webnovel

A Love Story of a Lifetime

Preface:

Si Jaymie ay isang simpleng babae na may matagal ng lihim na pagsinta kay Liam.

Si Liam ay senior classmate naman ng matalik na kaibigan ni Jaymie na si William.

Parehong genius at sikat sa school sina Liam at William.

Ngunit masyadong serious at may pagkanerdy naman itong si Liam kaya kahit na sikat ay hindi niya napapansin ang kasikatan na mayroon siya dahil nakatuon lamang palagi ang attention at focus niya sa mga studies niya.

Mahilig din siyang magpinta at mgsulat ng mga novel.

At may itinatagong talento sa pagkanta na walang nakakaalam ng talento niyang iyon kundi ang childhood at bestfriend niyang si Samantha na sa kasalukuyan ay nag-aaral abroad.

Tanging si Samantha lang ang babae sa buhay ni Liam bukod kay Bianca na nakatatandang kapatid ni Liam na maagang pumanaw dahil sa karamdaman nito sa puso.

Anim na taon pa lamang si Liam nang pumanaw si Bianca n tumayong ate at kaibigan ni Liam.

Dahil na rin sa pagiging kakaibang bata ni Liam kaya madalas siyang mapagtampulan ng tukso at madalas din siya mabully.

Tanging si Bianca lng ang nagiging kakampi ni Liam nung mga bata pa sila. Dahil mismo ang mga mgulang nila ay hindi maintindihan si Liam.

Bagaman naturingan o ipinanganak na genius si Liam ay mas nais pa din niya na maging normal na gaya ng ibang bata.

Ngunit iba kasi ang level ng kakayahan ni Liam kung kaya't nagiging tampulan siya.

Hindi pa siya nag-aaral ay nagagawa na niyang maresolve ang mga bagay n pang high school at college na.

Weird kung ituring siya ng iba.

Kaya ganoon na lamang kabigat para kay Liam ang biglang pagkawala ng nakatatandang kapatid na si Bianca.