webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · คนดัง
เรตติ้งไม่พอ
41 Chs

Baby 1

"Take off your clothes."

Malumanay lang ang pagkakasabi nya ng mga katagang iyon pero punung-puno ng awtoridad.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Ang totoo hindi lang kamay ko ang nanginginig.

Pati yata buong pagkatao ko.

Ano ba naman kasi itong pinasok mo Mary Anne Enriquez?

"Are you just going to stand there the whole time? Or do I need to remind you of our deal?"

Sabi pa rin ng lalaki ng wala man lang kaemo-kaemosyon.

Robot ba sya?

Bakit parang wala lang sa kanya yung gagawin namin?

Kunsabagay, wala naman feelings involved dito.

Pero ano pa bang inaarte ko eh pumayag naman ako?

Huminga muna ako ng malalim at pumikit bago nag-umpisang alisin ang butones ng blouse ko.

Kaya ko 'to!

Kaya ko' to!

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang hinuhubad ang blouse ko.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko nang tuluyan kong mahubad ang blouse ko.

Huminga ako ulit ng malalim bago abutin ang butones ng palda ko sa likod.

Sunod kong ibinaba ang zipper ng palda.

Marahil sa pagpipigil ko ng hininga kaya kusang bumaba ang palda ko.

Nakatayo ako sa harapan ni Mr. Dominic Royce Barton na tanging bra at panty na lang ang suot.

Ayokong imulat ang mga mata ko sa sobrang hiya na nararamdaman.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko para takpan ang kahubdan ko.

Pero ano bang silbi non?

Naramdaman kong naglakad sya palapit sa akin.

Mas lalo kong idiniin ang pagpikit ng mga mata ko.

Nasa harapan ko na sya.

Ramdam ko kahit nakapikit ako.

Naaamoy ko ang pabango nya.

"Open your eyes."

Umiling ako.

"I'll kiss you if you don't!"

Agad akong nagmulat ng mata.

"Teka wala sa..." pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop nya na ang labi ko.

Bakit nya ako hinalikan?

Sabi nya...

Hinawakan nya ang mukha ko para mas lalong magdikit ang mga labi namin.

Nanghihina ang mga tuhod ko sa paraan ng paghalik nya.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit.

Hindi ko rin alam kung gusto ko ba syang itulak o hilahin.

Pero bago pa ako makapagdesisyon ay humiwalay na sya sa labi ko.

"Is this what you really want Ms. Enriquez?"

Napatulala ako sa tanong nya.

Is this what I really want?

Bakit nung unang pumasok sa isip ko ang plano ko ay parang napakadali lang ng lahat?

I wanted a baby.

I still do!

Tumalikod sya sa akin at nag-umpisang maglakad palabas.

"You don't need to do this!"