webnovel

My Director Jeon

Amber Jeon is one of the richest and most famous director in the world of showbiz. She has written so many films and became famous. And everyone is afraid of the aura that she's carries. She is better than a real man. The way she act and speak hits different. But as Jeon's only female grandaughter she still has to stand up for being a women in their family. She had to marry for wealth, for all the Jeon's hard-earned possessions. And only the one she can marry will inherit and protect it. And then she met Robert. The idiot man!

Anne_Velvet · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
24 Chs

Chapter 23: Hurt

Amber POV*

"I'm leaving."

"I know, make sure na hindi ka na babalik." tumalikod ako at inunom ang natitira kong wine kanina noong wala pa siya.

"Pinili mo yan."

Lumingon ako sa kanya at bumuntong hininga. "Pinili mo yan." ulit ko sa sinabi niya.

"Alam mo ang kahahantungan nito, lahat ng meron ka." inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong opisina at naluluhang ibinalik sa akin ang mga mata niya.

Nag -iwas ako ng tingin at pinipilit tanggalin sa isipan ang lungkot , pighati, pagsisisi ang akala ko sa pagdating ng araw na ito ay siya ang unang tao na makakaintindi sa akin at sasamahan ako hanggang dulo. Kapatid siya akin, ang nag--iisang taong piangkakatiwalaan ko bukod kay Haraboji. Ngunit gaya ko at takot rin pala siya.

Walang problema sa kin kung magpaalam na siya at lilipat ng ibang kompanya. Ngunit ang dahilan niya ngayon ang isa sa nagpapasikip ng damdamin ko.

I know you can't lose anything. Yon ang iniisip mo, ang mawala ang lahat ng iyo hindi ang sa akin. Para sa akin wala kang karapatang umiyak. Gusto kong sabihin ang mga iyan sa kanya, pero hindi ko makuahang magalit sa kaniya. Dahil nahulma ko ang ugali niya. Pera ang importante sa akin at ganon rin siya, kahit hindi halata.

Sa edad niyang ito , dapat ay mas eni-enjoy niya nag buhay ng isang normal na teenager. Pero dahil ang sabi niya noon ang idol niya ako at gusto niyang maging kagaya ko, wala na akong nagawa. Hinayaan ko siya sa gusto niyang iyon. At hahayaan ko siya sa gusto niya ngayon.

"You can go."

Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga ang at tinahak ang pinto palabas.

Isang malalim rin akong bumuntong hininga at pinagpatuloy ang naudlot kung trabaho. Malungkot kung pinagmasdn ang pinto at at isa isa nang iniisip ang araw na walang nang Jaja ang papasok rito para manggulo.

Yon ang gusto niya Amber! Wala tayong magagawa roon.

Tahimik ako sa loob ng opisina. Ito na ata ang pinaka tahimik kung araw. Sinilayan ko ang bintana at doon nakita ko ang papalubog na sikat ng araw-araw. Ito ang ang nagpapaalala sa akin na araw araw kailangan kung harapin ang bukas at protektahan ang mga bagay na pag aari ko.

Gaya noong isang araw ay nakatanggap na naman ako ng imbitasyon galing sa pamilya ni Jonathan. Pupuntahan ko yon at lakas loob tatanggihan ang gusto nila. Hindi na ako bata, hindi gaya ng iba kaya kung ipaglagban ang karapatan ko.

Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung sino ang kakampi ko sa lugar nila. Umaasa akong kakaunting Jeon ang naroon at hindi ko rin alam kung dadalo rin ba si Haraboji, matagal na araw na mula noong huling pag-uusap namin at hindi pa kami masyadong okay noon. Naniniwala naman akong kung naroon siya ay hindi iyon magdadalawang isip na panigan ako.

Nabalik ako sa misyo ng may biglang kumatok. It's Migs.

"Hey..."

Napabuntong hininga na lang ako ng dahil sa problema. Ang sabi ko noon kayang kaya ito, pero habang papalapit ng papalapit nanghihina naman ako.

"Hey, what is it?"

"Nagpaalam kanina sa akin si Jaja, talagang desidido na siyng umalis."

"Hindi naman natin mapipilit nag isang mag stay.." sabay kaming natawa.

"By the way...pupunta kami mamaya sa dinner. Nakatanggap kami ng imbitasyon galing kay Jonathan kahapon."

Natigilan ako at kumunot ang nuo. Tss, ang tigas ng ulo niya. Ayaw ko sanang mapahiya pa siya pero choice niya na yon.

