"Ate Kate, bakit mo sya dinala dito?! Paano pag nalaman ni Daddy na andito sya? Paano kung .... "
"Shhhhh..."
Pinigilan ng dalawang daliri ni Kate si Eunice sa pagsasalita.
"Ano bang problema mo Eunie? Wala ka namang masamang ginagawa! Andito sya because he needs help with his accounting and your here para tulungan sya! Anong masama duon e lagi mo naman ginagawa yan!"
"Pero Ate Kate .... !"
"Ano bang problema? Si Jeremy ba? Feeling mo ba that your cheating on him? Why?"
Natahimik si Eunice.
Ano nga bang dahilan? Umaasa ba sya na one day darating si Jeremy gaya ng isang prince charming sa mga nobela?
Napakagat na lang sa labi si Eunice. Ano nga bang dapat nyang ikatakot, magtututor lang naman sya?
'At totoong cute sya lalo na ang eyes nya na laging nakangiti!'
"Tama ka nga Ate Kate, nagtu twinkle nga ang eyes ni Besh!"
Sabay turo kay Mel na ngayo'y kausap si AJ.
"Uhm, Mel may problem ba?"
Tanong ni AJ kay Mel.
Nahahalata kasi nyang may pinagtatalunan ang magpinsan at feeling nya sya yun.
"Wala naman AJ, ganyan lang talaga yang magpinsan pag nagkikita! Super close kasi sila!"
Sagot ni Mel na nakasalo sa mga kamay nya ang baba habang kausap si AJ.
"Buti napapayag ka ni Kate MyLabs na sumama dito sa San Miguel!"
"Sabi nya kasi tutulungan nya ako sa problema ko sa accounting, ang baba kasi ng grades ko!"
Nagbibiro man si Kate ng tuksuhin nya si Mel nuon, pero ngayong may tila kirot sa puso nya habang pinagmamasdan nya si Melabs nya na nagpapacute kay AJ.
Lalo na ng lapitan nilang magpinsan ang dalawa, imbis na manatili si Mel sa pwesto nya, tumabi ito kay AJ at hindi inalis ang tingin nya dito.
***
"Bagay sila!"
Sambit ni Kate kay Mel habang pinagmamasdan nilang tinuturuan ni Eunice si AJ.
"Hmmm..."
Sagot ni Mel sa kanya. Hindi na nito inalis ang tingin nya kay AJ simula ng dumating, kahit saglit hindi man lang nito tiningnan si Kate na parang wala duon.
Nagtataka na si Kate.
"Kaya ko isinama si AJ dito para magkaroon tayo ng privacy! Hayaan mo na sya kay Eunice..."
Sabay lapit kay Mel akmang hahalikan nya ito pero umiwas ang huli
"Bakit Melabs, may problema ba? Kanina ko pa napapansing parang iniiwasan mo ako! Bakit?"
"Baka kasi may makakita sa atin, kung ano pang isipin!"
Sagot nito na hindi man lang tinitingnan si Kate.
"Pero ... tayo lang ang nandito, saka ano namang masama na halikan kita, boyfriend naman kita!"
Pero hindi na sya sinagot ni Mel.
Ang mas kinapikon ni Kate ay sa tuwing lalapitan nya si Mel ay lumalayo ito. Kahit kamay nito hindi man lang nya mahawakan.
Patuloy lang si Mel sa panonood kila Eunice at AJ.
Kaya habang masayang nagkakaigihan sila Eunice at AJ, kabaligtaran naman ang nararamdaman ni Kate.
*****
Sa Maynila.
"Ma, alam nyo po ba, si Papa, ang galing nya! Ang ganda ng kinalabasan nung beetle na nabili namin nung isang araw! Sa sobrang ganda hindi mo aakalain na halos sira sira na ito ng mabili ni Papa! At alam nyo po Mama, may buyer na si Papa sa beetle na yun! Ang galing po ng Papa ko diba!"
Masayang kwento ni Jeremy sa Mama nya pagdating nila ng bahay.
Tuwang tuwa si Elsa, naluha ito sa sobrang tuwa.
"Bakit po Ma? Ano pong nangyari? May masakit po ba sa inyo? Papaaa! Elaine!"
