi ko makapaniwalang sinabi dito at agad itong umalis para tawagin ang doctor.
Agad nitong chineck ang binata habang tahimik lang akong nakatingin mula sa gilid nang kuwarto at matapos non ay kinausap ako nang doctor nito.
"Ibig po bang sabihin nito ligtas na sa panganib si Ram?" tanong ko dito at para akong nakahinga nang maluwang nang makita ko ang ngiti nito.
"Yes, miss wala na sa panganib ang boyfriend mo, pero matatagalan pa na makalabas siya." sagot naman nito at sakto naman nang pagdating ni Tito Rodney na agad tumakbo nang malamang dumilat ang binata.
Agad naman kinausap ni TIto Rodney ang doctor habang masayang nakatingin sa akin si Miranda na nagbabadya din ang luha sa mga mata.
Ngayong ligtas na si Ram sa panganib ay may kailangan akong gawin nang gabing iyon na hindi ko na maipagpapabukas.
"Puwede mo bang bantayan muna si Ram para sa akin?" tanong ko dito na pinagtaka naman nito ngunit mabuti na lang at hindi na ito nag-usisa pa.
Matapos magpaalam sandali kay Tito Rodney ay agad na akong lumabas nang ICU at nagpatawag nang Taxi sa guard nang naturang ospital.
"Kuya sa Forbes Park po tayo." ang sinabi ko sa driver, nanatili akong tahimik habang hinihintay na makarating sa bahay ni Henry, alam kong late na masyado pero hindi na ako makakapaghintay.
-=Henry Cervantes POV=-
Nagising ako sa sunod sunod na katok mula sa pinto nang kuwarto naming mag-asawa at parang biglang uminit ang ulo ko nang makita kong ala una pa lang nang madaling araw at sisiguraduhin kong mananagot ang sinuman naglakas nang loob na gisingin ako.
"Sino ba iyon?" narinig kong tanong ni Ellaine na mukhang nagising din nang dahil sa sunod sunod na katok.
Agad kong sinuot ang robe na nakita ko at galit na tumayo at naglakad patungo sa pinto ngunit bigla akong natigilan nang mapagbuksan ko ang seryosong mukha ni Atilla habang pilit itong pinipigilan nang isa sa mga kasambahay namin.
"Hindi mo ba alam kung anong oras na?" galit kong sinabi dito ngunit hindi man lang ito natinag na nakatingin lang sa akin ng diretso kaya wala na akong nagawa at pinaghintay ko na lang ito sa study room ko sa baba.
"Sino iyon?" narinig kong tanong ni Ellaine na nakasandal sa headrest nang kama.
"Si Atilla mukhang kailangan akong kausapin." sagot ko dito habang nag-aayos nang suot ko at sandali akong nagpaalam dito at dumiretso na sa study room kung saan ko naabutan itong nakatingin sa larawan nang Daddy namin na nakasabit sa dinding.
Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ko ang likod nito, naalala ko pa ang araw nang unang makita ko ito, I was thirty seven that time samantalang ito naman ay twelve, kakauwi ko lang iyon galing business trip kaya naman nagulat ako nang madatnan ko ang Daddy ko na kaharap ang batang gusgusin, inisip ko kasi na baka kasama na naman iyon sa pakulo nang Daddy ko dahil nga nagbabalak itong tumakbo bilang Senador, hindi ko nga alang kung bakit kailangan pa nitong tumakbo gayong abala na ito sa dami nang business nang pamilya.
"Anong kalokohan ito na anak kita?! galit na galit na sigaw nang Dad ko sa batang parang nahihintatakutan na napaatras sa biglang pagtaas ng boses nito.
Agad naman akong napapasok at nakita ko ang galit na galit na itsura nito habang palipat lipat ang tingin sa papel na nasa kamay nito at sa batang babaeng nasa harap nito.
"Dad anong kaguluhan ito?" seryoso kong tanong dito at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito at nang mukhang wala na itong nagawa ay tahimik nitong inabot ang papel na hawak nito.
