webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · สมัยใหม่
Not enough ratings
101 Chs

Chapter 52 he's here

"Kuya, kuya!" ginising si Yra ng malakas na katok sa pinto ng kwarto nila ni Jion, "Kuya open the door!"

"wait, magbibihis lang ako!" pinanood lang ni Yra ang nobyo habang isa isang isinusuot nito ang mga hinubad na damit ng nagdaang gabi, buti nalang at nagising siya sya kaninang madaling araw para magwiwi kaya naisuot na nya lahat ng damit nya.

"Bakit ba?" tanong nito sa kapatid na si Cielo.

"Kuya I have a very big problem! itago mo ako!" anito at dumiretso ng pasok sa loob ng kwarto nila.

Bumangon na si Yra at naupo sa kama, tumabi naman sa kanya si Cielo.

"Bakit, sino na naman bang inutangan mo?" kunot noong tanong nito sa kapatid.

"Kuya hindi ako nangutang!" naiiyak na sagot nito, "Si Vince kase eh!"

"What about him?"

"Last night I was drunk and I, and I-" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil biglang pumasok si Vince sa kuwartong iyon, ng makita naman ito ni Cielo ay biglang hinagip ang kumot na gamit ni Yra at itinaklob sa ulo nito.

"Hey you!" nilampasan lang ni Vince si Jion at tuluyan na nitong binalot ng kumot ang buong katawan ni Cielo "This brat and I needs to talk." sabi nito habang tinatalian ng necktie nito iyon saka binuhat na parang sako ng patatas si Cielo na di makakilos dahil sa pagkakabalot dito, "Pahiram muna nitong kumot mo!"

"Go ahead!" sagot lang ni Jion dito.

"Kuya, Kuya!" sigaw naman ni Ceilo habang inilalabas ito roon ni Vince.

"Hoy!" tinapik niya ang nobyo sa likod, "bakit pinabayaan mong bitbitin ni Vince yung kapatid mo? di mo man lang inalam kung anung nangyayari sa dalawang yon!"

"Medyo matigas kasi ang ulo ng kapatid ko kaya kung minsan kailangan talagang disiplinahin ang isang yon."

Hindi na nagtanong si Yra, since bestfriend nito si Vince siguradong walang gagawin iyon na ikakasama ni Cielo.

"Maganda ang kinita natin ngayun buwan!" ani Heshi nang matapos ang computation nila ng kita. "Konting sikap pa!"

"Thanks God! nakasurvive ang unang kwarter ng negosyo natin." sabi niya rito, "Nung una puro tayo kaba kase isinugal natin lahat ng ipon natin para dito. Pero ngayun mukhang sumasang ayon sa atin ang panahon!"

"Mam kanina ko pa nakikita dito sa monitor yung lalaki sa labas." saad ni jenny na nakabantay sa monitor ng CCTV.

Nilapitan nila iyon at tiningnan ang sinasabi nito, lalaking nakabullcap at naka tshirt na itim, habang nakarubber shoes. Para itong player ng soccer sa laki ng pangangatawan nito.

"Mam yummy ang isang yan! dading daddy ang dating, aahhh!" malanding sabi ni Anjo bago lumapit sa may pinto para makita ng mas malapitan ang lalaki pero bigla ding bumalik sa pwesto nila, "Mam Yra, diba si Sir Khalix yung lalaki sa labas?"

"huh?" lumapit na rin siya sa pinto para kilalanin ito, "Oo nga no! Sino kayang hinihintay nya?"

"Labasin mo na mam, tanungin mo bilis!" tulak sa kanya ni Jenny.

Bubuksan na sana niya ang pinto pero hinarangan ito ni Juan Pablo. "Mam, pinagbilin po sa akin ni Sir Jion na hindi ka pwedeng makipag usap sa kanya maliban kung tungkol sa trabaho." saad nito habang hindi umaalis sa pinto.

Nagtataka naman siyang tiningnan ng mga kasamahan, "Hinatid niya kase kami ni Marjo kagabi, tapos nakita sya ni Jion, kaya ayun!" kabit balikat niyang sagot sa mga ito, babalik na sana sya sa counter dahil sigurado naman siyang hindi sya makakalapit sa lalaki ng biglang magtakbuhan palapit sa kanya ang tatlo nilang empleyado.

"Mam buti kapa may daddy Jion, si mam Heshi naman may daddy Juno! pano naman kami? nga nga!" pangungulit sa kanya ni Anjo, "Sige na mam please sasamahan kita don sa labas, lapitan na natin si superman!"

"Kay Juan Pablo ka magpaalam, pag pumayag syang palapitin ako jan sasamahan kitang lumabas!" aniya dito.

Si Pablo naman ang nilapitan ng tatlo, "Oy John Paul, sige na naman payagan mo na si mam Yra na lumabas!" para naman itong nakuryente ng hawakan ni anjo sa braso kaya iwinaksi nito iyon.

"Hindi nga pwede, utos ni sir Jion sakin bantayan si mam Yra, hindi sundin kayo!" striktong sagot nito.

"Damot naman nito!" angil ni Marjo, "Di man lang maawa sa aming mga walang jowa! hmmp!"

Para naman silang may push button ng pumasok doon si Khalix, biglang nagsitahimik ang mga tauhan nila na parang may anghel na dumaan, animoy mga seryoso empleyado na nagtatrabaho ng husay!

"Hi Sir, " bati niya rito, "may kailangan po ba kayo tungkol sa event kahapon?"

"Wala naman, I'm just waiting for my friend kaya lang di pa dumarating. Kamusta ka?" diretso ang tingin nito sa kanya na parang walang ibang tao roon. "hindi ba kayu nag away ng kuya mo kagabi?"

"Ahm, hindi naman po, maunawin naman po ang isang yun!" napangiwi nalang sya sa tanong nito.

"Wala pa yung kaibigan ko, Pwede ba akong tumambay dito sandali? medyo mainit kase don sa labas eh!"

"a sure! pwede naman po Sir, maupo muna kayo jan." Itinuro niya rito ang bakanteng silya malapit sa pinto.

"Thanks." saka siya nginitian nito.

Aww, Shit! ang mga mata ko parang nakakita ng kidlat sa dilim! siniko sya ni Heshi para matanggal ang pagkaka pagkit ng mata niya sa lalaki.

"Kambal, kailan kapa nagkaroon ng kuya?" natatawang bulong sa kanya ni Heshi.

"Kagabi lang!" bulong din niya rito, "Ang masaklap pa nito, nalaman ni Jion na sinabi ko jan na nakikitulog ako sa bahay ng kuya ko!"

"Talaga! anong sabi ng lolo mo? galit ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Well, medyo!" bahagyang nag init ang pisngi ni Yra ng maalala ang parusa nito sa kanya, they make love habang nakatali ang dalawang kamay niya sa headboard ng kama at namumula pa rin ang pisngi ng pwet niya sa kapapalo nito roon, pero imbis na magalit ay parang mas nag enjoy pa nga siya sa ginagawa nito.

"Hoy, anung iniisip mo dyan!"

Para namang bumalik sa realidad si Yra ng kalabitin siya ng kaibigan, "Wala, may naalala lang ako!" syempre hindi nya sasabihin dito na may pagka wild pala ang nobyo niya.