webnovel

Chapter 5

Sobrang nag enjoy si Blessie kasama si Luis kahit na parang awkward dahil nandoon din ang mga amo niyang Centeno. Nagprisinta pa kasi ito na ihatid si Blessie hanggang sa pag uwi sa bahay nila puwede naman siyang sumakay sa taxi tutal maaga pa naman.

Nang makarating sila sa bahay nila Blessie ay inaya niya muna si Luis na pumasok sandali sa bahay nila. Nadatnan nila ang Mama nito na nanood ng T.V. Napalingon naman si Mama Belinda sa pumasok na si Blessie. Nagtaka siya na nasa likod ni Blessie ang isang gwapong binata. Ipinakilala ni Blessie si Luis sa Mama niyang kanina pa nakatingin dito. Marahil nagtataka ito na may lalaking kasama si Blessie at gwapo pa ito. Kaya hindi napigilan ni Mama Belinda na magtanong sa anak na si Blessie.

"Blessie, boyfriend mo ba itong si Luis?" usisang tanong ni Aling Belinda habang mataman na nakatingin kay Luis. Nabigla si Blessie sa tinanong ng Mama niya. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadiretsong magtatanong ang Mama niya kay Luis.

"Ma, hindi po kaibigan ko lang po" pagtatamang sagot ni Blessie. Si Luis naman ay pangiti ngiti habang nakatingin kay Blessie. Napansin kasi nito na hindi komportable si Blessie sa naging tanong ni Mama nito.

"Ma'am, puwede po bang humingi ng permiso sa inyo? Gusto ko po sanang pumunta ulit dito bukas ng umaga para ihatid si Blessie sa work niya" paghingi ng permiso na sabi ni Luis sa Mama ni Blessie. Nanlaki naman ang mga mata ni Blessie sa sinabi ni Luis. Nahihiya tuloy siya sa Mama niya sa mga sinasabi ni Luis.

" Huh, Luis huwag na" tangging sagot ni Blessie.

"No Blessie, I insist. Saka para makilala pa kita ng lubusan" sabi ni Luis. Nagpapalit palit ng tingin si Mama Belinda kina Blessie at Luis.

"Hijo, sa akin ka ba nagpapaalam o kay Blessie?" sabat na tanong ni Mama Belinda.

"At kung puwede po sa inyo na lagi din akong pumasyal dito sa bahay niyo para makausap si Blessie?" walang paligoy ligoy na tanong ni Luis.

"Aba, Hijo manliligaw ka na ba sa anak ko?" tanong ulit ni Mama Belinda.

"Kung papayag po kayo?" balik na tanong ni Luis habang nakatingin kay Blessie na napatulala sa kanya. Hindi na nakuha pang magsalita si Blessie sa pagkabigla.

"Sandali at tatawagin ko lng ang Papa ni Blessie para sa Papa ni Blessie ka magpaalam" dugtong na sabi ulit ni Mama Belinda. At tumalikod na sa kanila para tawagin ang Papa ni Blessie sa kwarto ng mag asawa. Nakatulala pa din si Blessie na nakatingin kay Luis.

"Seryoso ba siya?" naguguluhan na tanong ni Blessie sa sarili. Humarap si Luis kay Blessie at tiningnan ito sa mga mata.

"Gusto kitang makilala ng lubos. I dont know why pero yun ang gusto ko" seryosong sabi ni Luis habang tinitigan si Blessie. Hindi naman malaman ni Blessie ang magiging reaksiyon. Pinipigilan niya ang kilig na nararamdaman. Kameet pa lang ni Blessie si Luis pero heto at parang nagpapahiwatig ito ng interest sa kanya.

Papalapit na ang mag asawa kina Blessie at Luis na nag uusap. Napatikhim si Papa Jose dahil ang lapit lapit nina Blessie at Luis ang mukha na parang bumubulong sa isat isa.

"Ehem!" malakas na tikhim ni Papa Jose. Napatigil naman sa pag uusap ang dalawa at lumingon sa Papa at Mama ni Blessie. Napatayo naman si Luis para magpakilala sa Papa ni Blessie.

"Hi po Sir. Ako po si Luis Angelo Calderon" magalang na pa kilala ni Luis sa sarili sa Ama ni Blessie. Inilahad nito ang kamay para makipag kamay pero hindi nito tinanggap ang kamay ng binata sa halip ay ibinigay ang kamay para magmano si Luis sa Papa ni Blessie. Kinuha naman ito ni Luis at nagmano. Nakatingin lang si Blessie sa Papa niya at kay Luis. Nagsenyas si Papa Jose na maupo sila.

