webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 94

Kinatanghalian,

"Goodbye Class you may take your lunch." Ang sabi ni Prof Arnie.

"Bye Prof.." Anila at nag ready na ang lahat sa pag alis at may lumapit na mga kaklase kay Kelly.

"Kelly, anong pangalan ng mga kasama mo?"

"Oo nga pakilala mo naman kami."

Kelly: Ha?

"Sige na Kelly mag kakalase naman tayo eh sige na." Ang sabay-sabay na sabi nung mga kababaihan kay Kelly.

Kelly: Ha? A---ano kasi..

"Hep! Tantanan niyo na nga si Besh kung gusto niyo lumapit dun sa apat kayo mismo gumawa nun!" Ang sabi ni Mimay at hinila niya na palabas si Kelly.

"Ah...eh....Sige na girls got to go." Ang pahabol na sabi ni Kelly habang hila-hila siya ni Mimay.

"Sigh..." Ang pabuntong hininga nung mga kababaihan.

"Wag na kayong mas sad girls andito pa naman ako." Ang sabi ni Vince.

"Tsss...may gagawin pa pala ko girls."

"Oo ako rin."

Vince: Girls? Sandali lang.

Hinila naman na siya ni Harvey "Halika na!!!" Aniya.

Dave: Ako rin pwede naman girls.

Hinala na rin siya ni Harvey "Isa ka pa'y!!!

"Sandali lang girls!!!" Ang pahabol na sabi nung dalawa habang hila-hila sila ni Harvey.

Habang naglalakad "Ahm...Mims, bakit parang naiba ata ang ihip ng hangin? At di mo na bet yung apat?" Napalingon siya "Sandale, nasan na sila?" Ani Kelly.

Mimay: Andiyan lang yun hayaan mo nga sila.

Kelly: Sabagay, nakakauma na nga eh ikaw bakit di ka ata nagkakandarapa sa mga yon?

Mimay: Ahhh...wala lang kaya ko lang naman sila sinusundan kahapon kinikilatis ko sila para sayo eh...mukhang okay naman.

Kelly: Ha?

MImay: Syempre sila ang magbabantay sayo eh kailangan safe ka lalo na dun sa baliw na kapatid ni Patrick.

Kelly: Yeah...pero don't worry ako pa ba?

Mimay: Yeahh...

At nag apir sila "Nga pala, kamusta kayo ni Dave parang di ka niya pinapansin?"

Mimay: Ahhh...hayaan mo siya nag iinarte.

Kelly: Tapatin mo nga ko gusto mo ba talaga sya dahil mahal mo siya o dahil wala ka lang choice?

Mimay: Di ko na nga rin alam eh nakita ko si Harvey kahapon hinatid niya si Bella alam mo may kirot dine sa puso ko na di ko mawari.

Inakbayan niya si Mimay "Ayos lang yan wag kang mag-alala magiging okay rin kayo ni Dave kalimutan mo na si Harvey.

Mimay: Pero...

Kelly: Alam mo sabi ni daddy nun kila kuya "Kapag para sa inyo ang isang babae kahit di naging kayo sa una sa huli maglilihis at maglilihis ang landas niyo at kung parehas kayong single sa panahong iyon "Grab the opportunity" para maging kayo."

Mimay: Oh? May point yung daddy mo sana pala nakilala ko rin siya ano? Siguro kalog din yun gaya mo kamukha mo raw ang daddy mo eh.

Kelly: Um...yun ang sabi nila anyways, san pala tayo pupunta? Nagugutom na ko bakit papunta tayo ng HRM department?

Mimay: Aba, oo nga...sa canteen dapat eh bakit ba dine kita nahila.

Kelly: Ba'y ewan ko ba naman sayo.

"Kelly?" May tumawag kay Kelly at pag lingon nila "Aliyah!!!!" Anila at lumapit ito sa kanila at niyakap nila ang isa't-isa.

Kelly: May pasok pala kayo ngayon?