Bigla namang nagtangis ang mga ngipin ko nang mabasa ko kung anong kinagagalit nito, isa iyon sulat mula sa dati naming kasambahay na napagsamantalahan nang Daddy ko labing dalawang taon na ang nakakalipas.
"Anong pangalan mo?" malamig kong tanong dito na mas lalo atang natakot, kaya't pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Shei.....Sheila Mae po." nanginginig nitong sinabi.
"Ok Sheila, nasaan ang Nanay mo ngayon bakit ikaw lang ang humaharap sa amin?" nagtataka kong tanong nang mapansin kong mag-isa lang ito.
"Patay na po si Nanay, noong nakarang Martes lang." malungkot nitong sagot, pilit kong nilalabanan ang awa mula dito.
"Palayasin mo ang batang iyan, hindi ko anak yan, hindi ko hahayaan na masira nang batang yan ang pagpasok ko sa politika!" pagtanggi nito.
"Nakita mo ba siya nang maigi Dad? Kitang kita ko ang resemblance niyong dalawa, pero sa ikakapanatag nang loob ninyo, ipapa DNA natin ang batang ito" ang sinabi ko dito, mas nakuha ko kasi ang itsura nang Mom ko kaya hindi kami masyadong magkahawig nang Dad ko.
PIna DNA nga namin ang bata kahit na nga ba malakas ang kutob ko na kapatid ko nga ang naturang batang ito, at gaya nang inaasahan ay lumabas na anak nga ito nang Daddy ko sa dati naming kasambahay.
Muli kong hinarap ang batang babae sa study room nang bahay namin, ang gusto nang Dad ko ay ipadala ito sa bahay ampunan ngunit hindi ako pumayag dahil isa pa din itong Cervantes ngunit para sa ikakapanatag nang loob ng Dad ko na gusto talagang tumakbo sa pagkasenador ay isang desisyon ang nabuo sa akin.
"Tinatanggap ka na namin sa pamilyang ito Sheila, ngunit hinding hindi mo maaring sabihin na anak ka nang Daddy ko, nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso kong sinabi dito.
Tumango lang ito, at sa kagustuhan ko na din ay pinasok namin ito sa isang Pribadong paaralan at pinalabas namin na scholar ito nang Daddy ko, walang kahit na sinong nakakaalam na anak ito sa labas nang Daddy ko, tanging ako, si Sheila at ang Daddy ko ang nakakaalam.
Lumipas ang mga araw na naging buwan na kasama namin sa bahay si Sheila at kahit kailan ay hindi naging magaan ang loob nang Daddy ko dito na lagi na lang sinisinghalan ang bata, kahit pigilan ko ang sarili ko ay hindi ko maiwasang hindi maawa sa naturang bata.
Habang lumilipas ang mga araw, linggo at buwan ay nakita ko ang naging pagsisikat nito sa mga aralin na labis kong hinangaan kaya naman isang araw ay naisipan kong kamustahin ito.
"Kamusta ang pag-aaral mo, nahihirapan ka ba sa mga lessons mo?" seryoso kong tanong dito na hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Maayos naman po, maraming salamat po sa pagpapaaral sa akin." nahihiya nitong sinabi.
"Walang anuman iyon, isa ka pa din Cervantes kaya hindi ko hahayaan na lumaki kang mangmang." iyon lang at agad ko na itong pinalabas ngunit bago ito tuluyang makalabas ay muli ko itong tinawag.
"Sheila.... meron ka na bang kaibigan sa school ninyo?" nabibigla kong tanong dito.
"Meron na po akong matalik na kaibigan at dahil sa kanya nakakayanan ko ang lahat nang to." iyon lang at tuluyan na itong lumabas.
Naging maayos ang mga lumipas na mga buwan at katulad nang plano ay nagpatuloy sa pag-aaral si Sheila na walang nakakaalam kung ano ba talagang koneksyon nito sa pamilya ko, ang Daddy ko naman ay natuloy ang pagtakbo sa pagkasenador, nasa isang meeting ako nang pumasok ang secretary ko kahit na nga ba sinabi kong huwag na huwag ako nitong iistorbohin.