"It seems like your not happy about your wedding."

Hindi ako nagsalita. Alam na nila yon na talagang ayaw kung magpakasal sa sobrang daming dahilan. "Mapupunta lahat ng ari arian ng Jeon sa kanya..."

"Bakit hindi ka makipagkasundo kay Jonathan? I think he still loves you..pipiliin ka niya kesa pera."

"Matagal na kaming hiwalay, marami ng nagbago. Pati siya pati ako, lahat.Pinatawad ko na siya sa kasalana niya noon dahil hindi naman ako yung tipo na taong dadalhin sa hukay ang atraso ng isang tao." humalukipkip ako at naroon na naman ang mamalim na pag iisp sa mga bagay na hindi naman dapat.

"Ikaw ang bahala..basta kung saan ka. Don ako." hindi ko inaasahan ang pagalapit niya sakin, nakaupo ako ng yakapin niya ako. Hindi ko na magawang pumalag, hindi ko mana aminin ay ito siguro ang kailangan ko ngayon. Wala akong balak na hingiin iyon sa tao kung ibibigay niya tatanggapin ko. Mabuting tao si Migs, hindi ko makakalimutan na umaamin siya noon sa kin na gusto niya ako kung hindi lang importante sa akin ang pag-aaral ang pagiging desperada na sumikat baka hanggang ngayoon kami pa ring dalawa.

Pero hindi ko na ulit pinroblema iyon dahil pareho kami ng kagustuhan nang mga panahong iyon. Hindi na namin kaya pang maibalik ang nakaraang iyon dahil alam kung pareho kaming naki-cringe nahihiya rin siguro siya dahil baka malaman iyon ng mga kasamahan namin rito.

"I have to go, good luck."

Tumango ako at umalis na siya.

Alas sais ng umalis ako sa opisina para makapaghanda. Muling buamlik sa akin lahat ng mga ala ala nang muli kung masilayan ang mansiyon nina Jonathan ang pinaka unang magarang bahay na nakita ko at kinuhanan ko inspirasyon.

Tumahimik ang lahat ng makapasok ako sa mismong dinner. Mahaba ang lamesa at para marami ring dadalo. Dinner lang ito pero napaka engrande. Aamini kung nakakaramdam ako ng takot. Kahit na nakakatakot ako ay natatakot pa rin ako s amga bagay na hindi ako sigurado kung kaya ko.

"Ija! Ang akal ko hindi ka na ulit pupunta!?" niyakap ako ng mama Jonathan. "Narito na siya! Ang sbai ko naman sa inyo! Konting pilit pa at papayag rin siya!" masayang sigaw niya sa mga naroon.

Nag-tiim ang bagang ko ng makita ang magagandang ngiti ng naroon! Nakakainis isipin na ako ay halos mamatay na sa kakaisip ng problema kong ito , samantalalng sila ay nagsasaya pa! Sige magsaya kayo! Hindi ko lang alam kung makakapagsaya pa kayo sa sasabihin ko.

Napalingon ako sa may front door at doon lumbas si Jonathan kasabay ng pamilya niya at nang pamilya ko. Doon ay nakita ko si Haraboji na tahimik na nakikinig sa mga kasamahan niya.

Maganda rin ang ngiti ni Jonathan ng lumapit sa kin. Balak niya akong halikan ngunit kaaagad kung naiiwas ang mukha ko at lumapit kay Haraboji, saglit kong nasilayan ang pag tiim ng kanyang bagang sa pagkakahiya.

"Haraboji."

Tumango lamang siya at nag-iwas ng tingin.

"Haraboji , your not supposed to be here."

"Your not supposed to be here.." namamaos na aniya.

Natigllan ako ngunit hindi ko iyon pinansin. "Lo, mukahang hindi maganda ang lagay ninyo. You should take some rest, hindi dapat kayo naglalalabas. Baka magksaki--"

"May sakit nga siya."

Galit akong akong lumingon sa nagsalita sa likod. Ah! Ang matandang Jeon! Biruin mo talagang lagi siyang present! Bakit hindi na lang siya ang magpakasal!?

"What are you saying?" walang galang na tanong ko sa kanya! Mawawalan ka talaga ng galang sa mga pinagsasabi ng matandang to!

"Tingnan mo ang pinagmamalaki mo Joon Ho! Tingnan mo!" sigaw niya malakas na tumawa. "Walang galang! STUPIDA! BASTOS!"

