webnovel

My Fiancee is a Prostitute (Filipino)

Romano "Ram" Santiago is a well known businessman, kilalang kilala siya bilang isang magaling na negosyante at lahat halos ay kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay, hanggang iwanan siya nang kanyang pinakamamahal na nobya, at sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ay nagawa niyang sumama sa isang prostitute a prostitute that turned out to be a virgin. Paano ang perpekto niyang mundo ay magugulo nang dahil sa isang prostitute na nagngangalang Atilla Salvador

jspanlilio · สมัยใหม่
Not enough ratings
64 Chs

Because of My Decision

CHAPTER 50

-=Atilla's POV=-

Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamahabang flight na naexperience ko sa tanang buhay ko, samantalang ang damuhong si Ram ay prenteng prenteng nakatulog.

Padabog kong tinamaan ang paa nito nag tuluyan nang huminto ang eroplano at inanunsyo nang piloto na maari nang bumaba.

"Ok." narinig ko na lang na sinabi nito nang makalayo na ako dito, habang buhat buhat ang mga gamit ko ay nagmadali na akong lumabas nang paliparan para maghantay nang Taxi nang may lumapit sa aking lalaki.

"Kayo po ba si Ms. Atilla?" narinig kong tanong nito na kinagulat ko dahil wala naman akong iniexpect na sasalubong sa akin sa pagpunta ko ng Cebu.

"Sino po kayo?" tanong ko naman dito dahil mahirap na baka naman masamang tao pala ito, at may masamang balak sa akin ito, mabuti nang mag-ingat.

"Ako po ang magiging driver ninyo for today." pangungumbinsi nito ngunit hindi pa din ako naniniwala dito ngunit laking gulat ko nang may biglang humablot ng bag ko at biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko ang walang kaemosyong emosyon na mukha ni Ram na agad pinasok sa kotse ang mga dala-dalahin ko.

"Excuse me, what do you think you're doing?" mataray kong tanong dito na nakataas ang kaliwang kilay.

"Look Atilla, ako ang nagrent nang serbisyon niya para mas maging madali sa atin ang makabiyahe habang nasa Cebu tayo kaya wala kang dapat na ikatakot." sagot nito na agad sumakay nang kotse.

I admit I'm impressed dahil kahit paano ay naisipan nito iyon, well usually naman naiisip ko in advance ang mga ganoong bagay ngunit ngayon medyo nagugulo nang taong ito ang isip ko, at hindi ko gusto ang mga nangyayari.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na sumakay dito nasa pinakasulok ito nang kotse at ganoon din naman ako opposite to him, naging tahimik lang ang biyahe namin, pinilit kong ituon ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin ngunit kahit anong gawin ko ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Ram sa loob nang sasakyan, bawat hininga nito ay dinig na dinig ko and I hate myself for that dahil pakiramdam ko wala akong pinagkaiba sa dating Atilla two years ago.

Akala ko nga mananatiling walang magsasalita sa pagitan namin kaya naman laking gulat ko nang bigla na lang itong magsalita.

"Kuya daan muna tayo sa Zubuchon para kumain." narinig kong sinabi nito, ni hindi man lang nga nito tinanong ang opinyon ko.

"Wala na tayong panahon para kumain." pagtanggi ko naman dito ngunit biglang namula ang mukha ko nang biglang kumalam ang tiyan ko dahil kagabi pa pala ang huling kain ko at ang masama ay hindi lang nagparamdam ang tiyan ko kung hindi nagparinig pa.

"I think your stomach is complaining as well Atilla." pigil pigil na ngiti nito sa akin kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Tahimik na lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa naturang restaurant, pagkarating sa naturang lugar agad kong napansin ang dami nang mga kumakain, agad naman kaming sinalubong at inasiste ng isa sa mga tauhan doon, hinayaan ko na lang ito ang mag order para sa aming dalawa.

Seryosong seryoso ang expression na nasa mukha nito habang nakatingin sa menu na hawak nito, nabigyan naman ako nang pagkakataon para mapagmasdan ko ang mukha nito.

Hindi pa din talaga nagbabago ang itsura nito sa loob nang mga nakalipas na mga taon sa totoo nga mas lalo nga itong gumuwapo mas nakadagdag sa appeal nito ang maturity na dumagdag sa itsura nito, abalang abala ako sa pagkilatis ng itsura nito nang bigla naman nag-angat ito nang paningin at huling huli ako nitong nakatingin ako sa mukha nito at isang pigil na ngiti ang lumabas sa gilid ng mga labi nito.