"Sir, magpapaalam po sana ako kung puwede akong dumalaw kay Blessie" diretso ang tingin na paalam ni Luis sa Papa ni Blessie. Hindi nman agad nakasagot si Papa Josie bagkus ay nilingon ang asawa sa tabi niya. Ngumiti at tumango ng ulo si Mama Belinda sa asawa.

"Anong ibig sabihin mong dadalaw ka sa anak namin, binata?" may diin na tanong din ni Papa Jose na hindi makapaniwala sa pagpapaalam ni Luis sa kanilang mag asawa.

"Gusto ko po sanang makilala pa si Blessie at para pormal pong manligaw sa kanya. Kung papayag po kayo?" nakangiting tanong ni Luis sa Papa ni Blessie. Nagkatinginan naman sina Papa Jose at Mama Belinda sa isat isa. Si Blessie naman ay parang natuklaw ng ahas sa pagkabigla dahil sa lakas ng loob nitong pagpapaalam na manliligaw sa kanyang Mama at Papa.

"Hala, ano bang nakain niya at gusto niya talaga akong ligawan?" napanganga na tanong ni Blessie sa sarili. Itinikom naman ni Luis ang bibig ni Blessie ng mapatingin ito sa kanya. At nagbigay ng matamis na ngiti. Napakurap naman ng mga mata si Blessie.

"Alam mo Hijo nakakabigla ka. Hindi sa dinidiscourage kita pero anong nakita mo sa anak ko?" nagtatakang tanong ni Papa Jose. Napalingon si Luis kay Blessie at ngumiti ito. Si Blessie naman ay hindi makapaniwala na itatanong iyon ng Papa niya. At napayuko ng ulo si Blessie sa kahihiyan. Napahiya siya sa mga salitang binitawan ng Papa niya kay Luis. Parang sinasabi ng Papa niya niya na hindi siya tamang ligawan ng isang lalaki na kagaya ni Luis.

"Sir, hindi ko din po alam. Pero ang alam ko lang po eh gusto ko na ang anak niyo" sagot ni Luis habang nakatinigin kay Blessie. Kilig na kilig naman si Mama Belinda sa sinagot ni Luis. First time nila na tatanggap ng manliligaw para sa anak na si Blessie. At sa isang gwapo at mayaman pa na binata.

"Ah eh Ma, Pa, uuwi na po si Luis" sabat na sabi ni Blessie. Gusto sana niyang umuwi na si Luis dahil baka kung ano pang itanong ng mga magulang nito sa binata.

"Bakit ba pinapauwi mo na agad itong manliligaw mo, Blessie?" tanong naman ni Mama Belinda.

"Ma, baka po hinahanap na po siya sa kanila. May party po kasi sa kanila" sagot ni Blessie. Totoo naman na may mga bisita sina Luis sa bahay nila.

"Blessie, it's okay. Nagpaalam ako kay Mommy na ihahatid kita sa inyo at saka alam niya na gusto kitang makasama" diretsong sagot ni Luis na hindi nahihiyang naririnig ng Mama at Papa ni Blessie ang lahat ng sinasabi niya.

"Ay itong lalaki na ito. Hindi pa talaga nagsinungaling" nasambit ni Blessie sa sarili.

"Blessie, na ikuha mo ng meryenda ang bisita mo" utos ni Mama Belinda. Tumayo si Blessie at parang nagmaktol na pumunta sa kusina.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak namin Luis" sabi ni Papa Jose.

"Okay lang po yun. Masarap nga po kasama ang anak niyo" sagot ni Luis.

"Maiba tayo, ikaw ba ay desidido na talagang ligawan ang nag iisa naming anak na babae?" paniniguradong tanong ni Papa Jose.

"Opo Sir. At makakaasa po kayong hindi ko po sasaktan si Blessie" seryosong sagot ni Luis. Gusto niya talaga si Blessie, gusto niya ang mga mata nito, ang buhok nito, ang pagiging masayahin at pagiging madaldal na hindi nauubusan ng ikukwento. Gusto niya ang lahat lahat ng kay Blessie at siguradong sigurado na siya doon. Napaiyak naman ang Mama ni Blessie.