Aliyah: Um...may long test nga kami eh kayo saan kayo pupunta lunch na ah di pa ba kayo kakain?

Mimay: Ah...eh...mahabang istorya.

Kelly: Ikaw saan ka pupunta?

Aliyah: Sa canteen iniwanan kasi ako ng mga tukmol kong pinsan eh.

Mimay: Tara sumama ka na rin samin susunduin ka talaga namin dine eh.

Kelly: Talaga lang huh?

Mimay: Oo beshie kaw naman.

Kelly: Bahala ka nga pero tara Aliyah.

Aliyah: Okay.

At masayang naglakad yung tatlo samantala sa canteen "Nasan na yung dalawang yon?" Ang sabi ni Vince.

Harvey: Ang babagal niyo kasi ayan tuloy di na natin makita yung dalawa.

Dave: Andiyan lang yon hayaan nyo na.

Siniko ni Vince si Dave "Sabihin mo nag away kayo ni Mimay no?"

Harvey: Bakit? Pagpasensyahan mo nalang matigas din kasi talaga ang ulo nun.

Dave: Ewan ko dun sya pa may ganang magalit sakin eh sya nga ireng humaling na humaling dun sa apat na body guard ni Kelly siya na nga ireng inaayang kumain ako pa rin ang masama. Humph! Bahala siya.

Vince: Sandale, andine yung apat asan si Kelly?

Harvey: Aba'y oo nga ano? Bakit tayo na ang sinusundan ng mga ire imbes na si Kelly?

Dave: Tsss...

"Waaah... Ayan na si Chollo!!! Nag gugwapuhan din talaga ang mga pinsan niya noh?" Ang sabi nung isang babae.

"Oo nga eh mga single pa kaya sila?" Sabi nung ibang babae at narinig naman iyon nung tatlo.

Harvey: Sino raw yon?

Vince: Sila Chollo daw sikat pala yung tukmol na yan sa mga kababaihan dine sa DLRU?

Dave: Malamang! Vlogger yan, silang apat actually.

Vince: Eh? Totoo? Ano namang content?

Harvey: Ahhh...oo nakita ko nga ang mga yan isang beses nung naghahanap ako nung link kung paano magluto ng chicken curry.

Vince: Eh? Ikaw nagluluto?

Harvey: Aba oo naman 8 kaming magkakapatid kaya kailangang gumalaw.

Dave: Ang sipag naman ng nanay at tatay mo.

Harvey: Well, di nga halata eh.

Vince: Buang! Tara na nga umorder na tayo ng pagkian.

Dave: Paano sila Mimay?

Harvey: Ayos lang yun mamaya laang eh andine na rin mga yon si Kelly pa.

Vince: Exactly Bro.

Dave: Pero...

Hinala na siya ni Vince at sa di inaasahan nakabunguan niya sila Chollo "Hey! Are you blind?"

Vince: Ay, sor---ikaw???

James: Oh, the one that Aliyah's...

Tinakpan ni Daniel yung bibig ni James "Ano yon?" Ang sabi ni Vince.

Daniel: Ah? Nothing mind your own business.

Vince: Tsss..as if I care.

Chollo: Lets go guys, di naman sila worth it paubusan ng oras.

Vince: Anong sabi mo???

At nagkaroon ng alitan sa dalawa at nakita iyon ng mga nasasa loob ng canteen "Uhhh...mukhang may magaganap na rumble."

"Oo nga masaya ito."

Bumulong si Harvey "Bro, marami ng nakakkita baka magkagulo dito lagot tayo."

Vince: Wala akong pakialam Pre sila itong nanguna eh.

Dave: Pero Pre, tatlo lang tayo apat sila.

Ang sama ng tingin ni Vince at nagsimula ng mag stretching "Aba!! Mukhang naghahamon talaga Bro." Ang sabi ni James.

Chollo: Huh! Bring it on baby!

Vince: Baby my ass you ASSHOLE!

Chollo: ANO?!!! Talagang ginagalit mo ko!!!