"May gusto ka pa bang idagdag sa mga inorder natin?" tanong nito na halata ang pagpipigil nito sa pagngiti sa gilid ng mga labi nito.

"Wa...wala na naman." nauutal kong sagot dito, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa katangahan na nagawa ko.

I tried to act na para bang walang epekto sa akin kung kaharap ko man si Ram ngunit sa totoo lang ay hindi normal ang bawat pagpintig nang dibdib ko at alam kong hindi tama dahil matagal na akong nagdecide na hindi magpaapekto dito ngunit nang dahil lang sa ilang araw pa lang na pagkikita namin ay masisira na ang pangakong ibinaon ko sa isip.

"So anong oras dadating ang mga investors natin sa isla?" nagulat ako nang biglang magsalita ito matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

"We will meet them around five in the afternoon and the reason kung bakit kailangan maaga ako ay para maayos ang dapat iayos sa isla." paliwanag ko dito, nakakaramdam ako nang sobrang pagkailang sa paraan nang pagtingin nito sa akin mabuti na lang talaga at dumating na ang mga inorder namin kaya kahit paano ay natuon ang atensyon nito sa ibang bagay ngunit kahit ganoon ay ramdam na ramdam ko pa din ang panaka naka nitong pagsulyap sa akin.

"I really need to get away from him." sa loob loob ko habang patuloy kami sa pagkain namin, finally natapos na din kami at nagdecide nang magpatuloy.

Pagdating namin sa pantalan ay may naghihintay na sa aming bangka na maghahatid sa amin and I bet the money in my pocket na si Ram din ang nagpahanda nito, he reaally thought everything no wonder na pinagkakatiwalaan ito ni Ellaine na matutulungan ako sa pagpapatakbo ng mga negosyo ni Henry.

Wala nang salitang namagitan sa amin habang nasa bangka kami, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon nang binata.

"Snap out of it Atilla, ano ngayon kung anong iniisip ni Ram ang importante ngayon ay makuha ninyo ang pirma nang mga investors." sawata ko sa sarili ko kailangan ko kasing iremind ang sarili ko sa mga priorities ko.

I tried to remain focus as much as possible which is not easy dahil sa kasama ko.

"Oh my....." ang naging reaksyon ko nang tuluyan na kaming nakarating sa naturang isla na nabili ni Henry, at hindi ako makapaniwala sa ganda nang lugar no wonder na pinilit talagang mabili ni Henry ang islang ito.

The island is a real paradise, white sand, madaming mga puno nang buko sa paligid at sa bandang dulo naman ay kitang kita ang isang gubat na mukhang hindi pa talaga naeexplore and I can see a lot of potential sa lugar kaya nagtataka ako kung paanong hindi nakilala ang lugar na ito as one of the tourist actraction sa Cebu.

"Welcome sa aming munting isla kayo marahil si Ms. Atilla." ang sinabi sa amin nang namamahala nang hotel hindi kalayuan, pagmamay-ari kasi ito dati nang isang dating kaibigan ni Henry at nang magdecide na ang pamilya nito na sa ibang bansa na mamalagi ay ibinenta nito ang isla kay Henry.

"Just call me Atilla....." I said and waited for him to introduce himself at nalaman kong Julius pala ang pangalan nito.

Hindi na ako nag-aksaya nang oras at agad akong nagpasama para libutin ang  isla at labis kong nagugustuhan ang mga nakikita ko, yes madaming kailangan asikasuhin pero minor na lang at agad nang tumatakbo sa isip ko ang mga dapat gawin sa isla, una na dito ay ang pagpapagiba nang building dahil maliban sa luma na ay hindi bagay iyon sa scenery ng lugar ang naiisip ko kasi ay parang katulad nang mga resort sa Bali Indonesia na napuntahan ko na dati, gusto kong bumagay ang anumang itatayo na structure sa paligid.

Around five pm ay sakto naman na dumating ang mga investors na hinihintay namin, dalawang Japanese businessmen na dati nang nagiging business partner ni Henry at katulad ko ay kita ko din ang appreciation nila sa naturang lugar at sandali muna namin silang pinagpahinga bago inilibot sa buong paligid but this time ako na mismo ang nagpaliwanag sa mga magiging pagbabago kapag nagsimula na ang pag-aayos sa isla.