"Didn't I tell you MS. Perez not to interrupt me when I'm in a meeting." bulong ko dito nang lumapit ang mukha nito sa tenga ko.
"Sorry sir, may emergency po kasi, iyong scholar nang Dad ninyo nabangga daw po nang kotse." paliwanag nito at parang biglang nanglaki ang ulo ko at napuno nang pangamba ang dibdib ko para sa kapatid ko, bigla kong naramdaman ang pagmamahal dito na pilit kong pinapatay.
Agad kong pinacancel ang lahat nang meeting ko sa linggong iyon at tinawagan ang Daddy ko na nasa isang pangangampanya sa Pampanga.
"Hello Dad si Sheila nabangga daw nang kotse." nag-aalalang sinabi ko dito matapos nitong sagutin ang tawag ko.
"Tumawag ka nang dahil lang sa batang iyon?!" galit nitong sinabi na agad binaba ang tawag, hindi naman ako makapaniwala habang nakatingin sa cellphone na nasa kamay ko.
Agad akong nagpahatid sa driver ko sa ospital na pinagdalhan kay Sheila, parang sasabog dibdib ko sa pag-aalala, kahit ano kasing pilit kong patayin ang pagmamahal dito ay kusa iyong lumalabas lalo sa nakikita kong pagsusumikap nito.
Pagkdating doon ay naabutan kong nasa operating room ito ngunit nalaman ko na kinakailangan pa nito nang panibagong operasyon kaya naman nagpasya akong dalhin ito sa US para doon ipaopera at nang magising nga ito ay nagpasya na akong ipabago ang pangalan nito bilang Atilla Salvador ngunit that time hindi pa din pumayag ang Daddy ko na gamitin nito ang apelyido nang matanda.
"So anong kailangan mo Atilla na hindi makakapaghintay ang bukas?" tanong ko dito ngunit nagulat na lang ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko.
"Ano bang ginagawa mo Atilla, tumayo ka nga diyan?" galit kong sinabi dito ngunit ni hindi man lang ito gumalaw.
"Please Henry ipawalang bisa mo na ang engagement namin ni Ram, pero parang awa mo na tulungan mo pa din sila" pagmamakaawa nito, biglang lumambot ang puso ko sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kamahal nito ang lalaking iyon.
"Bakit mo ginagawa ito Atilla, bakit mo nagagawang ibaba ang sarili mo nang dahil lang sa isang lalaking katulad ni Ram Santiago?" naguguluhan kong tanong dito.
"Dahil siya ang naging lakas ko para makayanan ang lahat nang nangyari sa buhay ko, siya ang batang lalaking naging matalik kong kaibigan, sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal at pagkakaroon nang importansya." paliwanag nito.
Hindi ako makapaniwala na si Ram pala ang batang niligtas nito na naging dahilan para maaksidente ito, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal ni Atilla kay Ram, dahil si Ram ang tanging taong nagpahalaga dito noong mga panahon na nag-iisa ito, noong mga panahon na hindi ito tanggap nang Daddy namin, noong panahon na binabalewala ko ang kapatid ko.
Wala na akong nagawa nang hindi pa din ito tumatayo mula sa pagkakaluhod nito.
"Pangako Atilla ipapacancel ko na ang engagement ninyo ni Ram at tutulungan ko ang taong iyon." pangako ko dito at saka lang ito tumayo at matapos magpasalamat ay nagpaalam na din ito.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at ilang ring lang ay agad naman iyong sinagot nang secretary ko.
"Samantha, alamin ang lahat nang pagkakautang nang mga Santiago at gusto kong bayaran ang lahat nang iyon." iyon lang ang sinabi ko at agad ko nang pinutol ang tawag na iyon.
Para sa pinakamamahal kong kapatid gagawin ko ang lahat para tulungan si Ram Santiago.