"Jose, ang anak natin mag aasawa na" umiiyak na sabi ni Mama Belinda sa asawa. Hinagod naman ni Papa Jose ang likod ng asawa.

"Belinda, nanliligaw palang. Ngumangawa ka na agad" saway ng Papa ni Blessie sa asawa.

"Alam mo namang nag iisang prinsesa ko si Blessie. Siyempre masaya ako dahil may magmamahal na sa kanya bukod sa atin" paliwanag ni Mama Belinda habang umiiyak.

"Aba'y subukan natin itong binata na ito, para malaman natin kung seryoso siya sa anak natin" sabi naman ni Papa Jose. Naguguluhan naman si Mama Belinda sa sinabi ng asawa. Dumating si Blessie na dala dala ang meryenda para sa kanila.

"Blessie, bumili ka nga ng gin sa tindahan ni Mang Kanor. Samahan mo na din ng tang orange para sa teaser at saka pulutan" utos nitong sabi sa anak.

"Papa, ang aga pa po para mag inuman kayo" saway ni Blessie sa Ama. Natatawa naman si Mama Belinda sa kanyang mag Ama. Sinunod naman ni Blessie ang utos ng Papa nito na bumili ng iinuming alak at pulutan. Pagkabalik sa bahay nila ay inilapag niya ang mga binili sa center table na nasa sala ng bahay nila.

"Mama, naman sawayin mo po si Papa na mag inom" nagmamaktol na sabi ni Blessie sa ina.

"Blessie, okay lang. Halika na dito sa tabi ko" sabat ni Luis.

"Hoy binata hindi porket pumayag na kaming mag asawa na manligaw ka eh tatabi na agad ang anak ko sayo!" may diing sabi ni Papa Jose. Napakamot naman sa ulo si Luis.

"Sorry po" paumanhin ng binata.

"Blessie pumasok ka na sa kwarto mo!" bulyaw na utos ni Papa Jose.

"Papa naman" naiinis na sabi ni Blessie sa Ama.

"Belinda, Sige na samahan mo ang anak mo" sabi ni Papa Jose sa asawa.

"Luis, okay ka lang ba na uminom ng gin?" pahabol na tanong ni Blessie, alam niya na may kaya ito at hindi ito sanay na uminom ng ganoong inumin.

"Don't worry Blessie and thank you sa concern mo" nakangiting sagot ni Luis. Nahiya naman si Blessie sa mga tingin ni Luis sa kanya.

"Pano ka uuwi kung malasing ka? Magdadrive kapa naman" tanong ulit ni Blessie.

"Huwag ka ng mag worry. Kung malasing ako eh di dito ako matutulog. Di ba po Sir, puwede akong mag sleep over dito sa inyo?" mahabang sagot ni Luis at tinanong ang Papa ni Blessie.

"Hijo puwede ka naman dito matulog mamaya. Tama si Blessie, mahirap ng maaksidente ka pa sa daan" ani ni Papa Jose.

"Papasok na ako sa kwarto ko, Luis. Basta pag hindi mo na kaya tawagin mo na lang ako" paalam na sabi ni Blessie kay Luis. Nagthumbs up naman ito bilang sagot kay Blessie. Habang naglalakad ay pasulyap sulyap pa din si Blessie sa Ama at kay Luis.

"Parang malalag ang puso ko! Ang gwapo talaga!" kinikilig na sabi ni Blessie sa sarili.

Dumaan ang isang oras ay lasing na sina Papa Jose at Luis. Pang anim na bote na ngayon ang iniinom nila. Maririnig na ang malakas na tawa ng matanda at si Luis.

"Ha Ha Ha, Hijo, boto na ako sayo para sa anak ko" lasing na sabi ni Papa Jose. Napangiti naman ng malaki sa labi si Luis.

"Talaga po! Anong pong itatawag ko sa inyo?" tanong ni Luis.

"Papa na lang" at tumawa ng pagkalakas lakas.

Samantala sa kwarto ay hindi na mapakali si Blessie dahil sa naririnig na usapan ng Papa niya at si Luis.

"Labasin ko na kaya sila?" tanong ni Blessie sa sarili habang lakad ng lakad.

"Blessie, ikaw nga ay makale. Umupo ka! Ako'y nahihilo na sa kalalakad mo" saway ni Mama Belinda.

"Mama, lasing na po sila Papa" nag aalalang sabi ni Blessie.