Akmang magsasakan na yung dalawa pero biglang may sumigaw ng "VINCE!!! CHOLLO!!! ENOUGH!!!"

At paglingon ng lahat "Ke—kelly?" Ang sabi ni Chollo at A---liyah???" Ang sabi naman ni Vince.

"Okay, tapos na po ang agenda dine magsibalik nap o ang lahat sa kani-kanila nilang kinauupuan at wag kakalimutang ITAPON ANG BASURA SA TAMANG TAPUNAN!!" Ang agaw pansing atensyon ni Mimay.

"Ba naman yan kala ko mag sasapakan na." Ang sabi nung ilang nanonood.

Mimay: Wala na nga kuya hala sige balik na!!!

"Sigh...si Mimay talaga." Ang sabi nila Harvey at Dave samantalang natulala naman si James kay Mimay "Ang cool talaga niya."

Daniel: Ano? Nabangag ka na naman hoy Wayne tulungan mo nga ako sa abnormal na ire."

Paglingon niya "Wayne? Wayne??? Nasan na yun?" Dagdag pa niya at pagkita niya si Wayne naman ang tulala kay Kelly "Anak nang! Ano gang nangyare sa inyo???"

Samantala hingi naman ng hingi ng tawad yung dalawa kila Kelly at Aliyah "Ah...eh...Kelly, hindi ko alam na may pasok ka pala ngayon kamusta ka na?" Ang sabi ni Chollo na wari'y nahihiya "H---Hi Aliyah, thankyou for accepting my request on I.G."

Aliyah: Wala yon.

Kelly: Hep! Tamana yang harutan ikaw Vince halika dine!

Vince: Ha?

Kelly: Bilisan mo!

Vince: O---oo andiyan na.

Piningot niya ang tenga ni Vince "Awww...Kelly naman di naman ako yung na una yang mayabang na Chollo na yan."

Chollo: Ano??? Baka gusto mong!!

Aliyah: CHO---LLO!!!!

Hinila siya ni Aliyah "Hey, what are you doing I'm not done with that jerk!!!"

Aliyah: Halika na!!!!

Chollo: Pero kakain pa ko!

Ang sama ng tingin ni Aliyah sa kaniya "Sasama ka ba ng maayos o kakaladkarin talaga kita?"

Chollo: O---Oo eto na nga bye my darling Kelly.

Kelly: Tsss...psycho!

Aliyah: Halika na! Kelly dear ako ng bahala dine.

Kelly: Ah? O—oo sige ko na ring bahala sa pinsan kong ire..

Vince: Bitawan mo na yung tenga ko.

Kelly: Heh!

Aliyah: Hoy! Kayong tatlo sumunod na kayo!

Daniel: Oo andyan na...kayong dalawa tara na.

Hinila na rin niya sila James at Wayne na tulalang tulala kila Mimay at Kelly at umalis na ng ng canteen yung mag pipinsan "Bakit di na kumain ang mga yon?" Ang sabi ni Mimay.

Kelly: Malay?

Vince: Kelly, yung tenga ko.

Kelly: Haist...

At binitawan niya nga yung tenga ni Vince "Oh? Saan ka pupunta?"

Kelly: Oorder siguro ng makakin kasi nasa canteen ako? At tanghali na? Tsss...bungol!

Vince: Sandali lang bakit kasama mo si Aliyah?

Iniwan siya ni Kelly "Ewan ko sayo."

Vince: Hey sandali lang.

Hinabol naman niya si Kelly "Oy inatayin niyo ko." Ang sabi naman ni Mimay "Oh? Ikaw di ka ba sususnod?" Ang sabi ni Harvey.

Dave: Hindi na pakisabi nalang uuna na ko sa classroom.

Harvey: Ha? Hindi ka ba kakain?

Dave: Wala na kong gana.

At tuluyan na nga siyang umalis "Anong problema non?" Ang nasabi ni Harvey pag alis ni Dave.