Natatarantang tawag ni Jeremy.
"Bakit? Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw dyan?"
"Si Mama po kasi, umiiyak! Hindi ko po alam kung bakit?!"
"Elsa, sweetie, bakit? Huh?"
"Mmm...mma..sssa...yya ... kko!"
Nagulat ang lahat ng ma realize nilang nagsalita si Elsa.
"Papa si Mama po nagsalita na!"
Naiiyak na sabi ni Elaine.
Pati sila hindi mapigilang umiyak.
Nilapitan nilang tatlo si Elsa at inakap.
"Tama po si Tita Ames, kayo po ang lakas ko! Kaya pangako pong magmula ngayon hindi na po ako magmumukmok sa bahay. Magaaral po ako ulit, kukuha po ako ng mechanical engineer!"
Sambit ni Jeremy.
"Tama yan Kuya! Next year college na rin ako, sabay tayong magaaral para may magbabantay sa'yo!"
"Hahaha!"
Napakamot na lang sa ulo si Jeremy.
Pero masaya sya, masayang masaya sya! For the first time naramdaman din nyang maging masaya na walang inaalang anuman.
At ngayon nakaramdam sya ng saya muling nanumbalik sa kanya ang alaala nya kay Eunice.
'Kamusta na kaya sya?'
*****
Sa San Miguel.
Habang tinuturuan ni Eunice si AJ, bigla syang kinabahan.
Napatigil ito.
"Bakit Eunice, okey ka lang ba? Kung hindi ka okey pwede naman natin itong ipagpabukas!"
"Ha? Wala 'to, okey lang ako! Bigla lang kasi akong kinabahan at nagtataka ako kung bakit!"
Paliwanag ni Eunice
"Sabi nila pag daw bigla kang kinabahan ng walang dahilan, ang ibig sabihin daw nun ay may nakakaalala sa'yo o may nakaka miss sa'yo! Sino bang unang pumasok sa isip mo ng bigla kang kinabahan?"
"Si Jeremy..."
Sambit ni Eunice.
Kanina pa nya pinagtataka kung bakit biglang pumasok sa isip nya si Jeremy e hindi naman nya ito iniisip.
"Si Jeremy, yung boyfriend mo?"
Tanong ni AJ
"The truth, hindi ko alam. Hindi ko alam kung naging kami kaya diko sure kung masasabi ko bang boyfriend ko sya!"
AJ: "???"
"Hahaha! Huwag na nga natin syang pagusapan, bumalik ka na sa ginagawa mo! Focus! Isang buwan na tayong nagtuturuan hindi mo pa rin makuha yan!"
"Pero paano ba naman ako makaka focus, tingnan mo yung dalawa..!"
Sabay turo kila Kate at Mel.
".... may LQ ba yang dalawa?"
"Ewan ko ba dyan sa dalawang yan, dati naman ang sweet sweet ngayon diko maintindihan!"
***
"Melabs ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo, bakit ganyan kana ngayon?"
Tanong ni Kate.
"Kate MyLabs, nagiingat lang ako, mahirap na! Ayokong magisip sila ng masama tungkol sa atin!"
Naiintindihan ko na nagiingat ka sa iisipin ng ibang tao kapag nagkaroon tayo ng physical pero yung hindi mo pagsagot sa mga text ko, pagiingat din yun?"
"Sumasagot naman ako ng hello pag nagtetext ka!"
"Yes, and after hello what? Nothing! You stop at hello, why?
"Uhm, hindi ko kasi naisip na kailangan kong sagutin ang text mo, I mean, ang sinasabi mo lang naman sa text mo is kung nasaan ka na, ano ng ginagawa mo... etc."
Sagot ni Mel.
"Mel, tapatin mo nga ako, may problema ba tayo?"
"Wala! Okey naman tayo diba? Maupo ka na nga dito at nawiwindang ka na naman dyan!"
Huminahon na ang nagaalburutong kalooban ni Kate ng akbayan sya ni Mel at iupo sa tabi ng inuupan nya. Nangiti ito.
Pero....
Nadismaya sya ng makitang imbis na tabihan sya nito ay duon naupo sa kabilang silya.