"Oh eh ano naman. Siyempre alak ang iniinom nila kaya talagang malalasing sila. Subukan mong mag inom ng tubig kung malasing ka" pilosopong sagot ni Mama Belinda.

"Si Mama naman eh, nakuha pang magbiro" wika ni Blessie.

"Eh ewan ko ba kasi sayo. Kanino ka ba nag aalala na malalasing ng sobra, sa Papa mo o sa manliligaw mo?" tanong ni Mama Belinda.

"Ma, nag aalala lang po ako doon sa tao kasi hindi siya sanay uminom ng gin. Saka po bisita natin siya" sagot ni Blessie.

"Kung nag aalala ka puntahan mo doon sa sala" sabi ni Mama Belinda. Hindi na din nakatiis si Blessie kaya nilabas na niya ito sa sala.

"Luis, lasing ka na" wika ni Blessie habang tinatapik si Luis sa balikat. Napatingin naman ang nakayukong si Luis kay Blessie, tumayo ito at lumapit kay Blessie.

"Papa, si Blessie pala ito talaga, akala ko panaginip lang" lasing na sabi ni Luis. Tulog na ang Papa ni Blessie sa sopa.

"Tulungan mo akong dalhin si Papa sa loob ng kwarto" utos nitong sabi kay Luis. Pinuntahan nga nila si Papa Jose at dinala sa loob ng kwarto ng Mama at Papa ni Blessie.

"Blessie ikaw na bahala kay Luis at akoy matutulog na" sabi ng Mama Belinda. Tumango lang ito ng ulo at hinila sa damit si Luis para bumalik sa sala.

"Pano ka makakauwi lasing na lasing ka?" inis na tanong ni Blessie. Napangiti naman si Luis ng nakakaloko.

"Babe, dito na lang ako matutulog" sagot ni Luis. Nanlaki naman ang mata ni Blessie sa narinig dahil sa tawag nito sa kanya.

"Babe ka diyan, sandali ikukuha kita ng unan at kumot" sagot ni Blessie. Habang tinitingnan ni Luis si Blessie na papalayo sa kanya ay na vision na niya na si Blessie na ang sinasabi niyang para sa kanya. Ilang sandali pa ay nakita niya si Blessie na naglalakad pabalik sa sala dala dala ang unan at kumot para kay Luis.

"Sigurado ka bang okay ka lang na dito sa sopa matulog?" tanong ni Blessie.

"Oo naman" sagot ni Luis at ngumiti kay Blessie.

"Potek ang gwapo talaga kahit lasing" nawika ni Blessie sa sarili.

"Tawagan ko kaya ang pinsan mo para masundo ka dito. Nakakahiya naman na dito ka matutulog sa sopa" suhestiyon ni Blessie.

"Huwag na, okay na ako dito. Sige na matulog ka na may pasok ka pa bukas sa trabaho" tanggi ni Luis at humiga na sa sopa at binalot ng kumot ang buong katawan. Nag aalangan man ay pumunta na din si Blessie sa kwarto niya.

Nakatanggap ng tawag si Marius sa Mommy ni Luis dahil hindi nakakauwi si Luis galing sa paghatid kay Blessie. Hindi niya alam kung saan nagpunta ito at ang huling kita niya kay Luis ay doon sa bahay nila. Hindi din sila nagkausap na dalawa bago sila naghi hiwalay sa party ng pamilya.

"Saan naman kaya nagpunta ang magaling kong pinsan?" tanong ni Marius sa sarili. Naisipan niya na tawgan si Blessie ang sekretarya niya.

Inihahanda na ni Blessie ang higaan niya ng tumunog ang cellphone niya.

"Marius calling" ito ang nakalagay na name sa phone niya. Kinuha niya ito sa coffe table sa tabi ng higaan niya at nireceived ang call.

"Hello Sir" sabi ni Blessie.

"Blessie, alam mo ba kung saan nagpunta si Luis pagkahatid sayo sa bahay niyo?" bungad na tanong ni Marius.

"Sir, andito po si Luis sa bahay. Lasing po eh kaya dito ko na pinatulog" sagot ni Blessie.

"What! Saan siya nag inom at bakit diyan pa siya natulog?!" sigaw na tanong ni Marius. Halos nabingi naman si Blessie sa sigaw ng amo kaya inilayo niya ng konti ang phone sa tenga niya.

"Sir, niyaya po kasi ni Papa na mag inom. Eh nalasing po at hindi niya kakayanin na magdrive pauwi" mahinahon na sagot ni Blessie sa among galit na galit na.