"As you can see we want to still maintain everything in this island we don't really want to touch the rainforest since it will be a big factor for us to attract tourist in this part of the Philippines." pagpapaliwanag ko nang matapos kaming maglibot sa paligid, nasa mismong opisina kami ng hotel na gusto kong ipagiba at kita ko naman ang approval sa mga mukha ng mga investors which told me na makukuha namin ang lagda na kailangan namin para masimulan na ang kailangang ayusin at katulad nga nang inaasahan ay nilagdaan na nang mga ito ang kontrata.

"Nice doing business with you Ms. Cervantes, your brother must be really proud of you." nakangiting sinabi ni Mr. Matsunaga.

"Thank you Mr. Matsunaga, are you sure you don't want to stay for few more hours?" tanong ko dito ngunit agad itong tumanggi dahil kakailanganin din daw nitong bumalik nang Japan para naman sa mga negosyo nito ngunit pinagkatiwala na nito sa akin ang lahat para mapaganda pa ang lugar.

"Good job Atilla." nagulat na lang ako nang marinig ko iyon sa bandang likuran ko at nang humarap ako ay nakita ko ang nakangiting si Ram.

Naging tahimik lang ito at hinayaan akong mamuno which I really appreciate dahil kahit paano ay naging tiwala ito sa mga naging desisyon ko para sa project na ito and again I can feel my traitor heart beating really fast.

"Thank you." ang matipid kong sinabi dito, sa totoo lang gustong gusto ko nang habulin ang bangka na maghahatid sa mga Japanese investors para sumabay sa mga ito dahil na din natatakot ako na kapag tumagal ay tuluyan ko nang kalimutan ang matitinong bagay at hayaan kong sundin na lang ang nasa puso ko ngunit hindi maari dahil may mga bagay pa ako na kailangan siguraduhin sa lugar ngunit pinangako ko sa sarili ko na aalis at aalis ako nang gabing iyon.

Sinigurado kong maayos ang lahat at bandang alas ocho na nang matapos ako, paglabas ko nang hotel ay naramdaman ko ang malakas na hangin at bigla akong nanlumo nang makita ko ang malalaking alon sa karagatan.

"Sorr Maam ngunit delikadong pumalaot kapag ganito ang mga alon." ang paliwanag sa akin ng bankero na inarkila ko.

"Atilla we don't have any choice but stay here overnight." narinig kong sinabi ni Ram ngunit hindi ko na talaga kayang kasama ito natatakot na talaga ako.

"No Ram you can stay if you want pero kailangan ko nang makabalik nang Manila." matigas kong sinabi dito.

"Pero Maam....." pagtutol pa din ng bangkero.

"I will pay you triple kapag hinatid mo ako sa pantalan sa Cebu." mabilis kong sinabi dito at kita ko ang pag-aalangan pa din nito kaya naman minabuti kong gawin limang beses sa nauna naming pinag-usapan ang ibabayad ko, lahat gagawin ko malayo lang kay Ram.

"This is crazy Atilla, isusuong mo ang kaligtasan mo para lang lumayo sa akin." I can hear frustration in Ram's voice ngunit hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula dito.

"Don't think na ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko nang bumalik sa Manila, madaming naiwan na mga trabaho na kailangan nang agarang atensyon." pagtanggi ko dito, hindi ko hahayaan na mahalata nito ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

"Don't give me that crap Atilla, you and I know the real reason kung bakit atat na atat kang umalis ay natatakot kang manatiling magkasama tayo, natatakot kang tuluyan nang lumabas ang anumang nararamdaman mo para sa akin na kahit ilang taon na ang nakalipas ay mahal mo pa din ako gaya nang pagmamahal ko sayo." maemosyon nitong sinabi.

"You know what Ram wala na akong pakialam sa kung anuman ang tingin mo pero uuwi ako kahit na anong mangyari." I said at nakipagtikisan pa kami nito habang magkalapat ang aming mga mata na para bang wala ni isa man ang gustong sumuko ngunit sa totoo lang ang lakas nang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa mga mata nito, at akala ko nga matatalo na ako ngunit bigla na lang naglayo nang paningin si Ram na sinundan nito nang malalim na buntung hininga.

"You win." malungkot nitong sinabi, at parang gusto kong biglang hatakin ito palapit at ikulong sa magkabilang bisig ko ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi ako sumagot kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"You won Atilla, pagkabalik natin sa Manila ay gagawin ko na ang gusto mo, lalayo na ako sayo at pipilitin ko ang sarili kong patayin ang pagmamahal na nasa dibdib ko." sinabi nito na nauna nang sumakay nang bangka.