Nandilim ang paningin kung hindi ako napigilan ni Haraboji ay baka nasapak ko na nag matandang to!

"Nagsalita ang tamad! Ano? Sawa ka na ba sa pagiging espesayal sa pamilyang kahit to? Kahit na wala ka namang ginawa kundi ang palakihin yang tiyan mo!" galit na sigaw ko sa kanya!

Tinawanan niya lamang ako bago tuminginin kay Haraboji, "Kasama ba siya sa mga ibibigay mo sa akin?"

Ibibigay? What the hell?"

"Ibibigay? Ano bang pinagsasasabi mo?" nalilito akong tumingin kay Lolo. "Lo, anong bang pinagsasabi nito.

Pilit niyang akong pinapakalma. "Makinig ka muna apo.."

"Lo, hindi ko maintindihan!"

May gusto siyang sabihin ngunit ang laki ng lungkot niya sa mga mata at hindi niya iyon masabi sa akin. Tumahik ang mga tao roon , mukhang ako na lamang ang walang alam sa nangyayari!

"May Glioblastoma si Papa, stage three.." nilingon ko si Daddy, ni hindi rin siya makatingin sa akin.

Kumunot ang nuo ko at muling nilingon si Lolo. Ngayon ay pansin ko na ang pamumutla ng nuong mukha niya. May kapayatan na rin siya ngayon, nakakapagsisi.

"Lo, sabihin mong hindi iyon totoo.."

Malalim ang kanyang buntong hininga bago ako naluluhang tinitigan sa mata. Napayuko ako nang napagtantong tama ang sinsabi nila.

"W-why didn't y-you tell me..." halos wala nang lumabas ng boses sa bibig ko nang dahil sa mahigpit na pagpipigil ng luha.

"Kay Jihoon ko ibinigay ang lahat...malapit na ang o-oras ko...nangako siayng aalagan ka niya , basta--"

"No! I don't want to! Alam mong wala akong tiwala sa iba! Bakit mo ako ibibigay?" galit na bulong ko. "Magpapagamot tayo, marami akong kilalang magagaling na Doktor sa ibang bansa! Hindi tayo susuko Lolo!"

"Kahit magpagamot tayo apo...ito pa rin ang nakasaad sa usapin bago kita amponin para maging l-legal na guardian mo. Kung hindi sila pumayag ay wala ka sa akin ngayon.."

"Per-"

Kusa akong napatigil ng tuluyan siyang yumuko. Nagagalit akong isipin na alam kung napapa walang halaga ang mga pinaghirapan niya! Nakakainis rin ang ibibigay niya lang iyon basta basta! Alam kung kapatid niya iyon, pero hindi ako kunbinsido, alam kung may masamang balak siya at kasama niya pa Tatay kong imbis na ipagtanggol ako rito ay mas pipiliin pang makita akong nagmuumukhang tanga sa harap ng iba!

"Ako na ang guardian mo mula ngayon. Kaya lahat ng sasabihin ko ay susundin mo, lahat ng sa iyo ay akin na mula ngayon wa---"

"Shut up! Your ass! Walang sayo, huwag ka masyadong magsaya dahil hindi ako papayag!"

"Then do what you want!" aniya sabay tumawa na naman ng malakas! Nakakabwisit ang tawa niya!

"Bwisit kang matanda ka , sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw sa susunod!"

"Guard! Palabasin niyo ang isang to!" sabay niya sa sigaw ko!

Halos masuntok ko ang mga gurad na natulak sa akin palabas roon. Napadapa ako sa sahig ng itulak nila ako.

Yon na nag pinaka masamang gabi ko. Gusto kong maiyak sa sitwasyon. Hindi ko maisip ang mga kayamanan, iniisip ko si Haraboji! Nasa loob pa siya at sigurado akong kung ano anong mga salita ang maririnig niya sa mga tao roon! Lalo siyang mae-stress! Baka yon pa lalo ang magpahirap sa kanya!

"Ahhhh!" napasigaw na lang ako sa sobrang galit!

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakikinig sa mga sinsabi niya. Ramdam ko ang paghiga niya sakin sa generator at doon ay kinumutan niya ako gamit ang isang balabal. Wala ako sa wisyo pero alam ko kung sino siya.

"Hayss..Huwag ka mag-alala..Hindi ka iiwan ni Casper. Basta sabihin mo lang."

Lahat ng sakit ng buong araw na iyon ay panandalian nawala.