"Susunduin ko siya ngayon din!" inis na sabi ni Marius. Hindi na nito hinintay na mag salita pa si Blessie at pinatay na ang tawag.

"Hala lagot!" nasambit ni Blessie sa sarili.

Papunta na ngayon si Marius sa bahay nina Blessie alam nito kung saan ang bahay ni Blessie dahil sa Papa nito na matagal ng nagtatrabaho sa kanila. Hindi na muna nito ipinaalam sa Mommy ni Luis na nasa bahay pa nina Blessie si Luis. Siya na ang bahala na kumausap sa pinsan para tawagan ang ina na nag aalala. Kilala niya ang pinsan niyang si Luis hindi nito nagagawang hindi umuwi ng bahay at hindi magpaalam sa ina kung saan pupunta.

"Pero papaanong nakipag inuman ang pinsan ko sa Papa ni Blessie. Close na ba sila para doon pa siya matulog" nagtatakang sabi ni Marius sa sarili.

Narating na ni Marius ang bahay nina Blessie. Ipinark niya sa tabi ng daan ang kotse niya at bumaba. Napansin niya ang kotse ng pinsan na nakaparada pa sa tabi ng daan.

"Confirm andito nga si Luis" nawika ni Marius sa sarili. Tinawagan na muna niya si Blessie para ipaalam na nasa harap na siya ng bahay nila. Bago pa niya kukunin ang cellphone niya sa bulsa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Blessie. Suot ang pajama at maluwag na pang itaas. Nakapantulog na ito halata sa suot na damit nito. Lumapit ito kay Marius.

"Magandang gabi po" magalang na bati ni Blessie. Tumango lang ng ulo si Marius at hindi sinuklian ang bati ni Blessie.

"Suplado talaga!" inis na sabi ni Blessie sa sarili.

"Si Luis?" tipid na sabi ni Marius.

"Nasa sala po natutulog na" sagot ni Blessie. Malalaki ang hakbang at pinuntahan si Luis sa sala na natutulog sa sopa. Hindi na niya inaantay si Blessie na papasukin siya sa loob ng bahay nila.

"Antipatiko talaga! Magkaiba talaga sila ng ugali ni Luis" inis na sabi ni Blessie sa sarili. Nakalapit na si Marius at ginigising ang pinsan na natutulog.

"Luis, wake up" gising nito kay Luis. Napakislot naman si Luis at nagmulat ng mata.

"What are you doing here?" tanong ni Luis habang bumabangon. Nasa likod lang si Blessie na nakatingin sa dalawa.

"Hindi ko siya tinawagan, kung yan ang iniisip mo Luis" sabat ni Blessie na halatang nagtataka ng makita ang pinsan si Marius. Napalingon naman si Marius kay Blessie sa likuran niya na nakatayo.

"Tumayo ka na diyan at ihahatid na kita pauwi sa inyo" sabi ni Marius.

"Hindi ko pala natawagan si Mommy" naalalang sagot ni Luis. Hindi niya kasi natawagan ang Mommy niya para magpaalam na dito muna siya matutulog kina Blessie.

"Yes at nag aalala na sayo si Tita" sabi naman ni Marius. Bumangon na si Luis at inayos ang sarili. Makahulugan na tiningnan nito si Blessie, nahihiya siya sa dalaga na sinundo siya ng pinsang si Marius.

"Huwag mo ng isipin ang kotse mo ipakukuha ko na lang sa driver" dugtong pa na sabi ni Marius.

"No, pupuntahan ko si Blessie dito sa kanila at ihahatid ko siya sa trabaho" sagot ni Luis, Napalingin naman si Marius at pinilit na iniisip kung bakit ginagawa ito ng pinsan niyang si Luis.

"Remember I won, and I will date Blessie for a month" sabi pa ni Luis. Nagulat naman si Blessie sa sinabi ni Luis. Sineryoso pala nito ang game nila kanina.

"Luis, laro lang yun" tanggi na sabi ni Blessie.

"No, I mean it. At seryoso ako. Di ba nagpaalam na ako sa Papa mo na liligawan kita" sagot ni Luis na kitang hindi lasing ito sa tono ng pananalita.

"Akala ko ba lasing ka!" singit na sabi ni Marius na nagtataka sa pinsang si Luis. Napakamot naman ng ulo si Luis at nahuli ang pagsisinungaling niyang lasing kanina.