Naiwan naman akong tulala dahil sa sinabi nito, bigla kong naramdaman ang mainit na likido na gumapang sa pisngi ko, ganoon na lang ang gulat ko nang malaman kong malaya na palang pumatak ang luha sa mga mata ko mabuti na lang talaga at madilim na.

Tahimik akong sumunod paakyat sa naturang bangka, kahit anong pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko na ito ang tama ay hindi ko pa din maiwasang masaktan dahil sa nangyari.

"Ito ang gusto mo naman talaga di ba Atilla?" narinig kong sinabi nang kabilang isip ko, ito naman talaga ang gusto ko ngunit bakit wala akong nararamdaman na kahit na anong kasiyahan.

Malamig ang paligid dahil na din sa lakas nang hangin, maliban pa sa sobrang dilim nang paligid at tanging ilaw sa harap nang bangka ang nagsisilbing tanglaw namin sa paglalayag namin, habang tumatagal ay nararamdaman namin na mas lalong lumalakas ang alon, unti unti na akong nilulukuban nang labis na takot.

"Mukhang hindi na po kakayanin nang bangka ang mga alon!" sigaw ng bangkero sa amin ni Ram.

"Anong maari nating gawin?" kalmadong tanong ni Ram dito na hindi man lang kakikitaan nang kahit na anong takot, marahil ay kinakabahan din ito ngunit hindi nito iyon pinapahalata.

"Ang maari na lang po nating gawin ay ang bumalik sa isla!" sagot naman nito at agad naman akong sumang-ayon dahil wala na talagang magagawa, sinisisi ko nga ang sarili ko kung bakit ba ako nagpumilit at ilagay ko ang mga buhay namin sa panganib.

Nagdecide na kaming bumalik ngunit sa lakas nang hangin ay nalaglaga sa tubig ang tanging ilaw na gumagabay sa amin kaya naman tuluyan nang binalot nang kadiliman ang buong paligid.

"What now?" I asked frustrated sa mga nangyayari.

"Wala na po tayong magagawa Ma'am kung hindi ang magpatuloy, huwag po kayong mag-alala..." ngunit hindi ko na natapos pakinggan ang sinasabi nito nang isang malakas na alon at nagpa-uga sa naturang bangka at dahil hindi ko inaasahan iyon ay napabitaw ako sa hinahawakan ko at tuluyan akong nalaglag sa tubig.

Parang binabaran nang yelo ang karagatan sa lamig na nanunuot sa bawat kalamnan ko.

"Tulong!" sigaw ko narinig ko ang pagtawag ni Ram na sinundan nang tunog nang splash nang tubig na ibig sabihin ay may kung ano o sino ang nalaglag o tumalon.

Pinilit kong hanapin ang pabalik sa bangka ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko matunton ang bangka, nagulat na lang ako nang may malalakas na kamay ang humawak sa akin kaya naman agad akong nagpupumiglas dala nang labis na takot.

"Shhh.... Atilla ako lang ito." narinig kong bulong nang hihingal na si Ram at kahit paano ay biglang napayapa.

"Nasaan na ang bangka?" tanong ko dito ngunit biglang bumalik sa akin ang takot nang marinig ko ang sinabi nito.

"Wala na ang bangka Atilla tuluyan nang lumubog." nangangatal na din ang tinig nito dahil na din sa lamig ng tubig.

"Oh God!" I said bigla akong binalot nang guilt habang iniisip na may masamang nangyari sa bangkero at dahil iyon sa pagiging matigas nang ulo ko.

"Ano nang gagawin natin Ram." tuluyan na akong natatakot sa sitwasyon natin.

"We need to remain calm Atilla and keep swimming, here wear this." sinabi nito sabay abot sa akin nang hawak nitong lifevest.

"Pero paano ka?" tanong ko naman dito nang tuluyan na nitong maisuot sa akin ang lifevest.

"Don't worry I also have my own." sagot naman dito at nang pakiramdaman ko ang dibdib nito ay doon ko lang napansin ang suot nito.

"I'm scared Ram." pag-amin ko dito.

"Don't worry Atilla hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo, pangako." and for some reason I believe him and it calmed my nerves nang dahil sa sinabi nito, naniniwala akong makakagawa nang paraan ito para makaligtas kami sa walang katiyakan na sitwasyon na kinasusungan namin kung paano ay hindi ko alam ngunit ipagkakatiwala ko na lang sa kanya ang bawat desisyon.